The Project Gutenberg eBook of Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)

This ebook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this ebook or online at www.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook.

Title: Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)

Author: Pantaleón S. Lopez

Release date: November 7, 2005 [eBook #17023]
Most recently updated: December 12, 2020

Language: Tagalog

Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net.
Special thanks to Matet Villanueva, and Ateneo Rizal
Library-Filipiniana Section for helping to reconstruct
some portions of this project. (This file was made using
scans of public domain works from the University of Michigan
Digital Libraries.)

*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK APÔ-APÔ (ZARZUELA) AT KUNG SINONG APÔ-APÔ (KASAYSAYAN) ***

Cover Image

"APÔ-APÔ"

(ZARZUELA)

"Kung sinong Apô-Apô"

(KASAYSAYAN.)

Pantaleón S. Lopez

MAYNILA

Limbagan nina Fajardo at Kasama
Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz

1908.


TALAAN NG NILALAMAN

"APÔ-APÔ" (ZARZUELA)

"Kung sinong Apô-Apô" (KASAYSAYAN.)

Sa aking Bayan

  1. Kung sinong Apô-Apô.
  2. Ang pag-owi sa bahay ni Kadiliman.
  3. ¡Ang pakikipagkita ni Kadiliman sa canyang mg̃a casama!
  4. Kung ano ang Teatro at pagkikita ni Tengteng Kamagong at Agong Kadiliman.
  5. ¿Anong laya ng̃ isang tawo?
  6. Ng̃ si Kadiliman ay nahihiga dahil sa sakit na taglay.
  7. Ng̃ Pagsaulan na ng̃ hining̃a si Kadiliman.
  8. Ng̃ hing̃an ng̃ liwanag si Kadiliman ni Giday Lasenga.
  9. Nang napanaginip ni Kadilimang siya'y kausap ng̃ isang makata.
  10. Ang Pagkikita ní Tenteng Kamagong at Bakokoy.
  11. Ang pagsasalo-salo sa bahay ni Kadiliman.
  12. Nang naglulubha si Kadiliman.

Zarzuelang tagalog na may isang bahagi, ikatha ni P. S. Lopez, at tugtugin ni Mateo Varios na pinamagatang:

"APÔ-APÔ"

MG̃A TAO SA OBRA.—MG̃A ARTISTA.

SoledadG. Máxima Gonzales.
MaríaBb. Petrona Polintan.
LudovicoG. P. S. Lopez.
Tio Agong»   F. P. Ballecer.
Bakokoy»   Juan Bernabe.
Tio Pedro»   E. Peña.
Totong»   F. Peña.

KAPISANAN NG̃ PANDAY.


Decorative motif
Páhiná 5

Tanging bahagi

Pagbubukas ng̃ tabing mamamasid ang isang taller ng̃ pandayan si Ludovico at mg̃a panday.

ESCENA I.

MUSICA No. 1.

Coros.—Itong ating kabuhayan
ang mag panday gabi't araw
siyang tang̃ing kabuhayan
ng̃ kapatid at magulang.
Ludovico.—Kapalara'y sinakbibi
kabuhayay kinandili
at guinhawa'y humalili,
palad ng̃aning tantong apí.
Coro.—Bawat palo ng̃a sa bakal
ng̃ martillong nasa kamay
pawis nag tagtagastasan.
sa katawang ng̃ lulumay.
hot, hot, hot,

SALITAAN.

Agong.—Luduviko kapatid ko:Páhiná 6 dahil saiyo ay diko maikakailâ na ako'y guminhawâ sanhî sa mabuting iyong pamamanihala nitong aking kabuhayan.

Vico.—Diko po itinuturing.

Agong.—Sa gayon ay maraming salamat aalis.

Pedro.—Kaibigan ayon sa kainaman mong ugali dika sukat mag tiwalâ ng̃ labis sa ating apô-apôan, sapagkat dinguín mong madalas asalin niyan:

Iyan ay walang ugaling makisama sa di niya mauulól, at marunong gumalang sa matwid, siya,i, di mopa kilalá dahil sabago kapang nakakasama ¿gaano nabang panahon ang iyong pagkalagay dito?

Vico.—Dalawang taon lamang.

Pedro.—¿Gasino na ang dalawang taon? ako'y nakilala ko pati inunan niyan at sa katunayan, iyan ay pang-ulo ng̃ isang tungkos na inútil at walang ini-isip kung di ululín ang mg̃a kaawa-awa, walang bigóng kilos na di pinagkakagasta; at ang bawat hindi umamin sa linsad niyang paraan ay tuturang walang pag-ibig sa lupang kinamulatan.

Vico.—Katoto: masalág ko ang iyong pang̃ung̃usap, si Tio Agong ay walang kasalanan, sapagkat sa bayang walang napakukutos, ay walang mang̃ung̃utos, tuturan mong siya'y pang̃ulo ng̃ isang kapisanan. ¿Hindi mo ba natatalos yaong wika: Na sa bayan ng̃ ulol walang Hari kundi ang gungong? Kaya wala sa gunam-gunam ko ang ako'y kaniyang Páhiná 7pagtaksilan.

Pedro.—Ito'y sinabi ko lamang, huag mong lílimutin yaong wika: na ang mapagkatiwala madalas mapang̃anyaya iyong tatandaan aalis.

Lalabas si Soledad Malungkot.

ESCENA II.

Soledad.—Guiliw kong asawa! bagaman,t, mahapdî,
sa puso,t, panimdim ang isasangunî,
pag iinutan ko, na maimungkahî
sabahay naito'y huag mamalagui.
Vico.—Ikaw'y asawa ko ano mang masapit
ikaw lang ang tang̃ing sa dib-dib naguhit
nag papagal ako kasi ko at ibig
sa iyo ang dahil....
Soledad.—Dinguin mo ang sulit:
Ibig kong sa bihin ng̃ayong ipamalay
sa iyong kasamá ikaw,i, humiwalay.
Vico.—Ang lahat mong sabi aking hahadlang̃an
pagkat diko ibig at di katuiran.
Ako'y kilalá mong inanák sa pagod
sapagtatrabaho'y nabuhos ang loob
ang pandayang ito kung kaya lumusog
ay dahil sa akin.
Soledad.—¡Maawain kong Dios!
Vico.—Talastas mong dati ang aking puhunan
sa pandayang ito'y madlang kapaguran
ng̃ayong sumapit na ang pakikinabang
manghihikayat kang akoy humiwalay.
Soledad.—Dinguin aking guiliw itong isasaad
na sa pagkahimlay aking na pang̃arapPáhiná 8
ang taksil na Agong magdarayat sukab
at sa may asawa ay nang̃ung̃ulimbat.
Tang̃i pasarito ang dulong himutok
ng̃ nag bigay agam aking bung̃ang tulog
kahiman daw lang̃ít ang iyong idulot
kagantiha'y lason.
Vico.—Bibig mo'y itiklok aalis si Vico

MUSICA No. 2.

(2 ulit) (Anong sakláp na damdamin
itong aming nararating
ang asawang guiniguiliw
walang tiguil sa pagdaing) (2 ulit.)
(2 ulit) (¡Oh! Bathalang lubhang mataas
asawa koy iyóng iligtas
sa mg̃a madláng bagabag
malayô sa tanang hirap.) (2 ulit).

SALITAAN.

Soledad.—Hindi malang̃ap ko
ang mg̃a insal
ng̃ lilong si Agong
may asal halimao
hindi na nang̃imi
pag sinta'y ialay
¿sa isang gayako?

ESCENA III.

Lalabas si Pedro, may dalang sulat.

Pedro.—Soledad pag masdan.Páhiná 9

Soledad.—Tio Pedro, ikaw po,i, manaing̃a: natatanto ko po na ikaw ay may dang̃al na taglay, kung ako po ba'y may ipag tapat sa iyo, ikubli mo po kaya.

Pedro.—Ah, Soledad puputok sa lupa, ng̃unit sa aking dila ay hindi; turan mo.

Soledad.—¿Ano po ba ang pagkakilala mo kay tio Agong?

Pedro.—ha, ha, ha. Isang tawong lasengo, ang sinabi sa umaga na lilimutan sa hapon, isang ugaling muy ordinario, baga man mauban, ang laman ng̃ utak ay kamangmang̃an, isang tawong mapag-ulol sa kababayan, isang tawong madalas sangkalanin ang bayan, isang tawong mapag apôapôan, isang tawong hantik pa sa limatik, isang tawong mapagpasamba sa tanto niyang hang̃al, isang tawong tumandâ sa pagkabusabos, at isang tawong....

Soledad.—Hintay ka po muna.

Pedro.—Ah, hindi mona maa-awat, isang tawong kung hindi mo alintanahin ang kanyang....

Soledad.—Tapusin mo na po.

Pedro.—Aba ay tapos na ng̃a, ¿ano naman ang ipagtatapat mo sa akin?

Soledad.—Marahil po'y tanto mo, na kung hindi dahil kay Ludovico, ay hindi uusbong ang kaniyang kabuhayan.

Pedro.—Oo ng̃a, tanto ko, kaya't ang pamarali ni tio Agong, si Ludovico daw ay socio industrial sa pandayang ito.Páhiná 10

Soledad.—Madalumat mo po bang ialay sa akin ang kanyang pag-ibig, madalumat mo po bang nasain ng̃ Agong na iyan, na ihapay ang puri ng̃ kanyang pinakikinabang̃an.

Pedro.—Ito'y hindi ko ng̃a madadalumat at dapat ko namang dalumatin, na baka kaya naman ang ibig niyang mangyari, sapagka't si Ludovico ay socio industrial niya sa pandayan, siya nama'y maging socio industrial ni Ludovico sa iyo ha, ha, ha ... ito'y hindi natin masusukat.

Soledad.—Kaya't yayamang sa aking asawa'y wala akong sukat magagawang paraan upang ipamalay sa kanya ang mg̃a bagay na ito ikaw na po ang magsabi sa kanya.

Pedro.No puede ser hija de Dios.

Soledad.—¿Hindi ka po ba nahahabag sa aking asawa?

Pedro.No puede ser hija de Dios. takot na takot ako sa basagulo, kung iyan ay sabihin ko kay Ludovico at paputukin naman ni Ludovico ang ulo niyan, di pati ako'y hila-hila sa Juzgado.

Soledad.—¿Ano po itong sulat na ibinigay mo sa akin?

Pedro.—Si tio Agong ang nagpapadala sa iyo niyan, huag ko daw pagpapahamakang buksan.

Soledad.—Ng̃ iyo pong matanto babasahin ko sa iyo bubuksan ang sulat.

Guiliw kong Soledad: Gaáno kayang pagtataká ang tatamuhin ng̃ iyong mapayapang Páhiná 11dibdib na kung sa kalatas kung ito'y matantô ang laki ng̃ aking pag-ibig.

Pedro.—Samantalang binabasa mo, dadasalin ko naman ang sampung utos ng̃ Dios, Luluhod. Ang una ibigin ang Dios na lalô sa lahat.

Soledad.—Ini-ibig kita hangang huling tibok ng̃ aking paghing̃a kahi't dios man ang humadlang.

Pedro.—Ang ikalawa huag kang manumpa sa sa ng̃alan ng̃ Dios.

Soledad.—Ikaw ang pang̃ing̃ilinan ko't igagalang.

Pedro.—Ang ikatlo sa lahat lamang ng̃ lingo at pista ka mang̃ing̃ilin.

Soledad.—Soledad igagalang kita.

Pedro.—Ang ikaapat igalang mo lamang ang ina mo't ama gayon din ang katwiran.

Soledad.—Mamahalin kita ng̃ higit sa buhay.

Pedro.—Ang ikalima huag pumatay ng̃ tawo.

Soledad.—¡Ay Soledad! ikaw ang buhay ko.

Pedro.—Ika anim huag kang makiapid sa di mo asáwa.

Soledad.—Ikaw Soledad ang tang̃ing numakaw ng̃ aking puso.

Pedro.—Ang ikapito huag mong nanakawin ang ipinagkakatiwala sa iyo.

Soledad.—Soledad ng̃ aking buhay ang ninasâ kong ito'y hindi mahahadlang̃an kahit ang Dios.

Pedro.—Ikawalo, huag kang mapagbintang sa Páhiná 12kapua mo, bago bago ikaw ang lilo.

Soledad.—Soledad ko, ikaw ang pinagnasaang pagkamatayan ng̃ aking pag-ibig.

Pedro.—Ikasiam huag pagnasaan ang asawa ng̃ kapua mo.

Soledad.—Guiliw kong Soledad ikaw ang aariin kong kaisang puso.

Pedro.—Ikasampu huag mong pagnasaan ang ari ng̃ iba, lalo na kung iguinagalang ka.

Soledad.—Hahanganan kona ang takbo nang pluma sapagka't ikaw din ang iibiguin ko kahit anong karatnan.

Pedro.—Ang sampung utos ng̃ Dios dalawa ang kinauuwian: ibiguin mong iyong kapua gayon din ang Dios, at bayaan mong mamili sila kung alin ang kanilang ibig titindig. Pues iha ikaw ang makapamimili ng̃ iyong ibig.

Soledad.—Kaya ng̃a po tio Pedro, gawan mo po ng̃ paraan walin sa kanyang loob ang kanyang nina-nais sa kayo din po ang kaututang dila niyan.

Pedro.—Bueno, pabayaan mo,t, akong bahala.

Soledad.—Siya diyan napo kayo aalis.

Pedro.—Saragating tawo itong si Agong Maria, Maria lalabas si Maria.

ESCENA IV.

Maria.—Ano.

Pedro.—Natatanto mo itong si Tio Agong; ibig Páhiná 13palang lumigaw dito kay Soledad, Jesus mariosep bakit ko ba naipagtapat dito.

Maria.—¿Si Soledad na asawa ng̃ kanyang kasamá?

Pedro.—Oo.

Maria.—Maniwala kana sasinasabi kona sa iyo,t, ang sinalibad ng̃ isang laksang iyan e.

Pedro.—Ako pang guinawang taga dala nang sulat.

Maria.—Sinasabi ko sa iyo,t, iyang pagka meketrepe mo á ¿Hindi kaba na hihiâ sa tawo na iyang tandâ mong iyan ay pumasok kang ...ow aambaan ng̃ suntok pag hindi ko pinaaguasa ang ilong mo á ¿Bakit ba sunod ka ng̃ sunod sa hayop na iyan?

Pedro.—Mangyari ako'y natatakot baka akoy maturang hindi mabuting kababayan.

Maria.—Naku.....pag hindi ko binalibol ang bung̃ang̃a mo á, ang sukat mong akalain itong aking sasabihin: kung ang tawo bang iyan ay mabuting cristiano, dapat bang pag nasaan ang asawa ng̃ kanyang kasamá.

LALABAS SI BAKOKO'Y

ESCENA V.

Bokokoy.—Magandang araw po.

Pedro.—¿Sino?

Bokokoy.—¿Sino puba ang amo dito?

Pedro.—¿Bakit?Páhiná 14

Bokokoy.—Ibig ko pu sanang manilbihan.

Maria.—¿Baka hindi ka makatatagal dito?

Bokokoy.—Tatagal po.

Pedro.—Ng̃ akoy maligtas sa mg̃a basagulo ipasok ko ito, hoy ¿ano ang pang̃alan mo?

Bokokoy.—Bokokoy po.

Pedro.—Dito'y talagang nang̃ang̃ailang̃an ng̃ alilà, datapua't isang alilang pipe, dahil sa ikaw ay hindi pipe tuturuan kitang maging pipe, pagka't ang amo dito ay ayaw makikisama kung hindi sa pipe, bulag, at kimaw na gaya ko; ako man ay hindi rin kimaw nagkikimawkimawan lamang ako, o tignan mo.

Biglang hahampasin sa tiyan si Bakokoy.

Bokokoy.—Aray, ha ha ha.....

Pedro.—¿Bueno, ibig mo? iyan man hindi rin bulag.

Bokokoy.—Opo.

Pedro.—Pag sinabi sa iyong ganito ikukumpas ang kumay sa mukha babayi ang kailang̃an kukumpas uli pag ganito lalaki.

Bokokoy.—Opo.

Maria.—Mabuti, insayuhin mong mabuti iyan at papasok ako dito sa loob aalis.

ESCENA VI.

Pedro.—¿Magkanong sueldo ang ibig mo?

Bokokoy.—Kahi't na po magkano uubo sa loob si Agong.Páhiná 15

Pedro.—Humanda ka at nandito na. Lalabas si Agong.

Agong.—Pedro, aha? sino iyan?

Pedro.—Ibig pumasok na alila pinapag-antay ko dahil sa pipe, baka wika ko maibigan mo.

Agong.—Aha, oo kung pipe ay ibig ko ng̃a magkano ang̃ sueldo tanung̃in mo.

Pedro.—Bokokoy.

Agong.—Anong ng̃alan?

Pedro.—Bokokoy, ayon sa recomendación na aking tinangap. Hoy, kukumpasan kung magkano ang ibig sahurin magkano ang ibig mong sueldo.

Bokokoy.Ikukumpas na limang piso.

Pedro.—Límang piso daw.

Agong.—Comforme ako, hoy tatampalin sa balikat kukumpasan ng̃ kahit anong makita huag sasabihin huag mong sasabihin ¿ha?

Bokokoy.—Ong.... tatang̃otang̃o.

Agong.—Tio Pedro, anong sagot ni Soledad?

Pedro.—Tio Agong, pillo ka pala naghain ka pala ng̃ pag-ibig kay Soledad.

Agong.—He, he, he.... Saragate ka tio Pedro, marahil binuksan mo ang sulat.

Sa tuina't magtatawanan ang dalawa makikitawa si Bokokoy.

Pedro.—Hindi ko binubuksan kung di binasa sa akin ni Soledad, dahil sa kilala ni Soledad na marunong akong magkubli ng̃ Páhiná 16lihim, samantalang kanyang binabasa dinadasal ko naman ang sampung utos ng̃ Dios, ng̃ marinig niyang ang ika anim na utos ng̃ Dios na huag makiapid sa may asawa namung̃ay ang mata, saka tumawa ng̃ lihim kaya't tila tinatangap na ang iyong pag-ibig magtatawanan maquiquitawa si Bakokoy.

Agong.—Hoy, ¿bakit ka tumatawa?

Pedro.—Talagang ganyan iyan, pagnakakita ng̃ tumatawa nakikitawa din ha, ha, ha ... Tatawa si Pedro makikitawa si Bokokoy nakita mo na di nakikitawa naman.

Agong.—Aba sieng̃a a, dahil sa ang aking pagkaalam, ay tungkol pipe, siempre bing̃i.

Pedro.—Oo ng̃a bing̃i ng̃a iyan sa iyon ang kanyang ugali, pag nakakita ng̃ tumatawa nakikitawa, anong magagawa natin: tawanan mo; pag hindi ka tinawanan talo ako.

Agong.—Hoy, ng̃ing̃iti si Agong ng̃ing̃iti din si Bokokoy, hahalakhak si Agong hahalakhak din si Bokokoy.

Pedro.—Kaya wala tayong dapat katulung̃in sa pagligaw mo kay Soledad kung hindi iyan.

Agong.—¿Saan naroroon si Soledad? liling̃on si Pedro masusuliapan si Soledad na lumalabas.

ESCENA VII.

Pedro.—Naito siya't dumarating Patakbong aalis.

Agong.—Ay! Soledad!Páhiná 17

Soledad.—Aba bastos na tawo ito, hindi na kayo nahihiya, kahit may tawo.

Agong.—Diyan ay huag kayong mag-alaala, pagka't tang̃i sa iyan ay pipe, bing̃i pa ¡Ay Soledad!

Soledad.—Di ka na nang̃imi sa aki'y maghain ¿ng̃ iyong pagsinta? ¡may lahi kang taksil!

Agong.—¿Maging sala kaya ang gawang gumiliw?

Soledad.—Sukat na, sukat na,
may dilang matabil.
Dapat mong ling̃apin
ang aking asawa
marunong mag tapat
sa pakikisama,
maguing araw gabi,
tanghali't umaga
trabaho ang ibig
upang guminhawa.
Bagá man sakali iyong namamálas
sa ibang babae ang ugaling judas
ako naman sana'y huag mong itulad
tatampalin kita....

Bakokoy.—Frefeta Jeremias.

Agong.
Huag maguing tampal sukdang maging suntok
titiisin ko rin taglay ng̃ pag-irog
kahit sa ng̃ayon din buhay ko'y matapos
iibiguin kita.

Bokokoy.—Santo Nicodemus.

Agong.—Ako'y kilanlin mo sa bayan ay tanyag bawa't nasain ko'y nasusunod agad.Páhiná 18

Soledad.—Kung magkaganito matwid ay baligtad, ng̃uni't huag gawin sa nang̃adidilat.

Agong.—Pag-ibig ko'y tuloy, hindi magagatol pagka't akong apô....

Bokokoy.—Malapit lumindol.

Agong.—Ang kahit bumaha ng̃ayon din ng̃ apoy, ini-ibig kita yayakapin.

Soledad.—Iilag Ah, lahing Faraon.

Dika na nahiya ng̃ asal mong iyan
isang may asawa iyong pang̃ahasan
bulok ang puso mo, may lahing halimaw
di ka na natutong magbigay pitagan.
Agong.—Itong pagsinta kong nakintal sa dibdib
hindi maaampat ano mang masapit
ang yakap kong ito, hulog na ng̃ lang̃it
hahagkan pa kita....
Soledad.—Halimaw, balawis.
Wala kang damdamin tawong walang wasto:
marung̃is ang dibdib maitim ang puso:
darating ang araw noong pagka pugto
ng̃ gaya mong sakim mapag apô-apô.

Tatampalin pagkatampal aalis patakbo.

Bokokoy.—Aray....

Agong.—¿Nakita mo ang guinawa sa akin? Pakumpas.

Bokokoy.—Ong ... pailing-iling.

Agong.—Huag kang magsasabi kanino man pakumpas aalis si Agong sapolsapol ang mukha biglang tatawa si Bokokoy pagkaalis.

Bokokoy.—Walang hiya pala itong apô-pô namin dito.Páhiná 19

Darating si Lodovico lalabas sa fondo at si Soledad sa kaliwa.

ESCENA VIII.

Vico.—Oh Soledad kailan man ikaw ay na sa aking piling, hindi ko nakikilala ang kamatayan.

Soledad.—¡Ó Asaua ko! kailan mang oras di kita masilayan, tanto akong nalulumbay.

Vico.—Tunay kaya?

Soledad.—Tunay.

Vico.—Kung gayon ay dínguin.

MUSICA No. 3

Vico.—Kung totoong iyong tinuran
iabót ang iyong kamáy
Soledad.—Naito aking hirang
at huag ang kamay lamang
kung di pa sampúng katawán
Vico.—Oh laking kaligayahan
Tantoin mo aking guiliw
ikaw ang sasalaminin,
buhay ko man ay mairing
dito magpahangang libing.
Soledad.—Sa oras na masanghayâ
nag bulaklak yaring tuâ
at naparam ang dalita
sa ligaya'y sumagana.
Sol. at Lvo.—Itong ating kaligayahan
waring araw na sumilang
ligaya'y ating kamtan
dito sa pag-iibiganPáhiná 20
Anong sarap anong tamis,
ang linamnam ng̃ pag-ibig
di mandin maiwawang̃is
sa ligaya ng̃ angeles
Lalo na ng̃a't kung kaulayaw
ang sintang minamahal
wari man din tinanglawan
ng̃ mg̃a bitui't buan.

SALITAAN.

Vico.—Asawa ko, kahit ang pagod ko'y halos makaputol ng̃ hining̃a kapag ikaw ay nasa piling naiisbang walang liban.

Soledad.—Kaawa-awa kang tunay sa iyong kasamá, iyo ang pag-luhâ, iyo ang pagdaing, iyo ang pagtaghoy, at iyo pa ang damdamin.

Vico.—Hindi magkakagayon at sino ang tawong iyan hoy, ¿Sino ka?

Bakokoy.—Sino naman kaya ito.

Kukumpas ng̃ pagalang.

Soledad.—Iyan ay bagong pasok lamang dito.

Vico..—Bakit kukumpas kumpas.

Soledad.—¿Bakit, kailâ pa ba sa iyo ang pag uugali niyang kasama mo? ayaw makikisama kundi sa mg̃a inútil, iyan ay pipe.

Vico.—Pasiensia hija iyan ang ugali niyan ¿anong magagawa natin?

Soledad.—Magpahing̃alay ka.

Vico.—Oo ng̃a aalis.

Soledad.—¡Oh Bathala!Páhiná 21

Tulung̃an mo akong makapagpamalay
sa aking asawa mg̃a kagagawan
ng̃ kanyang kasama; na may asal banday
sa udiok ng̃ nasang lubhang tampalasan.
Sugat na maantak ng̃ sariling puso
ang bigyang damdamin asawang kasuyo
ang bagay na ito'y kungdi ipatanto
masasabing akoy.....

Bokokoy.—Daig kong napako.

Vico.Sa loob. Soledad.

Soledad.—Nandian na. Aalis lalabas si Pedro.

ESCENA IX.

Pedro.—Bokokoy kukumpas lang si Bokokoy pag akong kausap mo huag kang magpipipe at babasaguin ko ang bung̃o mo, ¿anong narinig mo?

Bokokoy.—jajaja. Saragati palang tawo iyang amo natin, dapat ba namang.... ibubulong.

Pedro.—Sust, kuidado kahit anong makikita mo huag kang magsasalita kung ibig mong ikaw mapamahai sa kanya, sapagka't kaya iyan nag-uugali ng̃ ayaw makisama kung di sa pipe, bulag, bing̃i, at pilay ng̃ upang masunod ang lahat niyang nais nalaman mong ibig niyan, apoin siya kahit pabalubaluktok ang kanyang gawin.

Bokokoy.—Iyon pala lamang bayaan mo,t, akong bahala.

Pedro.—Ipinatatalastas ko naman sa iyo iyong Páhiná 22isang dumating dito ang asawang tunay noong babae at siyang segundo amo dito. Lalabas si Agong Huag kang maing̃ay at lumabas si Agong magpipipipihan ka.

Bokokoy.—Oong......

Pedro.—Maniwala ka sa akin na labis ng̃ buti si tio Agong.

Agong.—Tio Pedro, gahol ito'y huli ng̃ aking pagdaing sa iyo sa naisip kong ito'y hindi siya sasala tatawa makikitawa ang dalawa nakitawa na naman ang sinalibad ng̃ ... ang sulat na ito ay sasabihin kong telegrama sa akin ng̃ isang kaibigan ko sa Calasiao si D. Ludovico ang aking uutusan ang sa sama sa tren kayong dalawa ni Bokokoy, at sa alas onse ng̃ gabi kakausapin ko si Soledad, sa ibig man at sa ayaw iibig siya sa akin naito siya't dumarating, darating si Ludovico, magsi pormal kayo.

Vico.—Guiliw kong kapatid sa awa ng̃ Dios ay tapos ko ng̃ naihatid ang mg̃a gawa natin ibig kong sa lingong haharapin palakihan na itong taller.

Agong.—Ako'y talima sa iyong bawat maibigan; kapatid: basahin mo itong telegramang aking tinangap buhat sa Calasiao doon ay may gawa na lubhang kailang̃ang ikaw ay makarating.

Vico.—Talos mo nang dati na akoy nasa ilalim ng̃ iyong kapangyarihan, tang̃i sa roon kailan man at sa ikagagaling, íka uusbong ng̃ ating kapisanan kahit sa nag-u-umpugang bato paroroonan Páhiná 23ko.

Agong.—Kung gayon maghanda kana.

Vico.—Sa gayon ay paalam aalis magtititigan ang tatlo at saca maghahalakhakan ng̃ tawa.

Agong.—¿Naniwala na kayo? sa sinasabi ko sa inyong wala akong iisipin na di masusunod, ng̃ayon akin si Soledad, diyan na muna kayo ja, ja ja ja Agong magsaya ka Agong aalis mamaya sa anyong si Agong ay tatalikod babanatan ng̃ tampal sa batok ni Pedro magugulat si Agong itatagong bigla ang kamay ni Pedro.

¿Sinong bumatok sa akin?

Pedro.—¿Nananaguinip ka ba tio Agong? ¿Hindi ba kayâ ibig na ibig mong makisama sa mg̃a inútil ng̃ walang makabatok sa iyo gumawa kaman ng̃ hindi katuiran, at saka ng̃ayon ay tatanung̃in mo sa akin kung sinong bumatok sa iyo e, ¿sinong babatok sa iyo ako ba? ¿mababatukan ba kita kimaw ako? Bokokoy: ¿Sinong bumatok kay tio Agong?

Bakokoy.—Kung hindi lamang ako pipe sinabi kona pakumpas ong......

Agong.—Adios tio Pedro tutumbukin sa sikmura Adios Bakokoy aalis masaya.

Bakokoy.—Tio Pedro sundot sa sikmura pillo ka.

Pedro.—Jajaja Lalong pillo si tio Agong papormal ating pag isipan ng̃ lalong magaling ¿pa anong gagawin mo kung ikaw ay si Ludovico?

Bakokoy.—Kung hindi ko nalalaman kahit ako Páhiná 24lokohin; mag papasencia ako lalabas si Luduvico taglay ang isang maleta de viage at tampipe. Huag kang maing̃ay at dumarating si Ludovico.

Ludovico.—Mg̃a kaibigan: ako
sa inyo,i, nagpapa-alam
Pedro.—¿Kami bay iyong iiwan?
Ludovico.—Hindi mg̃a kapatid
Talastasin ninyo akoy ini-anak
sa mundong sakdalan noong madlang hirap
at walang minana kundi mag papatak
malagkit na pawis.....
Pedro.—Iyan ang marapat.
Vico.—Sa pag tatrabaho,t, sa patak ng̃ pawis
doon ko kukunin ang ikabibihis
di gaya ng̃ iba ating na mamasid
na sapag a-apo nandoon ang nais.
Akoy handa ng̃ayon pasasa Calasiao
ng̃ upang tuparin aking katungkulan
katungkulang hindi, dapat kong tangihan
pagkat siyang usbong aming kabuhayan
Akoy sinalubong ng̃ aking kasamá
sa papel na taglay ako daw pumilma
ginawa ko naman ay aking binasa
ng̃ aking matanto inagaw pagdaka
Sa akin sinabi:
Huag mong basahin iyang kasulatan
kung hindi mo ibig kita'y kagalitan
subo ng̃ galit ko'y di ko napigilan
pagka't bawat tawo ay may kalayaan.
Aking isinigaw na ipinakalakas
¿bakit nanasaing malupig ang lahat?Páhiná 25
tumugon sa akin; ¡ah! walang pagling̃ap
sa bayang sarili ... bigla kong sinalag.
Sapagka't ang nais na nakatalatâ
sa papel na iyon pumilma ang madlâ
isang kababaya'y maalis na biglâ
sa luklukang trono siya ang itakdâ.
Aking hinandulong mataas na sabi
huag sangkalanin ang bayang sarili
na tulad kay Luzbel naghapay ng̃ puri
sa ng̃alan ng̃ Dios ng̃ siya'y bumuti.
Sapagka't ugali ng̃ apô-apôan
siya ay Diyosin tanang kababayan
kaya at si Luzbel ang pinagharian
lahat ng̃ demonio sa ka infiernohan.
Kaya mg̃a guiliw irog co at sinta
kayo,i, kaiing̃at sa aking kasamá
ng̃ayon ko natatap ang ugali pala
siya ang poonin sambahin towina.
At sa pagbalik ko ako'y hihiwalay
hindi ko na nais ang pakisamahan
at pagkagaling ko doon sa Kalasiao
sa inyong lahat na, ay mag papaalam.
Bakokoy.—Ako'y hindi pipe ng̃ iyong matalos
kung ikaw,i, aalis ako poy susunod
pagkat ang puso ko'y marunong umirog
maalam tumampal sa mapag dios dios.
Pedro.—Ng inyong matanto akoy hindi komang
matigas tigas pa ang aking balakang
ng̃ iyong matatap aking binatukan
ang mapagmapuri na apô-apôan.
Agong.Sa loob. Pedro, Bakokoy.
Ang Dalawa.—Tinatawag kami ng̃ hunghang.

Páhiná 26aalis patakbo ang dalawa lalabas si Soledad malungkot si Vico naman sa dakong kanan.

ESCENA X.

Soledad.—Irog kong asawa kabiyak nang dibdib
mangyaring dinguin mo ang ipagsusulit
kung ako ay tunay iyong ini-ibig
sa araw na ito huag kang umalis.
Vico.—Hindi mangyayari; asawa kong sinta
ang lakad kong ito'y iyong maantala
na sa pagbalik ko ay nakahanda na
akong humiwalay sa aking kasamá.
Sa gayon ay paalam.
Soledad.—Huag mo akong iwan.
Vico.—Magtiis asawa ko.
Soledad.—Tanto mo ng̃ dati
kung ikaw'y málayo
ng̃ dalawang oras,
nasikdo ang puso
kung na sa tabi ka'y
biglang bumubugso
ang tanang ligaya.
Vico.—Aking natatanto
Kaya ng̃a't sa tui nang
ikaw'y malálapit
sa aking paning̃in
ang asa ko'y lang̃it
kung na sa tabi ka'y
masaya ang dibdib
kahit nalulunos
pilit nabibihis.
Soledad.—Alin pa ang lang̃itPáhiná 27
na di na sa akin
kung sa bawat oras
ikaw ay kapiling
kapiling ka lamang
kahi ma't malibing
bangkay mang mistula'y
bilang sa buhay rin.

Vico.—Anong sarap mong magmahal.

Soledad.—Ako'y iyong ipagsama lambing.

Vico.—Huag na asawa ko paalam aalis malungkot si Soledad.

Soledad.—Hindi ko napiguil ang asawang irog Lalabas si María.

ESCENA XI.

Maria.—¡Solédad! ¿Bakit nalulungkot?

Soledad.—Si Ludovico'y umalis.

Maria.—Bayaan mo't babalik.

Soledad.—¡Oh María!

Ako'y mayroong nais ng̃ayong ipagtatapat.

Maria.—Turan mo Soledad ng̃ aking matatap.

Soledad.—Ang lilong si Agong magdaraya't sukab ay sa gabing ito'y ga ibig mang̃ahas.

Ibig pang̃ahasan ang pagka babai ilublub sa lusak sa asawang puri mahigpit na bantâ mamayang alas once gagahisin ako.

Maria.—¿Ano ang sinabi? Páhiná 28¿Bakit di sinabi sa iyong asawa ang masamang nasa ng̃ kanyang kasama.

Soledad.—¡Hindi ko maatim! maniwala Maria ang bigyang damdamin asawa kong sinta.

Maria.—Diwa'y ibig mo, eh?

Soledad.—¡Oh Maria! ako'y iyong turuan ng̃ makaligtas sa kamay ng̃ halimaw.

Maria.—Kung gayon tayo na sa loob at lihim nating pag-usapan

aalis ang dalawa lalabas si Agong, Bakokoy at Pedro waring nagbubulung̃an.

ESCENA XII.

Agong.—Talastas na ninyo ang inyong gagawin ang magdadala ng̃ tampipe, ikaw; ang maleta, ikaw; ihahatid ninyo sa tren huag kayong aalis sa estacion hangang hindi umaalis ang tren niyang sinasakian, at walang sala mamiyang gabing mag aalas once, kayo din ang aking katulong.

Pedro.—Ng̃unit.....

Agong.—Walang ng̃unit, ang malalaking bagay na aking na isip ay nasusunod, ¿ito ba lamang ang hindi? kapag kayo'y hindi sumunod sa nais ko, susumpain kayo ng̃ Bayan? ¿Hindi ba ninyo alam pág hindi ninyo tinupad ang bilin ko ipa boboycotage ko kayo at ako ang inyong punô? kung ang sambayanang tawo sumusunod sa bawat maibig ko ay kayo pa bang susuay, hindi mangyayari at saka natin tignan.Páhiná 29

Bakokoy.—Naku parang kung ito'y magalit sa akin ay natatakot ako.

Agong.—Gayon din sabihin sa ating kapanalig, na sa lahat ng̃ botohang ating gagawin ako ang inyong iboto, gayon din na inyong papilmahan sa lahat ang papel na ito sa pang̃alan ko.

Pedro.—¿Ano ba iyan?

Agong.—Huag ng̃ ipabasa, ang nakatalata diyan ating paa-alisin sa tungkol si Doctor dahil sa siya'y bubulong.

Pedro.—¿Baka ikaw ay namamali?

Agong.—¡Tío Pedro! ¡Tio Pedro! huag ninyo akong pagsusumang̃in ako ang ilagay ninyo sa tungkol niyang taglay, sapagka't akó ang inyong puno. Lalabas si Vico.

Vico.—Mg̃a kasama ako'y nahuli sa primer viahe kaya't sa segundo na ako sasakay.

Agong.—Sa bagay pala'y ikaw ay naparoon na.

Vico.—Oo katoto.

Agong.Yayakapin ¡Oh! napakasíkap na aking kasama; kasama, kong magandang puso, sa bawat koma ay wung̃ol si Pedro at si Bakokoy kasama kong mapagtapat.

Pedro.—Ng̃ ipagbili ni Judas si Jesus ay niyakap muna.

Agong.—Kasama kong pinaglagakan ng̃ aking pagkakatiwala, at kasamá kong...

Pedro.—Kasamá.

Vico.—¿Baka tanghaliin ako kasamá.

Agong.—Bueno Bakokoy ang tampipe, Pedro, Páhiná 30ang maleta samahan ninyo ang aking kasamá.

Vico.—Bueno kasama adios aalis ang tatlo urong ng̃ urong si Agong hangang sa matihaya sa Palihan at puro adios ang sinasabi.

Agong.—Adios, adios, adios, adios. Pagkatihaya mutación calle Lalabas si Ludovico, Pedro at Bakokoy.

Bakokoy.—Ludovico kung sa hanga po ng̃ akin ay hindi co po ibig ang ikaw ay umalis sa gabing ito: dahil nabalitaan ko po sa isang kaibigan na lolooban ang inyong oficina kapag kayo'y umalis.

Vico.—Nariyan naman ang aking kasama upang magtangol.

Pedro.—Inaakala mo bang inaaring tawo ng̃ lahat ang iyong kasama? kilala na ng̃ lahat ang pagka apô-apô niyan, ang sabihin mo'y dahil pa sa tawong iyan kaya lolooban ang oficina; kaya't akong may sabing huag kang magtuloy; manubok ka ng̃ayong alas once ng̃ gabí at walang salang di may saka mangyayari; sa kali't wala kang makita magpatuloy ka bukas ng̃ pag-alis.

Vico.—Bahala na at aking iisipin paalam mg̃a kapatid aalis.

Bakokoy.—Hindi rin tayo pinakingan.

Pedro.—Paanong ating gagawin kung gagahisin na si Soledad?

Bakokoy.—Babalugbugan ko. ¿Ikaw paano pong nasa sa loob mo?

Pedro.—Nasa sa loob ko kapag pinagpahamakan niya ang puri ng̃ ating kasamahan ay Páhiná 31hambalusin ko lalabas si Agong kasama ang mg̃a panday.

Agong.—Tio Pedro ¿Ano napilmahan na ba ang pinapipilmahan ko sa inyo?

Pedro.—Mayroon ng̃ mang̃isang̃isang nakapilma.

Agong.—Tinamaan ng̃ bagkat na, ¿Hindi ba sinasabi ko sa inyong sa ayaw at sa ibig ay pilitin mo?

Bakokoy.—Napakahigpit ng̃ orden.

Agong.—Malapit ng̃ halinhan ang Presidente pag hindi akong nalagay patay kayong lahat, pag hindi ako naguing consejal, patay kayong lahat, pag hindi akong naguing punô ninyo, patay kayong lahat, pag hindi akong nahalili kay Doctor ... sa masarap niyang tungkol, kayong bahala; at ma-aari bang hindi akong malalagay pag kayong lahat ang naglagay sa akin? kaya Bakokoy pilma na Pipilma si Bakokoy ikaw; ikaw papipilmahin ang lahat ikaw, ikaw ng̃ ikaw ang sasabihin.

Bakokoy.—Naku linsiok Apô-Apoan ng̃a pala, makago san Quinton. Lalabas si Totong.

Pedro.—Naito si Totong at dumaratin ito ang ayaw pumilma.

Agong.—Pumilma ka dito't akong ilagay mo

Totong.—Ang laya ng̃ tawo dapat mong igalang
pumili ng̃ ibig kanyang maibigan
ang isang pilma ko'y mahalagang tunay
at sa mapag apo'y hindi gumagalang.
Agong.—¿Diyata't ikaw ang tatangui sa ako ang
ibig ng̃ bayan?Páhiná 32
Totong.—¿Ito'y hindi ko masabi?
Agong.—Sukat mong tantoin ako'y siyang puno
laging ginagalang siyang apo-apo
kahima't gawin ko'y ang paliko-liko
susuko kang pilit ng̃ayon ay yuyuko.
Totong.—Ang katuwiran ko'y hindi matatang̃ay
tang̃ain ng̃ agos ng̃ apo-apoan
yaong casiquismo'y dapat mong ilagan
pagka't itong siyag sa iyo'y papatay.
Sa awa at tulong mabuting Gobierno
binibiguiang laya ang lahat ng̃ tawo
tumupad sa matuid.....
Agong.—Sukat ka na lilo.
at masusunod din bawat maibig ko.
Totong.—Masusunod mo ng̃a bawat mahagap
ng̃uni't huag gawin sa nang̃adidila
kung ang palagay mo ang bayan ay bulag
itang̃i ang ila't di mo malalahat.
Agong.—Ako'y siyang hari.
Totong.—Noong mg̃a pipe.
Agong.—Siyang masusunod.
Totong.—Ng̃ bulag at bing̃i,
itang̃i ang iba't di mo mabibili
marunong magtangol sa sariling puri.

Agong.—Mg̃a kapatid sumpain natin ito walang kikibo kahi't isa paliliitin ang voces ni Bakokoy.Páhiná 33

Bakokoy.—Ikaw ang dapat sumpain.

Agong.—Mg̃a kapatid mamatay ang ayaw pumilma sa aking nais Hindi kikibo ang lahat si Bakokoy lalong paliliitin ang voces.

Bakokoy.—Ikaw ang dapat mamatay.

Agong.—¿Hindi ba ninyo ako nakikilala? Hindi kikibo ang lahat nakatitig lamang si Bakokoy paliliit ang voces.

Bakokoy.—Kilalá na kita ikaw ang apô-apô kapatid ng̃ lapo-lapo.

Agong.—Tayo na Hindi kikibo ang lahat tayo na kayo.

Bakokoy.—Sumulong ka ng̃ mag-isa.

Agong.—Diyan na kayo kung ayaw kayo.

Bakokoy.—Adios tio Agong. Aalis si Agong padabog.

Pedro.—Umalis na parang hilong banak si Tio Agong; ako sa inyo'y may sasabihin, tayong lahat ay mg̃a mangagawa ni tio Agong, kung ang isa ba sa atin ay apihin niyan, ¿anong mabuti nating gawin?

Lahat.—Pag-isahan nating iwan.

Totong.—Pagka't panahon ng̃ ating ipamalas
ang kahalagahan mangagawang lahat
ng̃ huag apihin tanang mahihirap
na anak ng̃ pawis, sadlakan ng̃ saklap.
Ang magtatrabaho'y palagui ng̃ yukô
samantalang siyang laguing bumuboô
sunodsunuran na sa pamimintuhô
siya pang lakpakan ng̃ pakasiphayô.
Kaya't panahon ng̃ kanyang makilala
yaong kalayaan ng̃ isa at isa
bawa't ipag-utos tayo'y tumalima.
sakali't lalabis, sumang̃ín pagdaka.

Pedro.—Kung gayon humanda kayong lahat, Páhiná 34mamayang á las once ng̃ gabi ay walang salang di pang̃ang̃ahasan ni Tio Agong, ang asawa ng̃ ating minamahal na si Ludovico nauukol ang ating ipagsangalang ¿conforme kayong lahat?

Lahat.—Oo.

Pedro.—Kung gayon tayo na kayo mag-aalisan ang lahat lalabas si Ludovico.

Vico.—Puso ko'y kumakaba, dibdib ko'y tumatahip, kaya't paparoon ako ng̃ matanto ang kahulugan. Aalis mutación Sala rica nacahiga sa cama si Soledad madilim ang escena mayroong Quingque may ilaw, lalabas si Pedro at Bacocoy may mg̃a garrote.

Pedro.—Bakokoy dito ka iuupo sa tabi ng̃ escena, ka pag ang babaye ay pumayag sa bakan mo ng̃ alis, sakaling hindi pumayag at pipilitin, lambanuguin mo na, at babalugbugang ko naman.

uupo sa isang tabi dadating si Agong magdaraan sa bintana nacasung̃aw lamang bababang marahan lalapitan ni Bakokoy tampalin sa balicat magugulat si Agong magcucumpasan iuupo ni Agong sa isang tabi at lalapit cay Soledad marahang marahan lalapitan naman ni Bakokoy at babatukan si Agong magugulat matatacot pagcakitang si Bakokoy ang bumatoc sa canya magagalit.

Agong.—Mabuti igapos ko ito, lalapitan si Bakokoy at tatalian pag catali icucubli sa loob ng̃ bastidor biglang babang̃on si Soledad tahimik mahihiga ulî.Páhiná 35

Agong.—Ng̃ayon hindi kana makalapit sa akin Lalapitan si Soledad dahan dahan lalapitan ni Pedro at babatukan magugulat si Agong ititiric ang mata ni Pedro babatukan sa cabilang tabi pabulong. ¿Sinong bumatok sa akin?

Pedro.—Pasigao. Akoy hindi makababatok sa iyo pagka't ako ay komang.

Agong.—Huag kang sumigaw dito ka itatabi sa tabi ng bastidor pagcaladcad tatang̃nan sa taing̃a lalapit na dahan dahan cay Pedro Pakiram-daman mo kung sino ang darating.

Pedro.—Pasigao. Ooooo mahaba magigising si Soledad waring magugulantang uupo sa silla malungkot.

Soledad.—Oh panaguinip kong
nag bigay bagabag
sa pananahimik
ng̃ pusong may sindak,
kahit mananawari
huag ng̃ matupad
ang tanang sinabi
ni Agong na Judas.
Tutugtog ng̃ las doce.
Soledad.—¡Oh!
Labin dalawang umpog ng̃ tanso sa bákal
Labis na ng̃ isa sa kapang̃akuan
ng̃ Agong na taksil....
Agong.—Soledad kong hirang yayacapin.
Soledad.—Oh, ganid, halimao, lilo at lanuang.
Agong.—Huag kang maguitla sa pananahimik
pagka't ito'y nukál sa ating pag-ibig
pag-ibig na hindiPáhiná 36
Soledad.—Ah, lahing alamid.
Agong.—Hindi magagatol ang aking nais.
Soledad.—Sumasamo akong iyo ng̃ talikdan
ang lahat ng̃ nasa.
Agong.—Di mahahadlang̃an
Soledad.—Dapat mong isipin iyong kagagawan
at mayrong infierno.
Agong.—Mangyaring pakingan.

MÚSICA N.o 4

Agong.—Pag-ibig ko'y di maampat
sa iyo irog kong Soledad
sukdang ang buhay ko'y mautás.
Pagsinta ko'y di kukupas.
Soledad.—Dapat mong igalang.
Pag-ibig ko'y paano naman
Agong.—Pagsintá mo'y di ko alam
pag-ibig kong mabubuhay
pag-ibig mo'y di ko alam
pagsintá ko'y mabubuhay
saksi kong pagkalalaki.
Soledad.—Ito'y walang kailang̃an
kung sa pag-ibig mamatay
pagka't aking sinumpaan
irog ko siya habang buhay.
Ito'y walang kailang̃an
ito'y walang kailang̃an
kung sa pag-ibig mamatay
kung sa pag-ibig mamatay
Agong.—Pagsinta ko kung maapi
pagsintá ko kung maapiPáhiná 37
Saksi ko ang pagkalalaki
At di ko ng̃ani masasabi,
ang buhay mong mapuputi.
Soledad.—Ito'y walang kailang̃an (2 huli)
kung sa pag-ibig mamatay (2 huli)
Agong.—Pagsinta ko kung maapi
saksi ko ang pagkalalaki (2 huli)
di ko ng̃ani masasabi
ang buhay mong mapuputi.
Soledad.—Huag kang lubhang pang̃ahás
sapagka't araw ay kung sumikat
pag may kulog at kidlat
nagkukulimlim agad.

SALITAAN

Agong.—Pakatantoin mong sa tangapi't hindi
sa oras na ito'y hindi makikimi
itong aking puso.
Soledad.—Ikaw'y namamali
at di matutupad ang lahat mong mithi.

Susung̃aw sa bintana si Vico.

Agong.—Ang sabing mataas huag ipang̃ahás
ang lahat kong nais pilit matutupad.
Soledad.—Matutupad mo ng̃a't ani mo'y malakás
ang mg̃a bisig mo; ¡lalaking ...!
Vico.—¡Pang̃ahás!
Agong.—Sa ng̃ayon ng̃ayon din iyong tatangapin
ang lahat kong impok nanasang pag-guiliw,
at hindi ang hindi anyong yayacapin.
Soledad.—¿Iyong pipilitin?Páhiná 38
Agong.—Oo, oo, oo.
Soledad.—¡Ah lahi kang taksil!
Ang lahat ng̃ ito ay iyong asahan
masusunod mo ng̃a kung ako ay patay
Dudukutin ang punyal ng̃uni't kung hindi
ang kasasapitan
dito ay babaha anyong sasaksakin, biglang
lalabas si Ludovico pipigilin ang kamay ni
Soledad.
Vico.—Isalong ang punyal.
¡Itago ang punyal baca madung̃isan!
Sayang ang punyal mo na magkakadung̃is
pumatay sa isang gaya nitong ganid
mabuti pa ang hayop hindi nangagahis
gaya nitong tigre, hantik sa limatik.
Sayang nitong aking mg̃a pagtatapat
ng̃ pakikisama sa gaya mong oslak
sayang ang ng̃alan mong sa baya'y natanyag
ang kapurihan ko'y di mo na niling̃ap.
Ano pa't ang ukol marapat na gawin
sa isang gaya mo, ang huag batiin
pagka't kawang̃is ka ng̃ hayop na kambing
kahit anong damo ay ibig lamunin.
¡Huag matigagali ikaw ay mang̃usap
matapang sa musmos, duag sa malakas
ibig mong mag-apô sa pipe at bulag
duag, dung̃o, kimi, sa nakákasukat.
Agong.—Huag palabisin ang pananalita
at ng̃ di sa dugo dito ay bumaha.

Vico.—¿Ano ang tinuran?

Agong.—Ikaw ay gumawa dudukot ng̃ punyal.

Páhiná 39

Vico.—Ikaw pa ang matapang...

Agong.—Wala kang hiya. Lalabas na biglang bigla si Bacocoy at si Pedro.

Ang dalawa.—Ikaw ang lalong walang hiya sasakalin si Agong ng̃ dalawa maglalabasan ang mg̃a obrero may mg̃a dalang garrote.

Agong.—Bakokoy ¿bakit ka nakapang̃usap?

Bakokoy.—Bakokoy, isip mo yata ako'y pipe, kaya pala ibig na ibig mong makisama sa akin dahil sa ako'y pipe, kawikaan mo'y kahit anong gawin mo'y masusunod mo ang ... pag-aapô-apoan, mula ng̃ayon iwala mo na sa isip mo ang pang-uulol at nahahalata ka na.

Agong.—Pedro, tio Pedro huag mo akong sakalin.

Pedro.—Tatawagin mo pa akong tio Pedro ganyan pala ang ugali mo, wala kang ibig úlulin kundi ang pinakikinabang̃an. Hoy tignan mo, dahil sa iyong kasamaan kita ay kina-aawaan, pagka't anong magagawa ko talaga ng̃ palang masama ka.

Juan.—Maraming kuntil butil ¿lalantakan ko na po? aambaan ng̃ hampas ng̃ garrote.

Vico.—Huag, huag at marurumihan ang inyong dang̃al na sumakit sa gaya niyan, ang marapat na gawin dayukdukin sa hapis at saka bayaan.

Pedro.—Kung gayon alsa tayong lahat. Babalaan at waring mag-aalisan.

Agong.—¿Saan kayo magsisiparoon?

Bakokoy.—Huag mo na kaming habulin ng̃ Páhiná 40 hindi ka mapahamak.

Lalabas si María may dalang ilaw.

Maria.—¿Sinong pang̃ahas iyan?

Agong.—Ako Maria.

Maria.—Ah, ikaw pala, ng̃ayon ka lamang namin nakilala kaya pala ibig na ibig mong ikaw ay susundin, ¿ha? taksil, baliw, talipandás, balawis, ganid, halimaw, lilo; sukab, ulupong at ... ¿Ano pa ba ang masamang na sa diccionario, para maitumbas ko sa sama ng̃ tawong iyan? ¡Wala na! Husto na, kaya ... Bakokoy, Pedro, Juan. Handa kayo. waring aambaan ng̃ tatlo si Agong. Susunod ka sa bawa't ipag-utos namin. Sapagka't kami ang madalas sangkalanin ng̃ iyong pagka lanuang dahil sa mabuti kang manghing̃i ng̃ contribución, ganitong gawin mo, isasahod ang caliwang camay, sapagka't ikaw ang malimit umapi sa kababayan mo, ganitong gawin mo, isusuntoc ang canan ipagpalagay mong ako ang bayan Luluhod si María sa harap ni Agong.

Lodovico.—Kilanlin ang apô ayaw makisama
kung hindi sa pawang mauulol niya
mag mula sa ng̃ayon idilat ang mata
pagka't daig nito ang mg̃a bívora.
Ating pamangkaan matingkalang bilin
ng̃ bantog na Rizal tumubos sa atin
kailan man anya at walang alipin
walang manglulupig walang mananaksil.

WAKÁS.


Cover image

P.S. Lopez.

KUNG SINONG

"APÔ-APÔ"

KASAYSAYAN

MAYNILA

Limbagan nina Fajardo at Kasama
Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz
1908.

Sa aking Bayan

Sa dawag ng̃ pait, noong kadiliman
pinilit pinigâ sa papel makintal
tanáng pag-ibig kong, di bung̃áng̃â lamang
pag-giliw sa dibdib, doon bumubukal.
Bagá man at kapós sa dunong ay sahól
kapahatáng ito'y hindi iu-urong
kahi ma't sa dugo'y piliting lumang̃oy
pagsisikapan ding ipatanto ng̃ayon.
Panahon naman din ng̃ pagsisiwálat
ng̃ matandang sakit na sa pusong sugat.
¡Gaya ng̃ pagtakip! mapanglaw na ulap
sa mg̃a bituin, anak ng̃ liwanag.
¡Ilaw ang hing̃î ko! upang matanglawan
ang napatatang̃ay, sa apô-apôan
at kung hindi ito ang gawing tuntunan
ilagay sa limot yaong Kasarinlan.
Ang alin mang bayan, ang alin mang hulô,
ang alin mang pook, pag may Apô-apô
ay hindi uunlad, may magandang pusô,
ang santong matuid palagi ng̃ likô.
Pagkathâ ko nito bumabasang giliw,
hindi ko na náis ang ako'y purihin
kapamanhikan ko't mataos na lambing
kung babasahin mo, ikaw'y magsalamin.
Dahil sa alám kong panitik ay básal
kung isulat ko pa'y sumasalagalsál
kaya't balang letra'y mayrong kalabûan:
bahálang puntero ng̃ babasang pahám.
¡Bayan ko'y malasin! ang pagsusumakit
ng̃ bawâ at pahat sa iyo'y ninibig
sukdang salsal, pulpól ang aking panitik
di nag-alinlang̃ang sa pula'y mabulid.

Pantaleon S. Lopez.

Calle Narciso No. 59 (Pandacan.)


Páhiná 3
Decorative motif

I.

Kung sinong Apô-Apô.

Nang unang sábado ng̃ Mayo taón 1908 mayroong nangyaring nakalalagim sa pusong dalisay, sa isá sa mg̃a bayang sakop ng̃ Kamaynilaan. May pinalabás na dulâ na di iba't ito'y ang: «Apô-Apô» pamagat ng̃ zarzuelang iyon. Alay ng̃ may kathâ sa sariling bayan, obrang walang tinutukoy kundi lumiwanag ang punô ng̃ dilím na pinaguulapan, dito'y may Apô-Apôang nanood sa nasabing palabás; ito'y isáng tawong pinakahari ng̃ kadiliman kaya't ang kanyang pang̃alan ay: Agong kadiliman; isáng tawong kalaban ng̃ liwanag, isang tawong kalaban ng̃ kanyang pinakikinabang̃an, isang malimit gumahasâ ng̃ katwiran, hindi matangkad, hindi pandak ay kulang sa sukat: hindi katandâan ng̃uni't maputî ang̃ anit ng̃ ulo. Sa ganito'y bahalang magkurô ang irog na bumabasa, kung gaano ang buti't sama ni Kadiliman. Ating pagmasdan ang nangyari sa loob ng̃ dulaan samantalang itinatanghal ang «Apô-Apô:» Ng̃ sumapit ang escena na pinipilit papilmáhan ang isang kasulatan upang ito'y ihalal sa pagpupunô dahil sa itong laging panaginip ni Agong na siya ang punô sa lahat, na ayaw pilmahan ni Totong ng̃alan ng̃ ayaw pumilma sa obra, walang isinásagot kundi ganitó:

«Ang laya ng̃ tawo'y dapat mong igalang
pumili ng̃ ibig kanyang maibigan
yaong casiquismo'y dapat mong ilagan
sa pagka at siyang sa iyo'y papatay.»
Páhiná 4

Nang ito'y madinig ni Kadiliman na binangit ni Totong ang kanyang sugat, waring nag dilim ang mg̃a paning̃in, na alinsang̃anan at sinabayan nang tindig na waring sumusuling na banak, siya'y napuná ng̃ isang filosopito na sa kanya'y nakapansin, kaya't tinanong ng̃ ganito:—¿Bakit namumula ka?—Naiinitan ako ang sagot.—¿Sa daming tawong nandito ng̃ayon, ikaw lamang ang naiinitan?—Masamang obra iyan, ang pagigíl na sabad ni Agong Kadiliman, anyong pa-alis na hinihimas ang anít niyang tuktok.—Hintay ka muna ang paampat na sabi ng̃ kausap.—Hwag mo akong pigilin at ako ang pinatatamaan ng̃ obrang iyan, ang paang̃íl na sagot ni Kadiliman.—Halika ang pabanayad na salita ng̃ filosopito; ipalilinaw ko sa iyo ang Teatro, Dulaan diumano, anáng mg̃a manánagalog; ang Teatro. Ayon sa sabi nang bantog na poetang si Ciceron «salamin anyang mapaná-nalaminan ng̃ pag-uugali» kung ikaw ay talagang pang̃it at kung talaga kang ganoon. ¿Bakit ang salamin ang kagagalitan mo? gayon din naman. Kung itong talaga mong gawa: ¿Bakit ang obrang iyo ang kagagalitan, at hindi ang sarili mo? Kaya't kung ipinalagay mong ikaw ang namimilit paboto, at ibig gumahis sa layâ ng̃ tawo, bagohin mo na't kahabag-habag ka lamang. Sa madinig ni Kadiliman ang salitang ito ni filosopito uming̃os at sinabayan ng̃ alis, kahit hindi pa natatapos ang palabás, natawa ng̃ lihim si filosopito, sinabi sa sariling marahil ikaw ang Casique sa bayang itó.

II.

Ang pag-owi sa bahay ni Kadiliman.

Dumadagundong ng̃ pag akyat sa bahay niyang sarili si Kadiliman, at siyang dahil ng̃ ikinagulat ng̃ kanyang asawa na waring na aalinpung̃atan, si Kadiliman Páhiná 5ay ku-kumpas-kumpas, lakad ng̃ lakad sa loob ng̃ bahay, at manakâ nakang nagbubuntong hining̃a kasabay ang salitang ¡gaganti ako! at sasabayan ng̃ upo sa mésa at pipigilan ang pluma, isasaw-saw sa tintero, si Lolay namang kanyang asawa ay nakasubok at namamanghâ ng̃ labis sa kay Kadiliman, at sa kanyang sarili ay binuka sa bibig ang salitang: ¡na u-ulol yata itong aking asawa! tutop na ni Agong Kadiliman ang kanyang makitid na noó; biglang lumabas sa silid si Lolay niyang asawa at tinanong ng̃ ganito:

—¿Ano ang nangyayari sa iyo? ng̃asab ng̃ ng̃asab si Kadiliman at hindi pansin ang asawang nagugulumihanan sa kanyang ayos, at biglang naghimutok si Kadiliman natín, sinabayan pa ng̃ sabing ¡Pater Filus Patris! ang kahulugan ama, anak ko't mg̃a kapatid ang hining̃a ko'y nagkakasabid-sabid, muli na namang tumanong si Lolay:

—¿Anong nangyayari sa iyo?

—¡Ay! ... ang mabanayad na tugon ni Kadiliman maputlang maputla.

—¿Bakit?

—Natatanto mo ang sagot ni Kadiliman si Autor. Hito'y gumawa ng̃ retrato ko sa teatro, kaya't kung aking pakiramdaman ang mg̃a mata ng̃ nag sisipanood sa akin ang ting̃in, kaya't hindi ang hindi ko sasagutin, dahil sa talos mong malapit ng̃ mag eleccion ó mag halálan para concejál, ibig kong magprisinta ng̃ candidatura. Kung paniwalaan ng̃ taong kalahatan ang pagpapaliwanag na iyan ni Hitô pehong-pehong hindi ako ang lalabas kaya't kahit pabalubaluktot mag iisip ako ng̃ paraan upang pagulapan ang mg̃a matá ng̃ mg̃a maghahalal.

—Katwá kang tawo ang pakli ni Lolay, dapat mong isipin tayo'y may labis na kaya sa kabuhayan na minana, ko sa aking amang si Pirong Botete Páhiná 6¿Bakit mo pá hahang̃arin ang panunungkulan?

—Ulol na tawo ito, ang pa-ang̃il na sagot ni Kadiliman, hindi iyan lamang ang mangyayari kundi mawawalan sa akin ng̃ pagkakatiwalâ ang lahat.

—¿Bakit, ang sagot ni Lolay na nang̃ang̃aligid sa dalawang mata ang luha?

—Magtahan ka, ang sagot ni Kadiliman, at hindi mo dapat maalaman ang kalihimang ito, sulong, matulog kana, muli na namang nagbububulong; hindi maubos madili ni Lolay ang ligálig na ito ng̃ asawa niyang irog kaya't napilitang nang̃usap ng̃: Hito pala lamang ang may sulat niyan, di bayaan moná baká ka pa matibô, at sinabayan ng̃ hatak sa kamay na may pluma tayo na asawa ko; batak-batak hangang sa kanyang hihigan at saka lamang na tahimik si Lolay, bakit mag-uumaga na; anopa't nang nakahiga na si Kadiliman, ay satuina't magigiling ang matá sa paghiga, bigláng nagugulantang na tila na wawari ni Kadiliman na siya'y binabatak nang mg̃a kaluluwa sa Purgatorio na nagsipagbayad sa kanya bago málibing, at ang isa sa mg̃a kaluluwang ito'y nang̃usap ng̃ malumanay na waring nangagaling ang voces sa ilalim ng̃ lupa ganitô ang sabi ng̃ kalulwa: Kadiliman, Kadiliman, magsisi ka ng̃ iyong sala ¿saan mo dinádalá ang kwalta ng̃ mg̃a patay bago ibaon? Hwag kang mang-ulol sa kababayan mo, liwanagin mo sa iyong mg̃a kasáma ang bagay na nasaiyo, ng̃ matapós masabi ng̃ kalulwa ang bagay na ito, napabalikwas si Agong Kadiliman ang isa pa'y umaga na; nagbihis na madaling madali at tinung̃o ang bahay nila Bakokoy,

III.

¡Ang pakikipagkita ni Kadiliman sa canyang mg̃a casama!

¡Ay Bakokoy! ganito ang unang taghoy ni Kadiliman, Páhiná 7 ¡bigyan mo ako ng̃ kaunting Hiniébra! ¡hindi pa ako nag-aalmusal! si Bakokoy naman tila ng̃a ibig mahabag sa kanyang maestro ng̃ mapagmalas ang anyo, na tulad sa corderong maamo, dahil na si Bakokoy baga man hindi pipe, talagang may ugaling sacristan kahit tanto niyang likô ang gawa ng̃ kanyang maestro, amén na lamang ng̃ amén, kaya't ganito ang unang tanong ng̃ ating Bakokoy: ¿Bakit ano pong nangyari sa iyo? pag hindi ko sila hinamon ng̃ away talo ako! sapagka't si Bakokoy ay magaling daw na estocador natatalastas ninyo ang pasigaw na sabi ni Agong pinatamaan kayo, ¿hermano mayor po ba sa kandila? ang sabad ni Bakokoy sagot ako sa huli, limang piso pa ang aking contribución; hindi, ang marahang sagot ni Agong kundi noong palabas ng̃ ikalawa ng̃ Mayo ng̃ taong 1908 di umano'y mg̃a hang̃al daw kayo kaya ng̃ayon din tawagin sila Tarorang Susô, Ponsa Kaligay, at Giday Lasenga ng̃ matalos nila ang kanilang gagawin; kumaraykay naman ng̃ takbo si Bakokoy na iimbol-imbol ang tiyan pinagtatawag ang kanyang mg̃a kasama; natawá ng̃ lihim si Agong Kadiliman at sinabi sa kanyang sarili: Ako ang pinatama-an ng̃ obra ni Hitô sasabihin ko kina Bakokoy na hindi ako, kundi silang aking mg̃a kasama at sina Tarorang Susô; oo, oo, ito ng̃a ang mabuti, halos walang kalahating oras narito na ang mg̃a tinawag, lugay pa ang buhok ni Tarora at si Ponsa naman hindi na nakuha ang magtapis, at si Giday naman ay may kalasing̃ang humarap sa pulong, ganito ang unang lantak ni Kadiliman: Mg̃a kapatid: Isinasauli ko ang aking tungkol na pagka presidente ng̃ ating kapisanan, ang pamagat ng̃ kanilang kapisanan ay «Pinag-uulapan»; isinasauli ko ang aking tungkol na pagka secretario, isinasauli ko ang tungkol kong pagka Tesorero, sa makatuid ang tatlong Páhiná 8tungkuling aking taglay isinasauli ko na dahil sa maraming naiingit; noon naman ay nakasubok si Tenteng Kamagong na isa din sa mg̃a kasapi ng̃ samahang, Pinagu-ulapan, sapól ang sikmura at nag-iihit ng̃ tawa, naling̃on-ling̃unan siya ni Lasenga, kaya't tinanong ng̃: ¿Bakit nag-iihit ka ng̃ tawa? tumugon si Tenteng Kamagong ng̃: niloloko tayo at sinabayan ng̃ kaskas ng̃ takbo pagka't alam niyang Lasengo't Lasenga ang kanyang kausap, ipinatuloy ni Kadiliman ang kanyang sermón na waring namamaos ang voces ng̃ pagsasalita; kagabi anya nanood ako ng̃ teatro; ay pinalabas doon ang buhay ninyo at hindi ang buhay ko, hindi ko na sasaysayin ang kalahatlahatan, kundi lahat na lamang ng̃ makailang̃an; kayo di umano'y pipe, bulag, kimaw, pilay at bing̃i, si Hitô anya'y kaibigan ko, kaya't hindi niya ginawa iyón para sa akin kundi udyok lamang nang mg̃a naiingit sa akin; (tumalikod ang Kadiliman natin at ng̃umitî ng̃ lihim, sinabi sa kanyang sariling: Hindi ko sasabihin sa inyong ako ang pinatatamaan ng̃ di ninyo wikaing ako ng̃a'y talagang ganoon), hinarap na naman ang mg̃a kausap at ipinatuloy ang pagsasalita kaya't ang marapat lahat ng̃ palabas na gagawin ni Hitô huag ninyong papasukin, sa á diez y seis may palabas na naman, sabihin sa ating mg̃a kapanalig na huwag pasukin; ang panabay na sagot ng̃ mg̃a kausap, lalakad na kami ng̃ maibansag sa lahat na huwag pasukin at boycotage ang gawin sa sa palabas na iyan, naghiwahiwalay na patumba-tumba ang laseng at lang̃o.

IV.

Kung ano ang Teatro at pagkikita ni Tengteng Kamagong at Agong Kadiliman.

—Si Kadiliman ay nakahampilas sa isáng BarPáhiná 9 at waring malainibay, siyang pagdaan ni Tenteng Kamagong na nakabastipol tinawag ni Kadiliman at ganito ang bati.

—Halika ng̃a Kamagong.

—¿Ano ba Kadiliman tila nagdidilim ang pang̃anorin mo, ha?

—Hindi katalasan lamang ang pakli ni Kadiliman. ¿Bakit ba umalis ka't di mo tinapos ang pagdidimite ko ng̃ cargo?

—Mangyari, ang sagot ni Kamagong, walang makatatangap ng̃ cargo mong iyon.

—¿At bakit? ang sagot ni Kadiliman, na waring nagmamalaki.

—Sinong ulol ang tatangap ng̃ tatlong cargo, sa isang kapisanan?

—Mangyari iyon ang talagang ibig ko, at tang̃i sa roon walang makapang̃ang̃ahás sa ating mg̃a kasapi upang humawak ng̃ pagka Presidente, pagka Secretario at pagka Tesorero; ¿Hindi ba talagang mayroon? sa hindi inaasicaso. ¿Paanong ibig mong sabihin? Kaya ginaganap ko ng̃ lahat, ang pagalít na sagot ni Kadiliman.

—¿Bakit hindi kapagkaraka'y ipinagbigay alam mo sa kapisanan na di tumutupad ang Tesorero at Secretario ng̃ makapaghalal ng̃ iba't sinarili mo?

—Hindi mo ba tantong bawal sa alin mang kapisanang mapísan ang tatlong cargong iyan sa isang tawo? ¿Kung pumarito sa iyo ang fiscal general at hing̃an ng̃ cuenta ang secretario ikaw ba ang magpipirisintá ng̃ kasulatan? ¿Kung hing̃in sa iyo nang fiscal ang linaw kung magkanong naiipong kwalta ng̃ samahan sa mg̃a ambagang ating nagawa? ¿Paanong gagawin mo? ang lanták ni Tenteng.

—Ipakikita kong lahat ang nariyan, ang sagot ni Kadiliman.

Páhiná 10—¿Kung sabihin sa iyo ng̃ fiscal, na ginasta mo ang kalahati?

—Ipagpipilitan kong hindi, ang sagot ni Kadiliman.

—¿Maniniwala na ba sa iyo ang fiscal, na ikaw ay malinis sa hinugasan, kung wala kang ipakitang katunayan? sa ang gawâin ng̃ tatlo'y ibig mong kamkamin, dang̃an ang ikaw ay sabík sa tungkol, dang̃an ang̃ kami yata'y ibig mong̃ lokohin, dang̃an ang ikaw ay napakamangmang; makita mo't ikaw din ang magsisisi pagdating ng̃ araw, ang paala-ala ko sa iyong ito'y hwag mong masamain pagka't mangyayaring ikaw ay mapaghimasukan ng̃ fiscal dahil sa ang gawa mong iyan at ang kwaltang naiipon sa iyo ay hindi mo kualta kundi pilak ng̃ marami, na dapat matanto ng̃ kapulung̃ang namamahala, hindi ng̃ isang tawong namamahala sa isang kapisanan; ganiyang lahat ang kapisanan, tungkol ng̃ Presidente ang mang̃ulo sa lahat ng̃ bagay na kailang̃an, tungkol ng̃ Secretario ang mag-ing̃at ng̃ mg̃a kasulatan ng̃ kapisanan, tungkol ng̃ Tesorero ang mag-ing̃at ng̃ kayamanan ng̃ Kapisanan, kaya't ang tatlong tungkuling ito dapat sa tatlong tawo, ng̃ upang lumiwanag ang pagsasamahán, ang Secretario na may tang̃an ng̃ mang̃a kasulatan siyang dapat na maka-alam nang kwaltang na sa tagoan, dahil na siya ang may hawak ng̃ kasulatan, ang Secretario ang dapat maghawak ng̃ kasulatan ó makaalam sa mg̃a nangyayari sa kapisanan, dahil na siya ang gumagawa ng̃ acta at ang Tesorero ay dapat magkaroon ng̃ kapanagutan sa kapisanan ng̃ itinatago niyang kwalta, kung magkano man, ayon sa kasulatang taglay ng̃ Secretario na kanyang pipilmahan; ang Presidente ó pinakapang̃ulo ng̃ Kapisanan, ang kailang̃ang magsuri kung tama ó hindi ang inaanyo ng̃ dalawa niyang katulong, kung sakaling hindi tama ang sino man dito, siyang bahalang magpaliwanag sa mg̃a kasapi, kung Páhiná 11tamâ naman, ay pipilmá din siya sa kasulatan sa ilalim ng̃ wikang Visto Bueno, sa makatwid ang kahulugan: nasiyasat kong mabuti, dumating man ang fiscal mag reclamo man ang kahit sino, maliwanag ka sa iyong tungkol, dahil na tatlo kayong nananagot sa lahat ng̃ mangyayari; hindi ganitò ang gawa mo, kundi tila ka, si Tiberio Cezar ang maibig ay dapat papangyarihin hindi ka naman emperador. ¿Bakit ibig mong mag Empera-emperadoran? at sa tagalog naman ibig mong mag Apô-Apô.

—Hinawakan ni Kadiliman ang paraskó ng̃ hiniebra at lalantakan si Tenteng at sinabayan ng̃ wikang: naiingit ka yata.

—Hindi ako naiingít ang pailag na sagót ni Tenteng, kundi: ikaw na ang Presidente, ikaw pa ang Secretario at ikaw pa man din ang Tesorero, at kung dumating pa ang fiscal ibig mo pa manding pang Apôan, baligtad ang bituka mo.

—Marahil isa ka sa nagsulsol sa kay Autor Hito; mg̃a ingitero, ang paismid na sabi ni Kadiliman.

—¿Bakit? ang patawáng tanong ni Tenteng.

—Buhay ko ang pinalabás sa Teatro noong ika 2 ng̃ Mayo, ang sagot ni Kadiliman.

—¿Bakit, binangit ka ba?

—Hindi ng̃a ang tugon ni Kadiliman, ng̃uni't katulad na katulad ng̃ aking ugali ang asal ni Tio Agong sa obrang Apô-Apô na itinanghal.

—Hwag kang pahalata, ang pakli ni Tenteng; kaya't dingin mo't ipaliliwanag ko sa iyo kung ano ang Teatro. Ang Teatro ay bahay aralan ng̃ pag-uugali, at salaming mapananalaminan ng̃ nanonood, batyagin mong magaling itong aking sasalitín: Kung ikaw ba'y may kalasing̃an na waring namumung̃ay ang mata mo, ikaw ay mauban, mapula ang mg̃a puti ng̃ matá mo at saka ka manalamin. ¿Hindi kayâ pang̃it ang makikita mo sa salamin?

Páhiná 12—Mangyari, ang pabigláng sagot ni Kadiliman.

—Bien katoto: Ang pabiglá din namang sagót ni Tenteng, ng̃uni't ... ¿Sino sa inyong dalawa nang salamin ang may kasalanan, ikaw ba ó ang salaming napalaminan ng̃ iyong pang̃it na pag-uugali?

—Walâ kaming kasalanan kapwa, ang tugon ni Kadiliman.

—Humalakhak ng̃ tawa si Tenteng; sa bibig kita nahuli ang pasigaw na sabi in Tenteng, Kamagong; e ... ¿Bakit mo kinagalitan si Hito?

Mangyari sinulsulan lamang siya ng̃ mg̃a naiingit sa akin, ang marahang tugon ni Kadiliman, tulad din naman sa pagsulsol ko na hwag pasukin ang palabás ni Hito.

—Malî ang iyong akalà na iyan ay sinulsulan lamang, at idinugtong pang sabi ni Tenteng, marahil ganyan ang gawa mo kung kaya ka nagdamdam; ng̃ masabi ito ni Tenteng nilabnót ni Kadiliman ang kanyang ulo't umuwing dalidali, lumakad na naman ng̃ patuloy si Tenteng na humahalakhak ng̃ tawa.

V.

¿Anong laya ng̃ isang tawo?

Sa pág-uwi ni Kadiliman, natagpô nito si Goring na pinakamaganda sa bayang yaon, at ganito ang unang bati ni Goring: Tio Agong.

—Hindi ako ang si tio Agong, kundi ako ang si Agong Kadiliman ang naging tugon.

—¿Bakit ka bulong ng̃ bulong? ang pamanghang tanong.

—¡Ay Goring! ... ang pahinagpis na lantak ni Kadiliman; alang-alang sa ganda mong taglay, sa buti mong pag-uugali, sa karunung̃an mong magwikang inglés, sa kanipisan ng̃ iyong labi at pagkamairugin mo sa kababayan, ako'y iyong tulung̃an.

Páhiná 13—¿Sa ano? ang tanong ni Goring.

—Nang pagpatay kay Hitô.

—Kung huli mo na madali kong patain.

—Hindi ko ng̃a madakip, napakadulas.

—¿Ano bang samâ ang ginawâ sa iyo?

—Sumulat ng̃ zarzuelang tulad na tulad sa aking pag-uugalî.

—Sa makatwid tawong, ang pang̃alan ay Hito. ¿Bakit naman natin papatain, at papaanong gagawin nating pagpatây? kababayan pa naman yata natin.

—Ow ... Goring, bayaan mo na ng̃a ang kababayan kung siya namang magiging dahil ng̃ hindi ko pagkaluklok sa pagka consejal, kung maaprobahan na ang Bill Adriático; at ang pagpatay na ating gagawin ay ganito: ipananabi mo sa lahat na ang obrang yaon ay masama huwag mong sabihing sa akin patama, sumulat ka sa periódicong «Manila Times» at «The American» pagka't magaling ka rin lamang sa wikang inglés, pag ito'y hindi mo ginawa, tatampuhan kita, talos mo na.... at pag aco'y naging consejal, ako ang bahala sa iyo upang ikaw ay......

Nang marinig ni Goring ang ganitong saysay ni Kadiliman; umalimpuyó sa kanyang dibdib ang ng̃itng̃it, galit, yamot na halos kuyumusin ni Goring ang dila't labi ni Kadiliman at nag wika ng̃ gayari: tantoin mo Agong Kadiliman ng̃ayon ay hindi tagdilim, kundi tagliwanag; kaya't kahit maging kahulihulihan, cargador, bankero, sakatero at magbubukid ay nakatatanto na ng̃ kahulugan ng̃ tinatawag na libertades individuales ó layâ ng̃ bawa't tawo; hindi ng̃ang̃ayon lamang isinisigaw ng̃ bayang filipino na nais namin ang magsarili, ó Ang Independencia kaya't tandaan mo itong ipagtuturing: magkaroon man tayo ng̃ Independencia ó pagsasarili, at buháy ang casiquismo ó pag Aapô-apôan, wala din tayong kahihinatnan.

—¿Bakit? ang papaós na tanong ni Kadiliman.

Páhiná 14—Mangyari, kailan ma't may Apô-Apôan na sa pagluha ang matwid, sa dahilang ang Apô-Apôan, ay walang tinutumpang landasin ng̃ matwid, kaya't ito, ang kalaban ng̃ katwiran, ikaw ay magling̃on ling̃on sa lahat ng̃ sulok nitong Filipinas: maging sa Kapisanan ng̃ mg̃a obrero, maging sa Kapisanan ng̃ politico, maging sa Kapisanan ng̃ religioso, maging sa Kapisanan ng̃ mang̃áng̃alakal at iba't iba pa, kailan ma't may Apo-Apoan, pakaasahan mong ang kapisanang iyan ay hindi susupang; gayon din ang nangyayari sa isang bayan, ganyan din ang nangyayari sá isang nasyong mayroon niyan; kailan ma't may Apô-Apô ang lahat ng̃ matwid ay palikô. Iyan at iyan din ang naging dahil ng̃ pagkayukayok sa sala ng̃ sangkataohan na hindi kumilala sa utos ng̃ Diyos, iyan din naman ang naging sala ni Caín sa kanyang mg̃a magulang at sa Diyos, sa kaibigan ni Caíng siya'y mátampok sa kapurihan, siya ang pumatay kay Abel na tunay niyang kapatid; itó ang iyong katulad na hindi mo ibig na ikaw ay tanawin sa mababang ayos; kaya't iwalay mo na sa isip mo ang pag-uugaling iyan at iyan ang mainam na gamot sa iyong bugók na utak, sa dahilang ng̃ayon ay nanaog na ang mesias na tumubos sa sala ng̃ sangkataohan taglay ang ilaw ng̃ kaliwagan, upang ang nadidilimang pag-iisip na gaya ni Caíng pumatay sa tunay na kapatid at kawang̃is ng̃ mang̃a kapatid ni José Vendidong nagtakal sa tunay na kapatid ay pagliwanagan; at sa Filipinas nama'y nanaog na ang mesías na Rizal na tumubos sa sala ng̃ kadiliman, taglay ang mg̃a aral niya upang magliwanag ang kapilipinuhan, na napakukuyumos sa mapag Apô-Apô; kaya't ang mapagpalang Gobierno Americano ay naglagdâ ng̃ kautusan; Bill na ang bawa't tawo'y makagágawa ng̃ kanyang maiibigan kailan ma't hindi sisinsay sa talatang utos, ang sino man suminsay ay Páhiná 15may katapat na parusa; kaya't huag mong pagnasaang patayin sa gutom si Autor Hitô, sa dahilang iyan ang ipinagpapatid uhaw ng̃ iyong kababayan sa kanyang mg̃a anak; layuan mo na ang asal Caín na ... sa nasâ mong ikaw ay magíng Consejal ay ipápahamak ang isang mag-anak; ng̃ masabi ni Goring ang mg̃a huling salitáng ito ay nahilo si Kadiliman, siya namang pagdatal nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na siyang kumalga kay Kadiliman at naghatid sa kanyang bahay.

VI.

Ng̃ si Kadiliman ay nahihiga dahil sa sakit na taglay.

Payat na payat si Kadiliman dahil sa siya'y nagkaroon ng̃ sakit magmula ng̃ mapagkaalaman ang kabulukan ng̃ kanyang pusô, hindi napagkakatulog ang kahabag-habag dahil sa ubo, kaya't ang palaging tag̃urî niya ay ganito: ¡Ay! sasasalin ng̃ ubo; ubo, ubo, ub ... ¡ay! pag hindi ako ang naging Consejal mabuti pang ako'y namamatay na, sasasalin na naman ng̃ ubo; ubo, ubo ... ub ... mananaghoy na naman ng̃ ... bulok na ang aking puso sa kinakakain ng̃ hindi ko dugo, ¡mg̃a ingitero! ang pang̃após na buntong hining̃a kung hindi ninyo sinulsulan pehong pehong ako ang Consejal; ng̃ayon hindi ko maalaman ang mangyayari; hindi pa halos natatapos ang mg̃a salitang ito ay siyang pagdating nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na nagpapanang̃isan, niyakap ni Bakokoy si Kadiliman at ganitó ang wika: kahabag-habag ka Kadiliman, hindi ikaw ang lumabás na Consejal naháhalata na pala ng̃ tanan, na inuulol mo kami; hagulgulang umaatikabo ng̃ iyák ang tatlo nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô, ng̃ marinig ni Kadiliman ang pananambitan ng̃ kanyang mg̃a inuulol, nagning̃as ang matá na waring nanunulig, sinasal Páhiná 16ng̃ sunodsunod na ubo; ubo ... ubo ... ubo ... ub ... biglang napahiga at nawalan ng̃ diwa na waring naghimatay; sigaw doon sigaw dito ang mg̃a kampon niya, asawa't mg̃a anak, walang isinisigaw kundi: ilaw, ilaw, ilaw upang magliwanag.

VII.

Ng̃ Pagsaulan na ng̃ hining̃a si Kadiliman.

Si Kadiliman; ay nakahimpil sa isang sulok ng̃ kanyang bahay at na tatanikalaan, dahil sa nananakit, pagka't na wala sa lugal ang tornillo ng̃ isip, sa makatwid ay na ulól, sa mg̃a oras na ito'y pinaglalaroan ng̃ mg̃a demonio, ang sabi ni Lucifer na hari sa infierno'y ganito: ¡Kadiliman! magbawa ka na ng̃ iyong ugali; sa tuina't ibubulong ito ni Lucifer sa kay Kadiliman; kinakagát ni Kadiliman ang tanikalang nakatali sa paa't kamay, bubulung̃ang naman ng̃ isang kalulua't ganito ang sasabihin: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! huag mong sisirain ang ibinayad ko ng̃ ako'y bago ilibing; sa dahilang ang Kadiliman nating ito, ay may ugaling suming̃il sa kanyang mg̃a kasapi bago ipalibing kung sakaling mamatay. Samantalang si Kadiliman ay pinaghihilahanan at binubulung̃an ng̃ mg̃a demonio't kalulwa; ay nanduduling ang dalawang mata't ibig mang̃agat, pasag doon paság dito na parang León ni Charini at saka sisigaw nang: ng̃ayo't ako'y nang-uulol sa aking kababayan naiingit kayo sa akin, bubulung̃an naman ng̃ kalulwa ng̃ isang frayle at ganito ang ibinubulong kay Kadiliman; ¡mal agradecido! ¿Hindi ba ikaw ang nagpasasa sa aking káyamanan? ¿Bakit ako pa ang iyong mamasamain? ¡Mal agradecido! sapagka't si Kadiliman ay manugang nitong Frayleng nagdurusa sa infierno ang kalulwa, dahil sa mg̃a kayamanang yaon na pinakikinabang̃an ni Kadiliman, ng̃uni't si Kadiliman ay madalás magalit Páhiná 17sa frayle noong hindi pa nau-ulol, at talaga ng̃a namang masama ang mg̃a ginawa ng̃ frayleng itó noong siya'y nabubuhay, ito'y hindi kaila sa madla. ¿Bakit ga ibig mong tularan Kadiliman? Itó naman ang tanong ng̃ ating Lucifer—Ang frayle pala'y masama kaya't huag mong tularan ang gawa niyang pamimilipit ng̃ bulsa ng̃ iyong kababayan, at ang guinawa nila sa atin noong una, gaya ng̃ guinawa mo kahapon sa kaibigan mong ikaw ay igalang ng̃ boong mundo, nanakál ka ng̃ mahihina, sinangkalan mo ang iyong bayan; kung ibig mong maligo, «ikaw ang mag handa ng̃ iyong gugô,» samantalang ibinubulong ng̃ Demonyo kay Kadiliman ang mg̃a salitang ito, nana-nalas ang matá ni Kadiliman na animo'y pusang bagong pang̃anak, kaya't sumigaw ng̃ ubos lakas na: Lumayô na lamang kayó sa harap ko babagohin ko na ang pang̃it kong pag-uugali, nag-inugong na biglang biglá, siyang naging dahil ng̃ panu-numbalik ng̃ isip ni Kadiliman na parang naalinpung̃atan.

VIII.

Ng̃ hing̃an ng̃ liwanag si Kadiliman ni Giday Lasenga.

Masayang-masaya si Giday Lasengang lumalapit sa kinahihigan ni Kadiliman, taglay sa kanang kamay ang parascó ng̃ Hiniebra at sa kaliwa'y isang látigong panghampás sa kabayo't ganito ang sabi ni Giday: Lintik! Lintik! Lintik! sigaw na halos magiba ang bahay ni Kadiliman at sinabayan ito ng̃ hampas ng̃ latigo, parol anyá ang taglay ko ng̃ tayo'y magliwanag. ¿Bakit ka nang-uulol Kadiliman?

—Marahang sumagot si Kadiliman ng̃ ¡¡¡ay!!!

Nang̃ang̃apos ang hining̃a mo, ¿ha? at biglang pinilantik ng̃ látigo ni Giday.

—¡Ay Giday! ang pabuntong hining̃a ni Kadiliman, ng̃ayon lamang nagsipanaw dito ang mg̃a Páhiná 18demonyo at mg̃a kaluluwa ng̃ mg̃a ibinabaon na nag bayad sa akin bago ilibing, at ang kalulua nang bienan kong frayle na inubos ko na ang kanyang kayamanan, tanto mo na ang aking ugali daig ko pa ang kurang tunay, dahil sa akin nagbabayad ang bawa't ilibing. Ahá nahuli din kita, ikaw palá ay nagkukurakurahan pa, ang pasigaw na lantak ni Giday Lasenga; at sinabayan ng̃ píral sa taing̃a, samantalang dinadaklot ni Giday ang ping̃ol ng̃ taing̃a ni Kadiliman sinabayan ng̃ salitang: isaulî mo ang iniambag ko pagka't kundi ipagsusuplong ko sa may kapangyarihan ang asal mong iyan; dahil na si Agong Kadiliman, ay isang taong sadyang may ugalî noon pang hindi nagkakaramdam na manghing̃î ng̃ contribución, sa kanyang mg̃a kasamahan at sinasangkalang laguî sa nais niyang ito, ang ng̃alang ng̃ Kapisanan; kaya't dinagdagan ni Giday ng̃ sabing kahabág-habág sa iyo ang taong magtiwalâ, kawâ-awâ ang Kapilipinuhan kung patatang̃ay na lagî sa gaya ng̃ iyong masamang nasa, at kahapis-hapis ang isang bayang sipután ng̃ gaya mong taksil, kaya't isaulî mo ng̃ayon din ang mg̃a nai-ambag ko; ng̃ kasalukuyang sinasalita ni Giday ang kakilakilabot na ugali ni Kadiliman ay sinasal ng̃ ubo't nang̃ing̃inig ang boong katawan na animo'y isang nádakip sa pang-uumit ng̃ masarap na pagkain, at siyang dahil ng̃ ikinabulagta ng̃ ating Kadiliman.

IX.

Nang napanaginip ni Kadilimang siya'y kausap ng̃ isang makata.

Si Kadiliman ay nakahigâ sa isang katren pinamutihan ng̃ maraming hiyás, may mesang mabilog sa tabi nito, ilawan ng̃ mayaman sa pagtulog at lubhang matahimik ang anyo ng̃ gabi na halos inaagaw Páhiná 19ng̃ umaga ang pagbubukang liwayway, ng̃ si Kadiliman ay nanaginip ng̃ gayari:

Lumayo ka, ang sigaw ni Kadiliman na halos binabatak ang paghing̃a.—Hindi kitá malalayuan, ang sagot ng̃ makatâ, ayon sa kanyang nanaginip, sa dahilang ito ang aking panata, at sinalaksak si kadiliman ng̃ pluma ó panitik sa mukhang matagihawat; dinugtung̃an ng̃ wikang:—Huag mong wikain Kadiliman na ang aking panitik ay padadalá sa sulsol, gaya ng̃ iyong akala; ah; alibughang asal, sinaksak na naman ng̃ panitik sa mapulang puti ng̃ matá si Kadiliman, siyang pagkagising ni Lolay at ginising ang Kadiliman nating binabang̃ung̃ot sa kasamaan niyang taglay.—Asawa ko, ang palambing na pag-gising ni Lolay.—¡Kaunting tubig, ang binuka sa bibig ni Kadiliman, karaybay na ng̃ pagtakbo si Lolay upang kumuha ng̃ tubig at pinainom si Kadiliman—¡Ah Asawa ko! iganti ninyo ako kung sakaling ako'y mamatay—¡Nakú! ang pagigil na wika ni Lolay na lumagaslás sa matá ang luha, ¿Bakit?—¡Ay asawa ko! ang banayad na tugon ni Kadiliman; ako'y nanaginip, ako'y binang̃ung̃ot, ang aking napanagimpan sinalaksak daw ang aking mukha ng̃ isang makatâ—Mulî na namang bumalong sa mg̃a mata ni Lolay ang luha't nang̃usap ng̃ ... ilayô mo na sa loob mo ang pakikipagtung-galî sa mg̃a ganyan; ng̃ marinig ni Kadiliman ang salitang ito ng̃ kanyang asawa napabang̃on kahit gumugulapay at nang̃usap ng̃ pasigaw—Hindi mangyayari, sapagka't ¿paano ang aking nasa sa pagcoconsejal? ¿Hindi mo ba tanto't kung kayâ ko pinagpipilitang maalis si Dr. noon 905 sa tungkol na pagka consejal, ng̃ ako ang mahalili? ¿Hindi mo ba alam na kung kaya ako nagnasyonalista ng̃ ako'y magkaroon ng̃ katung̃kulan? ¿Hindi mo ba natatalós na kung kayâ ako naghimasok sa kapisanan ng̃ mg̃a panday; ng̃ ako ang maihalal na Consejal Páhiná 20kung maaprobahan ang Bill Adriático at....? ¿Hindi mo ba natatatap na kahit ako'y magkahirap-hirap ng̃ mapataas lamang sa mataas na tungkol kung mangyayari? ibig kong maging Presidente sa América kung maaarî lang at ng̃ayo'y ibig mong ihiwalay ko, ang bagay na iyan sa aking panaginip, kaya't bukas ay mamilí ka sa palenke ng̃ marami at maghahanda ako, siya magpahing̃alay ka, ang sagot ni Lolay.

X.

Ang Pagkikita ní Tenteng Kamagong at Bakokoy.

Komparé! ang patawang bati ni Tenteng Kamagong kay Bakokoy.—Mahal na Kamagong binabati kita ng̃ boong galang, tumung̃o si Bakokoy na umiimbol ang tiyan, ¿Saan ang tung̃o ng̃ kompare ko?—Sa bahay ng̃ ating Apô-Apông si Kadiliman ang tugón ni Tenteng—Ako man kompare ang lantak ni Bakokoy—Bubulung̃an kita kompare; ang batikos ni Tenteng.

—Ikaw ang bahala, ang paagaw na sabad ni Bakokoy, binatak ng̃ banayad ni Tenteng si Bakokoy at saka binulung̃an ng̃ wikang:—Masama ang pakiramdam ko sa ating Apô-Apông si Kadiliman ginagawâ tayong sangkalan ng̃ kanyang pagka talipandás, ng̃ maantilo ni Bakokoy ang salitang ito ni Tenteng, nagalit si Bakokoy, at pagalit na itinanong kay Tenteng kung matutunayan ang gayon; tinanong pa ng̃: ¿Patotohánan mo ang iyong sinasabi? na pinag surot-surot ni Bakokoy sa mukha ni Tenteng.—Oh, tingnan na ng̃a lamang ang asal ng̃ Bakokoy na itó ang pailág na wika ni Kamagong at sinundan ng̃ salitang: Bago ka magagalit, makapito kang iisip; bago ka matutuá, liling̃on ka muna sa kana't kaliwâ. at bago ka magkakatiwala tuming̃ala ka muna sa lang̃it, ling̃onin mo ang iyong tinalikdan, malasin mo ang Páhiná 21iyong hinaharap at tumung̃ó ka sa lupa't ng̃ hindi ka magsisi sa huli.—Hindi ko maintindihan ang sinabi mo ang paismíd na sabi ni Bakokoy—Tuligsain mo ang lantak ni Kamagong: Ng̃ panahon ng̃ tinalikdang kastila ang Frayle ang hari-harian at mg̃a fiscalillo ang Apó-Apó.—Bien: ang batikos ni Bakokoy, nagulat si Tenteng Kamagong na nasabi tuloy na: Ahá ¿Biglá mo akong kinastila, há? Hindi kailâ sa iyo ang nangyari na siyang ikinalupasay sa hapis ng̃ ating inang Filipinas.—Bravo, ang pabiglá namang sabad ni Bakokoy, mulî na namang nagulat si Kamagong at sinabi sa kabiglaanan: ¿Lumálalâ ka? ng̃ayon tatanong̃in kita ¿nasa katuiran ba ang mg̃a iyan? wala, mangyari mg̃a romano ang sagot ni Bakokoy, biglang inagaw ni Tenteng Kamagong ang salitang ito—Hwag natin anyang, dalhin sa Roma, ang salitaan ani Kamagong, at tayo'y nandito sa Filipinas, ang ating pinag uusapan sa mg̃a oras na ito'y ang tungkulin ng̃ mamamáyang tawo dito sa Filipinas, sinasabi ng̃ kautusan ng̃ Diyos; piliin ang bawa't maibigan; sinasabi naman ng̃ Bill, kautusan sa Filipinas: Ang bawa't tawo'y may láyang gumawa ng̃ kanyang maiisipan, kaya't ang aking masasabi'y ganito: Natanto nating masama ang gawá ng̃ Frayle, masama din naman ang gawa ng̃ fiscalillo ng̃ panahong iyon, ¿natatalastas mo kung bakit? sa dahilang ang fiscalillong iyan ay amén ng̃ amén sa kanyang Apô-Apô; gaya din naman ng̃ pag amén mo sa ating Apô-Apô na si Kadiliman, na kapag sinabi sa iyo itatayo niya ang torre ni Babel ng̃ walang kilatis, dudukutin mona ang iyong pesetas para maiambag, kapag sinabi sa iyong igagagapák niya sa loob ng̃ tatlong araw ang templo ng̃ Jerusalem dudukutin mo na ang iyong kahati't walo't ibibigay kaagad, halos iyong inaagaw sa bibig ng̃ asawa mo't anak nang walang kinaoowian. ¿Sino ng̃ayon sa inyó ni Kadiliman Páhiná 22ang may sála? Tila ako ang sagót ni Bakokoy.—Hindi lamang tila, kundi ikaw na ng̃a; sa dahilang kung walang consentidor walang magnanakaw, ito ang kasabihan ng̃ mg̃a matatanda, hindi ko salita ito, ang pabalík na wika ni Kamagong. Gayon din naman pag winika sa iyo pumilma ka, pipilma kaagad, pag sinabi sa iyong makipag-away, makipag-away ka naman, samantalang ikaw ay may sariling kalayaan. ¿Ang boto ba ng̃ isang mámamayang tawo'y gaanong halaga?—Halagang isang copang sorbetes,—Ah, gungong, iyang pagka Bakokoy mo na malapit-lapit kang maging bakoko, pang-ulam sa mahal na araw; piniral ni Kamagong sa taing̃a't sinabing dingin mo itong sasabihin: ¿Iniibig mo ba ang iyong bayan?—Hangang huling tibok ng̃ aking hining̃a, ang tugón ni Bakokoy na waring nagmamalaki.—Kung iniibig mong gaya ng̃ iyong sabi, ani Tenteng, palilinawan kitá. Ang halaga ng̃ isang botos ng̃ mamamáyang tawo, kahalaga ng̃ inang bayan, sapagka't kung makaladkad ang boto mo ng̃ isang basong sorbetes at tatlong tanghalian na gaya ng̃ ugali ni Kadiliman, hindi ikaw ang papatain niyan kundi ang bayang sangkalan, na nalulugami sa madlang hirap; kaya muli't mulî ang bilin ko sa iyo na bago ka boboto titingnan mo ang ugali ng̃ iyong iboboto, ang mg̃a gawâ nito, ang mg̃a ginawâ nito at kung mangyayari, pati pa nang gagawin niyan kailang̃an mong pag-aralan bago ka bumoto:—Bayaan mo kompare at ganyan ang aking gagawin, ang pakli ni Bakokoy.—Kung gayon kompare tayo na, magpatuloy sa piging ni Kadiliman, tayo na ang sagot ni Kamagong at ng̃ maini-init pa ang litsón na ating madatnan, lumakad ang dalawa na nagng̃ing̃isng̃isan.

Páhiná 23

XI.

Ang pagsasalo-salo sa bahay ni Kadiliman.

Si Kadiliman ay malungkot may taling panyong puti sa ulo, palaging napaghihiló dahil sa sakit na taglay, na ayon sa sabi ng̃ mg̃a medico ang sakit na itó ay, nabubúlok ang pusô, kaya nanghihina, kung kaya naman napaghihiló nabúbugok diumanó ang utak; nakahilig sa isang mainam na luklukan si Kadiliman, palaging nakating̃ala't pinag-iisip ang kahapis-hapis na buhay na kanilang napagsasapit na mag-anak; nakasanglâ halos ang boong kabuhayan sanhî sa pag-gugol at pagkakándido, at sa taglay na karamdaman. Siyang pagdating ni Lolay na galing sa bahay sanglaan at nagsanglâ, inabot-abot ni Lolay ang salitâ ni Kadilimang: «Pag hindi ako nagkaroon ng̃ katungkulan sa taóng itó magpapakamatay na ako.»—Iyan ang masasapit ng̃ isang gaya mong ibig Apoin ng̃ lahat, malasin mo itong ating sinasapit na mag-anak, isinangla ko na ng̃ayon pati ng̃ naiwang lupa ni ama, ng̃ayon handá na naman itong iyong gagawin, ¡gastos na katakot takot!—Ulol na tawo ito, ang pahikayat na sabi ni Kadiliman. ¿Mayroon bang namuhunan na di nakinabang? pag ako'y naging Diputado, pag ako'y naging Concejal, pag ako'y naging Presidente, sa kanila ko din kukunin ang mg̃a nagugol kong iyan, ¡siya ineng! iayos mo ang ating handa, malapit ng̃ dumating sila Bakokoy na ating kapanalig, ang pahimok na sabi ni Kadiliman; pumasok si Lolay sa kálanan upang ayusin ang pagpakaináng gagawin; siyang pagdating ni Bakokoy at Tenteng, dinatnan nila si Kadiliman sa gayong kalungkutan, ng̃ makita ni Bokokoy ang ayos ng̃ kanyang maestro na nakahilig, dahil sa sakit na taglay, nang̃aligid sa kanyang namumugtong balintatáw ng̃ matá ang luha at Páhiná 24sinabayan ng̃ sabing: Maestro kong mahal.—Bakokoy ang palambing na tugon ni Kadiliman, hwag mong babayaan ang ating Kapisanan, hwag kayong makikinig sa masasaráp na sabing madalás magbulid ng̃ aking kapurihan, kahit pabalubaluktok ang aking sasabihin paniwalaan ninyo, ng̃ ako'y guminhawa, kahit gawin kong tulay kayo sa aking Kadiliman, ako din ang inyong ibigin; nadinig ni Kamagong ang mg̃a salitang itó na halos nagpupuyos ang kanyang dibdib; ng̃uni't di binubuka ang kanyang bibig. Datapwa't si Bakokoy palibhasa'y isang taong binabatak nang sawing palad, halos nahihimlay ang dibdib sa habág sa kanyang Apô-Apông si Kadiliman, lalô na nang mawika ni Kadilimang tatampuhan ng̃ bayan ang taong hindi makinig sa akin at tuturang makafrayle.

Nang mapakingan ni Kamagong ang huling binigkas sa bibig ni Kadiliman, umalimpuyó ang galit sa dibdib at sinabing: ¿Ang bayan kaya'y na sa sa lawak pa ng̃ Kadiliman? mulî na namang nang̃usap si Kadiliman natin ng̃: ¿Ano po ba ang palagay mo sa pilipino, hindi na bagá kayâ maging mabuting pilipino kundi patung̃o sa landás ng̃ Kadiliman? siyang pagdating nila Giday Lasenga at sina Posotsoy, masasayang nagbigay galang kay Kadiliman; si Giday dahil sa may kalasing̃ang dumating, siyang sumigaw ng̃: ¡mabuhay! ang tugon nang lahat at napabang̃on si Kadiliman ng̃ madinig ang papuri't sinabayan ng̃ wikang Lolay, ilabas mo ang parol.—Oo, ang sigaw naman ni Lolay at maghahain na tuloy ako, inilabás ang parol, nag-inuman, ng̃ nang̃agmamalainibay na silang lahat naghain na si Lolay, tinadtad na ang mainit na litsón, pinaghiwahiwa na ang inihaw na pabo at nagsidulog ang mg̃a panauhín, lumagay na si Kadiliman sa kanyang lugal na pinakapangulo, saka nagsalita: ¿Anong kahulugan nitong ating Páhiná 25piging? si Tengteng Kamagong hindi kumikibô, datapwa't sa kanyang sarili ang nawika: ¿Mayroon bang dapat na makaalam ng̃ lahat nang bagay na nangyayari kundi ikaw? umulit na namang tumanong si Kadiliman: ¿Bakit walang makasagot sa inyo? yayamang hindi ninyo masagot, sasabihin ko na: kaya ako pinang̃ang̃anlang Apô-Apô, dahil sa kabutihan ko, sapagka't ipinagsasálo ko kayo sa aking dulang; pagka sabi nito, tumalikod si Kadiliman at sa sarili'y sinabing. (kayâ ko lamang kayo ipinagsasalo, dahil sa nais kong ako'y inyong ibotos sa anomang katungkulan) muli na namang hinarap ang mg̃a kaawá awa, siya simulan na natin ang pagkakainan. Tinawag ang kanyang anak na si Arkelaw at binulung̃an, na ganitó ang ibinulong: Arkelaw na anak ko: ang mg̃a kasalo nating iyan, marami ang bing̃i, bulag at pipe, ang mg̃a iba niyan ay mg̃a hindi ganoon, huag mong lubhang pakikisamahan pagka't hindi mo mau-ulol, sa makatuwid wala kang mapapakinabang, ang mg̃a paraang ito'y dapat mong mahahin sa akin at sa iyong nunong namatay na si Pirong Botete, kung ibíg mo din lamang guminhawa sa ibabaw ng̃ mundo, hwag kang makisama sa kasingtaas mo, ng̃ iyong mapagharian. Akong si Kadilimang iyong ama talastas mong na sa karamdaman, hindi natin mahulaan sa ng̃ayon kung kailan mapapatid ang tang̃an kong hining̃a; ng̃ mamasdan ni Tengteng Kamagong ang bulung̃ang itó nang mag-ama kinalabit si Bakokoy at pabulóng na sinabing: Matagal ang bulung̃an ng̃ mag-ama ni Kadiliman at Arkelaw.—Lantakán mo ng̃ lantakán ang litsón hindi kung anong pinagmamasdan mo, ang sagot ni Bakokoy; siyang pagdatal ni Tarorang Susô at humahang̃os, pakingan ninyo anyá ang aking balita: Ang lahat ay napatang̃a sa kanya, pumigura si Tarorang Susô at saka nagsalitâ: Ako anya'y galing sa Sampalok, Páhiná 26doon ay nabalitaan kong hindi naaprobahan ang kalahat lahatang hiling ng̃ Bill Adriático na ang bawa't pook ó distrito ay magkakaroon ng̃ isang Concejal, hindi ganito ang kinahinatnan kundi dalawa lamang sa boong Kamaynilaan isa sa Katimugan at isa naman sa Kahilagaan (isa sa N. at isa sa S.) ng̃ madinig ni Kadiliman ang balitang itó ni Tarora, naghimatay si Kadiliman at nabwal sa kinauupang luklukan, siyang pagkakaguló ng̃ gibikan ng̃ lahat sa ating Kadiliman, ang iba'y humihing̃i ng̃ tubig ang iba'y Eter, ang kalahatan naman ay ilaw nang tayo anya'y magliwanag dahil sa laganap sa boong bahay ang Kadiliman, ipinasok sa silid si Kadiliman, si Bakokoy at Kamagong hindi tumitinag sa kinauupan, kaya't sila lamang ang naiwan, at nasok sa silid ang lahat.—Hinampás ni Kamagong sa ng̃usô si Bakokoy ng̃ hità ng̃ manók niyang pinapang̃al at saka tinanong ng̃ ganitó: Hulaan mo Bakokoy kung bakit nabaligtad si Kadiliman sa pagkaupô?—Ang palagay ko'y lasing kung kaya nahilo, ito ang naging tugon ni Bakokoy.—Musmós ka ng̃a palang tawo ang paagad na pakli ni Kamagong—Nagalit si Bakokoy at sumigaw ng̃ boong lakás; pag ako'y ganitong may kalasing̃an hwag mong aalipustain si Kadiliman at babasagin ko sa ulo mo itong bote.—Hwag mo bang initan ang ulo mo, sapagka't ang malamig kailanman ay siyang magaling ¿di mo ba tanto na ang pamatay sa apoy ay tubig? Kaya't duming̃ig ka: Haya't nahilo si Kadiliman sa dahilang kaya siya naggugol ng̃ pagpapakain upang siyang ihalal natin kung napagtibay ang Bill Adriático, ng̃ayo't hindi, kaya't sumubó ang dugô; kaya magmula ng̃ayon itong aral ko'y siya mong sundin ng̃ di ka mabalahô, sa panahong itó hwag kang lubhang magtitiwala sa masasayang mukha, dahil sa ang kadalasan nito'y mag-ani ng̃ mapait na luhâ, hwag kang padadakip sa Páhiná 27gaya ni Kadiliman na sa kasabikan sa tungkol, lahat ng̃ buti ang ipinakikita, ng̃uni't pakitang tawo lamang, diyan ay marami pang nalisaw na ... Kahit ang laman ng̃ Lang̃it ay ipang̃ang̃ako masunod lamang nila ang nais, ¿ayaw ka pa ba sa mg̃a ng̃iting ginamit kahapon, sa mg̃a yakap na ginawa kamakalawa, sa mg̃a pang̃akong napako kanina, sa mg̃a tamis ng̃ dilang ipinalasap kani-kaniná at sa masasarap na bukang bibig na ginawang sagisag kahapon? ¿Anong ibinung̃a?—Aywan ang sagot ni Bakokoy.—Ang ibinung̃a: ¿alam mo? ang sabi ni Kamagong: pawang hapis, pawang dalamhati at lubang walang lagot. Kahapon ako nakadinig sa bibig ng̃ gaya ni Kadiliman na ... bibihisan ang aking iná, tuturuan ang aking kapatid, hangang sa kukunin ang independencia, kapag siyang malalagay sa tungkol; ang lahat ng̃ ito'y naging bung̃ang̃â lamang. Kaya ang kahuli-hulihang ipagbibilin ko sa iyo'y ito: «ang tunay na pag-ibig hindi bumubukal sa bibig, kundi sa pusô; ang lahat ng̃ mabuting nasa hindi nakukuha ng̃ bung̃ang̃a, kundi sa gawa.»—¿Bakit ipinang̃ang̃ako ni Kadiliman, na makukuha ang independencia, pag siya ang nagkaroon ng̃ tungkol?—Ulol, ang pasalág na sabi ni Kamagong, ang dapat mo anyang asahan, iyong inasahan ng̃ ating mananakop na Rizal, nang siya'y na sa Madrid na sinabi sa kanya ng̃ mg̃a republicano doon ng̃ taong 1882[1] Ang Kalayaan ó pagsasarili, na hihing̃i ng̃ tala at hindi ng̃ pamamalingkahod. Kaya kailan man makadidinig ka ng̃ salitang hihing̃in ng̃ bibig ang independencia umung̃ol ka, saka ikaw ay sumagot ng̃ baka ng̃a sakali. Sapagka't si Moisés nang bigyan ng̃ Diyos ng̃ Kasarinlan upang siyang magtanghal ng̃ sampung utos ng̃ Diyos ay nakaupo sa likod ng̃ kalabaw, baka sakaling Páhiná 28ganito din ang mangyari kay Kadiliman, siya tayo na, umalis ang dalawa sa bahay ni Kadiliman nang walang paalam.

[1] Revista internacional en Barcelona.

XII.

Nang naglulubha si Kadiliman.

Si Kadiliman ay nakahiga sa isang gulanit na banig, at halos walang makain, taglay ng̃ pagdadálitang kanyang sinasayod, mula ng̃ makaraan ang may dalawang buan ng̃ paghahalalan, na sanhi sa pag-gugugol nitó sa kanyang kandidatura ay naipagbiling lahat ang kanyang ari-arian at hindi siya ang lumabás, kaya't siyang naging mula ng̃ sakit niyang pagka hibang at pinaglalaruang palagi siya ng̃ mg̃a demonyo at kalulwa ayon sa kanyang panaginip, pagka't nililibon-libon sa lagnat, si Lolay na kanyang asawa ay nakapang̃alumbaba sa palababahan ng̃ bintana at binabantayan ang kahapis-hapis na may sakít.

Nang nag-aagaw gising sa pagtulog si Kadiliman ay nanaginip na siya'y linapitan ng̃ Kaluluwa ng̃ isang Frayleng may taglay na lubid na kabo-negro, at nagsalita ng̃: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! magsisi ka na ng̃ iyong mg̃a kasalanan, ako ang biyenan mong iyong ipinang̃ang̃alandakan ng̃ sama, kaya't ang mamanahin mo na lamang ay ang aking solar at bahay, huwag na ang aking kasamaan; tinatalian sa paa si Kadiliman ng̃ kabo-negro, samantalang sinasabi ang salitang ito; sumagot si Kadiliman ng̃ binabatak ang hining̃a, nagsisisi na po ako Papá, lumayo ka na lamang sa akin at siyang paglapit ng̃ mg̃a kalulwa ni Rizal, Burgos at Zamora, taglay ang tig-isang ilaw, lumapit sa kanang dako ng̃ kinahihiligan ni Kadiliman, ayon sa kanyang panaginip at nang̃agsabing: ¿Hindi ba iniwan namin sa Pilipinas ang iba't ibang tanglaw upang pagliwanagan ang napadadalá pa sa ulap Páhiná 29ng̃kasamaan? ¿Bakit ipinaghahanap buhay mong palagi ang aming ng̃alan? magsisi ka at malapit ng̃ pumanaw ang buhay mo Kadiliman; siyang pagdating ng̃ tatlong demonyong naglalakihan ang sung̃ay na may mg̃a taglay na sibát at inaasintá ang puso ni Kadiliman, saka nang̃agsalita ng̃ ... sapagka't masamang budhî ka sa iyong mg̃a kababayan at madalas mong ululin, ang puso mo ang aming sisibatín, inakmaan ng̃ sibát, hindi pa halos umaabót sa dibdib ni Kadiliman ang saksak ay napasigaw ng̃: patawarin ninyo ako't di ko nalalaman ang aking ginawa; siyang pagkagising ni Kadiliman at huming̃î ng̃ tubig sa asawang nalulunos, kumuha kapagdaka si Lolay at pinainom ang kaawa-awang maysakit, ng̃ matapos makainom, tinanong ni Lolay ng̃: ¿Anong nangyayari sa iyo't ga ikaw ay naghihinagpós?—¡Oh asawa ko! ang naitugon, kakila-kilabot na bung̃ang tulog ang sa aki'y dumalaw, panaginip na nagbigay gambala sa ating sinasaad ng̃ayong pagdaralita.—Salitin mo sa akin, asawa ko, ang palambing na usisa ni Lolay.—Ayon sa aking panagimpan, ang pasimulang pagsasalita ni Kadiliman, ako'y dinalaw ng̃ mg̃a kalulwa nila Burgos, Zamora at Rizal at ako'y pinang̃aralan at ganitó ang pang̃aral na sa akin ay sinabi: ¿Bakit mo tinatakpan ang matá ng̃ ating mg̃a kababayan, ng̃ ikaw lamang ay maluklok sa trono ng̃ panunungkol? ¿Hindi ba nang̃ang̃alisag ang iyong mg̃a balahibo, na sa tatlong daang taong mahigit, na pinagharian ng̃ kadiliman ang ating bayan, na siyang dahil ng̃ pagkakalupasáy sa hirap ng̃ mg̃a bálo't ulila ng̃ dahil sa kanya'y pag-ibig, at ng̃ayo'y siya mo pang uululin? ¡Ay asawa ko! ang pabuntong hini~ngang sabi ni Kadiliman, samantálang ito'y itinatanong sa akin ng̃ mg̃a kalulwa ay tinatalian ang aking mg̃a paa't kamay, at siyang pagdatal ng̃ mg̃a demonyo na buhat yata sa Infierno at ako'y kinakalawit at pinapandilat ang mg̃a matá nabinubukalán Páhiná 30ng̃ mistulang apoy, at gayari ang sa akin na ipinagturing: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! sasama ka sa amin ng̃ayon din, sapagka't ang kalulwa mo'y na sa amin ng̃ kaharian, dahil sa sala mong magsisisúnod: Una. ikaw ang nang̃akong kukunin mo ang independencia pag ikaw ang naging punô; ikalawa, madalas kang bumili ng̃ botos, ito'y nalalaban sa kautusan ng̃ Diyos at kautusan ng̃ tawo; ikatlo, ikaw ang nangagahis sa layâ ng̃ tawo, ikaapat at huli, ikaw ang nagnanais na kung ikaw ang naluluk-lok sa panungkol, daragdagan mo pa ng̃ lalong hirap ang iyong kababayan, kaya't ang kahariang ito'y hinatulan ka ng̃ kahit ang katawan mo'y buhay, dapat ang kalulwa mo'y kunin namin at dalhin sa bayang Infierno, kilanlin mo: LUCIPER HARI SA INFIERNO, matapos na sa aki'y masabi ang mg̃a kahatulang ito, kinalawit ako ng̃ dalawa at sasaksakin ni Luciper naman ang aking puso, dahil sa siya daw ay may kabulukan, ako'y napasigaw ng̃ ... patawarin ninyo ako't hindi ko nalalaman ang aking ginawa, siya kong pagkagising; kaya asawa ko, yayamang wala na din lamang akong sukat ikaguinhawa dito sa lupa at doon man sa lang̃it, ako sa iyo'y nagpapaalam, niyakap ni Kadiliman si Lolay at sakâ sinungaban ang sundang na nasa kanyang lapit, at saka nagsalita: Ang kalulwa ko'y nasa infierno na, ang katawan ko'y nandito pa sa lupa; ng̃uni't naubos na ang aking mang̃a kaibigan mulâ ng̃ ako'y maghirap, ¡mabuti! ¡¡¡magpatiwakal!!! umakmang sasaksakin ang kanyang dibdib, napasigaw si Lolay ng̃: ¡Asáwa ko! at pinigilan ang kamay na may sungdang, hwag ka anyang gumawa ng̃ ganyan dahil sa walang ibang gumawa niyan kungdî si Judas lamang, na nagtakal kay Cristo sa halagang tatlong pung..... salapi kaya't walâ kang mabuting gawin, yamang nakilala mo na ang hari sa infierno at ang gawa ni Judas, dapat layuan ang mg̃a bagay na Páhiná 31iyong ninanasa, dahil sa ito'y hindi mabuti; at walang mainam gawin tayo kundi ang magtrabajo, magpapatak ng̃ pawis, umibig ng̃ tunay na pag-ibig sa bayan kinamulatan, yayamang ang bing̃ing kaliwanagan na ibininhî ng̃ mg̃a mártir sa sarili, ay siyang mapang̃ang̃atigang tanglaw na maliwanag, upang tumung̃o sa landas ng̃ ligaya. Mulâ sa ng̃ayon, asawa ko, ito ang aking gagawin, ang pakli ni Kadiliman.—Kung gayon, ay tayo na ang sagót ni Lolay, paalam sa inyo bumabasang guiliw.

Decorative motif