The Project Gutenberg eBook of Balarilang Tagalog

This ebook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this ebook or online at www.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook.

Title: Balarilang Tagalog

Author: Mamerto Paglinawan

Release date: February 25, 2014 [eBook #45007]
Most recently updated: October 24, 2024

Language: Tagalog

Credits: Produced by Marie Bartolo (etexts.bartolomarie@gmail.com)
from page images made available by the Internet Archive:
American Libraries

*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK BALARILANG TAGALOG ***

Paliwanag ng Tagapagsalin

Ang tekstong ito ay nasa lumang Tagalog, na gumagamit ng titik g na may tilde sa ibabaw (g̃), na makikita halimbawa sa mga salitang ng̃, mg̃a, at ng̃ayón. Kung hindi maayos na nakikita ang titik , tiyaking UTF-8 ang nakasaad na file encoding sa iyong browser. Maaari ring kailangang palitan ang font na iyong gamit. Kung hindi sapat ang mga paglutas na ito, gamitin na lamang ang Latin-1 na bersyon ng e-text na ito.

Ang tekstong ito ay nasa lumang Tagalog, na gumagamit ng titik g na may tilde sa ibabaw (g̃), na makikita halimbawa sa mga salitang ng̃, mg̃a, at ng̃ayón. Kung hindi maayos na nakikita ang titik sa iyong e-book reader, maaaring kailangang palitan ang font na iyong gamit. Maaari ring gamitin na lamang ang Latin-1 na bersyon ng e-text na ito.

Maraming pagkakaiba ang mga katawagang ginamit ng may-akda doon sa mga ginagamit sa kasalukuyan sa makabagong balarilang Filipino. Halimbawa ay ang pangdiwà ng may-akda ay tumutukoy sa noun sa Ingles, nguni’t sa makabagong balarila ang pandiwa ay verb sa Ingles.

[1]

BALARILANG TAGALOG

[3]

Balarilang Tagalog

MAMERTO PAGLINAWAN

Katulong sa “Taliba” at sa iláng páhayagáng litáw sa Maynilà.

UNANG PAGKÁLIMBÁG

MAYNILÀ.—S. P.

Limbagang Magiting ni Honorio López. Daáng Anloague, blg. 319.—Binundok

1910

[4]

Ang aklát na itó’y ipinagbibilí sa madlâng Aklatan sa Maynilà. Nagbibilí rin ng̃ ting̃î at pakyawan sa bahay ng̃ Kumathâ, Santamesa, blg. 467, (looban 3) Sampalok, Maynilà, K. P.

[5]

SA KATAGALUGAN

Ikáw, masayáng bayan ng̃ mg̃a TAGA-ILOG, magandáng lahì ng̃ mg̃a BAYANI, bayan at lahìng sinilang̃an ng̃ mg̃a dakilàng Lakang-Dula at Balagtás, ng̃ magigitíng na Rizal at Bonifacio, bayan at lahìng may isáng wikàng sarili at katutubò, matamís at mayaman, wikàng pinakamámahál at sinásalitâ ng̃ ang̃awang̃aw na pilipino ó ng̃ isáng lahìng may sariling puri, dang̃ál at kabihasnán, ng̃ wikàng pinápang̃arap ko’t ináasahan na, siyáng magigíng WIKÀ NG̃ SANGKAPILIPINUHAN sa maligayang araw ng̃ Bukas; ikáw ng̃â, bayan ng̃ mg̃a Taga-Ilog at lahì ng̃ mg̃a Bayani, ang siyáng tang̃ìng pinagháhandugán nitóng muntî at abâng aklát na itó, nang paghahandóg na magiliw sa dibdíb, malugód sa pusò at taós sa kálulwá.

Mamerto Paglinawan

Sampalok, Maynilà, Disiembre, 1910.

[7]

PAUNAWÀ

Sapúl nang lumunsád siná Magallanes sa mg̃a kawiliwiling baybayin ng̃ lupàíng Sebú, ó dilì kayâ’y nang ituntóng ang kanyáng mg̃a paá sa Kapulùáng Pilipinas na sa kanyáng kariktán ay nagkápalad tulóy tawaging Mutyâ ng̃ Silang̃an, sapúl nang kanyáng mátuklás ang lupàíng itó, na may sariling kabihasnán, may sariling pamámahalà, may sariling pananámpalataya, wikà, ugalì, tugtugin, pananamít, atbp., at hanggáng sa mg̃a sandalîng itó na, ang bayang Amérika, ang bayang mábituwín at másalapî ay siyáng nagháhawak ng̃ ating buhay at kapalaran, ng̃ ating kálulwá at pag-íisip, ng̃ ating ginhawa at kalayàan, dito sa mg̃a dakilàng sandalîng itó na nagsusumikap tayo ng̃ buông lakás at kumikilos ng̃ buông siglá sa ikapagtátamó at ikapagwáwagí ng̃ ating BANÁL NA LAYON, hanggá ng̃ayón, máuulit ko, ay walâng nag-akalà ó nang̃ahás yumarì (ipagpatawad sa akin ang pagtátapát) ng̃ isáng wagás na Balarilàng Tagalog upáng mapagbatayán sa tumpák na pagsasalitâ at matuwíd na pagsulat sa mayamang wikà ni Balagtás.

Lumilipas ang mg̃a sandalî, dumaraán ang mg̃a araw, mg̃a araw at sandalîng hindî na magbábalík na, walâ tayong maáanag-ag sa kasaysayan ng̃ ating wikà liban sa malálabò madídilím na talatà. Hindî ko itinátakuwíl [8]ang kasalukuyang pagsulong ng̃ wikàng sarili, hindî ko pinawáwalâng kabuluhán ang masigláng pagsusumikap ng̃ ating mg̃a mánunulát at mánanagalóg sa pagpápading̃ál at pagpapálaganap ng̃ ating kálulwá, bagkús pinakapúpuri ko at pakapúpurihin ang kaniláng mg̃a pagpápagál at pagpapakápuyat. Ng̃unì’t gunítâín nating sumandalî, ng̃ isáng paggúgunitâng mataós at malalim kung paano ang ng̃ayó’y nangyayari sa ating wikà. Náritó na tayo sa kapanáhunan ng̃ Siglo XX at hanggáng sa mg̃a sandalîng itó ay walâ pa tayong mg̃a sariling aklát na sukat pagkákilanlán ng̃ ating mayamang salitâ at matuwíd na pagsulat. ¡Kahì’t manawarìng sa hináharáp ay mag-ibayo tayo ng̃ siglá at huwág tumugot kailan man hanggáng hindî mápatampók sa dakilàng luklukan ang wikà ni Lakang-Dula!

Isá sa maháhalagáng súliranín na ng̃ayó’y karapatdapat pag-úkulan ng̃ ating pagkukurò ay ang náuukol sa súliranín ng̃ wikà. Itóng súliranín ng̃ wikà ay makabuluhán at dakilà, pagkâ’t siyáng diwà ó kálulwá ng̃ Bayan. Hindî káilâ sa atin na, ang may hawak ng̃ayón ng̃ Pámahalàán sa Pilipinas ay ang bayan ni Washington, at hindî rin náliling̃id na, ang kanyáng sinásalitâ’y ang wikà ni Shakspeare. Ang wikàng ginágamit ó pinag-áaralan sa Pilipinas gaya rin namán ng̃ ibáng bayang mahihinà ay ang wikà ng̃ sumásakóp at hindî ng̃ sinásakóp, gayóng ang matuwíd sana at siyáng dapat sundín ay gamitin at pag-áralan ang wikà ng̃ sinásakóp at hindî ng̃ sumásakóp. Dahilán dito, kung kayâ ang wikàng inglés ay siyáng sa ng̃ayó’y itinuturò sa mg̃a páaraláng bayan, sa mg̃a [9]batàng siyáng sa kinábukasa’y mang̃agsisilalakí, at sanhî sa ganitóng pagtuturò at pagpapálaganap ay pinaglálaanán na tulóy ng̃ isáng nápakalakíng gugol. Alín mang Pámahalàán ay may sariling lakás sa kanyáng mg̃a akalà, at dahilán dito kung kayâ ang paglaganap sa isipáng pilipino ng̃ náturang salitâ ay hindî na dapat tawaran.

Ang ganitóng mg̃a pangyayari, mg̃a pangyayaring pará sa ati’y mahalagá, ay siyáng lagì nang pumúpukaw sa matahimik na pagpapáhing̃aláy ng̃ aking gunitâ, siyáng tuwî na’y lumilikhâ sa aking guníguní ng̃ mg̃a panukalà at mg̃a paraáng ikabúbuhay, ikadidilág at ikalálaganap ng̃ayón at kailan man ng̃ matamís at mayamang wikà ni Risál. Itó ang sa aki’y nag-udyók, itó ang nagpasulák sa malamíg na tubig ng̃ aking pusò at iyán ang pumukaw sa mapayapàng pagkakágulayláy ng̃ aking pag-íisip, at dahilán dito’y siyá ang aking kalasag sa pakikipágtunggalî, siyá ang aking baluti sa pang̃áng̃ahás ko ng̃ pagyarì nitóng BALARILANG TAGALOG na dapat panundán sa pagsulat at pagsasalitâ ng̃ sariling wikà.

Hindî lamang ang matuling paglaganap ng̃ wikàng inglés ang nagbunsód sa akin sa pagyarì ng̃ aklát na itó. Mayroón pa: ang pagkakáibáibáng ayos ng̃ panunulat na ng̃ayó’y ginagawâ ng̃ ating mg̃a mánunulát at mánanagalóg, pagkakáibáibáng ang isá’t isá’y nagkakálabáglabág at ang bawà’t isá’y may kaníkaniyáng tuntuning sinúsunód sa sarili na siyáng sanhî ng̃ malimit na kamalìán, ng̃unì’t kamalìáng hindî máipalagáy na ganitó dahil sa kasalatán ng̃ mg̃a pátakaráng dapat taluntunín. Sa pagnanasà ko [10]ng̃âng maparam ang ganitóng mg̃a ulap na nakatátabing sa maningníng na liwanag ng̃ ating panunulat, ay pinaginutan ko ng̃âng sulatin ang aklát na itó na siyáng magigíng ilaw at tungkód sa pagtahak sa landasing madilím at madulás ng̃ ating pagsulat. Sa ganáng pagkukurò ko, ang isáng malakíng balakíd na nakapípinsalà sa pagkásulong at paglaganap ng̃ ating wikà ay ang kasalatán ng̃ isáng Balarilà ó Gramátikáng sukat alituntunín ng̃ mg̃a nang̃agsísisulat.

Ang pagkakásalung̃atan sa pagsulat ay nabábatay sa pagkakábukódbukód ng̃ mg̃a mánunulát at mánanagalóg. Sa kasalukuyan, ang mg̃a itó’y nabábahagi sa dalawáng malakíng pangkát: isá’y ang tinátawag na makalumà at pinamámagatáng makabago ang ikalawá. Ang mg̃a makalumà’y sumúsunód sa mg̃a tuntuning lumà ó dati ng̃ pagsulat na siyáng sa ganáng pagkukurò nilá ay tumpák; at ang mg̃a makabago’y sumúsunód namán sa mg̃a pátakaráng bagong likhâ ng̃ pag-íisip ó bagong paraán ng̃ pagsulat ng̃ ating wikà. Ang pagtutunggalìáng itó ay lubhâng mahigpít: isá’t isá’y may sariling ayos ó paraáng pinanánangnán sa pagyarì ng̃ gayóng hugis ó anyô at sa pagsunód sa gayó’t ganitóng pagsulat. Akó, palibhasà’y námulat sa mg̃a hulíng kapanáhunang itó, maibigín sa mg̃a bagong likhâín ng̃ pag-íisip at sapagkâ’t ináakalà kong tumpák ang mg̃a tuntuning sinúsunód ng̃ mg̃a makabago, kayâ’t ang nápita kong sundín ay ang mg̃a kaparaanáng nátuklás at sinúsunód ng̃ayón ng̃ ating maraming mánunulát at mánanagalóg sa likód ng̃ isáng mataós at [11]mahabàng pagsusurì na aking ginawâ ukol sa bagay na itó.

Isá pa rin sa lalòng makákabuluháng bagay na sa aki’y umakit na sulatin ng̃â ang aklát na itó ay ang pagdami ng̃ mg̃a páhayagán, ang pagdagsâ ng̃ mg̃a nobela at ang pagsísimulâ sa paglabâs ng̃ mg̃a aklát na náuukol sa karunung̃an na, paraparang nasusulat sa Wikàng Tagalog. Ang lahát ng̃ itó ay naglálarawan ng̃ maníning̃as na sulô upáng tumangláw at magbigáy liwanag sa mg̃a gunitâng dahóp, sa mg̃a gunitâng hindî nakámasíd ng̃ maningníng na liwanag ng̃ karunung̃an dahil sa kákapusán ng̃ pisìng sukat makáabót sa matayog na luklukan ng̃ pag-áaral. Ng̃unì’t kinakailang̃an namán na, ang mg̃a páhayagáng iyán, mg̃a nobela at mg̃a aklát karunung̃an ay magkaisá sa matwíd na landasin ng̃ pagsulat, at upáng maganáp itó’y kailang̃ang másalig sa mg̃a tuntuning náilagdâ sa Balarilà ó Gramátiká upáng ang pagbábalità, pagsásalaysáy ó pagpapaliwanag ay mápawastô ó mápatumpák.

Sumandalîng pagbalikán sa ating mg̃a gunitâ yaóng tumutukoy sa mahalagá at mádakilàng súliranín ng̃ isáng wikà. Sa El Filibusterismo ni Rizal, itóng bantóg na aklát sa Europa ma’t Amérika ay nagsaád ng̃ isáng mahalagá at dakilàng aral, na: ANG WIKÀ AY SIYÁNG PAG-ÍISIP Ó KÁLULUWÁ NG̃ BAYAN. Dito’y mápipigâ natin ang isáng masaganà at makabuluháng katás, isáng masaráp at malinamnám na lasa na dapat sundín, pagyamanin at ipagtanggól. Tinutukoy ko ang Wikàng Tagalog, ang wikàng mahál sa ating mg̃a pusò, hiyás ng̃ ating lahì, sagisag ng̃ ating [12]ugalì at larawan ng̃ ating kabihasnán, na, sang-ayon sa pantás na aral ng̃ ating Bayani ng̃ Kalayàan ay kinakailang̃ang mahalín, pagyamanin at ipagtanggól sa mg̃a nang̃ag-áakalàng uminís ng̃ kanyáng hining̃á, sa mg̃a nang̃agnánasàng sumugpô ng̃ kanyáng kasiglahán at sa mg̃a nang̃agnánais na pumatáy sa kanyáng dakilàng diwà at sa kanyáng maningníng na urì.

Atin ng̃âng mahalín, pagyamanin at ipagtanggól ang katutubòng wikà na ginamit niná Lakang-Dula, Pilapil, Balagtás, Rizal, Mabini, Plaridel, atbp. at ng̃ wikàng ng̃ayó’y ginágamit ng̃ buông Katagalugan magíng sa pag-ibig, sa pananámpalataya, sa pag-awit, sa pakikípanayám, sa pagpúpulong, sa pakikípaglarô, sa pagtulog, sa paglíliwalíw, at sa lahát na ng̃ mg̃a kilos ng̃ katawán, galáw ng̃ bisig, mithî ng̃ pusò, pang̃arap ng̃ diwà, adhikâ ng̃ damdamin, udyók ng̃ kalooban, tibók ng̃ dibdíb, likhâ ng̃ pag-íisip at ibá’t ibá pa, sukdáng ang magiliw na pagmámahál at masigláng pagtatanggól na itó ay pagkaramayan ng̃ maraming paghihirap, pagkagugulan ng̃ ating mg̃a bisig at pagkáhandugán ng̃ ating mg̃a buhay, huwág lamang makapanaíg ang mg̃a nang̃ag-áakalàng uminís ó pumatáy sa káluluwá at buhay ng̃ isáng wikàng ginágamit ng̃ ang̃awang̃aw na tao at ng̃ isáng lahìng may sariling dang̃ál at may sariling kabihasnán.

Bayàáng ang isáng wikà ng̃ bayan ay mápasailalim ng̃ isáng kapuwà wikà, bayàáng ang wikàng yaó’y malanság at magkadurogdurog, itakwíl sa gunitâ’t alaala, ay katumbás ng̃ pagpapabayà na yurakan ang kanyáng watawat, na sakmalín ang kanyáng buhay, na durugin ang kanyáng káluluwá, na lansagín [13]ang kanyáng lahì. Walâ nang katotohanang gaya nitó, palibhasà ang wikà ay anino ng̃ ugalì ng̃ isáng bayan, larawan ng̃ kanyáng mg̃a kilos at hilig, sagisag ng̃ kanyáng angkán, banaág ng̃ kanyáng kabihasnán at bakás ng̃ isáng mataós na pag-ibig at pagmámahál sa bayang kinágisnán. Sino mang nagmámahál sa isáng wikà ay nagmámahál din sa kanyáng bayan at sa kanyáng lahì. Sino mang tumátakuwíl sa wikàng sarili ay tumátakuwíl din sa bayang kinágisnán at sa lahìng nagbibigáy ng̃ kanyáng dang̃ál at kabuhayan.

Iláng pagkukuròng maháhalagá ang akin namáng tutukuyin ng̃ayón ukol sa mg̃a wikà sa Pilipinas at ang káhalagaháng tagláy ng̃ Wikàng Tagalog. Tatlóng wikà lamang ang pinakámalaganap sa kasalukuyan: isá’y ang bisayà, na sinásalitâ sa dakong Timog ng̃ Kapulùán, tagalog ang ikalawá na sinásalitâ sa gitnâ at ibabâ ng̃ Lusóng at ilokano ang ikatló na sinásalitâ namán sa dakong Hilagà ng̃ Pilipinas. Kung isásalig sa dami ng̃ mg̃a táong gumágamit, ang wikàng bisayà’y siyáng pang̃ulo sa lahát, sang-ayon sa talâng nábasa ko. Ng̃unì, kung úurìin sa kagandahan ng̃ isá’t isá, sa katamisán, sa kayamanan, sa karamihan ng̃ mg̃a páhayagán, sa kasaganàan ng̃ mg̃a aklát at mg̃a dulâ, ang Wikàng Tagalog ay siyáng pang̃ulo at siyáng may mataás na urì sa lahát, lalòng lalò na kung isaságunitâ ang masisigláng kilos sa hulíng kapanáhunang itó na walâng tigil ng̃ pagpápalimbág ng̃ mg̃a aklát, ng̃ pagpápalabás ng̃ mg̃a páhayagán at ng̃ pagpápatanghál ng̃ mg̃a dulâ. Alinsunod sa mg̃a pangyayaring itó, ay labis ang aking pag-asa na, [14]ang araw ay dárating na mátutupád ang aking pang̃arap na, ang wikà sa haharapín ng̃ Kapilipinuhan ay ang wikà ng̃ mg̃a Taga-Ilog, ang wikàng matamís ng̃ mg̃a Lakang-Dula, ng̃ mg̃a Balagtás, ng̃ mg̃a Risál, ng̃ mg̃a Mabini, atbp.

Bábanggitín ko rito ang mg̃a aklát na aking pinagsaligán sa pagnanasà kong makayarì ng̃ isáng Gramátikáng buô at wagás na wagás na tagalog. Sinanggunìán ko ang Diccionario ni San Lucar, pinag-aralan ko ang mg̃a Gramática Hispano-Tagala niná Fr. Minguella at Campomanes, sinurì ko ang maháhalagáng lathalà ni Rizal ukol sa bagong pagsulat ng̃ tagalog na nápalathalà sa La Solidaridad, nilitis ko ang makákabuluháng lathalà ni G. Eusebio Daluz, inisáisá ko ang maháhalagá ring lathalà ng̃ katotong Sofronio G. Calderón, at mataós kong sinurì at pinag-aralan ang ibá’t ibáng pagkukurò at sarìsarìng palagáy ng̃ mg̃a litáw na mánunulát at mánanagalóg, gayón ang mg̃a aklát sa sariling wikà na akdâ ng̃ ating magigitíng na kababayan. Bawà’t salitâ, bawà’t palagáy at bawà’t tuntuning sinipì ko ó hinaláw kayâ sa mg̃a náturang aklát at lathalà ay malabis kong pinasásalamatan sa bawà’t isá at sa lahát.

Ng̃ayó’y magsásalaysáy akó ng̃ iláng haláw na pagkukurò ukol sa aklát na itó. Itóng BALARILANG TAGALOG ay may apat na pang̃ulong bahagi: PagbigkásProsodia); PagkilalaAnalogía); PaglalakipSintaxis) at PagsulatOrtografía). Hindî ko na íisáisahín ang bawà’t bahagi upáng ipaliwanag ang káhalagahán ng̃ isá’t isá, sapagkâ’t itó’y hindî nátutungkól sa akin kundî sa mg̃a babasa at mag-áaral. [15]Tang̃ìng bábanggitín ko rito ay ang náuukol sa pagkakásalaysáy. Pinagpumilitan ko, hanggá’t maáarì, na ang bawà’t tuntunin ay máihanáy na maliwanag, ang mg̃a salitâ’y magíng wagás na tagalog at málagyán ng̃ mabábabaw at maháhalagáng halimbawà na angkóp na angkóp sa mg̃a panuto (ó regla) upáng mawatasang maigi ng̃ babasa at madalîng mátutuhan ng̃ bayan.

Pagkátapos máilahád ang mg̃a abâ kong pagkukurò, pagkátapos máisulit ang mg̃a tibók ng̃ aking sariling damdamin ay walâ akóng másasabi at máipagtatapát kundî akó’y tao. Sinabi ko ang ganitó, upáng ipakilala na ang tao’y nagkákamalî, at sapagkâ’t akó’y ganitó ay hindî malayòng magkámalî rin sa aking mg̃a ginawâ. Ináasahan ko, ng̃ayón pa, na akó’y magkaroón ng̃ mg̃a malî sa pagyarì ng̃ aklát na itó, gaya rin namán ng̃ pag-asang mábubulíd sa hukay ang isáng táong lumálakad sa poók na ganitó sa mg̃a gabíng kadilimán. Dahil sa paníniwalàng itó ay malugód kong tinátawagan ang mg̃a mánunulát at mánanagalóg at ang madlâng mahiligín sa sariling wikà na mangyaring pansinín ang aking mg̃a kamalìán na kaniláng mápupuná sa aklát na itó. Sino mang pumansín ng̃ aking mg̃a malî, sino man ang magpalagáy ó magmungkahì kayâ na ang gayó’t ganitóng tuntunin ay hindî tumpák, sino man ang magdagdág ng̃ anó mang palagáy ó anó mang paghahakà, kailan ma’t ang mg̃a itó’y náuukol sa ikawáwastô ng̃ mg̃a tuntunin at ikasúsulong ng̃ ating wikà ay malabis kong pasásalamatan, ng̃ isáng pasásalamat na taós sa pusò. Sa ganitóng kaparaaná’y [16]naníniwalà akóng lílinis ó húhusay ang mg̃a pátakaráng sinúsunód sa ating pagsasalitâ at pagsulat, at sa haharapí’y magkakároón tayo ng̃ isáng wagás, buô at tumpák na Balarilàng Tagalog na siyáng haligi ng̃ ating pagsulat at ng̃ ating wikà.

Sa wakás ay tanggapín ninyó, mg̃a kababayang mahíhiligín sa Wikàng Tagalog, ang isáng muntîng aklát na itó na nilikhâ ng̃ pahát kong isip at ng̃ muntî kong lakás sa likód ng̃ masigláng pagsusumikap, ng̃ masaganàng pagál at maraming pagtitiyagâ sa sariling katawán, udyók lamang na magkaroón tayo ng̃ isáng aklát na mapagbábatayán sa ating pagsasalitâ at sa ating pagsulat. Ang pusò ko’y malúlunod sa katuwâan kung ang pagkakálabás ng̃ aklát na itó ay makátulong sa pagpápadilág at pagpapálaganap ng̃ ating wikà. Ang damdamin ko’y mabúbusóg sa galák kung ang aklát na itó’y pag-áralan natin, upáng máipakilala minsan pa ang ating wagás na pag-ibig at magiliw na pagmámahál sa sariling arì, sa sariling diwà at sa sariling káluluwá ng̃ ating iníibig na bayan. At káhulíhuliha’y isáng mataós na dalang̃in, dalang̃ing nagbuhat sa pusò, na, maano nawàng sa hináharáp ay magíng wikà ng̃ Sangkapilipinuhan ang wikàng matamís ng̃ mg̃a Taga-Ilog, ang wikàng mayaman ng̃ mg̃a Lakang-Dula, ng̃ mg̃a Balagtás, ng̃ mg̃a Risál, ng̃ mg̃a Mabini, at ibá pa!

Mamerto Paglinawan.

TUNTUNIN

Kabanata Tudlíng

UNANG BAHAGI
Pagbigkás ó Prosodia

IKALAWÁNG BAHAGI
Pagkilala ó Analogía

IKATLÓNG BAHAGI
Paglalakip ó Sintaxis

IKAAPAT NA BAHAGI
Pagsulat ó Ortografía

[17]

Balarilang Tagalog.

Simulâ.

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na wikà ó salitâ?

Nag-aaral. Tinátawag na wikà ó salitâ, ang kabuùan ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap at ang mg̃a paraán ng̃ pagsasalitâ sa bawà’t bayan ó bansá.

G. Kung gayón, ¿anó ang tinátawag na Wikàng Tagalog?

N. Tinátawag na Wikàng Tagalog[1] ang wikàng ginágamit ng̃ Katagalugan ó kayâ’y ng̃ mg̃a táong tubò sa gitnâ at ibabâ ng̃ Lusóng[2].

[18]

G. ¿Anó ang BalarilàGramática) ng̃ isáng wikà?

N. Balarilà (ó Gramática) ng̃ isáng wikà ay ang katípunan ng̃ mg̃a panuto (ó arte) hinggíl sa mahusay niyáng pagsasalitâ at ng̃ tumpák na pagsulat.

G. Kung gayón, ¿anó ang Balarilàng Tagalog?

N. Balarilàng Tagalog ay ang tumpák na pagsasalitâ at tugmâng pagsulat sa wikàng tagalog.

G. ¿Sa ilán nabábahagi ang Balarilà?

N. Sa apat: PagkilalaAnalogía), PaglalakipSintaxis), PagbigkásProsodia) at PagsulatOrtografía).

G. ¿Anó ang tinátawag na PagkilalaAnalogía)?

N. Ang panig ng̃ Balarilà na nagtuturò at nagpapakilala ng̃ káhalagahán at tungkulin ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap.

G. ¿Anó ang PaglalakipSintaxis)?

N. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a kaparaanán ukol sa pagbubuô ó paglalakiplakip ng̃ mg̃a salitâ.

G. ¿Anó namán ang PagbigkásProsodia)?

N. Ang panig ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a paraán hinggíl sa tuwíd na pagbigkás.

G. ¿At ang PagsulatOrtografía)?

N. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ angkóp na paggamit sa mg̃a titik at ibá pang mg̃a tandâ na gamit sa pagsulat.

TALABABÂAN

[1] Hindî ko pa máitawag sa matamís at mayamang wikà natin ang pamagát na WIKÀNG PILIPINO na siyá ko sanang nais, sapagkâ’t kung tunay mang ang wikàng itó ni Balagtás ay siyáng kinagigiliwan ng̃ maraming pilipino, malaganap at may mataás na urì kay sa ibá, ay tunay rin namáng hanggá ng̃ayón ay lubhâng marami pa rin ang dî gumágamit sa kanyá, lalòng lalò na ng̃ mg̃a tagá Bisayà, Iloko, Mindanáw, Kapangpang̃an, Panggasinán, at ibá pa. At sakâ na natin iangkóp ang náturang pamagát, sakalìng ang pinapanukalang paglalakiplakip ng̃ ibá’t ibáng wikà na ng̃ayó’y ginágamit sa Pilipinas ay maganáp sa ibáng araw.

[2] Ang mg̃a bayang nagsasalitâ ng̃ wagás na Wikàng Tagalog ay Bagong Esiha, Bulakán, Risál, Bataan, Maynilà, Kabite, Laguna, Tayabas, Batang̃an at Mindoro. May mang̃ilánng̃ilán ding nang̃ung̃usap sa bayang Sambales, Tarlák, at ibá pang kanugnóg nitóng Lusóng.

[19]

UNANG BAHAGI
Pagbigkás ó Prosodia[3]

I KABANATA
Ang Pagbigkás at ang kaniyáng sakláw

Gurò. ¿Anó ang kátuturán ng̃ PagbigkásProsodia)?

Nag-aaral. Ang Pagbigkás ay isáng bahagi ng̃ Balarilà na nagtatatág ng̃ mg̃a panuto sa ikatutuwíd ng̃ pagbibigkás (ó pronunciación) at pagdidiín (ó acentuación) ng̃ mg̃a titik (ó letra), pantíg (ó sílaba), pang̃ung̃usap at kaisipán.

G. ¿Anó ang tinátawag na tinigvoz)?

N. Tinátawag na tinig ang tunóg na nilílikhâ ng̃ hang̃ing itinapon ng̃ bagà pagkálabás sa gulunggulung̃án.

G. ¿Anó ang pinamámagatáng titik?

N. Ang muntîng bahagi ng̃ tinig pag binigkás ang isáng tunóg na maiklî at malinaw.

TALABABÂAN

[3] Minárapat kong iuná ang bahaging itó ng̃ BALARILA, sapagkâ’t lubhâng kailang̃ang mabatíd muna natin ang náuukol sa Abakadá, bago tayo tumung̃o sa pagkilala ng̃ halagá at tungkulin ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, sa paglalakiplakip nitó, at pagkátapos ang nahihinggíl namán sa tumpák na pagsulat.

[20]

II KABANATA
Abakadáng tagalog[4]

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na abakadáng tagalog?

Nag-aaral. Tinátawag na abakadáng tagalog ang kabuùan ng̃ mg̃a titik na ginágamit sa sariling wikà.

G. ¿Iláng titik mayroón ang ating abakadá?

N. May dalawangpû lamang lahát, at itóng mg̃a sumúsunód:

a, b, k, d, e, g, g̃, h, i, l,
m, n, o, p, r, s, t, u, w, y.

G. ¿Paano kung bigkasín ang bawà’t isá?

N. Ang pagbigkás ng̃ bawà’t isá ay ganitó:

a, ba, ka, da, e, ga, ng̃a, ha, i, la,
ma, na, o, pa, ra, sa, ta, u, wa, ya.

G. Ang mg̃a titik, ¿sa anó nabábahagi?

N. Nabábahagi ang mg̃a titik sa tinátawag na ting̃igvocal) at pangtinigconsonante).

G. ¿Anó ang tinátawag na ting̃igvocal)?

N. Tinátawag na ting̃ig (ó vocal) ang titik na maáarìng bigkasín sa kaniyáng sarili lamang at bumubuô ng̃ isáng pantíg (ó sílaba).

G. ¿May ilán ang ting̃ig sa tagalog?

N. Limá: a, e, i, o, u.

[21]

G. ¿Anó namán ang tinátawag na pangtinig?

N. Tinátawag namáng pangtinig ang titik na dî máibibigkás sa kanyáng sarili, at itó’y nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃ isáng ting̃ig (ó vocal).

G. ¿May ilán namán ang pangtinig sa ating wikà?

N. Labinglimá: b, k, d, g, , h, l, m, n, p, r, s, t, w, y.

TALABABÂAN

[4] Pinamagatáng abakadá sa tagalog ang tinátawag na alfabeto ó abecedario sa kastilà, sang-ayon sa kapasiyahán ng̃ “Samahán ng̃ mg̃a Mánanagalóg,” sapagkâ’t ang pinanggaling̃an at pinagbatayán ng̃ tinurang salitâ ay ang apat na pang̃unang titik sa tagalog na a, b, k, d, na kung bibigkasín ay a, ba, ka, .

III KABANATA
Pagbigkás ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal)

Gurò. ¿Paano ang pagbigkás ng̃ a sa wikàng tagalog?

Nag-aaral. Ang pagbigkás ng̃ a sa ating wikà ay kawangkîng kawangkî ng̃ pagbigkás sa wikàng kastilà, liban lamang kung nagtatagláy ng̃ mg̃a kudlít na mariín (ó agudo) at banayad (ó grave), palibhasà ang tunóg ng̃ mg̃a kudlít na itó’y lubhâng kaibá sa tunóg ng̃ kudlít ng̃ salitâng kastilà.

G. ¿Paano namán ang pagbigkás sa e?

N. Ang pagbigkás sa e ay katulad din ng̃ sa kastilà, liban kung may tagláy na kudlít paris nang sinabi sa a.

G. Ang i, ¿paano namán ang pagbigkás?

N. Ang i, sa una at kalagitnâan ng̃ pang̃ung̃usap ay walâng iniwan sa kastilà. Kung nasa sa hulíng pantíg (ó sílaba) ang tunóg ay bumubukás ng̃ kauntî, at may bahagyâng pagkakahawig sa mg̃a salitâng inglés na sorry, carry, atbp., na ang tinurang tunóg ay isáng pagduduób ng̃ e at i.[5]

[22]

Halimbawà ang salitâng lalaki: ang i dito ay dî ganitó binibigkás, kundî ie ó ang pagduduób ng̃ mg̃a tunóg ng̃ i at e.

G. ¿Paano ang pagbigkás sa o?

N. Sa gitnâ ng̃ pang̃ung̃usap ay paris din sa kastilà ng̃unì’t sa katapusán ang kanyáng tunóg ay nagigíng katumbás ng̃ ou.

G. At ang u, ¿paano kung bigkasín?

N. Ang pagbigkás sa u ay katulad din ng̃ sa kastilà kailan ma’t na sa gitnâ ng̃ pang̃ung̃usap.

G. ¿Ang o at u ay magkawang̃ís bagá?

N. Hindî pò, sapagkâ’t ang isá’t isá ay may sariling tunóg at may sariling kágamitán.

G. Kung may sariling tunóg ang bawà’t isá, ¿bakit ang o ay nagigíng katumbás ng̃ ou sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap?

N. Ang bagay na iyá’y isáng pagduduób ng̃ o at u, pagbigkás ó tunóg na katutubò sa mg̃a dilàng tagalog na siyáng sanhî ng̃ ipinaghihirap sa pagbigkás ng̃ mg̃a europeo.

Halimbawà ang salitâng utos: ang o dito ay dî ganyán dapat bigkasín paris bagá ng̃ pagkakásulat kundî ang paglalakip ng̃ tunóg na o at u ay siyáng nárarapat gawín.

G. Sa ganitóng pag-áalang̃aning pagbigkás na nangyayari magíng sa e at i at magíng sa o at u sa katapusán ng̃ salitâ, ¿ay paano ang tumpák na pagsulat na dapat sundín?

N. Ang pag-áalang̃ang pagsulat na ibinubung̃a ng̃ ganyáng pagduduób, gaya ng̃ lalaki ó lalake, utos ó utus, atbp., ay maliliwanagan sa bahagi ng̃ Pagsulat (ó Ortografía).

TALABABÂAN

[5] Sa matandâng kasulatan natin ay tatlóng ting̃ig (ó vocal) lamang ang kinikilala: isá’y ang a, ikalawá’y ang e-i at ikatló’y ang o-u.

[23]

IV KABANATA
Pagbigkás ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante)

Gurò. ¿Anóng tunóg mayroón ang mg̃a pangtinig na b, l, m, n, p, s, t at y?

Nag-aaral. Ang tunóg ng̃ madlâng titik na itó ay kaparis din ng̃ sa kastilà, kailan ma’t may kasakasamang ting̃ig (ó vocal).

G. ¿Anó ang tunóg ng̃ k?

N. Ang tunóg ng̃ k ay katumbás ng̃ ca, co, cu, at qua, que, qui, quo, quu sa kastilà, hal.: cuadro, caballo, querubín, atbp., ay nagigíng kuadro, kabayo, kerubín.

G. ¿Anó ang kabutihang idinudulot ng̃ k sa tagalog?

N. Marami pò: unang una ay nagigíng madalî ang pag-áaral at pagtuturò, at ikalawá’y siyáng angkóp na angkóp sa mg̃a pang̃ung̃usap natin.

G. ¿Anóng tunóg mayroón ang d?

N. Ang tunóg ng̃ d ay kawang̃ís sa kastilà kailan ma’t na sa una at hulihán ng̃ salitâ; ng̃unì’t nagigíng r kailan ma’t pinagigitnâan ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) at ang sinusundán niyá ay dî katapusán ng̃ pang̃ung̃usap. Halimbawà: mARAmi, mARIlág, kARAmdaman, mabutI RIto, masam RIyan, atbp. Dátapwâ’t kung sinusundán ng̃ pangtinig (ó consonante), ó dî kayâ’y pinakasimulâ ng̃ salitâ ay dî na dapat baguhin ó paltán. Halimbawà: buhaT Dito; sulonG Diyán; dumito ka katotO, Diyán ay mápapahamak ka. Dapat ding mabatíd na dî sa tuwîtuwî na’y dapat baguhin, hal.: madalî at dî maralî; madilím at dî marilím; madilat at dî marilat, atbp. At dapat ding matantô na, kapág ang mg̃a pangtinig (ó consonante) na w at y ang siyáng sinusundán [24]ay nárarapat ding baguhin; hal.: buháY Rin siyá, sumigaW Rito, atbp.

G. Ang g ¿paano namán ang tunóg?

N. Ang g sa wikàng tagalog ay malumanay kung bigkasín, dî gaya sa kastilàng malakás. Nakákatumbás niyá ang gua, gue, gui sa kastilà, bagamá’t walâng u sa gitnâ; hal.: gintô, gising, pigíng, lagì, atbp.

G. ¿Anó namán ang tunóg ng̃ ?

N. Ang tunóg nitó ay nagbubuhat sa ilóng at tumutulóy sa lálamunan. Ang lalòng magaling at angkóp na pagbigkás ay anyông pahumál.

G. ¿Anó ang káhalagaháng dapat idulot ng̃ sa ating wikà?

N. Ang na katumbás ng̃ ng̃ ay nápakamahalagá, pagkâ’t bukód sa siyáng tang̃ìng titik na makasusunód sa ating mahirap at magandáng pagbigkás na, ang tunóg ng̃â’y sa ilóng at lálamunan (nasal-gutural) at siyáng ikaiibá sa ibáng wikà, ay siyá pang madalî, malinaw at tugmâng tugmâ sa pahumál na pagbigkás, na lubhâng marami sa wikà natin[6].

G. ¿Paano kung bigkasín ang h?

N. Ang h sa tagalog ay may hang̃in kung bigkasín, [25]at itó’y hindî náwawang̃ís sa h ng̃ kastilà: mana pa’y nálalapit ng̃ bahagyâ sa j bagamá’t marahan dito; hal.: halík, hawíg, luhà, buhò, at ibá pa.

G. Ang r, ¿paano kung bigkasín?

N. Ang pagbigkás sa r ay malumanay. Dapat matantô na ang titik na itó’y mahirap makita sa simulâ ng̃ salitâ, bagamá’t may mang̃ilánng̃ilán din, paris ng̃ rahuyo, rahá, atbp. Sa hulí ó katapusán ay lalò ng̃ walâ, bagamá’t noóng dakong una ay palasák na palasák ang paggamit, at sa lugál niyá’y d ang náhalili.[7] Sa gitnâ ng̃ pang̃ung̃usap ay malimit gamitin kailan ma’t napapagitnâan ng̃ dalawáng ting̃ig (ó vocal).

G. ¿Anó namán ang tunóg ng̃ w?

N. Ang w ay isáng bago at mahalagáng titik na náparagdág sa tagalog. Lubhâng nápabuti at nápatumpák ang maraming salitâ dahilán sa kanyá. Sa dating bigkás [26]na kalabao, arao, sing̃ao, ilao, atbp., ay nagíng kalabáw, araw, sing̃áw, ilaw, na siyáng tumpák na tumpák. Siyá rin ang nagíng kahalili ng̃ ting̃ig u, hal.: wikà, walâ, káluluwá, tuwâ, atbp., sa dating uica, uala, kaloloua, toua.[8]

TALABABÂAN

[6] Ang palagáy ni G. Mariano Ponce sa aklát na Guillermo Tell ni Rizal hinggíl sa pag-áalís ng̃ kudlít sa at isulat ng̃ ng na walâng kudlít sa itaás, pag-áalís na nagkakahulugán ng̃ pagpawì sa titik na ay dinaramdám kong dî sang-ayunan gaya rin namán ng̃ dî pagsang-ayon ng̃ maraming mánunulát at mánanagalóg. Ang násabing ginoó ay nagbitíw ng̃ mararami at maháhalagáng katwirang pinagbábatayán niyá, na ang isá’y násasalig sa ibá’t ibáng wikà at ang ikalawá’y ang kapansanang mangyayari sa sakalìng magpalimbág sa ibáng lupà ng̃ mg̃a kasaysayang tagalog. Akó man sana ay talagáng sang-ayon na rito, dang̃a’t dî maamin niyaring kalooban ang pagtatapon sa titik na bugtóng at katutubò na siyáng pinakadiwà ng̃ ating wikà at siyáng katang̃ìán sa ibá. Bukód sa rito, ang ay siyáng angkóp na angkóp sa pagbigkás at tunóg ng̃ ating mg̃a pang̃ung̃usap. At kung ang titik na iyá’y ating papawiin at papaltán ng̃ ibá, marahil ang mg̃a salitâ natin ay magigíng garíl kung bigkasín. At tang̃ì pa rin dito, yamang isinaád ni Risál na: “ang sulat tagalog ay dapat magíng sulat tagalog,” kung gayón, upáng matupád ang dakilàng salitâng itó ng̃ magiting na bayani ay dapat gamitin natin ang na siyáng katutubò at siyáng diwà ng̃ wikà ni Balagtás.

[7] Noón ng̃âng araw ay malimit gamitin ang r sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap, at ang madalás gumamit nitó’y ang mg̃a parì sa kaniláng pang̃ang̃aral at sa kaniláng mg̃a kasulatan at dásalan, paris sa halimbawà ng̃ capatír, bacor, lubir, atb., sa lugál na sabihing kapatíd, bakod, lubid. Sa iláng bayan ng̃ Batang̃an ay gayón din ang pagbigkás, at kung dî akó malî ay hindî nagbabago hanggá ng̃ayón.

[8] Noóng mg̃a panahóng lumipas, palibhasà ang w ay dî pa nátutuklás na gamitin sa ating wikà, kung kayâ ang ginágamit sa lugál niyá (paris ng̃ sinabi ko) ay ang ting̃ig u gaya sa mg̃a salitâng uica, uala, atbp. At sanhî sa kadahilanang itó kung kayâ sa Ensayo de Gramática Hispano-Tagala ni Fr. Minguella ay ipinalagay tulóy na ang ua at ui ay diptongo, pagpapalagáy na walâng katotohanan sapagkâ’t walâ nitó sa mg̃a salitâng wagás na tagalog.

V KABANATA
Tungkól sa mg̃a pantíg (ó sílaba)

Gurò. ¿Anó ang kátuturán ng̃ pantígsílaba)?

Nag-aaral. Pantíg sa ting̃ig ng̃ Pagbigkás, ang tunóg ng̃ isá ó iláng titik na ibinibigkás na biglâ ng̃ tinig, (ó voz) at ang pakinig namá’y warìng tinatanggáp ng̃ minsanan.

G. ¿Maáarì bagáng magkaroón ng̃ pantíg kung walâng ting̃ig isá man?

N. Hindî pò: magkakároón ng̃ pantíg kailan ma’t may isáng ting̃ig (ó vocal) na kasama.

G. ¿Iláng titik maáarìng magtagláy ó bumuô ng̃ isáng pantíg?

N. Ang isáng pantíg ay maáarìng magtagláy ng̃ isá, dalawá, tatló ó apat na titik, hal.: ó, sa, din, kung.

G. ¿Anó ang tuntuning pangkahalatán (ó regla general) ukol sa pagbigkás ng̃ mg̃a pantíg sa mg̃a salitâng wagás na tagalog?

[27]

N. Ang tuntuning pangkalahatáng sinúsunód natin ay itó: “ang isáng pangtinig (ó consonante) ay hindî dapat mádikít sa kapwà pangtinig: kailang̃ang ang isá’t isá ay bigkasíng malinaw at magkahiwaláy”. Halimbawà: hindî dapat bigkasíng tu-dlíng, ku-dlít, ta-gláy, a-klát, ba-klád atbp., na ang dalawáng pangtinig (ó consonante) ay magkasiping ó magkadikít sa isáng pantíg, kundî ang nárarapat ay tud-líng, kud-lít, tag-láy, ak-lát, bak-lád.

VI KABANATA
Hinggíl sa mg̃a diptongo

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na diptongo?

Nag-aaral. Tinátawag na diptongo, ang isáng pantíg (ó sílaba) na kinaroroonán ng̃ dalawáng ting̃ig (ó vocal) na magkasiping at ibinibigkás lamang ng̃ íisá.

G. ¿May diptongo bagá sa ating wikà?

N. Sa mg̃a salitâng wagás na tagalog ay walâ isá mang diptongo, kahì’t na magkasiping ang dalawáng ting̃ig (ó vocal); hal.: nais, pain, kain, tao, atbp.

G. Sa pag-ilag sa diptongo, ¿anó tulóy ang nákaugaliáng gawín sa mg̃a salitâng ang dalawáng ting̃ig ay magkasiping?

N. Nákaugalián na tulóy sing̃itan ng̃ y ó w sa mg̃a salitâng warìng may diptongo; hal.: buwán (buan), tuwâ (tuâ), biyák (biák), tiyáp (tiáp), atbp. na paraparang binibilang sa tigalawáng pantíg.

G. ¿Marapat ba tayong tumanggáp ng̃ diptongo?

N. Oo pò, nárarapat; at ang pagtanggáp na itó’y tang̃ìng manggagaling sa mg̃a salitâng hirám na may diptongo.

[28]

G. ¿Anó ang mápapalâng kabutihan sa ganitóng pagtanggáp?

N. Sa bagay na itó’y maiilagan ang pagkakáyuwis (ó confusión) sa pagkakásiping ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) ng̃ mg̃a salitâ, paris ng̃ nais, pain, atbp., at sa pagduduób ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) ng̃ mg̃a anyô (ó partícula), gaya ng̃ Iulat, MAinggitin, MAGSIambâ.

G. ¿Iláng diptongo lamang ang dapat tanggapín?

N. Pitó: ia, ie, io, iu, ua, ue at ui.

G. Tungkól sa ganitóng pagtanggáp, ¿may panuto rin bang dapat itatág?

N. Mayroón pò: ng̃unì’t dapat alamíng ang panutong itó’y isá lamang pásubalì (ó excepción) at hindî pangkalahatán (ó en general).

G. ¿Paano ang panutong dapat sundín?

N. Ganitó: “Ang mg̃a diptongong tagalog ay nanggagaling sa mg̃a salitâng hirám sa ibáng wikà na ináarì natin at nagpapásimulâ sa mahihinàng ting̃ig (ó vocales débiles), at ang mg̃a diptongong itó ay pitó: ia, ie, io, iu, ua, ue at ui.” Halimbawà: Prosodia, Nobiembre, silabario, siudád, kuaderno, kueba, huebes, hesuita, at ibá pa[9].

[29]

G. ¿Paano ang gagawín sa mg̃a salitâng hirám na nagdudulo ng̃ ía at ng̃ ibá pang magkakabít ang dalawáng ting̃ig na hindî namán diptongo?

N. Kung ating isusulat ang mg̃a salitâng gangganitó ay dî nárarapat baguhin, at dapat matantô na sa atin ma’y hindî rin diptongo, hal.: María, Heograpía, Ortograpía, atbp.

G. ¿Paano ang pagkakasunódsunód sa pagbigkás ng̃ limáng ting̃ig (ó vocal), sang-ayon sa kanyáng baitang na sinúsunód?

N. Ganitó: a, e, i, o, u.

G. ¿Paano namán ang pagkakaayawayaw na sinúsunód hinggíl sa tunóg at lakás ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal)?

N. Ganitó: a, o, e, i, u.

G. ¿Alín sa kanilá ang tinátawag na malalakás na ting̃igvocales fuertes)?

N. Ang tatlóng náuuná ó kayâ’y ang a, o at e.

G. ¿Alín namán ang mahihinàng ting̃igvocales débiles)?

N. Ang dalawáng náhuhulí ó kayâ’y ang i at u.

TALABABÂAN

[9] Ang panutong itó’y sinipì ko sa matalinong kasapì sa “Samahán ng̃ mg̃a Mánanagalóg” na si G. Eusebio Daluz, na siyáng kasang-ayon ko sa palagáy ukol sa pagtanggáp ng̃ diptongo sa Wikàng Tagalog na nagbubuhat sa mg̃a salitâng hirám.

Sa ganitóng pangyayari ay mápapawì namáng dî sásala ang ginagawâng pagsising̃it ng̃ y sa mg̃a pang̃ung̃usap na hirám, paris sa halimbawà ng̃ Diyós, Munisipiyo, Huliyo, atbp. ay dapat gawíng ganitó: Dios, Munisipio, Hulio. Gayón din ang dapat másabi hinggíl sa mg̃a salitâng sinising̃itan ng̃ w, gaya sa halimbawà ng̃ huwebes, hesuwita, kuwento, kuwaderno, ay dapat gawíng huebes, hesuita, kuento, kuaderno.

VII KABANATA
Sa mg̃a pang̃ung̃usap ó salitâ

Gurò. ¿Anó ang pang̃ung̃usap ó salitâ?

Nag-aaral. Alín mang tunóg, magíng isá itó at magíng marami man na ibinibigkás ang isáng pagkukurò (ó idea) ay tinátawag na pang̃ung̃usap ó salitâ.

G. ¿Iláng pantíg (ó sílaba) ang kailang̃an upáng bumuô ng̃ isáng pang̃ung̃usap?

[30]

N. Mangyayaring magíng isá, dalawá ó ilán mang pantíg; hal.: ó, alíw, salapî, pagsisisi.

G. ¿Anóanóng pamagát ang ikinakapit sa mg̃a salitâ sang-ayon sa ginagawâng pagdidiín?

N. Ang mg̃a tinátawag na pabiglâaguda), pábanayadgrave), pabagsákesdrújula) at pásagitsítsobresdrújula).

G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng tinátawag na pabiglâ (ó aguda)?

N. Tinátawag na salitâng pabiglâ, yaóng idinidiín ang pagsasalitâ sa hulíng pantíg; hal.: badyá, bagsák, bulíd, tamís, alíw, taksíl, atbp.

G. Ang salitâng pábanayad (ó grave), ¿anó ang kátuturán?

N. Tinátawag na salitâng pábanayad yaóng idinidiín ang pagbigkás sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg; hal.: nayon, sabi, bayan, tao, sulat, basa, atbp.

G. Ang salitâng pabagsák (ó esdrújula), ¿anó namán?

N. Yaóng pang̃ung̃usap na idinidiín ang pagsasalitâ sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg; hal.: úlirán, líbing̃an, típanan, atbp.

G. ¿At ang salitâng pásagitsít (ó sobresdrújula)?

N. Yaóng pang̃ung̃usap na idinidiín ang pagbigkás sa ikaapat, ikalimá, ó ikailán mang hulí ng̃ pantíg; hal.: pátakarán, páhayagán, mánanagalóg, mánanalaysáy.

VIII KABANATA
Ukol sa diín (ó acento prosódico)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na diínacento prosódico)?

[31]

Nag-aaral. Ang biglâng pagbigkás ó kayâ’y ang pagdidiíng ginagawâ sa gayó’t ganitóng ting̃ig ng̃ pantíg kung binibigkás ang isáng salitâ ó pang̃ung̃usap.

G. ¿Anó namán ang tinátawag na kudlítacento ortográfico)?

N. Tinátawag na kudlít ang tandâ na malimit gamitin sa pagsulat na siyáng pinakasagisag ó larawan ng̃ gayóng pagdidiíng ginagawâ.

G. ¿Anó ang kaibahán ng̃ diín sa kudlít?

N. Na, ang diín ay siyáng ginágamit sa pagbigkás, at ang kudlít ay sa pagsulat. Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng nagtatagláy ng̃ kudlít ay nagtatagláy rin namán ng̃ diín, hal.: sibád, tugtóg, tamís. Ng̃unì’t ang salitâng may tagláy na diín, kadalasá’y walâng kudlít; hal.: bahay, nayon, tao.

G. Ang pagdidiín sa mg̃a salitâ, ¿sa anó nabábahagi?

N. Gaya na ng̃ sinabi, ang mg̃a salitâ ay nabábahagi sa tinátawag na pabiglâ ó pagbigkás na mariín sa hulíng pantíg, pábanayad ó pagbigkás na mariín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg, pabagsák ó pagdidiín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg, at pásagitsít ó pagdidiín sa ikaapat ó ikalimáng hulí ng̃ pantíg.

G. ¿Mayroón bagáng mg̃a tuntuning sinúsunód ukol sa mg̃a salitâng pabiglâaguda)?

N. Marami pò, at itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng gaya ng̃ bulíd, sigíd, bayáw, sabík, baníg, apí, bibíg, sapúl, tamís, mahál, tunóg, amá, isá, gabí, iná, kapatíd, dalawá, halagá, at ibá’t ibá pang gangganitó ay binibigkás na mariín sa hulíng pantíg.

Ikalawá.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng wagás na tagalog na ang katapusáng ting̃ig (ó vocal) ay pinang̃ung̃unahan [32]ng̃ dalawáng pangtinig (ó consonante), ay binibigkás na mariín sa hulíng pantíg; hal.: biNLíd, biGKís, suBSób, buGTóng, yuPYóp, haGDán, siKSík, aKYát, paTLáng, tuKLóng, tuDYó, tuKSó, linGGó, baGSák, tuKTók, atbp.

Ikatló.—Ang mg̃a salitâng nátatapos sa iya, iyo, uwa, uwi, may kasunód ó walâng pangtinig (ó consonante) ay dapat bigkasíng mariín sa hulíng pantíg, hal.: tiyáp, liyó, buwán, buwíg, atbp.

Ikaapat.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng nagtatapós sa tambál na ting̃ig (ó vocal) may kasunód ó walâng pangtinig (ó consonante) ay binibigkás din ng̃ mariín; hal.: paá, tiím, diín, doón, loób, noó, totoó, alapaáp, atbp.

Ikalimá.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng gaya ng̃ ag-ág, ig-íg, iw-íw, is-ís, al-ál, ang-áng, at ibá pang gangganitó, ay binibigkás ding mariín ang hulíng pantíg; hal.: anag-ág, paig-íg, aliw-íw, alis-ís, buhalhál, paang-áng.

Ikaanim.—Ang mg̃a salitâng nagtatapós sa ab ay binibigkás na mariín sa hulíng pantíg, hal.: sukáb, salakáb, sabsáb, lagabláb.[10]

G. ¿Alín namán ang mg̃a panutong sinúsunód ukol sa mg̃a salitâng pábanayadgrave)?

N. Ang mg̃a sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng gaya ng̃ simoy, sabi, basa, sulat, tao, sisi, nayon, bayan, sulit, bahay, kasama, karayom, at ibá pang gangganitó ay binibigkás na mariín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg.

Ikalawá.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may [33]dalawá ó tatlóng pantíg, at ang mg̃a salitâng itó’y nagtatagláy sa katapusán ng̃ kudlít na banayad (ó acento grave) ay binibigkás na mariín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg; hal.: wikà, nasà, batì, lahì, pusò, pakò, sariwà, timawà, lagarì, bighanì, pintuhò, pang̃akò, atbp.

G. ¿Alín ang mg̃a tuntunin ukol sa mg̃a salitâng pabagsákesdrújula)?

N. Ang mg̃a tuntuning sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng paris ng̃ bíhirà, dálitâ, káhimán, kápitan, at ibá pang paris nitó ay binibigkás na mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg.

Ikalawá.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may dalawáng pantíg gaya ng̃ anás, bulóng, libíng, atbp. na mg̃a salitâng pabiglâ ó mariín kung bigkasín sa hulíng pantíg at sa hulí’y dinagdagán ng̃ an ó han ay binibigkás na mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg, hal.: ánasan, búlung̃an, líbing̃an, áliwan, búgtung̃an, sígiran, lúksuhan, atbp.

Ikatló.—Ang ilán sa mg̃a salitâng ugát na may dalawáng pantíg gaya ng̃ ibig, nais, sabi, bulíd, hiláw, mahál, atbp. na pinang̃ung̃unahan ng̃ anyô (ó partícula) ma ó na ay binibigkás ding mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg, hal.: máibig, mánais, másabi, máhiláw, mámahál, mábulíd, másabi, máibig, náturan, nábulong, nábasa, nákain, atbp.

Ikaapat.—Ang karamihan ng̃ mg̃a salitâng nagpapásimulâ sa ka at nagtatapós sa an ó han gaya ng̃ katíbayan, kagáling̃an, katípunan, kabánalan, kagándahan, kamáhalan, at ibá pang gangganitó ay binibigkás ding mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg.

G. ¿Alín ang mg̃a panutong dapat sundín ukol sa mg̃a salitâng pásagitsítsobresdrújula)?

[34]

N. Ang mg̃a panutong sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng gaya ng̃ súliranín, pátakarán, mánunulát, paláisipán, palátuntunán, mánanagalóg, mámamahayág, mánanalaysáy, atbp., ay binibigkás na mariín sa ikaapat at ikalimáng hulí ng̃ pantíg.

Ikalawá.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may tatlóng pantíg gaya ng̃ himagsík, sigalót, himutók, halakhák, atbp. na mariín ang pagbigkás sa katapusáng pantíg at dinaragdagán sa hulí ng̃ an ay dapat bigkasíng mariín sa ikaapat na hulí ng̃ pantíg; hal.: hímagsikan, sígalutan, hímutukan, hálakhakan, atbp.

Ikatló.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may dalawáng pantíg, gaya ng̃ lagpás, alíw, bigkís, bulóng, utos, payo, atbp. na pinang̃ung̃unahan ng̃ pa at dinuduluhan ng̃ an ó han ay binibigkás na mariín sa ikaapat na hulí ng̃ pantíg; hal.: pálagpasán, páaliwán, pábigkisán, pábulung̃án, páutusan, pápayuhan, atbp.

Ikaapat.—Ang mg̃a salitâng ugát na may tatlóng pantíg, gaya ng̃ lagarì, dalirì, sariwà, atbp., na pinang̃ung̃unahan ng̃ ma ay binibigkás na mariín sa ikaapat na hulí ng̃ pantíg, hal.: malagarì, madalirì, masariwà, atbp.

Ikalimá.—Ang mg̃a salitâng may dalawáng pantíg, gaya ng̃ hulí, samâ, buti, wakás, linaw, at ibá pang pawàng gangganitó, na may ka sa una at an ó han sa hulí at sakâ inúulit ang buông pantíg ng̃ ugát, ay binibigkás ding mariín sa ikaanim na hulí ng̃ pantíg, hal.: káhulíhulihan, kásamâsamâán, kábutibutihan, káwakáswakasan, kálinawlinawan, atbp.

TALABABÂAN

[10] Ang limáng tuntuning náuuná ng̃ mg̃a salitâng pabiglâ ay sinipì ko kay G. Eusebio Daluz.

[35]

IX KABANATA
Tungkól sa paglilihim (ó sinalefa)

Gurò. ¿Anó ang paglilihimsinalefa)?

Nag-aaral. Ang pag-áalís ng̃ isá ó iláng titik sa mg̃a pang̃ung̃usap kailan ma’t naglalakip ang mg̃a itó.

G. ¿Kailán nangyayari ang paglilihim?

N. Ang paglilihim ay nangyayari sa mg̃a salitâng nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) at sa mg̃a pangtinig (ó consonante) n at w, kailan ma’t ang sumúsunód dito’y ang pangbigkís (ó conjunción) at at ang pang-anib (ó ligazón) ay.

G. ¿Sa iláng tuntunin (ó regla) nábubuô ang paglilihim?

N. Sa dalawá, at itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Pagkâ ang isáng pang̃ung̃usap ay nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) ó kayâ’y sa pangtinig na w at ang sumúsunód dito’y ang pangbigkís at ó ng̃ pang-anib ay, ay maáarìng alisín ang a sa at ó ay, pag-áalís na kailang̃ang pagitnâan ng̃ isáng panandâ (ó apóstrofo) upáng mákilala ang paglilihim.

MG̃A HALIMBAWÀ
Amá’t iná Amá at iná.
Lalaki’t babae Lalaki at babae.
Sampagita’t kampupot Sampagita at kampupot.
Akó’y tao Akó ay tao.
Siyá’y marang̃ál Siyá ay marang̃ál.
Itó’y magandá Itó ay magandá.
Ikáw’t akó Ikáw at akó.
[36]Araw’t gabí Araw at gabí.
Ikáw’y marunong Ikáw ay marunong.
Ang ilaw’y maning̃as Ang ilaw ay maning̃as.

Ikalawá.—Lahát ng̃ pang̃ung̃usap na nagtatapós sa n, at itó’y sumúsunód sa at ó ay ay maáarìng alisín ang násabing n, sakâ ang a sa ay ó at, na, kailang̃ang pagitnâan lamang ng̃ isáng panandâ (ó apóstrofo).

MG̃A HALIMBAWÀ
Baya’t Pámahalàán Bayan at Pámahalàán.
Silang̃a’t Kanluran Silang̃an at Kanluran.
Pang̃inoó’t Alipin Pang̃inoón at Alipin.
Ang baya’y harì Ang bayan ay harì.
Itóng halama’y malusóg Itóng halaman ay malusóg.
Ang katwira’y likô Ang katwiran ay likô.

G. ¿Sinúsunód bagá ang paglilihim sa tuwîtuwî na?

N. Hindî pò: ang paglilihim ay lubhâng malayà: maáarìng sundín ng̃ isáng sumusulat at maáarì namáng huwág sang-ayon sa kanyáng káibigán.

X KABANATA
Hinggíl sa mg̃a pang-anib (ó ligazón)

Gurò. ¿Anó ang pang-anibligazón)?

Nag-aaral. Tinátawag na pang-anib, ang iláng titik ó anyô (partícula) na siyáng naglalakip sa mg̃a pang̃ung̃usap na magkahiwaláy.

G. ¿Bakit ginagawâ ang ganitóng paglalakip?

N. Nang magkaroón ng̃ magandáng tunóg, lambíng at tamís ang mg̃a salitâ natin.

[37]

G. ¿Ilán ang mg̃a pang-anib sa tagalog?

N. Apat, at ganitó ang pagkakasunódsunód: g, ng, na, ay.

G. ¿Kailán dapat gamitin ang g?

N. Dapat gamitin ang g kailan ma’t ibig paglakipin ang salitâng nagtatapós sa n sa pang̃ung̃usap na sumúsunód.

MG̃A HALIMBAWÀ
Bayan dakilà Bayang dakilà
Kundiman marikít Kundimang marikít
Samahán Taga-ilog Samaháng Taga-ilog

G. ¿Saán ginágamit ang ng?

N. Sa salitâng nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) na ibig ilakip sa pang̃ung̃usap na sumúsunód.

MG̃A HALIMBAWÀ
Magandá babae Magandáng babae.
Dakilà Mithî Dakilàng Mithî.
Noó maaliwalas Noóng maaliwalas.
Paá malakí Paáng malakí.

G. ¿Saáng gamit ang na?

N. Ang na ay siyáng gamit kung ibig paglakipin ang salitâng nagtatapós sa pangtinig (ó consonante) na hindî n sa kapwà salitâng sumúsunód.

MG̃A HALIMBAWÀ
Lang̃it mataás Lang̃it na mataás.
Ilog mababaw Ilog na mababaw.
Bundók matarík Bundók na matarík.

[38]

G. ¿Saáng gamit namán ang ay?

N. Ang ay ay siyáng naglalakip sa ng̃alang pangtukoy (ó nominativo de persona) sa salitâng sa kanyá’y sumúsunód na nagbabadyá ng̃ kalagayan.

MG̃A HALIMBAWÀ
Si Bathalà marunong Si Bathalà ay marunong.
Ang tao tao Ang tao ay tao.
Si Kikò dukhâ Si Kikò ay dukhâ.
[39]

IKALAWÁNG BAHAGI
Pagkilala ó Analogía

I KABANATA
Ang Pagkilala at ang kaniyáng sakláw

Gurò. ¿Anó ang kahulugán ng̃ PagkilalaAnalogía)?

Nag-aaral. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò’t nagpapakilala ng̃ káhalagahán at tungkulin ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, tagláy ang kaniyáng pagkakabagobago at ang sariling kátuturán.

G. ¿Anó ang pang̃ung̃usap ó salitâ?

N. Isáng tunóg, ó kayâ’y kabuùan ng̃ mg̃a tunóg na ibinibigkás natin ang isáng pagkukurò.

G. ¿Anó ang tinátawag na kaisipánoración) sa urì ng̃ Balarilà?

N. Ang dalawá ó ang paglalakiplakip ng̃ mg̃a salitâ na nagbabadyá ng̃ isáng ganáp na pagkukurò ó ang nagtatagláy ng̃ isáng hustóng kahulugán. Halimbawà: Akó’y susulat; siyá’y bumabasa; silá’y nag-áaral ng̃ Balarilà.

G. ¿Ilán ang mg̃a bahaging sakláw ng̃ kaisipán?

N. Sa Wikàng Tagalog ay siyám lamang: pang-akbáyartículo), pangdiwàsustantivo), pangturingadjetivo), pangtayôpronombre), pangwatas [40]verbo), pangbagoadverbio), pang-ukolpreposición), pangbigkísconjunción) at pangdamdáminterjección).

G. ¿Paano ang pagkakabagong nangyayari sa mg̃a bahaging itó ng̃ kaisipán?

N. Ang mg̃a itó’y nagkakábagobago sa pamamagitan ng̃ dalawáng pang̃ulong kátawagán: magbalingdeclinar) at magbaybáyconjugar).

G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ magbaling?

N. Dalhín sa ibá’t ibáng lagáy (ó caso) ang mg̃a salitâng pinagbábaling.

G. ¿Alín ang mg̃a salitâng pinagbábaling?

N. Ang pang-akbáy, ang pangdiwà, ang pangturing at ang pangtayô.

G. ¿Anó namán ang kátuturán ng̃ magbaybáy?

N. Ilagáy sa ibá’t ibáng ayos (ó modo), panahón (ó tiempo), bilang (ó número) at katawán (ó persona), ó kayâ’y ang pagkakabagobagong nangyayari sa mg̃a salitâng binabaybáy.

G. ¿Alín ang mg̃a salitâng binabaybáy?

N. Ang tang̃ìng binabaybáy ay ang salitâng pangwatas; ng̃unì’t dapat alamíng sa Wikàng Tagalog ang alín mang pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán, lalòng lalò na ang pangdiwà, pangturing, pangbago at pangtayô ay maáarìng gawíng pangwatas at baybayín sa pamamagitan ng̃ tulong ng̃ ibá’t ibáng anyô (ó partícula). Lalòng maliliwanagan ang bagay na itó pagsapit sa kanyáng kinaúukulan.

G. ¿Alín ang mg̃a salitâng hindî nátitinag (ó invariables)?

N. Ang mg̃a salitâng mahirap ó talagáng hindî [41]maáarìng baguhin ay ang pang-ukol (ó preposición), pangbigkís (ó conjunción) at pangdamdám (ó interjección).

G. ¿Anó ang dapat mákilala ukol sa mg̃a salitâng pinagbábaling?

N. Sa mg̃a salitâng pinagbábaling ay dapat mákilala ang kiyásgénero), ang bilangnúmero) at ang lagáycaso).

G. ¿Anó ang tinátawag na kiyásgénero)?

N. Tinátawag na kiyás ang pagbabagong nangyayari sa Balarilà upáng matalastás kung ang isáng pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay ay tumutukoy sa lalaki ó sa babae ó sa bagay.

G. ¿Mayroóng ilán ang kiyás sa ating wikà?

N. Tatló: Kiyás lalakigénero masculino), kiyás babaegénero femenino) at kiyás sa bagay género neutro).

G. ¿Anó ang kiyás lalaki?

N. Ang náuukol sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó hayop na ang kahulugá’y nahihinggíl ó náuuwî sa kalálakihan, hal.: Huan, amá, binatà.

G. ¿Anó namán ang kiyás babae?

N. Ang tumutukoy sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó hayop na ang kátuturá’y náuukol sa kabábaihan, hal.: Huana, iná, dalaga, binibini.

G. ¿Anó ang kiyás sa bagay?

N. Ang náuukol sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay na hindî kiyás lalaki ni kiyás babae, gaya ng̃ aklát, panulat, bulaklák, kahoy, bahay, tubig, atbp.

G. ¿Anó ang tinátawag na bilangnúmero)?

N. Tinátawag na bilang ang pagbabagong nangyayari [42]sa Balarilà upáng mákilala kung ang isáng salitâ ay náuukol sa íisá ó maraming tao, hayop ó bagay.

G. ¿Mayroóng ilán ang bilang?

N. Dalawá: bilang na íisánúmero singular) at bilang na dalawá ó maraminúmero plural). Bilang na íisá, ang tumutukoy sa pang̃alan ng̃ isáng tao, hayop ó bagay, hal.: bahay, aklát, panulat. Bilang na dalawá ó marami, ang tumutukoy sa pang̃alan ng̃ dalawá ó maraming tao, hayop ó bagay, hal.: mg̃a bahay, mg̃a aklát, mg̃a panulat.

G. ¿Anó ang tinátawag na lagáycaso)?

N. Ang kalagayan at mg̃a pangyayari na, matatagpùán sa kaisipán ang isáng salitâng pinagbábaling hinggíl sa kapwà salitâ.

G. ¿Paano ang pagpapákilala ng̃ ganyáng kalagayan at mg̃a pangyayari?

N. Sa ating wikà’y sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy (ó artículo) at mg̃a pang-ukol (ó preposición).

G. ¿Ilán ang mg̃a lagáy sa Wikàng Tagalog?

N. Tatló lamang ang sa kasalukuya’y ginágamit: pangtukoynominativo), pang-arìgenitivo) at panglayonacusativo).

G. ¿Anó ang tungkulin ng̃ pangtukoy (ó nominativo)?

N. Tukuyin ang pang̃ulo (ó sujeto) na siyáng nagbibigáy ng̃ kahulugán sa pangwatas (ó verbo), hal.: Si Pedro, siná María.

G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ pang-arì (ó genitivo)?

N. Ang náuukol sa pag-áarì, ó ang tumutukoy sa bagay na itó, hal.: Ang aklát ni Lucio; ang kay Kikòng panulat.

[43]

G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ panglayon (ó acusativo)?

N. Ang tumutukoy sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na siyáng tinutung̃o ó nilálayon ng̃ pangwatas, hal.: Paroón ka kay Ricardo; maglakbáy tayo sa Bulakán.

II KABANATA
Salitâng Pang-akbáy (ó Artículo)

Gurò. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng pang-akbáy?

Nag-aaral. Ang pang-akbáy ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán (ó oración) na siyáng ipinang̃ung̃una ó ipinang-áakbáy sa salitâng pangdiwà (ó sustantivo) at pangturing (ó adjetivo) upáng mákilala ang kanyáng lagáy (ó caso) at bilang (ó número). Kung minsa’y ipinang-áakbáy rin sa ibá pang pangkát ng̃ kaisipán.

G. ¿Ilán sa tagalog ang mg̃a salitâng pang-akbáy?

N. Dalawá lamang: si at ang.

G. ¿Anó ang kátawagáng dapat ikapit sa dalawáng itó upáng sa paggamit ay magkabukód?

N. Ang si ay dapat pang̃anláng pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ tao at ang ang ay pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay.

G. ¿Bakit ang si ay ng̃inanláng pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ tao?

N. Ng̃inanláng ganitó sapagkâ’t siyáng iniúuna ó iniáakbáy sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao, ó kayâ’y sa mg̃a hayop ó bagay na ang kahulugá’y náuukol sa tao.

G. ¿Bakit ng̃inanláng pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay ang ang?

N. Ng̃inanláng ganitó sapagkâ’t siyáng inaakbáy [44]sa mg̃a karaniwang pang̃alan ng̃ anó mang bagay ó hayop.

PANG-AKBÁY SA MG̃A NG̃ALAN NG̃ TAO

G. ¿Saánsaán dapat iakbáy ang pang-akbáy na si?

N. Sa mg̃a tuntuning sumúsunód:

Una.—Sa pang̃alan ng̃ tao, kailan ma’t itó’y na sa lagáy na pangtukoy (ó caso nominativo), hal.: Si Huan, si Yayang, si Mameng, si Neneng.

Ikalawá.—Sa anó mang pang̃alan ng̃ hayop ó bagay kayâ, kailan ma’t itó’y ing̃inang̃alan sa tao ó ang kahulugá’y dito náuuwî, hal.: Si Lumpó, si Bulág, si Bubuyog, si Galit, si Sampalok, si Katuray.

Ikatló.—Sa alín mang pamagát ng̃ kathâ ó dulâ kailan ma’t tinutukoy ang kumathâ, hal.: Si Banaag at Sikat, si Pinaglahuan, si Walâng Sugat.

Ikapat.—Sa anó mang ng̃alan ng̃ katungkulan kailan ma’t binabanggít sa kasunód ang pang̃alan ng̃ táong may tungkulin, hal.: Si Speaker Osmeña, si Kinatawáng Quezón, si Profesor Blumentritt, si Gobernador Santos.

Ikalimá.—Sa mg̃a pang̃alang itinátawag sa mg̃a magulang at kapatíd, kalahì at katoto, hal.: Si tatay, si nanay, si kaka, si kuya, si kababayan, si kaibigan. Gayón din sa mg̃a ng̃alang itinátawag sa mg̃a kamag-anak, ng̃unì’t tang̃ìng mangyayari ang ganitó kailan ma’t na sa mg̃a salitâng hirám, hal.: Si tio, si primo, si kumare, si kumpare.

G. ¿Kung ibig tumukoy sa dalawá ó marami, ¿anó ang dapat gamitin?

N. Dapat gamitin ang siná, na nanggaling sa pang-akbáy [45]na si at dinagdagán ng̃ na, kailan ma’t ibig tumukoy sa dalawá ó maraming tao, hal.: Siná Milíng, siná Teroy. Sa mg̃a salitâng itó’y mapagtatantô na si Milíng ó si Teroy ay may mg̃a kasamaháng akiakibat magíng sa pamamahay, sa paglalarô, sa paglíliwalíw ó sa paghahanap-buhay.

G. ¿Paano ang pagtukoy sa bilang na dalawá ó marami sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao?

N. Ang pang̃alang angkín ng̃ isáng tao ay hindî maáarìng ilagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó número plural) kailan ma’t tumutukoy sa sarili lamang niyáng pagkatao. Ng̃unì’t kung ang pang̃alang nátura’y tumutukoy sa kalahatán ó karamihan ay maáarìng ilagáy sa bilang na dalawá ó marami, at sa ganitó’y dî dapat gamitin ang siná kundî ang mg̃a na siyáng ginágamit sa mg̃a bagay; hal.: Ang mg̃a Pedro, ang mg̃a Karlos, ibig sabihin sa makatwíd ang mg̃a tinátawag na Pedro ó ang mg̃a nang̃áng̃alang Karlos.

G. ¿Paano ang pagbábaling (ó declinación) ng̃ pang-akbáy na si?

N. Gaya ng̃ sumúsunód:

PAGBÁBALING NG̃ PANG-AKBÁY NA SI
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Si Pangtukoy Siná
Pang-arì { Ni Pang-arì { Niná
{ Kay { Kiná ó kaná
Panglayon { Kay Panglayon { Kiná ó kaná
{ Ni { Niná

[46]

G. ¿Kailán dapat gamitin ang na sa lagáy na pangtukoy?

N. Ginágamit ang si sa bilang na íisá at siná sa dalawá ó marami kailan ma’t tinutukoy ang pang̃alan ng̃ tao, hal.: Si Kulás, kung siyá lamang, at siná Kulás kung may ibá pang kasama ó akibat.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa lagáy na pang-arì?

N. Ginágamit ang ni sa íisá at niná sa dalawá ó marami kailan ma’t ang bagay na ináarì ó sangkáp ay unang nábabanggít kay sa may arì ó kinasasangkapán, hal.: ang aklát ni Lucio, ang bahay niná Enchang. Kung ang may arì ó kinasasangkapán ay siyáng unang nátutukoy kay sa ináarì ó sangkáp ay dapat gamitin ang kay sa íisá at kiná sa dalawá ó marami, hal.: Ang kay Luciong aklát, ang kiná ó kaná Enchang na bahay.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa panglayon?

N. Ginágamit ang kay sa íisá at ang kiná sa dalawá ó marami, kailan ma’t nagpapakilala ng̃ layon ó anó mang bagay na ninanasà, hal.: Dumalaw siyá kay Lukas; paroón tayo kiná ó kaná Yoyong. Kung nagpapakilala ng̃ kung sino ang may gawâ ng̃ isáng bagay, ó may akdâ ng̃ aklát ó may likhâ ng̃ anó man ay dapat gamitin ang ni sa íisá at niná sa dalawá ó marami, hal.: Sinulat ni Diego itóng aklát, ang bangkâ’y ginawâ niná Binong.

G. ¿Kailán hindî dapat gamitan ng̃ pang-akbáy ang pang̃alan ng̃ tao?

N. Hindî ng̃â dapat gamitan kailan ma’t binabanggít sa pagtawag, pag-úutos ó pakikisuyo, hal.: [47]Emong, halika; Lakad na, Tinoy; Teban, pakiabot mo ng̃â ang batiyâ.

G. ¿Dapat bang lagyán ng̃ pang-akbáy ang bawà’t isá kung nagkakasunódsunód ang dalawá ó maraming pang̃alan ng̃ tao?

N. Kung magkakásunódsunód ang dalawá ó maraming ng̃alan ay dapat akbayán ng̃ si ang bawà’t isá lalòng lalò na kung binibilang ó tinutukoy na isáisá, hal.: Si Pedro, si Karlos at si Fidel ay paraparang mabuti.

PANG-AKBÁY SA MG̃A NG̃ALAN NG̃ BAGAY

G. ¿Saánsaán dapat iakbáy ang pang-akbáy na ang?

N. Dapat iakbáy sa mg̃a panutong sumúsunód:

Una.—Sa karaniwang pang̃alan ng̃ anó mang bagay, hal.: ang bayan, ang tao, ang araw, ang hayop, ang tubig, ang talulót.

Ikalawá.—Ang pamagát ng̃ mg̃a bansá, bayan, lálawigan, nayon, lansang̃an, at mg̃a poók ay karaniwan ng̃ akbayán ng̃ ang; hal.: Ang Pilipinas, ang Amérika, ang Bulakán, ang Sampalok, ang Eskolta, atbp.

Ikatló.—Ang pamagát ng̃ mg̃a kapisanan, samahán ó simbahan kailan ma’t ibig banggitín, hal.: Ang Taga-Ilog, ang Katubusan, ang Katimawan, ang Paraluman, ang Katedral.

Ikaapat.—Ang pamagát ng̃ mg̃a aklát ng̃ karunung̃an ó ng̃ mg̃a kathâng kasaysayan kailan ma’t binabanggít, hal.: ang Gramátiká, ang Pilosopía, ang Noli me tángere.

[48]

Ikalimá.—Ang pang̃alan ng̃ mg̃a araw sa buông isáng linggó at ng̃ mg̃a buwán, kailan ma’t ibig banggitín, hal.: ang martés, ang huebes, ang Agosto, ang Disiembre.

Ikaanim.—Ang pang̃alan ng̃ mg̃a katungkulan kailan ma’t itó’y binabanggít, hal.: Ang Komisionado, ang Kinatawán. Kung may kasunód na pang̃alan ng̃ tao ay inaakbayán din ng̃ ang, bagamá’t maáarì rin ang si, hal.: Ang Komisionado Palma, ó si Komisionado Palma; ang Hukóm Araullo, ó si Hukóm Araullo.

Ikapitó.—Ang pang̃alan ng̃ tao, kailan ma’t sinusundán ng̃ itó, iyán, yaón, ó kayâ’y kung tinutuntóng mabuti, hal.: Ang Yoyong na itó, ang Huséng yaón.

Ikawaló.—Iniáakbáy rin sa mg̃a pangwatas (ó verbo), hal.: Ang binabasa ni Pedro, ang kinakain ni Mente, ang sinusulat ni Huan.

G. ¿Anó ang dapat gamitin kung ibig tumukoy sa bilang na dalawá ó marami?

N. Ang pang-akbáy na ang ay dapat sundán ng̃ mg̃a kailan ma’t tumutukoy sa bilang na dalawá ó marami (número plural) na siyáng sa bagay na itó’y tang̃ìng ginágamit sa ating wikà, hal.: ang tao, kung íisá ang binabanggít; at ang mg̃a tao kung bumabanggít sa dalawá ó marami.

G. Ang dalawá ó maraming pang̃alan ng̃ bagay na nagkakasunódsunód, ¿dapat bang akbayán ng̃ ang ang bawà’t isá?

N. Kung iniisáisá ang pagbanggít sa hang̃ád na bilang̃in ó luminaw kayâ, ay dapat pang̃unahan ng̃ ang ang bawà’t isáng pang̃alan ng̃ bagay, hal.: Ang matá, ang ilóng at ang taing̃a ay maháhalagáng sangkáp [49]ng̃ katawán ng̃ tao; ang ilog at ang dagat ay kapuwà tubig. Ng̃unì’t kung sa isáng kaisipán ay nagkakasunódsunód ang dalawá ó maraming pangdiwà (ó sustantivo) at dî lubhâng nililinaw ang pagbanggít ay dî dapat akbayáng isáisá ng̃ ang kundî ang una lamang, hal.: ang masasarap na manggá, lansones, santól at mabulo ay tang̃ìng halaman sa Pilipinas.

G. ¿Paano namán ang pagbábaling (ó declinación) ng̃ pang-akbáy na ang?

N. Gaya nitóng sumúsunód:

PAGBÁBALING NG̃ PANG-AKBÁY NA ANG
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Ang Pangtukoy Ang mg̃a
Pang-arì { Ng̃ Pang-arì { Ng̃ mg̃a
{ Sa { Sa mg̃a
Panglayon { Sa Panglayon { Sa mg̃a
{ Ng̃ { Ng̃ mg̃a

G. ¿Kailán dapat gamitin ang na sa lagáy na pangtukoy?

N. Dapat gamitin ang ang sa íisá at ang mg̃a sa dalawá ó marami kailan ma’t tinutukoy ang pang̃alan ng̃ bagay, hal.: ang bayan kung bumabanggít sa íisá at ang mg̃a bayan kung dalawá ó marami ang ibig tukuyin.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa lagáy na pang-arì?

N. Sa íisá’y ginágamit ang ng̃ at ng̃ mg̃a sa dalawá ó marami, kailan ma’t ang bagay na ináarì ó sangkáp ay unang nábabanggít kay sa may arì ó kinasasangkapán, hal.: ang panitik ng̃ mánunulát, ang ulo ng̃ sanggól, ang mg̃a bulaklák ng̃ dalaga. Kung ang may arì ó kinasasangkapán ay siyáng unang [50]nátutukoy kay sa bagay na ináarì ó sangkáp ay dapat gamitin ang sa sa íisá at sa mg̃a sa dalawá ó marami, hal.: ang sa mánunulát na panitik, ang sa sanggól na ulo, ang sa dalagang mg̃a bulaklák.

G. ¿Kailán namán ginágamit ang na sa panglayon?

N. Ginágamit ang sa sa íisá at sa mg̃a kung dalawá ó marami kailan ma’t nagpapahiwatig ng̃ lugál, nasà ó anó mang bagay na náuukol dito, hal.: Maglalakbáy siyá sa Mindanáw, umanib tayo sa mg̃a kalahì. Kung nagpapahayag namán nang kung sino ang gumawâ, kumathâ ó lumikhâ ng̃ anó mang bagay ay ginágamit ang ng̃ sa íisá at ng̃ mg̃a sa dalawá ó marami, hal.: Ang aklát ay niyarì ng̃ limbagan, ang lansang̃a’y ginawâ ng̃ mg̃a tao.

III KABANATA
Salitâng Pangdiwà (ó Sustantivo)

Gurò. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng pangdiwà?

Nag-aaral. Salitâng pangdiwà, ang bahagi ó pangkát ng̃ kaisipán na tumutukoy ó nagpapakilala ng̃ mg̃a pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay sang-ayon sa kanyáng kalikasán, diwà ó halagá; hal.: Bahay, tubig, dagat, Pedro, Bulakán. Dapat mabatíd na ang pangdiwà ay maáarìng lumagáy ó lumagì sa kaisipán sa kanyáng sarili lamang, at dahil dito kung kayâ ikinapit ang ganyáng pamagát.

G. ¿Alín ang pang̃ulong bahagi ng̃ pangdiwà?

N. Ang dalawáng itó: pangdiwà sa bagay at pangdiwà sa tao.

G. ¿Anó ang pangdiwà sa bagay?

[51]

N. Ang náuukol sa madlâng pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay na karaniwan na tumutukoy sa íisáng panig ó hugis, hal.: tao, pusà, ilog, mg̃a pang̃alang bumabanggít sa lahát ng̃ tao, sa lahát ng̃ pusà at sa lahát ng̃ ilog.

G. ¿Anó namán ang pangdiwà sa tao?

N. Ang náuukol sa tiyák na pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay upáng mápaibá ó huwág mápalahók sa ibáng pang̃alang tumutukoy rin sa kanyáng panig ó hugis, hal.: Maynilà, Ricardo, Bagumbayan, mg̃a pamagát na bumabanggít sa isáng bayan, sa isáng tao at sa isáng daán ó lansang̃an.

G. ¿Anó ang dapat matantô ukol sa salitâng pangdiwà?

N. Na, sa Wikàng Tagalog, ang pangdiwà’y hindî pabagobago sa kiyás (ó género), hal.: áso, pusà, kabayo, mg̃a salitâng hindî matiyák kung ásong lalaki ó pusàng babae, ó anó man.

G. ¿Pano ang dapat gawín upáng matiyák ang kiyás ng̃ pang̃alan ng̃ isáng tao ó hayop?

N. Ang mg̃a pang̃alang tumutukoy sa tao ó hayop ay dapat dagdagán ng̃ lalaki kung sa kiyás na itó bumabanggít at babae kung dito namán náuukol, upáng mákilala ang tagláy na kiyás ng̃ isá’t isá; hal.: sa batà, batàng lalaki, kung itó ang nais tukuyin, sa pusà, pusàng babae, kung itó namán ang ibig banggitín.

G. ¿Mayroón kayâ sa ating wikà ng̃ mg̃a salitâ ó pang̃alan na sa kaniyáng sarili’y tumutukoy sa lalaki ó sa babae, kahì’t na ang mg̃a itó’y hindî idagdág?

N. Mayroón pò, bagamá’t ang mg̃a salitâng itó’y [52]kákauntî, hal.: amá, na sa lalaki tumutukoy, at iná sa babae namán, amaín at ali, binatà at dalaga, bagongtao at binibini, at ibá pa.

G. ¿Anó ang dapat mabatíd ukol sa mg̃a ng̃alan ng̃ tao?

N. Ang mg̃a ng̃alan ng̃ tao na ng̃ayó’y kasalukuyang ginágamit natin, palibhasà’y hirám sa wikàng kastilà ay may sariling kiyás na tagláy, sa makatuwíd bagá’y ang isáng ng̃alan ay nauúnawàan agád kung nahihinggíl sa lalaki ó sa babae; hal.: Claro ó Clara, Domingo ó Dominga, Pascual ó Pascuala.

G. ¿Paano ang paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó número plural) ng̃ mg̃a salitâng pangdiwà?

N. Sa dalawáng kaparaanán:

Una.—Kung pangdiwàng dalisay (ó simple) ay sa pamamagitan ng̃ mg̃a, hal.: mg̃a tao, mg̃a bahay, mg̃a hayop, mg̃a bulaklák.

Ikalawá.—Ang isáng pangdiwàng mayhalò na nagbuhat sa mag ay inúulit ang unang pantíg ng̃ ugát, hal.: mag-iná, mag-amá, magbayáw, ay ginagawâng mag-íiná, mag-áamá, magbábayáw, kung tumutukoy sa dalawá ó marami.

G. ¿Paano ang pagbábaling sa salitâng pangdiwà?

N. Sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy na si at ang at ang kaníkanyáng sinásakláw. Náitó ang mg̃a halimbawà:

PAGBÁBALING NG̃ PANGDIWÀ

SA NG̃ALAN NG̃ TAO
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Si Lucio. Pangtukoy Siná Lucio.
Pang-arì { Ni Lucio. Pang-arì { Niná Lucio.
{ Kay Lucio. { Kiná ó kaná Lucio.
Panglayon { Kay Lucio. Panglayon { Kiná ó kaná Lucio.
{ Ni Lucio. { Niná Lucio.

[53]

SA NG̃ALAN NG̃ BAGAY
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Ang aklát. Pangtukoy Ang mg̃a aklát.
Pang-arì { Ng̃ aklát. Pang-arì { Ng̃ mg̃a aklát.
{ Sa aklát. { Sa mg̃a aklát.
Panglayon { Sa aklát. Panglayon { Sa mg̃a aklát.
{ Ng̃ aklát. { Ng̃ mg̃a aklát.

UKOL SA ILÁNG BAHAGI NG̃ PANGDIWÀ

G. ¿Sa anó pa nabábahagi ang salitâng pangdiwà?

N. Sa tinátawag na dalisaysimple) at mayhalòcompuesto).[11] Tinátawag na dalisay ang salitâng walâng idinaragdág na anó man sa kanyáng pagigíng salitâ ó kayâ’y ang salitâng tinátawag na ugát, hal.: sanggól, bahay, kahoy, banál. Tinátawag na mayhalò ang salitâng dalisay ó ugát na dinagdagán ng̃ anó mang anyô (ó partícula) magíng sa una ó hulihán kayâ, hal.: kabatàan, kabuhayan, kasalo, pabang̃ó, pag-ibig, pag-asa, atbp.

G. ¿Paano ang mg̃a kaparaanáng ginagawâ nang ang salitâng dalisay ay magíng salitâng mayhalò?

N. Sa mg̃a paraáng sumúsunód:

Una.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng dalisay ó ugát na inangkapán ng̃ ka at sinugpung̃án ng̃ an ó han sang-ayon sa mg̃a pangyayari, hal.: buhay, bayan, batà, gandá, buti, linis, atbp. ay nagigíng kabuhayan, kabayanan, kabatàan, kagandahan, kabutihan, kalinisan.

[54]

Ikalawá.—Ang mg̃a salitâng dalisay ó ugát na inangkapán ng̃ ka ay nagigíng mayhalò, na, ang kahulugá’y náuuwî sa may akibat ó may kasama ó may kaakbáy, hal.: salo, sunò, sama, sabáy, piling, sakáy, larô, tulong, atbp. ay nagigíng kasalo, kasunò, kasama, kasabáy, kapiling, kasakáy, kalarô, katulong. Dapat alamíng ang mg̃a itó’y nagbabadyá lamang ng̃ isá sa mg̃a kasama, akibat ó kaakbáy, at kung ibig magsulit ng̃ dalawá ay kailang̃ang angkapán pa ng̃ anyông mag, hal.: magkasalo, magkasunò, magkasama, magkasabáy, atbp. Kung nagbabadyá namán ng̃ karamihan ay dapat ulitin ang unang dalawáng pantíg ng̃ ugát, hal.: magkasalosalo, magkasamasama, magkasabaysabáy, atbp.

Ikatló.—Ang mg̃a salitâng dalisay na maáarìng gawíng pangwatas ay nagigíng mayhalò kung angkapán ng̃ anyông pa, hal.: sa dusa ay parusa, sa bang̃ó ay pabang̃ó, sa hiyás ay pahiyás, sa utang ay pautang, sa mana ay pamana, atbp.

Ikaapat.—Ang mg̃a salitâng dalisay na bumabanggít sa ng̃alan ng̃ mg̃a kamag-anak na inangkapán ng̃ anyông mag ay nagigíng mayhalò na ang kahulugá’y tumutukoy sa dalawá, hal.: amá, iná, bayáw, asawa, pinsan, anák, atbp. ay nagigíng mag-amá, mag-iná, magbayáw, mag-asawa, magpinsan, mag-anák. Kung nais tumukoy sa tatló ó marami ay dapat ulitin ang unang pantíg ng̃ salitâng dalisay, hal.: mag-áamá, mag-íiná, magbábayáw, magpípinsan, atbp.

Ikalimá.—Ang mg̃a salitâng dalisay na nagbabadyá ng̃ anó man na angkapán ng̃ pinaka ay nagigíng mayhalò na ang kahulugá’y ang bagay na humahalili, [55]hal.: tao, hayop, walís, tinapay, tubig, magulang, iná, amá, alilà, atbp. ay nagigíng pinakatao, pinakahayop, pinakawalís, pinakatubig, pinakaanó, pinakaalilà, atbp.

Ikaanim.—Ang mg̃a dalisay na tumutukoy din sa mg̃a ng̃alan ng̃ mg̃a kamag-anak ay nagigíng mayhalò kailan ma’t inangkapán ó sining̃itan ng̃ anyông in at inulit ang kanyáng unang pantíg, na ang kahulugá’y ang mg̃a ng̃alang hindî tunay ó hawa lamang, hal.: amá, iná, anák, ali, kapatíd, atbp. ay nagigíng ináamá, iníiná, ináanák, ináali, kinákapatíd.

Ikapitó.—Ang mg̃a dalisay na tumutukoy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bung̃a, ng̃ bulaklák, ng̃ kasangkapan, atbp. ay nagigíng mayhalò kailan ma’t inangkapán ó sining̃itan ng̃ in, na ang kahulugá’y ang pagkakatulad ó pagkakáparis, hal.: balimbing, santól, gulay, sampaga, sampagita, kamatsilé, karayom, sandók, tabò, ay nagigíng binalimbing, sinantól, ginulay, sinampaga, sinampagita, kinamatsilé, kinarayom, sinandók, tinabò.

Ikawaló.—Ilán sa mg̃a salitâng dalisay ay nagigíng mayhalò kung angkapán ó sing̃itan ng̃ in at sugpung̃án ng̃ an, na, ang kátuturá’y ang katapusán ng̃ anó man, hal.: kayas, tabas, pilì, atbp. ay nagigíng kinayasan, tinabasan, pinilìan. Kung nagbabadyá ng̃ karamihan, ang in ay dapat dagdagán ng̃ pag, na sa madalìáng sabi ay nagigíng pinag at sakâ sugpung̃án ng̃ an, hal.: pinagkayasan, pinagtabasan, pinagpilìan.

Ikasyám.—Gayón ding pagbubuô ang dapat gawín ukol sa pagbabadyá ng̃ iláng ng̃alan ng̃ anó mang bagay na ginamitan, nilagyán ó ginawâng gayón sang-ayon [56]sa ugát na tagláy, hal.: sa pulót ay pinulután, sa gulay ay ginulayan, sa burdá ay binurdahán, sa guhit ay ginuhitan, sa pulá ay pinulahán, atbp.

Ikasampuô.—Kung iangkáp ang anyông pang sa ibá’t ibáng ugát ay nagigíng pangdiwà, na, ang kahulugá’y ang kasangkapang iginagawâ ng̃ anó man. Dapat lamang alamín na itóng pang ay siyáng bumabago sa iláng titik ng̃ ugát, gaya ng̃ mápupuná sa mg̃a kabanatang haharapín. Halimbawà: panghakot, panghuli, panggapas, pang-ahit, panarók, pamalò, pamahid, pangtunóg, pang̃ahig, panilò, atbp.

PANGDIWÀNG PANGWATAS (Ó VERBAL)

G. ¿Anó ang tinátawag na pangdiwàng pangwatas?

N. Yaóng pangdiwàng nagbuhat ó nanggaling sa mg̃a pangwatas.

G. ¿Alínalín ang mg̃a pangdiwàng pangwatas?

N. Ang mg̃a sumúsunód:

1.—Nagagawâng mg̃a pangdiwà ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa um sa pamamagitan ng̃ anyông pag na iniangkáp sa mg̃a salitâng ugát, hal.: basa, sulat, lakad, takbó, lang̃óy, kain, araw, ulán, suntók, upô, sigáw, atbp. ay nagigíng pagbasa, pagsulat, paglakad, pagtakbó, paglang̃óy, pagkain, pag-araw, pag-ulán, pagsuntók, pag-upô, pagsigáw.

2.—Nagagawâ ring mg̃a pangdiwà ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa mag sa pamamagitan ng̃ anyông pag na iniangkáp sa mg̃a ugát na inulit ang isá ó dalawáng titik ng̃ unang pantíg nitó, hal.: aral, salitâ, saing, lutò, sabi, wastô, masíd, habol, hanáy, buô, lakip, atbp. ay nagigíng pag-áaral, pagsasalitâ, pagsasaing, [57]paglulutò, pagsasabi, pagwawastô, pagmamasid, paghahabol, paghahanáy, pagbubuô, paglalakip.

3.—Ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa anyông mang ay nang̃agagawâ ring pangdiwà sa pamamagitan ng̃ anyông pang na inúulit ang unang dalawáng titik ng̃ ugát na binago, tagláy ang kanyáng pagkakabagong malimit mangyari, hal.: huli, isdâ, utang, pulót, puti, bató, tiklóp, pitás, atbp. ay nang̃agigíng panghuhuli, pang̃ing̃isdâ, pang̃ung̃utang, pamumulot, pamumuti, pangbabató, paniniklóp, pamimitás.

4.—Nagagawâ pa ring mg̃a pangdiwà ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa ma sa pamamagitan ng̃ anyông pagká, na iniáangkáp din sa salitâng ugát, hal.: tuto, tulog, higâ, hulog, takot, gulat, bagód, iníp, atbp. ay nagigíng pagkatuto, pagkahulog, pagkatakot, pagkagulat, pagkabagód, pagkainíp.

PANGDIWÀNG MALIMIT (Ó FRECUENTATIVO)

G. ¿Anó ang tinátawag na pangdiwàng malimit?

N. Yaóng nagbabadyá ng̃ kadalasán sa paggawâ ó ginagawâ sang-ayon sa mg̃a gawâ ó kilos ng̃ ugát.

G. ¿Paano ang mg̃a paraán ng̃ pagbubuô sa bagay na itó?

N. Sa ibá’t ibáng kaparaanán:

Una.—Sugpung̃án ng̃ an ó han sang-ayon sa tuntuning sinúsunód ng̃ salitâng ugát, hal.: sa damó ay damuhán, sa halaman ay hálamanán, sa ikmó ay ikmuhan, sa saging ay saging̃án, sa niyóg ay niyugan, sa kawayan ay káwayanán, sa bahay ay bahayán, sa paligò ay paligùan, sa pusalì ay pusalìán, atbp.

Ikalawá.—Sugpung̃án din ng̃ an ó han ang ugát, sakâ [58]ulitin ó dalawahín ang unang pantíg nitó, hal.: sa kain ay kakanán, sa silíd ay sisidlán, sa upô ay úupán, sa higâ ay hihigán, atbp.

Ikatló.—Angkapán ng̃ ka at sugpung̃án ng̃ an ó han ang salitâng ugát, sakâ ulitin ang unang pantíg nitó, hal.: sa tisod ay katitisuran, sa hulog ay kahuhulugan, sa dapâ ay kadadapâan, sa untóg ay kauuntugán, atbp.

Ikaapat.—Nagagawâ ring pangdiwàng malimit ang iláng mg̃a pangwatas sa kanyáng mg̃a panahóng haharapín, hal.: paghuhukumán, pagbibitayán, pagbabarilán, pagpapatayán, pagbibinyagán, pagbabaunán, atbp.

PANGDIWÀNG KARAMIHAN (Ó COLECTIVO)

G. ¿Anó ang tinátawag na pangdiwàng karamihan?

N. Yaóng na sa bilang na íisá ay tumutukoy sa maraming ng̃alan, bagay ó anó man sang-ayon sa lamán ng̃ ugát.

G. ¿Paano ang kanyáng pagbubuô?

N. Sa mg̃a kaparaanáng sumúsunód:

Una.—Ang iláng salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ panahón na angkapán ng̃ anyông mag ay nagsasaysáy ng̃ kabuùan, hal.: sa hapon ay maghapon, sa damág ay magdamág.

Ikalawá.—Kung iniangkáp ang sang na nagbuhat sa isá, ay nagbabadyá ng̃ lahát ó kabuùan ng̃ anó mang bagay na tagláy ng̃ ugát, hal.: sang-oras, sang-araw, sanglinggó, sangbuwán, sangtaón, sangpuô, sangdaán, sanglibo, sanglaksâ, sangyutà, atbp.

Ikatló.—Sa mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ poók ó anó man na angkapán ng̃ sang at sugpung̃án ng̃ an ó [59]han ay nagbabadyá rin ng̃ karamihan ó kabuùan, hal.: sangbahayán, sangbayanán, sangdaigdigan, sangsinukuban, sangtinakpán, atbp.

Ikaapat.—Kung angkapán ng̃ sang ang mg̃a pangdiwàng mayhalò sa pamamagitan ng̃ ka at an ó han ay nagbabadyá namán ng̃ ganáp na kabuùan, hal.: sangkapulùán, sangkatauhan, sangkalang̃itan, sangkalupàan, at ibá pa.

TALABABÂAN

[11] Ginawâ kong íisáng salitâ ang mayhalò bagamá’t ang katotohana’y dalawá, upáng máitumbás natin sa salitâng compuesto ng̃ kastilà.

IV KABANATA
Salitâng Pangturing (ó Adjetivo)

Gurò. ¿Anó ang kátuturán ng̃ salitâng pangturing?

Nag-aaral. Salitâng pangturing ay isáng bahagi ó pangkát ng̃ kaisipán na siyáng inilalakip ó idinaragdág sa pangdiwà upáng mabago ó mákilala ang kátuturán nitó.

G. Ang mg̃a salitâng pangturing, ¿sa ilán nabábahagi?

N. Sa dalawá, gaya rin ng̃ pangdiwà: dalisay at mayhalò. Dalisay ang salitâng walâng idinaragdág na anó man sa kanyáng pagigíng salitâ, hal.: tamád, pang̃it, duwág, payapà, tahimik. Mayhalò ang salitâng ugát ó dalisay na dinagdagán sa una ó hulihán ng̃ anó mang anyô (ó partícula), hal.: mabuti, mataás, malakí, masamâ, magandá.

G. ¿Marami bagá sa ating wikà ng̃ mg̃a pangturing?

N. Sa mg̃a salitâng dalisay ó ugát ay hindî lubhâng karamihan, samantalàng sa mg̃a salitâng mayhalò ay siyáng lubhâng marami.

G. ¿Pano ang paraáng ginagawâ nang ang mg̃a [60]salitâng ugát ó dalisay ay magíng salitâng mayhalò?

N. Ang karaniwang gawín ukol sa bagay na itó ay dinaragdagán ng̃ ma sa unahán ng̃ salitâng ugát ó dalisay.

Náritó ang isáng tálâán ng̃ mg̃a salitâng ugát ó dalisay na nagigíng salitâng mayhalò sa mg̃a salitâng pangdiwà (ó sustantivo) at sa mg̃a pangturing (ó adjetivo).

Ugát ó dalisay Salitâng pangdiwà Salitâng pangturing
Buti Kabutihan Mabuti
Samâ Kasamâan Masamâ
Pulá Kapulahán Mapulá
Lakí Kalakihan Malakí
Habà Kahabàan Mahabà
Lakás Kalakasan Malakás
Bigát Kabigatan Mabigát

Nagigíng salitâng pangturing ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ pagkakáparis ó pagkakápantay kailan ma’t inangkapán ng̃ ka, hal.: kaparis, katulad, kapara, kawang̃ís, kahambíng, kamukhâ, kawangkî, kapantay, at ibá pa.

Nagigíng pangturing din ang mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ pagkakahatì ó kalagayan ng̃ anó man kailan ma’t inangkapán ng̃ ka, hal.: kahatì, kaputol, kapiraso, kabiyák, kauntî, kapaták, karampót, atbp.

Nagigíng pangturing pa ang mg̃a ugát na nagsasaysáy ng̃ anó man kailan ma’t inangkapán ng̃ ka at inulit ang buông ugát ó unang dalawáng pantíg nitó, hal.: kagulatgulat, katakottakot, kagitlágitlá, kasindáksindák, kahapishapis, kakilákilabot, katawátawá, kalugódlugód, kaibig-ibig, kaayaaya, atbp. Ang mg̃a [61]pangturing na itó’y maáarì ring sabihin sa pamamagitan ng̃ naka na inulit ang unang pantíg ng̃ ugát, hal.: nakagugulat, nakatatakot, nakagigitlá, atbp.

G. ¿Mayroón pa bagáng ibáng pangturing na nagbubuhat sa ibá?

N. Oo pò na nanggaling sa pangwatas at pinamagatáng pangturing na malimit. Náitó ang ibá’t ibáng paraán ng̃ kanyáng pagbubuô.

Una.—Angkapán ng̃ ma ang salitâng ugát at sugpung̃án ng̃ in ó hin sang-ayon sa sinúsunód na tuntunin, hal.: masintahin, maawàin, mahabagín, maibigín, mawilihín, masuwayin, masunurin, mairugín, at ibá pa.

Ikalawá.—Angkapán din ng̃ ma at sugpung̃án ng̃ in ó hin, sakâ ulitin ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, hal.: matutulugín, matatawanín, magagalitín, malilimutín, masasaktín, mapapalarín, malulugdín, matatakutín, atbp.

Ikatló.—Sugpung̃án lamang ng̃ in ó hin ang salitâng ugát, hal.: gálisin, mutàin, bulutung̃ín, pigsahin, hikàin, iyakin, sumbung̃in, tiyanin, bukulin, atbp.

Ikapat.—Nagigíng pangturing din ang mg̃a panahóng haharapín ng̃ pangwatas na binaybáy sa mag, hal.: magsasakâ, magpapandáy, magbabaká, magbababóy, magguguláy, magpapalayók, magpapasán, magbubuhát, atbp.

Ikalimá.—Nagigíng pangturing pa rin ang mg̃a panahóng haharapín ng̃ pangwatas na binaybáy sa mang, hal.: manggagawà, manggugupit, manghahabi, mangwawalís, mang̃ing̃isdâ, mánunubós, máninilâ, mánunulát, [62]mánunulâ, mámamahayág, máng̃ang̃athâ, mánanalaysáy, mánanagalóg, atbp.

Ikaanim.—Angkapán ng̃ mapag ang mg̃a salitâng ugát, hal.: mapagbirô, mapaglarô, mapagmasíd, mapagpuyát, mapagbulóng, mapaglibák, mapagbiyayâ, mapagdasál, atbp.

Ikapitó.—Angkapán namán ng̃ palá ang ugát, hal.: palakaín, palainóm, palausáp, palasumpâ, palatakbó, palasulát, palabasá, palasayáw, palasuwáy, palasigáw, palalarô, palabihís, atbp.

Ikawaló.—Angkapán ng̃ tagá ang mg̃a salitâng ugát. Dapat alamíng ang mg̃a ugát na binaybáy sa mag ó mang ay dapat magtagláy ng̃ pag ó pang, hal.: tagatanod, tagabantáy, tagatugtóg, tagakain, tagapaglutò, tagapagsaing, tagaing̃at, tagapang̃asiwà, tagapaglabá, atbp.

G. ¿Anó ang kaibháng nangyayari sa mg̃a salitâng pangdiwà at sa mg̃a pangturing?

N. Malakí pò ang pagkakáibá ng̃ dalawáng itó, sapagkâ’t ang pangturing kailan ma’y nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃ isáng pangdiwà upáng magtagláy ng̃ isáng buông kahulugán ó kayâ’y bumuô ng̃ isáng kaisipán (ó oración); samantalàng ang pangdiwà ay dî na kailang̃an ang tulong, at sukat sa kanyáng sarili’y maáarìng magkaroón ng̃ isáng buông kátuturán. Halimbawà: malinaw na tubig, magandáng buwán, mainit na araw. Sa halimbawàng itó ang tubig, ang buwán at ang araw ay mg̃a salitâng pangdiwà na siyáng nagbibigáy ng̃ kahulugán sa kaisipán, at kahì’t banggitín ang bawà’t isá ay maúunawàan ng̃ sino man; samantalàng ang malinaw, magandá at [63]mainit ay mg̃a pangturing na siyáng bumabago ó tumuturing ng̃ kátuturán sa mg̃a pangdiwàng kasakasama nilá, at kung banggitín ng̃ walâng katulong ay hindî maúunawàan ng̃ sino man, sapagkâ’t hindî matantông kung anó ang malinaw, kung anó ang magandá ó kung anó ang mainit.

G. ¿Maáarì bagá kung minsang malagáy siyáng mag-isá sa kaisipán?

N. Maáarì pò, kailan ma’t ang salitâng pangdiwà na siyáng nagbibigáy ng̃ kátuturán ay hindî nakalantád, ng̃unì’t dapat matalastás na nakatagò, hal.: ang mg̃a masasamâ’y pinarurusahan, ang ikalimá’y huwág papatáy. Sa masasamâ ay nakatagò ang salitâng tao at sa ikalimá ang salitâng utos.

G. ¿Maáarì kayâng ang salitâng pangturing ay gamitin lang mag-isá sa pamamagitan ng̃ ibáng paraán?

N. Oo pò, maáarì, kailan ma’t ináakbayán sa una ng̃ pang-akbáy ang na ang kátuturá’y katumbás sa isáng ng̃alang pangdiwà, hal.: ang masamâ ay dapat itapon, ibig sabihin nitó sa makatuwíd ang kasamâan; ang mabuti ay dapat úliranin, sa makatuwíd tinutukoy ang kabutihan.

UKOL SA BILANG NA DALAWÁ Ó MARAMI

G. ¿Pano ang paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami ng̃ mg̃a salitâng pangturing?

N. Kung mg̃a salitâng dalisay ó ugát ay pinang̃ung̃unahan ng̃ mg̃a na siyáng ginágamit sa ganitóng bagay, hal.: pang̃it na tao, tamád na lalaki, kung sa [64]íisá, at kung sa dalawá ó marami’y ginagawâng mg̃a pang̃it na tao, mg̃a tamád na lalaki.

Kung mg̃a salitâng mayhalò na nagbuhat sa ma ay inúulit lamang ang unang pantíg ng̃ ugát, hal.: malakíng aklát, mahabàng talumpatì, magandáng dalaga kung sa íisá, at nagigíng malalakíng aklát, mahahabàng talumpatì, mg̃a magagandáng dalaga kung sa dalawá ó marami.[12] Ng̃unì’t kung ang salitâng pangdiwà ay siyáng náuuná kay sa pangturing ay dapat lagyán ng̃ mg̃a at itó’y kailang̃ang iuná sa pangdiwà at ulitin ang unang pantíg ng̃ salitâng ugát, hal.: mg̃a talumpatìng mahahabà, mg̃a dalagang magagandá.

G. Kung sa isáng kaisipán ay nagkakasamasama ang mg̃a salitâng pangturing, ¿paano ang dapat gawín?

N. Sakalìng ang náuuná’y ang salitâng pangdiwà kay sa mg̃a pangturing, doón dapat iuná ang mg̃a at sa mg̃a itó (pangturing) ay dî dapat lagyán ang bawà’t isá ng̃ mg̃a kundî ulitin ang unang pantíg ng̃ bawà’t ugát, hal.: Sa Sangtinakpá’y may mg̃a bayang malalakí, madadakilà, magigitíng at mararang̃ál. Kung ang náuuná namá’y ang isáng salitâng pangturing kay sa pangdiwà ay dapat iuná roón ang mg̃a at ang [65]mg̃a kasamahán niyá’y dapat ulitin ang mg̃a unang pantíg ng̃ ugát, hal.: Sa Sangsinukob ay may mg̃a masasamâng tao, manglulupig, manggagagá at mamámatay sa kapuwà tao. Dapat alamíng ang hulíng paraáng itó’y hindî lubhâng gamitin dî paris ng̃ una.

SA MG̃A SALITÂNG PANGTULAD (Ó COMPARATIVO)

G. ¿Anó ang salitâng pangtulad?

N. Salitâng pangtulad, yaóng nagpapakilala ng̃ katang̃ìán ng̃ isáng pangdiwà kung ipaparis ó ihahalintulad sa kapuwà pangdiwà. Sa Wikàng Tagalog itóng pangtulad ay may dalawáng urì: isá’y ang nagbabadyá ng̃ pagkakatulad at ang ikalawá’y ang pagkakahigít.

G. ¿Alínalín ang mg̃a salitâng pangtulad sa ating wikà?

N. Marami pòng lubhâ, at náritó ang kanyáng pagkakábukódbukód: sa pagkakatulad: ga ó gangga, para ó gaya, magkapara ó magkatulad, sing ó kasing, at magkasíng; sa pagkakahigít: lalò at pa.

G. ¿Kailán ginágamit ang ga ó gangga?

N. Ang ga ay ginágamit kailan ma’t ibig sukatin ang lakí, taás, liít, tigás ó anó man ng̃ isáng bagay kung ihahalintulad sa ibá, hal.: itóng brilyante’y ga munggó ang lakí, ga bató ang tigás ng̃ kanyáng pusò, ga damak ang taás ng̃ tubig. Ang gangga ay kawangkî rin ng̃ ga at íisá silá sa paggamit, bagamá’t ang talagáng kágamitán niyá’y kung tumutukoy sa bilang na dalawá ó marami, hal.: ang mg̃a gangganitóng gawâ ay siyáng inúugalì tuwî na ng̃ may masasamâng budhî; ang mg̃a gangganiyáng tao ay siyáng mg̃a dakilà.

[66]

G. ¿Kailán dapat gamitin ang para ó gaya?

N. Ginágamit ang para ó gaya kailan ma’t pinagpaparis ang isáng bagay sa kapuwà bagay ng̃ walâng lámang̃an. Ang bagay na ipaparis ay dapat ilagáy sa pangtukoy at ang pagpaparisan ay sa pang-arì at ang para ó gaya ay dapat mahulí sa pangturing, hal.: Si Pelisa’y magandáng para ni Mameng; akó’y mabuting gaya niyá; ang mg̃a matá mo’y maniningníng na parang bituwín. Dapat alamíng ang paris at tulad ay kawangkî rin ng̃ para ó gaya.

Dapat ding matantô na, kung may ka sa unahán, na sa madalìáng sabi ay nagigíng kapara, kagaya, kaparis, katulad, at ang ibá pang kasing-urì rin nitó gaya ng̃ kawang̃ís, kahambíng, kawangkî, kamukhâ, kahalimbawà, kahalintulad, ay ginágamit ding maminsanminsan katulad ng̃ para ó gaya lalòng lalò na kung hindî lubhâng mahabà ang isáng kaisipán, hal.: Si Lucio’y katulad ni Fidel; ang pusà’y kaparis ng̃ tigre. Lalòng angkáp kung gagamitin sa pagkakailâ ó kayâ’y dagdagán sa una ng̃ walâ, hal.: Si Yoyong ay walâng kahalintulad sa karunung̃an; si María’y walâng kahalimbawà sa kahinhinán.

G. ¿Kailán ginágamit ang magkapara ó magkatulad?

N. Ang magkapara ó magkatulad at ibá pang gangganitó ay dilì ibá’t nanggaling sa kapara, katulad, kaparis, atbp. na inangkapán ng̃ mag. Ginágamit ang mg̃a itó sa mg̃a bagay na pinagpaparis ng̃ walâng lámang̃an, na, ang mg̃a pinagpapara ay dapat ilagáy sa pangtukoy at ang pangturing ay sa hulí, hal.: Si Petra at si María’y magkapara ng̃ gandá; si Siso at si Mente ay magkatulad ng̃ dunong.

[67]

G. ¿Kailán ginágamit ang sing ó kasing?

N. Ginágamit ang sing ó kasing kailan ma’t pinagpaparis ang isáng bagay sa kapwà bagay nang walâng lámang̃an, at kailang̃ang ilagáy sa pangtukoy ang pang̃alan ó bagay na ipaparis at sa pang-arì namán ang ng̃alan ó bagay na pagpaparisan, hal.: ang mg̃a anák ni Lucio’y singlakí ko, si Mateo’y kasingtaás ni Karlos. Kung tumutukoy sa dalawá ó marami’y kailang̃ang ulitin ang unang pantíg ng̃ ugát ng̃ pangturing, hal.: ang mg̃a anák ni Lucio’y singlalakí ko, ang mg̃a áso’y kasínglalakí ng̃ baboy.

G. ¿Kailán namán ginágamit ang magkasíng?

N. Ginágamit ang magkasíng kailan ma’t ang mg̃a pinagpaparis ay na sa pangtukoy at nagsasaád ng̃ dalawáng bagay na magkahalintulad ó magkakapantáy, hal.: si Pedro at si Huan ay magkasingdunong, ang anák mo’t ang anák ko ay magkasingbuti. Kung bumabanggít sa bilang na dalawá ó marami ang bawà’t isá sa mg̃a pinagpaparis ay kailang̃ang ulitin ang ikalawáng pantíg ng̃ magkasíng, at sa katagâng sabi’y gawíng magkakasíng, hal.: ang mg̃a anák ko ay magkakasingbuti; ang mg̃a kababayan mo’t mg̃a kababayan ko’y magkakasingtulad ng̃ ugalì.

G. ¿Paano ang gagawín kung ibig tumukoy ng̃ isáng ng̃alan ó bagay na nakahihigít?

N. Sa tatlóng kaparaanáng sumúsunód:

1.—Ilagáy sa pangtukoy (ó nominativo) ang nakahihigít at sa panglayon (ó acusativo) ang náhihigtán, hal.: si Andoy ay marunong kay Pedro; ang áso’y mataás sa pusà.

2.—Ang ganitó ring ayos na pinang̃unahan lamang [68]ng̃ lalò ang salitâng pangturing, hal.: Si Lucio’y lalòng mataás kay Huan; ang manggá’y lalòng masaráp sa bayabas.

3.—Ang gayón ding ayos na nilagyán ng̃ pa sa hulí ng̃ pangturing, hal.: si Yoyong ay maputî pa kay Husé; ang araw ay magandá pa sa buwán.

SA MG̃A SALITÂNG PANGTAÁS (Ó SUPERLATIVO)

G. ¿Anó ang salitâng pangtaás?

N. Salitâng pangtaás ay siyáng nagpapakilala sa mg̃a pangturing ng̃ kanyáng kataasán, hal.: Si Pedro’y mabuting mabuti, si Lucio’y lubhâng marunong.

G. ¿Paano ang pagtatatág ng̃ mg̃a salitâng pangtaás?

N. Sa ibá’t ibáng kaparaanán:

Una.—Ilagáy sa una ó hulí ang lubhâ ng̃ salitâng pangturing, hal.: Si Ricardo’y lubhâng mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y mabuting lubhâ.

Ikalawá.—Ilagáy ang totoó sa una ó hulihán ng̃ salitâng pangturing, hal.: Si Ricardo’y totoóng mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y mabuting totoó. Maáarì rin itóng dalawahín at gawíng totoóng totoó, hal.: Si Ricardo’y totoóng totoóng mabuti.

Ikatló.—Ilagáy sa una ó hulihán ng̃ salitâng pangturing ang dî sapalâ, hal.: Si Ricardo’y dî sapalâng mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y mabuting dî sapalâ.

Ikaapat.—Ilagáy sa una ó hulihán ng̃ salitâng pangturing ang dî hamak, hal.: Si Ricardo’y dî hamak na mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y mabuting dî hamak.

Ikalimá.—Ulitin ó dalawahín ang salitâng pangturing na paglalakipin sa pamamagitan ng̃ pang-anib [69]ligazón) na náuukol, hal.: Si Ricardo’y mabuting mabuti; ang pag-áaral ay mahirap na mahirap.

Ikaanim.—Ulitin ó dalawahín ang salitâng pangturing at pang̃unahan ng̃ anyông ka at an ó han sa hulihán, hal.: Si Ricardo’y kábutibutihan; ang sampagita’y kagandagandahan sa tanáng bulaklák.

Ikapitó.—Ang mg̃a salitâng ugát ó dalisay na inangkapán sa una ng̃ nápaka, hal.: Si Ricardo’y nápakabuti; ang sampagita’y nápakagandá.

Ikawaló.—Ang mg̃a pangwatas ay may iláng pangtaás, na, ang ginagawâ ay inúulit ang buông ugát na sining̃itan ng̃ ng̃, hal.: tawa ng̃ tawa, tawag ng̃ tawag, kain ng̃ kain.

SA MG̃A SALITÂNG PANGLAKÍ (Ó AUMENTATIVO)

G. ¿Anó ang salitâng panglakí?

N. Salitâng panglakí, yaóng nagpaparagdág sa kahulugán ng̃ ugát.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ mg̃a itó sa ating wikà?

N. Sa dalawáng kaparaanán lamang:

1)—Ilagáy sa una ng̃ ugát ang salitâng malakí, hal.: malakíng tao, malakíng hayop, malakíng lalaki, malakíng babae, malakíng bahay, malakíng pusà, malakíng susô, atbp.

2)—Sugpung̃án ng̃ an ó han ang iláng salitâng ugát, hal.: sa ulo ay uluhán, sa matá ay matahán, sa ilóng ay ilung̃án, sa bibíg ay bibigán, sa ng̃usò ay ng̃usùán, atbp. Dapat alamíng ang mg̃a salitâng itó’y maáarì ring sabihin sa pamamagitan ng̃ malakí, hal.: malakíng ulo, malakíng matá, malakíng ilóng, atbp.

[70]

SA MG̃A SALITÂNG PANGLIÍT (Ó DIMINUTIVO)

G. ¿Anó ang salitâng pangliít?

N. Salitâng pangliít, yaóng nagpapábawas ó nagpapákulang sa kahulugáng tagláy ng̃ salitâng ugát.

G. ¿Paano ang paraáng ginagawâ sa ganitóng pagbabawas?

N. Sa mg̃a kaparaanáng sumúsunód:

1.—Ang mg̃a pangdiwàng dalisay ay inúulit ang buô ó ang unang dalawáng pantíg ng̃ ugát at sakâ sinusugpung̃án ng̃ an ó han, hal.: sa harì ay harìharìan; sa dios ay diusdiusan; sa tao ay taútauhan; sa ibon ay ibunibunan; sa matandâ ay matamatandâan; sa bulaklák ay bulabulaklakan; atbp.

2.—Ang mg̃a pangdiwàng mayhalò sa pamamagitan ng̃ ka at an ó han ay nagigíng pangliít kailan ma’t dinagdagán sa una ng̃ may, hal.: may kalakasan, may kabutihan, may kahinàan, may kasamâan, may kapulahán, atbp.

3.—Ang mg̃a pangturing na mayhalò sa pamamagitan ng̃ ma ay nagigíng pangliít kailan ma’t inúulit ang salitâng ugát, hal.: maasímasím, malakáslakás, mabutibuti, matamístamís, masamâsamâ, mapulápulá, atbp.

4.—Ang mg̃a pangwatas (ó verbo) na binaybáy sa ibá’t ibáng anyô (ó partícula) ay nang̃agigíng pangliít kailan ma’t inulit ang mg̃a salitâng ugát, hal.: tumatakbótakbó, nagtutulógtulog, nahihigâhigâ, binabasabasa, inilalakadlakad, pinagsalisalitâ, atbp.

5.—Nagigíng pangliít din sa mg̃a salitâng kauntî, muntî, maliít, ang mg̃a ugát na ibá’t ibá, hal.: kauntîng tubig, muntîng bahay, maliít na manggá, atbp.

[71]

SA IBÁ PANG BAHAGI NG̃ SALITÂNG PANGTURING

G. ¿Anó pang bahagi mayroón ang salitâng pangturing?

N. Ang mg̃a itó: Bilang na pangbataynúmero cardinal), bilang na panghanáynúmero ordinal), bilang na pang-ulitnúmero adverbial) at bilang na pangbahaginúmero distributivo).

G. ¿Anó ang bilang na pangbatay (ó número cardinal)?

N. Bilang na pangbatay, yaóng tang̃ìng tumutukoy sa karaniwang bilang, hal.: isá, dalawá, sampuô. Kung ibig humigít dito’y kailang̃ang dagdagán sa una ng̃ labíng, at kung magkaganitó’y magigíng: labíng isá, labíng dalawá, labíng siyám. Kung ibig pa ring humigít dito ó kayâ’y tumukoy ng̃ mataástaás ay dapat dagdagán sa hulí ng̃ puô, at kung magkagayo’y magigíng: dalawáng puô, tatlóng puô, siyám na puô, at ibá’t ibá pang pagdaragdág kung ibig tumukoy ng̃ lalòng mataás na bilang.

G. ¿Anó ang bilang na panghanáy (ó número ordinal)?

N. Yaóng ginágamit sa pagbilang na sunódsunód, hal.: una, ikalawá, ikatló, ikasangpuô.

G. ¿Pano ang pagtatatág ng̃ mg̃a bilang na itó?

N. Madalî pò: sukat na ang dagdagán ng̃ ika ang mg̃a bilang na pangbatay, maliban lamang ang una na dî nang̃áng̃ailang̃an nitó.

G. ¿Anó ang bilang na pang-ulit (ó número adverbial)?

N. Yaóng ginágamit sa pagbilang nang kung mákailang ginawâ ó ginanáp ang isáng bagay, hal.: [72]minsan, makalawá, makatló, makalimá, makasangpuô.

G. ¿Pano namán ang pagtatatág ng̃ mg̃a ganitóng bilang?

N. Dinaragdagán ng̃ maka sa mg̃a bilang na pangbatay, liban lamang ang una na dî kailang̃ang dagdagán.

G. ¿Anó namán ang bilang na pangbahagi (ó número distributivo)?

N. Yaóng ginágamit sa pagbilang na pahatìhatì ó paulitulit, hal.: isáisá, tig-isá, isá.

G. ¿Paano ang pagtatatág ng̃ mg̃a bilang na ganitó?

N. Sa mg̃a paraáng sumúsunód:

Una.—Ulitin ó dalawahín ang mg̃a bilang na pangbatay na kung minsa’y inúulit ng̃ buô at kung minsa’y iláng pantíg lamang, hal.: isáisá, daládalawá, sangpûsangpuô.

Ikalawá.—Lagyán sa una ng̃ anyông tig sa mg̃a bilang na pangbatay na kung minsa’y náwawalâ ang unang titik ng̃ salitâng ugát, at mulâ sa limá ay inúulit ang unang pantíg; hal.: tig-isá, tigalawá, tigatló, tiglilimá, tigpipitó, tigsasangpuô.

Ikatló.—Ulitin ó dalawahín ang unang pantíg ng̃ mg̃a bilang na pangbatay, hal.: íisá, dádalawá, sasangpuô.

TALABABÂAN

[12] Ináakalà kong tumpák ang ganitóng tuntunin sa paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami ng̃ mg̃a salitâng pangturing na nagbuhat sa ma. Marami ang nápapansin kong gumagawâ na, pinang̃ung̃unahan pa ng̃ mg̃a bukód ang pag-ulit sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, gaya sa halimbawà, ng̃: mg̃a mahahabàng talumpatì, mg̃a dalagang magagandá. Sa ganáng kurò ko, ang ganitó’y hindî tumpák sapagkâ’t hindî man lagyán ng̃ mg̃a ay nagbabadyá rin ng̃ dalawá ó marami.

V KABANATA
Salitâng Pangtayô (ó Pronombre)

Gurò. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng pangtayô?

Nag-aaral. Ang pangtayô ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán (ó oración) na siyáng inilálagáy ó inihahalili sa pangdiwà (ó sustantivo) upáng maiwasan ang malimit nitóng pag-úulitulit.

[73]

G. ¿Mangyayari bang ipaliwanag ang bagay na itó sa pamamagitan ng̃ isáng halimbawà?

N. Oo pò; masamâng dinggín ng̃ sino man kung sabihin sa halimbawà: Si Lucio’y naparoón sa pulong at sa pulong si Lucio’y nagtalumpatì. Ng̃unì’t maúunawàan ng̃ lahát kung sabihing ganitó: Si Lucio’y naparoón sa pulong at dito siyá ay nagtalumpatì. Ang pangtayông dito ay siyáng humalili sa pulong, at siyá kay Lucio.

G. ¿Iláng bahagi ang sakláw ng̃ salitâng pangtayô?

N. Limá ang kanyáng sinásakláw: Pangtayô sa ng̃alan ng̃ taopronombre personal), pangtayô sa pagtuturòpronombre demostrativo), pangtayô sa pag-áarìpronombre posesivo), pangtayô sa pagtatanóngpronombre interrogativo), at pangtayô sa pagbabalakpronombre indeterminado).

PANGTAYÔ SA NG̃ALAN NG̃ TAO (Ó PERSONAL)

G. ¿Anó ang pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao?

N. Yaóng salitâng inilálagáy ó inihahalili sa pangdiwà na tumutukoy sa pang̃alan ng̃ tao, at kung minsa’y sa mg̃a pang̃alan ng̃ hayop ó bagay.

G. ¿Ilán ang mg̃a pangtayông itó?

N. Tatló: akó, ikáw, siyá, na pinamámagatáng una, ikalawá at ikatlóng katawán (ó persona).

G. ¿Saánsaán ginágamit ang tatlóng katawáng itó?

N. Ang akó ay siyáng inilálagáy ó inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong nang̃ung̃usap; ang ikáw ay siyáng inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong kinakausap; at siyá ay siyáng inihahalili sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na pinag-úusapan.

[74]

G. ¿Paano ang pagbábaling (ó declinación) ng̃ mg̃a pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao?

N. Gaya ng̃ mg̃a paraáng sumúsunód:

PAGBÁBALING NG̃ MG̃A PANGTAYÔ SA NG̃ALAN NG̃ TAO.

Unang katawán.
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Akó. Pangtukoy { Tayo ó kamí.
{ Kitá ó katá.
Pang-arì { Akin. Pang-arì { Atin ó natin.
{ Amin ó namin.
{ Ko. { Kanitá ó nitá.
{ Natá ó ta.
Panglayon Sa akin. Panglayon { Sa atin, sa amin.
{ Sa kanitá, sa natá.

G. ¿Kailan ginágamit ang na sa lagáy na pangtukoy?

N. Gaya na ng̃ namalas ang pangtukoy ay may apat na urì na may ibá’t ibáng kágamitán: akó sa íisá, at tayo, ó kamí at kitá ó katá sa dalawá ó marami.

Unang urì.—Ginágamit ang akó kailan ma’t inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong nang̃ung̃usap, hal.: Akó ay mahirap, ibig sabihin nitó’y mahirap ang táong nagsasalitâ, na kung ang táong itó sa halimbawà’y nang̃áng̃alang Pedro, ang salitâng yaó’y katumbás ng̃ Si Pedro ay mahirap.

Ikalawá.—Ginágamit ang tayo kung tumutukoy sa dalawá ó marami, kailan ma’t ang táong nang̃ung̃usap at ang táong kinakausap ay nasásakláw kapwà [75]at ibá pa, hal.: Tayong mg̃a pilipino ay marurunong, ibig sabihin ng̃ halimbawàng itó na marunong ang nagsasalitâ, sakláw ang kanyáng kausap at patí ng̃ ibáng kababayan natin.

Ikatló.—Ginágamit namán ang kamí sa dalawá rin ó marami, kailan ma’t ang táong nagsasalitâ ay hindî sinásakláw ang kanyáng kausap kundî ang ibáng kababayan ó kasamahán niyá, hal.: Kamíng mg̃a pilipino ay marurunong, ibig sabihin nitó’y marunong ang nang̃ung̃usap sakláw ang kanyáng mg̃a kalahì ó kasama kayâ, ng̃unì’t ang kausap ay hindî nasásakláw.

Ikaapat.—Ginágamit ang kitá ó katá kailan ma’t tumutukoy sa dalawá lamang at hindî maáarìng humigít dito, at ang dalawáng nátura’y ang nang̃ung̃usap at ang kinakausap; hal.: kitá ay marunong, ó katá ay marunong, mg̃a salitâng katumbás na sabihing kitá ó katáng dalawá ay marunong.

G. ¿Kailán ginágamit namán ang na sa pang-arì?

N. Dapat munang matantô na ang pang-arì ay may limáng urì na, kung gamiti’y nagkakaibáibá: Akin ó ko kung sa íisá at atin ó natin, amin ó namin, kanitá ó nitá at natá ó ta kung sa dalawá ó marami.

Unang urì.—Sa íisá’y ginágamit ang akin kailan ma’t itó’y náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at ko kailan ma’t náhuhulí sa mg̃a itó; hal.: Ang aking bahay ay marikít, ó ang bahay ko ay marikít.

Ikalawá.—Sa dalawá ó marami’y ginágamit ang atin ó natin kailan ma’t ang nagsasalitâ’y sinásakláw ang kanyáng kausap at ibá pa. Dapat gamitin ang atin kailan ma’t náuuná itó sa pangdiwà ó pangwatas, [76]at natin kailan ma’t náhuhulí, hal.: Ang ating baya’y lubhâng magandá, ó ang bayan nati’y lubhâng magandá.

Ikatló.—Sa bilang na dalawá ó marami’y ginágamit din ang amin ó namin kailan ma’t ang nang̃ung̃usap ay hindî sinásakláw ang kinakausap kundî ang ibáng kasamahán ó kapanalig niyá. Dapat gamitin ang amin kailan ma’t náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at namin kailan ma’t náhuhulí, hal.: Ang aming lupà ay malawak, ó ang lupà namin ay malawak.

Ikaapat.—Ang kanitá ó nitá ay ginágamit sa dalawáng dalawá lamang at dî maáarìng humigít, kailan ma’t tang̃ìng tumutukoy ó sumasakláw sa dalawáng nag-úusap. Ginágamit ang kanitá kung na sa una ng̃ pangdiwà ó pangwatas at nitá kung na sa hulí nitó, hal.: Ang kanitáng bahay ay muntî, ó ang bahay nitá ay muntî.

Ikalimá.—Ang natá ó ta ay ginágamit din sa dalawáng dalawá lamang na nakákatulad ng̃ kanitá ó natá. Ang kaibhán lang niyó’y hindî maáarìng gamitin sa una at hulihán ng̃ pangdiwà ó pangwatas na dî gaya nitó, kundî sa hulíng hulí lamang, hal.: Ang bahay natá ay muntî, ó ang bahay ta ay muntî.

G. ¿Kailán namán ginágamit ang na sa panglayon?

N. Dapat din munang matantô na ang panglayon ay may apat na urì na kung gamiti’y may ibá’t ibáng kahulugán: sa akin kung sa íisá, at sa atin, sa amin at sa kanitá kung sa dalawá ó marami.

Unang urì.—Ginágamit ang sa akin kailan ma’t tumutukoy sa íisá, hal.: Itóng aklát ay sa akin.

[77]

Ikalawá.—Ginágamit ang sa atin kailan ma’t tumutukoy sa dalawáng nag-úusap at sa ibá pa kung mayroón, hal.: Itóng aklát ay sa atin.

Ikatló.—Ginágamit ang sa amin kailan ma’t tumutukoy sa nang̃ung̃usap at sa ibá pang kasamahán nitó, ng̃unì’t hindî nasásakláw ang kinakausap, hal.: Itóng aklát ay sa amin.

Ikaapat.—Ginágamit ang sa kanitá kailan ma’t tang̃ìng bumabanggít sa dalawáng nagpapanayám, hal.: Itóng aklát ay sa kanitá.

G. ¿Paano namán ang pagbábaling ng̃ ikalawáng katawán?

N. Paris ng̃ paraáng sumúsunód:

IKALAWÁNG KATAWÁN.
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy { Ikáw. Pangtukoy Kayó.
{ Ka.
Pang-arì { Iyó. Pang-arì { Inyó.
{ Mo. { Ninyó.
Panglayon Sa iyó. Panglayon Sa inyó.

G. ¿Kailan ginágamit ang na sa lagáy na pangtukoy?

N. Ginágamit ang ikáw ó ka sa íisá at kayó sa dalawá ó marami kailan ma’t inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong kinakausap. Ikáw kailan ma’t náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at ka kailan ma’t náhuhulí, hal.: Ikáw ay isáng tao, ó isáng tao ka. Ang kayó kailan ma’t tumutukoy sa dalawá ó marami, malagáy man sa una ó hulí ng̃ pangdiwà ó pangwatas, hal.: Kayó’y may salapî, ó may salapî kayó.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa pang-arì?

[78]

N. Ginágamit ang iyó ó mo sa íisá at inyó ó ninyó sa dalawá ó marami. Iyó kailan ma’t na sa una ng̃ pangdiwà ó pangwatas, at mo kung sa hulí, hal.: Ang iyóng mukhâ, ó ang mukhâ mo. Inyó kung náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at ninyó kung náhuhulí, hal.: Ang inyóng mg̃a bahay, ó ang mg̃a bahay ninyó.

G. ¿Kailán namán ginágamit ang na sa panglayon?

N. Ginágamit ang sa iyó sa bilang na íisá at sa inyó sa bilang na dalawá ó marami, mapauná ó mapahulí man sa pangdiwà ó pangwatas, hal.: ang aklát na itó ay sa iyó; ang aklát na itó ay sa inyó.

G. ¿Paano ang pagbábaling ng̃ ikatlóng katawán?

N. Gaya ng̃ sumúsunód:

IKATLÓNG KATAWÁN.
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Siyá. Pangtukoy Silá.
Pang-arì { Kaniyá. Pang-arì { Kanilá.
{ Niyá. { Nilá.
Panglayon Sa kaniyá. Panglayon Sa kanilá.

G. ¿Kailan ginágamit ang na sa pangtukoy?

N. Ginágamit ang siyá sa íisá at silá sa dalawá ó marami kailan ma’t siyáng inihahalili sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na pinag-úusapan, hal.: Siyá ay marunong; silá ay mangmáng.

G. ¿Kailan ginágamit ang na sa pang-arì?

N. Ginágamit ang kaniyá ó niyá sa íisá at kanilá ó nilá sa dalawá ó marami. Kaniyá kung na sa una ng̃ pangdiwà ó pangwatas, at niyá kung na sa hulí, hal.: Ang kaniyáng kapatíd, ó ang kapatíd niyá. Ang kanilá kung náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at nilá kung náhuhulí, hal.: Ang kaniláng tániman, ó ang tániman nilá.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa panglayon?

[79]

N. Ginágamit ang sa kaniyá sa íisá at sa kanilá sa dalawá ó marami, hal.: Iyáng panulat ay sa kaniyá; itóng sinamay ay sa kanilá.

PANGTAYÔ SA PAGTUTURÒ (Ó DEMOSTRATIVO)

G. ¿Anó ang pangtayô sa pagtuturò?

N. Yaóng salitâng ginágamit sa pagtuturò sa pang̃alan ng̃ tao ó bagay.

G. ¿May ilán ang sakláw ng̃ pangtayông itó?

N. Tatló: itó ó yarí, iyán at yaón.

G. ¿Paano ang paggamit ng̃ bawà’t isá?

N. Ginágamit ang itó ó yarí kung ang isáng pang̃alan ng̃ tao ó bagay na itinuturò ay malapit sa nang̃ung̃usap kay sa nakikiníg. Iyán kung ang itinuturò ay malapit sa nakikiníg kay sa nang̃ung̃usap. At yaón kung ang bagay na itinuturò ó pinag-úusapa’y malayò sa dalawáng nag-úusap.

G. ¿Paano ang pagbábaling ng̃ mg̃a pangtayô sa pagtuturò?

N. Gaya ng̃ mg̃a kaparaanáng sumúsunód:

PAGBÁBALING NG̃ MG̃A PANGTAYÔ SA PAGTUTURÒ.

Itó ó Yarí.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Itó ó yarí Pangtukoy Itóng mg̃a ó yaríng mg̃a
Pang-arì { Dito sa ó dini sa Pang-arì { Dito sa mg̃a ó dini sa mg̃a
{ Nitó ó nirí { Nitóng mg̃a ó niríng mg̃a
Panglayon { Nitó ó nirí Panglayon { Nitóng mg̃a ó niríng mg̃a
{ Dito sa ó dini sa { Dito sa mg̃a ó dini sa mg̃a

[80]

Iyán.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Iyán Pangtukoy Iyáng mg̃a
Pang-arì { Diyán sa Pang-arì { Diyán sa mg̃a
{ Niyán { Niyáng mg̃a
Panglayon { Niyán Panglayon { Niyáng mg̃a
{ Diyán sa { Diyán sa mg̃a
Yaón.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Yaón Pangtukoy Yaóng mg̃a
Pang-arì { Doón sa Pang-arì { Doón sa mg̃a
{ Niyaón ó noón { Niyaóng mg̃a ó noóng mg̃a
Panglayon { Niyaón ó noón Panglayon { Niyaóng mg̃a ó noóng mg̃a
{ Doón sa { Doón sa mg̃a

G. ¿Paano ang paggamit ng̃ mg̃a pangtayô sa pagtuturò?

N. Nábubuô sa mg̃a ganitóng kaparaanán:

Una.—Ginágamit ang itó ó yarí sa íisá at itóng mg̃a ó yaríng mg̃a sa dalawá ó marami kailan ma’t na sa pangtukoy at ang bagay na itinuturò ay malapit sa nagsasalitâ kay sa nakikiníg, hal.: Itóng aking pusò, ó yaríng aking pusò; itóng mg̃a matá ko, ó yaríng mg̃a matá ko.

Ikalawá.—Ginágamit ang iyán sa íisá at iyáng mg̃a sa dalawá ó marami kailan ma’t na sa pangtukoy at ang bagay na itinuturò ay malapit sa nakikiníg kay sa nang̃ung̃usap, hal.: Iyáng damít mo; iyáng mg̃a bisig mo.

[81]

Ikatló.—Ginágamit ang yaón sa íisá at yaóng mg̃a sa dalawá ó marami kailan ma’t na sa pangtukoy at ang bagay na itinuturò ay malayò sa dalawáng nag-úusap, hal.: Yaóng punò ng̃ saging ay malayò; yaóng mg̃a bulaklák ay magagandá.

Ang mg̃a lagáy na nasa sa pang-arì at panglayon ay ginágamit katulad din halos ng̃ mg̃a nang̃aunáng pangtayô.

G. ¿Paano ang dapat gawín kung ang pagtuturò sa isáng bagay ay tinitiyák ó tinutukoy na mabuti?

N. Kung ang anó mang pangtayôpronombre) ay na sa unahán ng̃ pangdiwà ay inúulit ang pangtayông na nasa pangtukoy sa hulihán nitó, kahì’t na ang una (pangtayô) ay na sa lagáy na pang-arì ó panglayon, hal.: itóng batàng itó; dukhâ ang amá niyáng batàng iyán.

G. ¿May ibá bang paraán upáng huwág dalawahín ang pangtayô kahì’t na ang isáng bagay ay tinitiyák na mabuti?

N. Mayroón pò, at sa bagay na itó’y dapat lagyán ng̃ pang-akbáy ang pangdiwà at sa hulí nitó’y ang náuukol na pangtayông dapat taglayín, hal.: ang batàng itó ay malikót, sa lugál na sabihing: itóng batàng itó ay malikót; mahirap ang buhay ng̃ matandâng yaón, sa lugál na sabihing: mahirap ang buhay niyaóng matandâng yaón.

PANGTAYÔ SA PAG-ÁARÌ (Ó POSESIVO)

G. ¿Anó ang pangtayô sa pag-áarì?

N. Yaóng salitâng ginágamit sa pag-angkín ó pag-arì ng̃ anó mang bagay, hal.: Ang aking bahay, ang iyóng lupà, ang kaniyáng manók.

[82]

G. ¿Alínalín ang mg̃a pangtayô sa pag-áarì?

N. Lahát ng̃ mg̃a pang-arì (ó genitivo) ng̃ mg̃a pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó pronombre personal).

G. ¿Paano ang ginagawâng pagbábaling?

N. Sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy ng̃ mg̃a pang̃alan ng̃ bagay.

PAGBÁBALING NG̃ MG̃A PANGTAYÔ SA PAG-ÁARÌ.

Akin.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Ang akin ó ko Pangtukoy Ang aking mg̃a ó ko
Pang-arì { Ng̃ akin ó ko Pang-arì { Ng̃ aking mg̃a ó ko
{ Sa akin ó ko { Sa aking mg̃a ó ko
Panglayon { Sa akin ó ko Panglayon { Sa aking mg̃a ó ko
{ Ng̃ akin ó ko { Ng̃ aking mg̃a ó ko
Iyó.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Ang iyó ó mo Pangtukoy Ang iyóng mg̃a ó mo
Pang-arì { Ng̃ iyó ó mo Pang-arì { Ng̃ iyóng mg̃a ó mo
{ Sa iyó ó mo { Sa iyóng mg̃a ó mo
Panglayon { Sa iyó ó mo Panglayon { Sa iyóng mg̃a ó mo
{ Ng̃ iyó ó mo { Ng̃ iyóng mg̃a ó mo

[83]

Kaniyá.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Ang kaniyá ó niyá Pangtukoy Ang kaniyáng mg̃a ó niyá
Pang-arì { Ng̃ kaniyá ó niyá Pang-arì { Ng̃ kaniyáng mg̃a ó niyá
{ Sa kaniyá ó niyá { Sa kaniyáng mg̃a ó niyá
Panglayon { Sa kaniyá ó niyá Panglayon { Sa kaniyáng mg̃a ó niyá
{ Ng̃ kaniyá ó niyá { Ng̃ kaniyáng mg̃a ó niyá

Ang atin ó natin, ang inyó ó ninyó at kanilá ó nilá ay binabaling ding kaparis ng̃ mg̃a náuná.

PANGTAYÔ SA PAGTATANÓNG (Ó INTERROGATIVO)

G. ¿Anó ang pangtayô sa pagtatanóng?

N. Ang inihahalili sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay sa mg̃a pagtatanóng.

G. ¿Sa ilán nábubuô?

N. Sa tatló: sino, anó at alín.

G. ¿Pano ang pagbábaling sa tatlóng itó?

N. Gaya nitóng sumúsunód:

SINO
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Sino Pangtukoy Sinosino ó sinong mg̃a
Pang-arì { Kanino Pang-arì Kaníkanino ó kaninong mg̃a
{ Nino
Panglayon Sa kanino Panglayon Sa kaníkanino ó kaninong mg̃a

[84]

ANÓ
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Anó Pangtukoy Anóanó ó anóng mg̃a
Pang-arì { Sa anó Pang-arì { Sa anóanó ó anóng mg̃a
{ Ng̃ anó { Ng̃ anóanó ó anóng mg̃a
Panglayon { Sa anó Panglayon { Sa anóanó ó anóng mg̃a
{ Ng̃ anó { Ng̃ anóanó ó anóng mg̃a
ALÍN
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Alín Pangtukoy Alínalín ó alíng mg̃a
Pang-arì { Sa alín Pang-arì { Sa alínalín ó alíng mg̃a
{ Ng̃ alín { Ng̃ alínalín ó alíng mg̃a
Panglayon { Sa alín Panglayon { Sa alínalín ó alíng mg̃a
{ Ng̃ alín { Ng̃ alínalín ó alíng mg̃a

G. ¿Paano ang paggamit ng̃ sino, anó at alín?

N. Ginágamit ang sino kailan ma’t ang pagtatanóng ay tumutukoy sa tao ó pang̃alan ng̃ tao, hal.: ¿Sino ang hinahanap mo?—Si Pedro; ¿Sino ang tinátawag niyá?—Si Huan.

Ginágamit ang anó kailan ma’t tumutukoy ang pagtatanóng sa mg̃a bagay lamang, hal.: ¿anó ang ibig mong makain?—Ang tinapay; ¿anó ang hawak niyá?—Ang aklát.

[85]

Ginágamit namán ang alín kailan ma’t ang pagtatanóng ay bumabanggít sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó sa mg̃a bagay, hal.: ¿alín ang magandá kay Petra at kay María?—Si María; ¿alín ang minamasdán mo?—ang dagat.

G. ¿Paano ang paggamit sa kanino at nino?

N. Ginágamit ang kanino kailan ma’t ibig mabatíd kung sino ó alín ang kinaúukulan ng̃ isáng bagay, hal.: ¿Kaninong aklát itó?—Kay Lucio; ¿kanino itóng kanin?—Sa pusà.

Ginágamit namán ang nino kailan ma’t hindî nawatasan ang sagót sa pagtatanóng, hal.: ¿kaninong bahay yaón?—Kay Menang.—¿Nino?

PANGTAYÔ SA PAGBABALAK (Ó INDETERMINADO)

G. ¿Anó ang pangtayô sa pagbabalak?

N. Yaóng tumutukoy sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó bagay na dî nátitiyák.

G. ¿Alínalín ang mg̃a pangtayông itó?

N. Ang karaniwang gamiti’y itóng mg̃a sumúsunód: Anó man, bahagyâ ó kauntî, balàng, sino man, ilán, isá, ibá, ibá pa at walâ. Halimbawà: Walâ akóng mamalas na anó man; bahagyâ nang umulán kahapon; balàng araw; walâ siyáng makitang sino man; may naparitong iláng tao; may ibáng táong dumating; at ibá pa.

SA MG̃A ANYÔNG ISINÁSAMA SA MG̃A PANGTAYÔ

G. ¿Mayroón ba sa ating wikà ng̃ mg̃a anyô (ó partícula) na isinásama sa mg̃a pangtayô?

N. Mayroón pò, at ang mg̃a pang̃ulo ay itó: Ba ó bagá at kayâ.

[86]

G. ¿Anó ang kabutihang nátatamó sa ganitóng pagsasama?

N. Ang kabutihan nitó’y nagpapagandá sa mg̃a salitâ at nagbibigáy lakás sa mg̃a pagtatanóng.

G. ¿Saánsaán ginágamit ang ba ó bagá at kayâ?

N. Ang mg̃a itó’y malimit gamitin sa mg̃a pagtatanóng, at kung minsa’y kahì’t hindî sa bagay na itó. Dapat matantô na ang mg̃a iyá’y inilálagáy sa hulihán ng̃ mg̃a pangtayô, hal.: ¿Anó ba ang hawak mo? ó kayâ’y ¿anó bagá ang hawak mo? ¿Sino kayâ ang táong itó?

VI KABANATA
Salitâng Pangwatas (ó Verbo)

Gurò. ¿Anó ang kátuturán ng̃ salitâng pangwatas?

Nag-aaral. Salitâng pangwatas ay isáng bahagi ó pangkát ng̃ kaisipán na siyáng másasabing diwà ng̃ isáng wikà, na, nagbabadyá ng̃ lasa ó halagá, gawâ, ayos ó lagáy na lagìng nagpapahayag ng̃ panahón (ó tiempo), bilang (ó número) at katawán (ó persona).

G. ¿Bakit ang salitâng pangwatas ay siyáng diwà ng̃ isáng wikà?

N. Sapagkâ’t ang pangwatas ay siyáng nagbibigáy buhay ó kátuturán sa mg̃a salitâ at kaisipán, hal.: Si Pedro ay susulat, ang sanggól ay umíiyák, ang pusà ay kakain. Ang mg̃a pangwatas sa halimbawàng itó’y ang susulat, umíiyák at kakain.

G. ¿Sa anó nabábahagi ang salitâng pangwatas?

N. Ang pangwatas ay nabábahagi sa mg̃a sumúsunód: [87]pangdaántransitivo), pangtatágintransitivo), pangpalítrecíproco), pangtagòimpersonal), pangbalakactivo) at pangtiyákpasivo).

G. ¿Anó ang tinátawag na pangwatas na pangdaán?

N. Ang pangwatas, na, ang kanyáng gawâ ó kahulugá’y dumaraán ó maáarìng dumaán sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na siyáng layon ó pangtung̃o (complemento) ng̃ kaisipán, hal.: UMIBIG sa Dios, BUMASA ng̃ aklát, HUMUKAY ng̃ lupà.

G. ¿Anó ang pangwatas na pangtatág?

N. Ang pangwatas, na, ang kanyáng gawâ ó kátuturá’y hindî dumaraán ó lumalampás sa isáng ng̃alan ng̃ tao ó bagay, hal.: matulog, mamatáy, mahigâ.

G. ¿Anó ang tinátawag na pangwatas na pangpalít?

N. Ang pangwatas na nagbabadyá ng̃ kilos ó galáw ng̃ dalawá ó ang pagpapalitan ng̃ gawâ ng̃ dalawá ó maraming tao, hal.: si Lucio at si Pedro ay NAGSUSULATAN; siná Mameng ay NAG-AAWITAN; ang mg̃a batà’y NAGKUKUTUSAN.

G. ¿Anó ang pangwatas na pangtagò?

N. Ang pangwatas na hindî nagbabadyá ng̃ pang̃ulo (ó sujeto) at sa pag-íisip ay kailang̃ang may itagòng anó man, hal.: umulán, umaraw, bumagyó, kumulóg, kumidlát, gumabí, humápon, umumaga, at ibá pang gangganitó. Dapat alamíng ang mg̃a pangwatas na itó’y tang̃ìng magagamit sa mg̃a pangbadyá (ó infinitivo) at sa ikatlóng katawán (ó persona) ng̃ bilang na íisá sa lahát ng̃ panahón.

G. ¿Anó ang pangwatas na pangbalak?

N. Ang pangwatas na tumutukoy ó nagbabadyá [88]ng̃ anó mang pang̃alan ó bagay na hindî tiyák, hal.: sumulat, magsaing, mang̃isdâ, mahigâ.

G. ¿Anó ang pangwatas na pangtiyák?

N. Ang pangwatas na bumabanggít ó nagbabadyá ng̃ anó mang pang̃alan ó bagay na tiyák, hal.: basahin, iluto, sulatan.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ salitâng pangwatas?

N. Sa ating wikà’y binubuô ang salitâng itó ng̃ ugát (ó raíz) at ng̃ anyô (ó partícula) na may ibá’t ibáng hugis.

G. ¿Anó ang tinátawag na ugát?

N. Tinátawag na ugát ang salitâng dalisay ó kayâ’y ang walâng halòng anó man, gaya ng̃ basa, sulat, lakad, takbó, kain, tulog, larô, upô, higâ, bahín, atbp.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyô?

N. Tinátawag namáng anyô ang iláng titik ó pantíg na ang karamiha’y walâng kátuturáng tagláy kung sa kanyáng sarili lamang, na siyáng iniáangkáp, isinising̃it ó isinusugpóng sa mg̃a salitâng ugát upáng itó’y magkaroón ng̃ ibá’t ibáng ayos at kahulugán sa ating wikà.

G. ¿Sa anó dapat hatìin ang mg̃a anyô?

N. Upáng maiwasan ang pagkakálahóklahók, ang mg̃a anyô ay dapat bahagiin sa tatlóng kátawagán: Anyông pang-angkáp, anyông pangsing̃it, at anyông pangsugpóng.

G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ anyông pang-angkáp?

N. Yaóng anyông inilálagáy ó iniáangkáp sa una ng̃ salitâng ugát upáng magíng pangwatas, hal.: UMibig, MAGsaing, MANGbugbóg, MAligò.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông pangsing̃it?

N. Yaóng anyông inilálagáy sa gitnâ ó isinising̃it [89]sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ salitâng ugát upáng magíng pangwatas, hal.: tUMakbó, gUMibik, sUMugat.

G. ¿Anó ang kahulugán namán ng̃ anyông pangsugpóng?

N. Ang anyông inilálagáy sa hulihán ó idinurugtóng sa salitâng ugát upáng magíng pangwatas, hal.: ibigIN, pulutIN, tugtugAN, utang̃AN.

G. ¿Lahát ó anó mang ugát sa ating wikà ay nagagawâ bagáng pangwatas?

N. Oo pò, kahì’t na ang mg̃a ugát na itó’y magíng salitâng pangdiwà (ó sustantivo) at salitâng pangturing (ó adjetivo), sa pamamagitan ng̃ ibá’t ibáng anyô na ináangkáp, isinising̃it at isinusugpóng.

G. ¿Marami bagá ang mg̃a anyông ginágamit sa ating wikà?

N. Lubhâng marami pò, at ang mg̃a naggigilasang anyông itó ay lubhâng malakí ang itinutulong sa ating salitâ at siyáng bumubuô nitó magíng sa tinátawag na pangdiwà, sa pangturing, sa pangwatas at sa ibá’t ibáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán.

SA MG̃A PANG̃ULONG BAHAGI NG̃ MG̃A ANYÔ

G. ¿Alín ang mg̃a bahaging lalòng mahalagá ng̃ mg̃a anyô?

N. Ang pinakapang̃ulong bahagi nitó’y dalawá lamang: anyông pangbalakpartícula indeterminada) at anyông pangtiyákpartícula determinada).

G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ anyông pangbalak?

N. Ang mg̃a anyông kung iangkáp, ising̃it ó isugpóng sa mg̃a ugát ay nang̃agigíng pangwatas na pangbalak [90]na tumutukoy ó nagbabadyá ng̃ anó mang bagay ó pang̃alang hindî tiyák, hal.: bUMasa ka ng̃ aklát, at sa ganitó’y kahì’t anóng aklát; MAGlutò ka ng̃ manók at sa ganitó’y kahì’t anóng manók; MANGhuli ka ng̃ palakâ at sa ganitó’y kahì’t anóng palakâ.

G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ anyông pangtiyák?

N. Ang mg̃a anyông kung iangkáp, ising̃it ó isugpóng sa mg̃a ugát ay nang̃agigíng pangwatas na pangtiyák na nagbabadyá ng̃ anó mang tiyák na bagay ó pang̃alan na siyáng katugmâ ng̃ mg̃a anyông pangbalak. Halimbawà: basaHIN mo itóng aklát at sa ganitó’y tinutukoy ang aklát na babasahin; lutùIN mo iyáng manók, at sa ganitó’y tinitiyák ang manók na lulutùin; huliHIN mo yaóng palakâ, at sa ganitó’y dinadalirì ang palakâng huhulihin.

G. Ang mg̃a anyông pangbalak at pangtiyák, ¿sa anó dapat hatìin?

N. Magíng ang pangbalak at magíng ang pangtiyák ay dapat bahagiin sa dalawá: pang̃ulo at pangtulong. Tinátawag na pang̃ulo ang anyông lalòng mahalagá at malimit gamitin, na, siyáng nagpapagaláw sa ating mg̃a pangwatas. Tinátawag namáng pangtulong ang anyông kung pakasusurìing maigi ay hindî kailang̃an, ng̃unì’t mahalagá rin sapagkâ’t bukód sa siyáng tumutulong sa mg̃a pang̃ulo ay siyá pang lalòng nagpaparikít sa ating mg̃a salitâ.

G. ¿Alínalín ang mg̃a pang̃ulo at mg̃a pangtulong na anyô sa pangbalak?

N. Ang mg̃a pang̃ulong anyô sa pangbalak na siyáng pinanununtunán ng̃ ibá ay apat: ang um, ang mag, ang mang at ang ma. Itóng mg̃a anyông itó ay nang̃agigíng [91]pangwatas kailan ma’t iniangkáp, isining̃it ó isinugpóng sa mg̃a ugát, gaya sa halimbawà ng̃ utang ay UMutang, ng̃ larô ay MAGlarô, ng̃ hulà ay MANGhulà, ng̃ tulog ay MAtulog. Ang mg̃a pangtulong ay lubhâng marami at dahil dito’y lubhâng mahirap itanghál ng̃ páminsanan. Sakâ na itó mapapag-aralan kung sumapit na sa kanyáng kabanatang kinaúukulan.

G. ¿Alínalín namán ang mg̃a pang̃ulo at mg̃a pangtulong na anyô sa pangtiyák?

N. Ang mg̃a pang̃ulong anyô sa pangtiyák na siyáng pinagbábatayán ng̃ mg̃a ibá ay tatló: ang in, ang i at ang an. Kung ang mg̃a anyông itó ay iangkáp ó isugpóng sa mg̃a ugát ay nang̃agigíng pangwatas din na siyáng ginágamit sa pagtukoy ó pagdalirì ng̃ anó mang ng̃alan ó bagay; hal.: sa sulat ay sulatIN, sa subò ay Isubò, sa hulà ay hulàAN. Ang mg̃a pangtulong na anyô ay nakakápatas sa karamihan ng̃ mg̃a pangtulong sa pangbalak at kung minsa’y humihigít dito, kayâ’t hindî na dapat itanghál sa kabanatang itó kundî sa kanyáng kinaúukulan.

G. Sa madalìáng sabi, ¿alín ang mg̃a pang̃ulong anyô na sinásakláw ng̃ pangbalak at ng̃ pangtiyák?

N. Náitó ang sakláw ng̃ isá’t isá na siyáng pinakapang̃ulo: anyông pangbalak: um, mag, mang at ma; at anyông pangtiyák: in, i at an.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông um?

N. Tinátawag na anyông um, ang pangwatas na kinasising̃itan ó kinaáangkapán ng̃ um ang salitâng ugát. Ang um ay pangsing̃it kung ang ugát ay nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante), gaya ng̃ bUMasa, lUMakad, tUMakbó; at pang-angkáp kung nagpapásimulâ [92]namán sa ting̃ig (ó vocal), paris ng̃ UMulán, UMakay, UMutang.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông mag?

N. Tinátawag na anyông mag ang pangwatas, na, naáangkapán ng̃ mag ang salitâng ugát, paris ng̃ MAGsaing, MAG-alay, MAGlarô.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông mang?

N. Tinátawag na anyông mang ang pangwatas na ang salitâng ugát ay ináangkapán ng̃ mang, paris ng̃ MANGbihag, MANG̃ahoy, MANG̃usá.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông ma?

N. Tinátawag na anyông ma ang pangwatas, na, kinaáangkapán ng̃ ma ang salitâng ugát, gaya ng̃ MAhulog, MAgulat, MAhigâ.

G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông in?

N. Tinátawag na anyông in ang pangwatas na kinasusugpung̃án ng̃ in ang salitâng ugát, paris ng̃ buhatIN, tapusIN, ulitIN.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông i?

N. Tinátawag na anyông i ang pangwatas na may pang-angkáp na i sa salitâng ugát, paris ng̃ Isulat, Isumbóng, Ilakad.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông an?

N. Tinátawag na anyông an ang pangwatas, na, ang salitâng ugát ay sinusugpung̃án ng̃ an, gaya ng̃ utang̃AN, sumbung̃AN, tuksuhAN.

[93]

VII KABANATA
Ukol sa pagbabaybáy (ó conjugación)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na pagbabaybáyconjugación)?

Nag-aaral. Tinátawag na pagbabaybáy ang pagkakasunódsunód ng̃ nangyayaring pagkakabagobago sa pangwatas.

G. ¿Sa anó nabábahagi itóng pagbabaybáy?

N. Nabábahagi sa apat na siyáng pinagmumulâan ng̃ pagkakáibáibá ng̃ pangwatas: Ayosmodo), panahóntiempo), bilangnúmero) at katawánpersona).

SA MG̃A AYOS NG̃ PANGWATAS

G. ¿Anó ang mg̃a ayos ng̃ pangwatasmodos del verbo)?

N. Tinátawag na mg̃a ayos ng̃ pangwatas, yaóng mg̃a karaniwang hugis na ibá’t ibá sa pagsasaysáy ó pagbabadyá ng̃ pangwatas.

G. ¿Ilán ang mg̃a ayos na ginágamit sa ating wikà?

N. Apat, katulad ng̃ sa kastilà: Pangbadyáinfinitivo), panghiwatigindicativo), pang-utosimperativo) at pangsukobsubjuntivo).

G. ¿Anó ang ipinahahayag ng̃ ayos pangbadyá?

N. Ang pangbadyá ay nakákawangkîng totoó ng̃ mg̃a salitâng pangdiwà (ó sustantivo) na may hugis pangwatas at siyáng pinanggagaling̃an ng̃ ibá’t ibáng ayos, hal.: Sumulat, magtago, manglibák, mahinog. Dapat mabatíd na ang ayos na itó ay hindî maáarìng magbadyá ng̃ panahón, ng̃ bilang ni ng̃ katawán (ó persona).

[94]

G. ¿Anó ang sinasaysáy ng̃ ayos panghiwatig?

N. Ang panghiwatig ay nagpapahayag ng̃ lubós, malayà at tápatang kátuturán ng̃ pangwatas, na hindî nang̃áng̃ailang̃an ng̃ anó mang tulong ng̃ ibá, at dahil dito kung kayâ siyáng lalòng madalás gamitin kay sa ibá, hal.: Akó’y bumabasa, siyá’y sumusulat, tayo’y nang̃ing̃isdâ, silá’y nang̃agsasaing.

G. ¿Anó ang ibinabadyá ng̃ ayos pang-utos?

N. Ang pang-utos ay nagbabadyá ng̃ pag-úutos, panunuyò, pang̃ang̃aral ó pagpapahintulot; hal.: bumasa ka, mang̃usá tayo, tumakbó kayó.

G. ¿Anó namán ang sinasabi ng̃ ayos pangsukob?

N. Ang pangsukob ay hindî nagbabadyá ng̃ anó mang kátuturán kung sa kanyáng sarili lamang kundî nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃ kapwà pangwatas, at ginágamit kailan ma’t nagsasaysáy ng̃ pagnanais ó pakikibagay (ó condicional), hal.: Kung susulat siyá ay sabihin mo sa akin, kung nang̃ung̃usap ka’y nagagalit akó.

SA MG̃A PANAHÓN NG̃ PANGWATAS

G. ¿Anó ang mg̃a panahón ng̃ pangwatastiempos del verbo)?

N. Tinátawag na mg̃a panahón ng̃ pangwatas, yaóng ibá’t ibáng panig ng̃ pagbabaybáy (ó conjugación) na nagpapakilala ng̃ panahóng ginagawâ ó nangyayari ang kátuturán ng̃ pangwatas.

G. ¿Ilán ang mg̃a panahón ng̃ pangwatas na dapat gamitin?

N. Ang mg̃a panahóng itó, kung talagáng titiyaking maigi ay may tatló lamang na siyáng matatawag [95]na ganáp: ang kasalukuyanpresente), ang nakaraánpasado) at haharapínvenidero), ng̃unì’t itóng dalawáng náhuhulí ay hinahatì pa sa ibá’t ibáng bahagi.

G. ¿Ilán ang mg̃a panahóng sakláw ng̃ ayos panghiwatig (ó modo indicativo)?

N. Sa Wikàng Tagalog ay apat lamang: kasalukuyanpresente), nakaraánpretérito perfecto), nakaraán napretérito pluscuamperfecto) at haharapínfuturo). Sa ibáng pangwatas ay may isá pang panahóng idinaragdág na tinátawag na kararaán papretérito imperfecto).

G. ¿Anó ang ipinahahayag ng̃ kasalukuyan ng̃ panghiwatig (ó presente de indicativo)?

N. Ang kasalukuyan ng̃ panghiwatig ay nagbabadyáng ang kátuturán ng̃ pangwatas ay ginaganáp, ginagawâ ó nangyayari sa ng̃ayón, hal.: Akó’y bumabasa, siyá’y sumusulat, silá’y naglalarô.

G. ¿Anó ang sinasaysáy ng̃ nakaraánpretérito perfecto)?

N. Ang nakaraán ay nagsasaysáy na ang kátuturán ng̃ pangwatas ay nangyari ó lumipas na, hal.: Siyá’y nag-aral, akó’y natulog, tayo’y naglakád.

G. ¿Anó ang ibinabadyá ng̃ nakaraán napluscuamperfecto)?

N. Ang nakaraán na, ay nagbabadyá na ang kátuturán ng̃ pangwatas ay nangyari na, higít pa sa panahóng nakaraán; hal.: nakasulat na akó nang dumating ang liham; nang umulán ay nakapaligò na siyá.

[96]

G. ¿Anó ang sinasabi ng̃ panahóng haharapín (ó futuro)?

N. Ang haharapín ay nagsasaysáy na ang kátuturán ng̃ pangwatas ay mangyayari, gagawín ó gaganapín, hal.: Akó’y mang̃ing̃isdâ, siyá’y maglalakbáy, tayo’y magpupulong.

G. ¿Ilán ang panahóng sakláw ng̃ ayos pang-utos (ó modo imperativo)?

N. Íisá pò lamang, at ang isáng itó’y tinátawag na kasalukuyan (ó presente), sapagkâ’t ang salitâng nagbabadyá ng̃ pag-úutos, panunuyò, at ibá pa ay sápilitáng na sa panahóng násabi, kahì’t na ang pag-úutos na itó at panunuyò ay ginaganáp ó gaganapín pagkátapos; hal.: Itóng sulat ay dalhín mo ng̃ayón, ó itóng sulat ay dalhín mo bukas. Dapat matantô na ang panahóng itó ay walâng unang katawán, (ó primera persona) sapagkâ’t hindî mangyayari kailan man na ang isáng nag-úutos ay mag-utos sa kanyáng sarili.

G. ¿Ilán ang panahóng sakláw ng̃ ayos pangsukob (ó modo subjuntivo)?

N. Tatló lamang: kasalukuyan (ó presente), nakaraán (ó pasado) at haharapín (ó futuro).

G. ¿Anó ang sinasaysáy ng̃ panahóng kasalukuyan?

N. Ang nagbabadyá ng̃ ginaganáp ó nangyayari sa ng̃ayón kailan ma’t nagkakahulugán ng̃ pagnanais ó pakikibagay, hal.: Kung bumabasa akó ay sumusulat ka; kung kumakain ka ay huwág kang maglalarô.

G. ¿Anó ang ipinahahayag ng̃ panahóng nakaraán?

N. Ang panahóng nakaraán ay nagpapahayag na ang kátuturán ng̃ pangwatas ay nangyari na, at [97]nagkakahulugán ng̃ pagnanais ó pakikibagay; hal.: bumasa ka sana at akó’y babasa rin; kung ikáw’y lumakad ay nakita mo sana ang prusisión.

G. ¿Anó ang ibinabadyá ng̃ panahóng haharapín?

N. Ang panahóng haharapín ay nagbabadyáng ang kátuturán ng̃ pangwatas ay mangyayari ó gagawín, at nagkakahulugán ng̃ pagnanasà ó pakikibagay; hal.: kung áalís ka’y sabihin mo sa akin; kung babasa ka ay bumasa ka ng̃ marahan.

SA MG̃A BILANG AT SA MG̃A KATAWÁN

G. ¿Anó ang bilang ng̃ pangwatas (ó número del verbo)?

N. Bilang ng̃ pangwatas ang nangyayaring pagkakabagobago na nagbabadyá kung ang pang̃ulo (ó sujeto) ay náuukol sa isá ó maraming tao ó bagay.

G. ¿Ilán itóng mg̃a bilang ng̃ pangwatas?

N. Dalawá, kaparis ng̃ ibáng bahagi ng̃ kaisipán: bilang na íisá at bilang na dalawá ó marami. Kung tumutukoy lamang sa isáng tao ó bagay ay dapat gamitin ang bilang na íisá, gaya ng̃ Si Pedro ay bumabasa, si Lucio ay sumusulat. Kung bumabanggít namán sa dalawá ó maraming tao ó bagay, ay dapat gamitin ang bilang na dalawá ó marami, gaya ng̃ tayo ay kumain, silá’y maglutò.

G. ¿Anó ang katawánpersona) sa urì ng̃ Balarilà?

N. Tinátawag na katawán ang alín mang salitâng pangdiwà (ó sustantivo) ó pangtayô (ó pronombre) na siyáng pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ pangwatas.

G. ¿Ilán ang mg̃a katawán?

[98]

N. May anim na lahát: tatló ang náuukol sa bilang na íisá: akó, ikáw at siyá; hal.: Akó’y bumabasa; ikáw’y sumusulat; siyá’y naglalarô; at tatló rin ang sa dalawá ó marami: tayo ó kamí, kayó at silá, hal.: tayo ó kamí ay nag-áaral, kayó’y naglulutò, silá’y lumálakad. Dapat matantô na ang ikáw ay nagigíng ka kailan ma’t náhuhulí sa pangwatas, gaya ng̃ ikáw’y sumusulat, ó sumusulat ka.

VIII KABANATA
Ang pangbalak na anyông “UM”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông um?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông um ang pangwatas na may pangsing̃it ó pang-angkáp na um sa salitâng ugát.

G. ¿Anó ang káhalagaháng tagláy ng̃ anyông itó?

N. Malakí pò, sapagkâ’t sa kanyá nanggagaling ang lubhâng maraming pangwatas na tagalog na siyáng nagbibigáy kápakanán sa ating mg̃a salitâ, at dahil dito kung kayâ ang um ay dapat ibilang sa isáng mahalagá at pang̃ulong anyô sa ating wikà.

G. ¿May iláng hugis (ó forma) itóng anyông um?

N. Dalawá: Una, kung ang um ay nákukulóng ng̃ dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ salitâng ugát na nagsisimulâ sa pangtinig (ó consonante); at ikalawá, kung naáangkáp sa salitâng ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal).

[99]

MG̃A TUNTUNIN SA PAGBABAYBÁY

G. ¿Paano ang pagbabaybáy (ó conjugación) sa unang hugis ng̃ anyông “um”?

N. Bago tumung̃o sa pagbabaybáy ay kailang̃an munang matantô ang mg̃a tuntunin nitó, at itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Ang pangbadyáinfinitivo) ay binubuô ng̃ salitâng ugát na nagsisimulâ sa pangtinig at ng̃ anyông “um” na isinising̃it itó sa unang dalawáng titik niyón, gaya ng̃ sumulat, gumamót, lumayô.

Ikalawá.—Ang panahóng kasalukuyan ng̃ panghiwatig (ó presente de indicativo) ay binubuô ng̃ pangbadyá at inúulit ang unang pantíg ng̃ salitâng ugát, gaya ng̃ sumusulat, gumagamót, lumalayô.

Ikatló.—Ang panahóng nakaraántiempo pasado) ay katulad din ng̃ pangbadyá, na, binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pangsing̃it na um gaya ng̃ sumulat, gumamót, lumayô.

Ikaapat.—Ang panahóng nakaraán napluscuamperfecto) ay may dalawáng paraán ng̃ pagbubuô: una, ináangkapán ng̃ naka ang salitâng ugát at sa hulí’y dinaragdagán ng̃ na gaya ng̃ nakasulat na, nakagamót na, nakalayô na; at ikalawá, ang pangbadyá at dinaragdagán pa sa hulí ng̃ na, gaya ng̃ sumulat na, gumamót na, lumayô na.

Ikalimá.—Ang panahóng haharapínfuturo) ay binubuô ng̃ salitâng ugát at ang pag-ulit ng̃ unang pantíg nitó, gaya ng̃ susulat, gagamót, lalayô.

Ikaanim.—Ang pang-utosimperativo) ay ang ginágamit sa pangbadyá ó kayâ’y ang ugát na sining̃itan [100]ng̃ um sa unang pantíg nitó; gaya ng̃ sumulat, gumamót, lumayô.

Ikapitó.—Ang panahóng kasalukuyan ng̃ pangsukobpresente de subjuntivo) ay binubuô ng̃ kasalukuyan sa panghiwatig at sakâ pinang̃ung̃unahan ng̃ salitâng kung; gaya ng̃ kung sumusulat, kung gumagamót, kung lumalayô.

Ikawaló.—Ang panahóng nakaraántiempo pasado) ay binubuô ng̃ nakaraán sa panghiwatig at sa una’y nilálagyán ng̃ kung; gaya ng̃ kung sumulat, kung gumamót, kung lumayô.

Ikasiyám.—Ang panahóng haharapíntiempo futuro) ay binubuô ng̃ haharapín sa panghiwatig at sa una’y dinaragdagán ng̃ kung; gaya ng̃ kung susulat, kung gagamót, kung lalayô.

G. Ng̃ayóng máitatág na ang mg̃a tuntunin ukol sa unang hugis ng̃ anyông um, ¿paano ng̃â ang kanyáng pagbabaybáy?

N. Sang-ayon sa mg̃a tuntuning náilagdâ ay dapat baybayín ang unang hugis ng̃ um na siyáng isinising̃it sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát na nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante) sa paraáng sumúsunód. Ilagáy na halimbawà ang ugát na sulat at sing̃itan natin ng̃ um ang unang pantíg nitó, na nagigíng pangwatas na sumulat.

[101]

PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “UM”

Unang hugis.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá   Sumulat.
Panghiwatig Kasalukuyan Sumusulat.
Nakaraán Sumulat.
Nakaraán na { Nakasulat na.
{ Sumulat na.
Haharapín Susulat.
Pang-utos   Sumulat.
Pangsukob Kasalukuyan Kung sumusulat[13].
Nakaraán Kung sumulat[14].
Haharapín Kung susulat.

G. ¿Paano namán ang mg̃a tuntunin ng̃ pagbabaybáy sa ikalawáng hugis ng̃ anyông um?

N. Ang mg̃a tuntuning ginamit sa pagbabaybáy sa unang hugis ay katulad din nitóng ikalawá, ng̃unì’t ang kauntîng kaibhán lamang ay iniáangkáp dito ang um sa mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal) samantalàng doó’y isinising̃it. Baybayín natin ang ugát na ibig sang-ayon sa ikalawáng hugis ng̃ anyông um, sa makatwíd ang pangwatas na umibig.

[102]

PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “UM”

Ikalawáng hugis.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá   Umibig.
Panghiwatig Kasalukuyan Umíibig.
Nakaraán Umibig.
Nakaraán na { Nakaibig na.
{ Umibig na.
Haharapín Íibig.
Pang-utos   Umibig.
Pangsukob Kasalukuyan Kung umíibig.
Nakaraán Kung umibig.
Haharapín Kung íibig.

G. ¿Anó ang dapat ipaalaala ukol sa anyông um?

N. Na, ang anyông um magíng sa una at ikalawáng hugis, sa iláng lálawigang nagsasalitâ ng̃ Wikàng Tagalog ay ginagawâng na sa panahóng kasalukuyan, hal.: Si Pedro ay násulat, siyá’y nábulong, akó’y náinóm sa lugál na sabihing sumusulat, bumubulóng at umíinóm.

G. ¿Anó pa ang mg̃a kabaguhang nangyayari ukol sa um?

N. Bukód sa mg̃a tuntunin nang náilagdâ ukol sa pagbabaybáy, ay mayroón pang isáng paraáng sinúsunód na siyáng másasabing tang̃ì ó bukód na tang̃ìng mangyayari kailan ma’t ang pangwatas ay may dalawáng pantíg at nagpapásimulâ sa titik na b, k ó p, na, alín man sa mg̃a itó’y nagigíng m kung sa pangbadyáinfinitivo) at pang-utosimperativo), at nagigíng n kung sa kasalukuyan at nakaraán ng̃ panghiwatig (ó indicativo). Ang ibáng mg̃a [103]panahón ay sinúsunód ang dating tuntunin. Halimbawà itóng sumúsunód:

Ugát Pangbadyá Pang-utos Kasalukuyan Nakaraán
Bihag. Mihag. Mihag. Nínihag. Nihag.
Kuha. Muha. Muha. Núnuha. Nuha.
Payag. Mayag. Mayag. Nánayag. Nayag.

KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “UM”

G. ¿Kailán ginágamit ang pang̃ulong anyông itó?

N. Sa ibá’t ibáng pangkát na náuuwî sa sarìsarìng bagay. Náritó ang mg̃a tuntuning sumúsunód ukol sa kanyáng paggamit:

I.—Sa pagpapahayag ng̃ pagbabago ng̃ anó man, hal.: pumutî, umitím, pumulá, lumakí, lumiít, umuntî, tumaás, bumabà, atbp.

II.—Sa pagsusulit ng̃ pagbabago ng̃ katawán ng̃ tao ó hayop, hal.: pumayát, tumabâ, umunlád, lumakí, tumaás, tumangkád, pumandák, gumalíng, lumubhâ, sumamâ, bumuti, atbp. Ang ilán nitó’y ginágamit sa mag, gaya ng̃ magbuntís, maghirap, maglubhâ atbp.

III.—Sa pagsasaysáy ng̃ kilos na kinukusà ng̃ tao, hal.: lumakad, tumakbó, gumapang, tumaób, dumapâ, tumagilid, umupô, lumuhód, tumindíg, tumihayà, tumalón, lumusong, lumang̃óy, lumuksó, atbp.

IV.—Sa pagsasabi ng̃ mg̃a katutubòng gawî ng̃ katawán, hal.: lumuhà, umiyák, tumang̃is, dumahák, lumurâ, sumuka, kumain, lumamon, uminóm, lumagók, kumamot, humikáb, bumahín, atbp.

[104]

V.—Sa pagbabadyá ng̃ mg̃a sariling gawî ng̃ damdamin kung sinasadyâ, hal.: tuming̃in, duminíg, umamóy, lumasáp, numamnám, humipò, dumumí, atbp. Ang ilán nitó’y ginágamit sa mag, gaya ng̃ magmasíd, magmalas, atbp.

VI.—Sa pagsusulit ng̃ kusàng pagsirà, paglupít ó pagsakít, hal.: pumatáy, sumugat, sumunog, sumirà, gumibâ, bumasak, bumalì, sumuntók, pumutók, kumurót, kumalabít, tumampál, sumikad, sumipà, atbp.

VII.—Sa pagpapahayag ng̃ sarìsarìng katayùán ng̃ halaman, hal.: tumubò, sumuplíng, sumibol, lumitáw, lumakí, tumaás, lumagô, lumusóg, tumabâ, umunlád, umusbóng, sumang̃á, sumariwà, atbp. Ang ilán nitó’y ginágamit sa mag, mang ó ma, gaya ng̃ mag-ugát, mamulaklák, maunsiyamî, atbp.

VIII.—Sa pagsasaysáy ng̃ ibá’t ibáng kilos ó galáw ng̃ tubig, hal.: bumukál, bumalong, lumakí, bumuhâ, lumiít, kumati, umalon, tumapon, umagos, tumilansík, atbp.

IX.—Sa pagsasabi ng̃ paggawâ ng̃ anó man sa ibá, hal.: gumupít, gumamót, kumamot, sumukláy, umahit, kumapit, tumang̃an, humilot, atbp.

X.—Sa pagsasaád ng̃ mg̃a kilos na may tinatanggáp ang kumikilos ó ang gumagawâ, hal.: umutang, bumilí, umabót, humuli, sumunggáb, dumaklót, kumuha, tumanggáp, atbp.

XI.—Sa pagbabadyá ng̃ mg̃a kilos ng̃ dalawá, kailan ma’t tumutukoy lamang sa íisá, hal.: sumama, sumabáy, sumunód, sumalo, sumunò, tumirá, atbp. Kung bumabanggít sa dalawá ay ginágamit sa anyông [105]mag, gaya ng̃ magsama, magsabáy, magsunód, magsalo, atbp.

XII.—Sa pagsusulit ng̃ lagáy ng̃ panahón at ng̃ lakad ng̃ ibá’t ibáng tangláw sa kalang̃itán, hal.: umaraw, umulán, umumaga, tumanghalì, humápon, gumabí, humatinggabí, sumikat, sumilang, lumiwanag, dumilím, kumulimlím, kumisláp, numingníng, atbp. Tumutukoy rin kung minsan sa mg̃a anyông mag at mang, paris ng̃ magdilím, mamanaag, atbp.

XIII.—Sa pagsasaád ng̃ mg̃a katutubòng pangyayari sa pang̃anorin at sa katalagahán, hal.: humang̃in, bumagyó, umulán, umambón, kumidlát, kumulóg, lumindól, atbp.

XIV.—Sa pagsasaysáy ng̃ pagsigíd ó pagkagát ng̃ anó mang hayop, hal.: kumagát, sumigíd, tumukâ, sumakmál, pumupog, kumamot, sumuwák, sumipà, atbp.

XV.—Sa pagsasabi ng̃ mg̃a sigáw ó huni ng̃ anó mang hayop, hal.: sumigáw, humuni, umung̃al, tumahól, ng̃umiyáw, tumilaok, sumiyáp, kumakag, atbp.

XVI.—Sa pagbabadyá ng̃ mg̃a sarìsarìng pagtugtóg ó pag-awit na ginagawâ ng̃ tao sa sarili niyá ó sa ibá’t ibáng kasangkapan, hal.: umawit, kumantá, tumugtóg, humihip, tumipâ, sumutsót, pumito, atbp.

XVII.—Sa pagsusulit ng̃ nahihinggíl sa poók ó dako, hal.: lumapit, lumayô, gumitnâ, tumabí, dumoón, dumito, dumiyán, pumarito, pumaroón, pumarini, pumariyán, atbp.

XVIII.—Sa paggamit ng̃ ibá’t ibáng hugis ng̃ kasangkapan sa paggawâ ng̃ anó man, hal.: sa baríl ay bumaríl, sa sibát ay sumibát, sa sumpít ay sumumpít, [106]sa bató ay bumató, sa lagarì ay lumagarì, sa paít ay pumaít, sa guntíng ay gumuntíng, sa tabò ay tumabò, sa saguwán ay sumaguwán, sa timbâ ay tumimbâ, atbp.

TALABABÂAN

[13] Dapat alamíng sa panahóng itó ay maáarì ring gamitin ang pag, pagkâ, kapág at kapagkâ, baga ma’t ang kung ay siyáng angkáp na angkáp na gamitin.

[14] Sa mg̃a panahóng nakaraán at haharapín nitóng pangsukob ay maáarì namáng sundán ng̃ sana ó disin.

IX KABANATA
Ang pangbalak na anyông “MAG”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông mag?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông mag ang pangwatas na may pang-angkáp na mag sa salitâng ugát.

G. ¿Mahalagá rin bagá ang anyông itó na paris ng̃ um?

N. Kung ang um ay may mataás na urì at lubhâng makabuluhán sa ating mg̃a pangwatas gayón sa ating wikà, ang mag namán ay mayroóng ding urìng dakilà at káhalagaháng tagláy; kayâ’t ang mag ay nábibilang na pang̃alawá ng̃ um.

MG̃A PANUTO SA PAGBABAYBÁY

G. ¿Paano ang mg̃a tuntuning sinúsunód sa pagbabaybáy nitóng anyông mag?

N. Ang mg̃a panuto ó pátakaráng dapat sundín sa pagbabaybáy ay itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Ang pangbadyáinfinitivo) ay binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pang-angkáp na mag, gaya ng̃ MAGlarô, MAG-isip, MAGnasà.

Ikalawá.—Ang panahóng kasalukuyan ng̃ panghiwatigpresente de indicativo), ang mag ay dapat gawíng nag at ulitin ó dalawahín ang unang pantíg [107]ng̃ salitâng ugát, gaya ng̃ naglalarô, nag-íisip, nagnanasà.

Ikatló.—Ang panahóng nakaraán ay binubuô ng̃ salitâng ugát at sakâ nag na siyáng nagíng kapalít ng̃ mag, gaya ng̃ naglarô, nag-isip, nagnasà.

Ikaapat.—Ang panahóng nakaraán na ay may dalawáng kaparaanán ng̃ pagbubuô: una, ang pangbadyáng mag ay dapat gawíng pag at sakâ angkapán ng̃ naka bago sa hulí’y dinaragdagán ng̃ na, gaya ng̃ nakapaglarô na, nakapag-isip na, nakapagnasà na; at ikalawá, ang panahóng nakaraán at sakâ dinaragdagán sa hulí ng̃ na, gaya ng̃ naglarô na, nag-isip na, nagnasà na.

Ikalimá.—Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ pangbadyá at sakâ inúulit ó dinadalawá ang unang pantíg ng̃ salitâng ugát, gaya ng̃ maglalarô, mag-iisip, magnanasà.

Ikaanim.—Ang pang-utosimperativo) ay katulad din ng̃ pangbadyá ó kayâ’y ang ugát na inangkapán ng̃ mag, gaya ng̃ maglarô, mag-isip, magnasà.

Ikapitó.—Ang panahóng kasalukuyan ng̃ pangsukobpresente de subjuntivo) ay binubuô ng̃ kasalukuyan sa panghiwatig at sakâ pinang̃ung̃unahan ng̃ kung, gaya ng̃ kung naglalarô, kung nag-íisip, kung nagnanasà.

Ikawaló.—Ang panahóng nakaraán ay binubuô ng̃ nakaraán sa panghiwatig at nilálagyán sa una ng̃ kung, gaya ng̃ kung naglarô, kung nag-isip, kung nagnasà.

Ikasiyám.—Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ haharapín sa panghiwatig at sakâ nilálagyán sa una [108]ng̃ kung, gaya ng̃ kung maglalarô, kung mag-iisip, kung magnanasà.

G. ¿Paano ng̃ayón ang hugis ng̃ pagbabaybáy ng̃ anyông mag?

N. Sang-ayon sa mg̃a náilagdâng tuntunin ay dapat baybayín sa kaparaanáng sumúsunód. Ilagáy na halimbawà ang ugát na larô at angkapán itó ng̃ mag, na nagigíng pangwatas na maglarô.

PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “MAG”
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá   Maglarô.
Panghiwatig Kasalukuyan Naglalarô.
Nakaraán Naglarô.
Nakaraán na { Nakapaglarô na.
{ Naglarô na.
Haharapín Maglalarô.
Pang-utos   Maglarô.
Pangsukob Kasalukuyan Kung naglalarô.
Nakaraán Kung naglarô.
Haharapín Kung maglalarô.

KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “MAG”

G. ¿Kailan dapat gamitin ang anyông “mag” na siyáng ikalawáng pang̃ulo ng̃ mg̃a anyông pangbalak?

N. Sa mg̃a bagay at kaparaanáng sumúsunód:

I.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagtatapon, pagbibiyayà ó pagpapahayag, hal.: magtapon, maglabás, magbigáy, magkaloób, magbiyayà, magtulot, [109]magsulit, magsalitâ, magsaysáy, magtalumpatì, magpahayag, atbp.

II.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagkilos ó paggaláw na ginagawâ sa ibá, hal.: mag-alís, maglagáy, maglapit, maglayô, magpanhik, magpanaog, atbp. Kung ang pagkilos ó paggaláw na itó’y ibinabagay lamang sa sarili ay dapat iukol sa um, hal.: umalís, lumagáy, lumapit, lumayô, pumanhík, pumanaog, atbp.

III.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagkilos ó paggawâ na ginaganáp ng̃ sino man sa kaniyáng sarili, hal.: mag-ahit, maggupit, maghilamos, maghugas, magsukláy, atbp.

IV.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagsusuút ó ng̃ paggamit sa katawán na nanggaling sa mg̃a ng̃alan ng̃ kasúutan, hal.: sa barò ay magbarò, sa salawál ay magsalawál, sa tapis ay magtapis, sa singsing ay magsingsing, sa hikaw ay maghikaw, sa salakót ay magsalakót, sa payong ay magpayong, sa tungkód ay magtungkód.

V.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagigíng anó man na nagbuhat sa mg̃a ng̃alan ng̃ katungkulan, na lalòng kapit na kapit sa mg̃a salitâng hirám, hal.: magdiputado, (diputado); mag-abogado, (abogado); maggobernador, (gobernador); maggurò, (gurò); magmédiko, (médiko); atbp.

VI.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ paggawâ ng̃ anó mang lutò na nagbuhat sa mg̃a salitâng pangdiwà (ó sustantivo), hal.: sigáng, magsigáng; paksíw, magpaksíw; gulay, maggulay; kanin, magkanin; gisá, [110]maggisá; lutò, maglutò; ihaw, mag-ihaw; bagong, magbagong; atbp.

VII.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ paggamit, na nanggaling sa mg̃a pangdiwà (ó sustantivo), hal.: sukà, magsukà; patís, magpatís; asín, mag-asín; ulam, mag-ulam; atbp.

VIII.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagtatangkilik ó paggawâ ng̃ anó man na nanggaling sa mg̃a salitâng pangdiwà (ó sustantivo), hal.: bahay, magbahay; aklát, mag-aklát; prinsá, magprinsá; asarol, mag-asarol; pisì, magpisì; katám, magkatám; susì, magsusì; atbp.

IX.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ sumakáy ó maglakbáy na nagbubuhat sa mg̃a pang̃alan ng̃ sasakyán, hal.: bangkâ, magbangkâ; trambia, magtrambia; tren, magtren; bapor, magbapor; globo, magglobo; karitón, magkaritón; atbp.

X.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pakikipanig ó pakikitulad sa asal at kasúutan ng̃ mg̃a bansá, bayan ó lahì na nang̃agsipagbuhat sa mg̃a ng̃alan ó kátawagán ng̃ mg̃a itó, hal.: amerikano, mag-amerikano; kastilà, magkastilà; intsík, mag-intsík; atbp.

XI.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ anó man sang-ayon sa ugát na tagláy, na nanggagaling sa mg̃a salitâng hirám, hal.: sombrero, magsombrero; tsikolate, magtsikolate; misa, magmisa; martilyo, magmartilyo; asukal, mag-asukal; atb.

XII.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ mg̃a kilos ng̃ dalawá kung ang mg̃a itó’y nábabanggít kapwà, hal.: magkita, mag-usap, mag-away, magtalo, magsama, magpulong, magyakap, atbp. Kung [111]bumabanggít sa tatló ó marami ay dapat ulitin ang buông ugát ó ang dalawáng pantíg nitó, at ang mag ay dapat ilagáy na palagì sa pang-angkáp; hal.: magkitakita, magtalotalo, magyakapyakap, atbp.

XIII.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ paggagawàan ó pagkikilusán ng̃ dalawá magíng sa anó man tumutukoy, at sa mg̃a pangwatas na itó’y dapat na sugpung̃án ng̃ an ó han, hal.: mag-aliwan, magyakapán, magsintahan, magsayahan, magtuksuhan, magtawanan, atbp. Upáng tumukoy sa tatló ó marami ay dinadalawá ang ugát, hal.: mag-alíwalíwan, magtuksútuksuhan, magyakápyakapan. Ukol sa hulíng bagay na itó ay may isá pang paraáng ginagawâ, at itó’y ang paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó número plural) ng̃ pangwatas, hal.: mang̃ag-aliwan, mang̃agtuksuhan, mang̃agyakapan.

XIV.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagkukunwarî ó pagdadahilán, at ang pagbubuô nitó’y dinadalawá ó inúulit ang salitâng ugát na may dalawáng pantíg na ináangkapán ng̃ mag at sinusugpung̃án ng̃ an ó han; hal.: magbulagbulagan, magsakítsakitan, mag-iyakiyakan, atbp. Kung may tatlóng pantíg ay dapat ulitin lamang ang unang pantíg at ang unang dalawáng titik ng̃ ikalawáng pantíg ng̃ ugát, hal.: maghimuhimutukan.

XV.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagmamayabáng ó pamamarali ó pagsasayá na nagbubuhat sa mg̃a salitâng pangturing (ó adjetivo) na inangkapán ng̃ ma, hal.: magmabutí, magmataás, magmalakí, magmarunong, magmabihís, magmagilás, magmasayá, magmagalák, atbp.

[112]

XVI.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ mg̃a kilos na pagpaparami ó pagpapalabis, na kung sa um ay nagkakahulugán ng̃ íisá, at ang mg̃a pangwatas na itó’y dapat bigkasíng mariín sa hulíng pantíg; hal.: sumulat, magsulát; tumawa, magtawá; bumasa, magbasá; atbp. Ng̃unì’t kinakailang̃ang ulitin ó dalawahín ang unang pantíg ng̃ ugát ng̃ iláng pangwatas ng̃ um, hal.: bumilí, magbibilí; tumakbó, magtatakbó; atbp.

XVII.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagdaragdág ó pagpapalawig, kailan ma’t dinadalawá ó inúulit ang salitâng ugát, hal.: magkuròkurò, magnilaynilay, magdilìdilì, mag-isipisip.

XVIII.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ paglalakip ng̃ dalawá ó ang náuukol sa mg̃a kamag-anak, katoto, kapanalig, hal.: mag-amá, mag-iná, mag-anák, magbiyanan, magkaibigan, magkatoto, magbayáw, atbp.

XIX.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagpípitagan ó pag-áanyayà, kailan ma’t dalawá ang tinutukoy, hal.: magpugay, magkamáy, magyakap, magpaalam, mag-anyayà, magyakag, magyayâ, atbp.

XX.—Sa mg̃a bilang na marami kung ipinangbabahagi sa hanáy, pulutóng ó tumpók, at sa bagay na itó ay inúulit ang unang dalawáng pantíg kahì’t na magkaroón itó ng̃ pantíg na dalawá ó tatló, hal.: mag-isáisá, magdaládalawá, maglimálimá, atbp.

XXI.—Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ ibá’t ibáng kilos ng̃ paghahalaman ó pagtataním kailan ma’t tumutukoy sa pagkakaroón, hal.: magtaním, [113]magpunlâ, mag-usbóng, magsang̃á, magbung̃a, magdilíg, mag-ugát, magdahon, atbp.

XXII.—Ang mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa m na hindî maáarìng baybayín sa um, ay ginagawâng pangwatas sa pamamagitan ng̃ mag, hal.: magmatá, magmasíd, magmalas, magmana, atbp.

XXIII.—Ang mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa w na hindî maáarìng baybayín sa um, ay ginagawâng pangwatas sa pamamagitan ng̃ mag, gaya sa warì ay magwarì, sa wastô ay magwastô, sa wikà ay magwikà, sa wilíg ay magwilíg, sa walís ay magwalís, atbp.

X KABANATA
Ang pangtiyák na anyông “IN”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông in?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông in ang pangwatas na may sugpóng na in sa salitâng ugát.

G. ¿Anó ang káhalagahán ng̃ anyông itó?

N. Malakí pò, sapagkâ’t nanggagaling sa kanyá ang mg̃a pangwatas na tagalog na nagbabadyá ng̃ anó mang tiyák na bagay ó pang̃alan, na siyáng nagigíng katugmâ ng̃ mg̃a anyông pangbalak; kayâ’t ang in ay siyáng pang̃ulo sa mg̃a anyông pangtiyák.

G. ¿Paano ang paggamit sa anyông in?

N. May dalawáng paraán ang paggamit sa anyông itó: Una, kung ang salitâng ugát ay nagtatapós sa pangtinig (ó consonante), ó kayâ’y sa ting̃ig (ó vocal) na may kudlít na banayad (`) ó salakót (^) ay ginágamit ang in, gaya sa lasáp ay lasapín, sa hasâ [114]ay hasâin, sa larô ay larùin, atbp. Ikalawá, kung ang salitâng ugát ay nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) na walâng diín ó kudlít, ó kayâ’y sa ting̃ig na may kudlít na mariín (´), ang anyông in ay dapat gawíng hin, gaya sa mana ay manahin, sa hila ay hilahin, sa damá ay damahín ó damhín, sa batá ay batahín ó bathín.

G. ¿Alín ang mg̃a kabaguhang dapat mangyari sa pagsusugpóng nitóng in sa salitâng ugát?

N. Itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Kung e ang katapusáng titik ng̃ salitâng ugát ay dapat gawíng i, gaya sa page ay pagihin, sa gabe ay gabihin, sa butsé ay butsihín, sa kapé ay kapihin.

Ikalawá.—Kung ang katapusáng pantíg ng̃ ugát ay may e na pinagigitnâan ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), ang náturang e ay dapat gawíng i, gaya sa kiskés ay kiskisín, sa atés ay atisin.

Ikatló.—Kung o ang katapusáng titik ng̃ salitâng ugát ay dapat gawíng u, gaya sa tuksó ay tuksuhín, sa larô ay larùin, sa pasò ay pasuin.

Ikaapat.—Kung ang katapusáng pantíg ng̃ ugát ay may o na pinagigitnâan ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), ang násabing o ay dapat gawíng u, gaya sa bunot ay bunutin, sa kahoy ay kahuyin, sa pukpók ay pukpukín.

Ikalimá.—Kung ang katapusáng pantíg ng̃ salitâng ugát ay nagdudulo sa ad, ed, id, od, ó ud, na ang mg̃a itó’y maáarìng baybayín sa in, ang d ay dapat gawíng r sang-ayon sa talagáng tuntuning sinúsunód ukol dito; gaya sa tilád ay tilarín, sa lipád ay liparin, [115]sa sisid ay sisirin, sa ubod ay uburin, atbp. Kung minsan ay hindî nagbabago ang d, at dahil dito ay náwawalâ ang i ó ang o sa mg̃a salitâng nagtatapós sa id ó od, gaya sa patíd ay patdín, sa bukód ay bukdín.

Dapat matantô na ang dalawáng tuntuning náuuná ay bihiràng mangyari, sapagkâ’t sa Wikàng Tagalog ay madalang kung dî man másasabing walâ ang mg̃a salitâng mayroóng e sa katapusáng pantíg ng̃ mg̃a salitâng ugát.

HUGIS NG̃ “IN” AT ANG KANYÁNG MG̃A TUNTUNIN SA PAGBABAYBÁY

G. ¿Mayroóng ilán ang hugis (ó forma) ng̃ in?

N. Katulad din pò ng̃ um na may dalawáng hugis: Una, kung ang ugát ay nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante) ay ginágamit ang in sa pangsing̃it at pangsugpóng; at ikalawá, kung ang ugát ay nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal) ay ginágamit namán ang in sa pang-angkáp at pangsugpóng.

G. Tungkól sa unang hugis, ¿alín ang mg̃a panutong sukat mapagpátakarán ukol sa pagbabaybáy (ó conjugación)?

N. Ang mg̃a sumúsunód na tuntunin, sang-ayon sa kaniyáng mg̃a ayos at mg̃a panahón:

1.—Ang pangbadyá ay binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pangsugpóng na in, gaya ng̃ tawagin, basagin, hampasín.

2.—Ang panahóng kasalukuyan ng̃ panghiwatig ay binubuô ng̃ ugát na sining̃itan ng̃ in sa unang dalawáng [116]titik ng̃ unang pantíg at sakâ inúulit ang unang pantíg ng̃ náturang ugát, gaya ng̃ tinátawag, binabasag, hinahampás.

3.—Ang panahóng nakaraán ay binubuô na ugát at sakâ sinising̃itan ng̃ in sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ náturang ugát, gaya ng̃ tinawag, binasag, hinampás.

4.—Ang panahóng nakaraán na ay binubuô ng̃ panahóng nakaraán at sakâ sa hulí’y sinusundán ng̃ na, gaya ng̃ tinawag na, binasag na, hinampás na.

5.—Ang panahóng kararaán ay binubuô ng̃ ugát na inulit ang unang pantíg nitó, sakâ ináangkapán ng̃ ka at sa hulí’y sinusundán ng̃ pa; gaya ng̃ kátatawag pa, kábabasag pa, káhahampás pa.

6.—Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ pangbadyá at sakâ inúulit ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ salitâng ugát, gaya ng̃ tatawagin, babasagin, hahampasín.

7.—Ang pang-utos ay katulad din ng̃ pangbadyá ó kayâ’y ang ugát na sinugpung̃án ng̃ in, gaya ng̃ tawagin, basagin, hampasín.

8.—Ang panahóng kasalukuyan ng̃ pangsukob ay binubuô ng̃ kasalukuyan sa panghiwatig at sakâ nilálagyán sa una ng̃ kung gaya ng̃ kung tinátawag, kung binabasag, kung hinahampás.

9.—Ang panahóng nakaraán ay binubuô ng̃ nakaraán ng̃ panghiwatig at may kung sa una, gaya ng̃ kung tinawag, kung binasag, kung hinampás.

10.—Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ haharapín ng̃ panghiwatig at nilálagyán sa una ng̃ kung, [117]gaya ng̃ kung tatawagin, kung babasagin, kung hahampasín.

G. Ng̃ayóng náilagdâ na ang mg̃a tuntunin ng̃ pagbabaybáy nitóng in, ¿paano namán ang kanyáng hugis?

N. Sa pagbabaybáy nitóng unang hugis ng̃ in ay ilagáy na halimbawà ang ugát na tawag at sakâ sugpung̃án ng̃ in na nagigíng pangwatas na tawagin, pangwatas itóng katugmâ ng̃ tumawag na binaybáy sa um.

PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “IN”.

Unang hugis.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá   Tawagin.
Panghiwatig Kasalukuyan Tinátawag.
Nakaraán Tinawag.
Nakaraán na Tinawag na.
Kararaán Kátatawag pa.
Haharapín Tatawagin.
Pang-utos   Tawagin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung tinátawag.
Nakaraán Kung tinawag.
Haharapín Kung tatawagin.

G. ¿Sinúsunód bagá sa tuwîtuwî na ang ganitóng pagbabaybáy sa unang hugis ng̃ anyông in?

N. Hindî pò, at may isáng pásubalìng (excepción) dapat matatág na siyáng kinagawìáng gawín ng̃ marami, tang̃ì sa madalîng bigkasín at magandáng pakinggán. Ang náunáng pásubalì ay náuuwî sa ganitó: Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát, na nagpapásimulâ [118]sa mg̃a pangtinig na l, w, at y na binabaybáy sa anyông pangtiyák na in, itó (ang in) ay nagigíng ni at hindî isinising̃it kundî iniáangkáp, na tang̃ìng mangyayari sa mg̃a panahóng kasalukuyan (ó presente), nakaraán (ó pasado) at ang mg̃a sakláw nitó, ng̃unì’t sa ibá pang panahón ay dapat sundín ang talagáng tuntuning sinúsunód ng̃ in. Náitó ang iláng halimbawà ukol sa dalawáng tuntuning pangkalahatán at pásubalì:

Ugát. Panahón. Pangkalahatán. Pásubalì.
Lináng Kasalukuyan Linilináng Nililináng
Nakaraán Linináng Nilináng
Wastô Kasalukuyan Winawastô Niwawastô
Nakaraán Winastô Niwastô
Yantók Kasalukuyan Yinayantók Niyayantók
Nakaraán Yinantók Niyantók

G. Tungkól sa ikalawáng hugis, ¿alín namán ang mg̃a panutong dapat taluntunín sa pagbabaybáy?

N. Gaya rin ng̃ mg̃a pátakaráng náilagdâ at sinunód sa unang hugis, ng̃unì’t ang kauntîng kaibhán lamang ay sa ikalawáng hugis na itó’y ang in ay iniáangkáp sa mg̃a lugál na pinagsising̃itan sa unang ayos. Baybayín natin ng̃ayón ang ugát na agaw sang-ayon sa ikalawáng hugis ng̃ in, sa makatwíd ang pangwatas na agawin.

[119]

PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “IN”.

Ikalawáng hugis.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Kasalukuyan Agawin.
Panghiwatig Kasalukuyan Ináagaw.
Nakaraán Inagaw.
Nakaraán na Inagaw na.
Kararaán Kaáagaw pa.
Haharapín Áagawin.
Pang-utos Kasalukuyan Agawin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ináagaw.
Nakaraán Kung inagaw.
Haharapín Kung áagawin.

KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “IN”

G. ¿Malimit bagáng gamitin itóng anyông in sa ating mg̃a pangwatas?

N. Ang pangtiyák na anyông in ay totoóng makabuluhán at siyáng malimit gamitin sa ating mg̃a salitâ, sapagkâ’t siyá ang tumitiyák ng̃ anó mang binabanggít ng̃ pangwatas.

G. ¿Alínalín ang mg̃a tuntuning dapat mataluntón sa paggamit ng̃ náturang anyô?

N. Lubhâng mahirap pòng bigyán ng̃ mg̃a tuntuning tiyák na tiyák ng̃ sa kanyá’y paggamit, dahil sa karamihan ng̃ mg̃a anyông pangtiyák na ginágamit sa ating wikà. Gayón man, ay malálagyán ng̃ mg̃a tuntuning sukat mapagpátakarán ng̃ paggamit sa anyông in, at itóng mg̃a sumúsunód:

I.—Ginágamit ang anyông in sa mg̃a salitâng ugát [120]na nagkakahulugán ng̃ pagkuha ó pagdampót ng̃ anó man, hal.: sa samsám ay samsamín, sa gamit ay gamitin, sa dakót ay dakutín, sa dalá ay dalhín, sa bilí ay bilhín, sa dampót ay damputín, atbp.

II.—Ginágamit ang anyông in sa mg̃a salitâng ugát na nagkakahulugán ng̃ paghing̃î ó paghirám ng̃ anó man, hal.: sa hing̃î ay hing̃ín, sa hirám ay hiramín, sa utang ay utang̃in, atbp.

III.—Ang mg̃a salitâng pangtayô sa pag-áarì (ó pronombre posesivo) ay magagawâng pangwatas sa pamamagitan ng̃ in, na nagkakahulugán ng̃ pag-arì ng̃ anó man, hal.: sa akin ay akinin, sa iyó ay iyuhin, sa kanyá ay kanyahín, sa atin ay atinin, sa inyó ay inyuhin, atbp.

IV.—Ang mg̃a salitâng ugát na nagkakahulugán ng̃ pagkain ó pag-inóm ng̃ anó man na ginaganáp ng̃ sarili, ay binabaybáy sa in, hal.: sa kain ay kainin ó kanin, sa lamon ay lamunin, sa inóm ay inumin, sa higop ay higupin, sa tunggâ ay tunggâin, sa hithít ay hithitín, sa tagáy ay tagayin, atbp.

V.—Ang mg̃a salitâng ugát na may kátuturán ng̃ pagtawag ó pagsundô sa sino man, ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa tawag ay tawagin, sa sundô ay sundùín, sa kaon ay kaunin, atb. Kung minsan ang iláng ugát na sakláw nitóng pagtawag ó pagsundô ay binabaybáy sa an, gaya ng̃ kawáy ay kawayán, ng̃ sutsót ay sutsután, atbp.

VI.—Ang mg̃a salitâng ugát na may kahulugán ng̃ pag-akit ó pag-alók ng̃ isá sa isá ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa pigíng ay piging̃ín, sa akit ay akitin, sa alók ay alukín, atbp.

[121]

VII.—Ang mg̃a ugát na nagtatagláy ng̃ kahulugán ng̃ paghanap ó pagsaliksík ng̃ anó man, ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa hanap ay hanapin, sa halihaw ay halihawin, sa saliksík ay saliksikín, sa apuhap ay apuhapin, sa kapâ ay kapâin, sa salát ay salatín, atbp.

VIII.—Ginágamit ang in sa mg̃a salitâng ugát na ang kahulugá’y pagkibô ó paggaláw ng̃ anó man, hal.: sa kibô ay kibùin, sa galáw ay galawín, sa luglóg ay luglugín, sa alók ay alukín, sa kundáy ay kundayin, atbp.

IX.—Ginágamit ang in sa mg̃a salitâng ugát na ang kátuturá’y pagdadalá ó pagpapasán ng̃ anó man na ginaganáp ng̃ sarili, hal.: pasán, pasanín; dalá, dalhín; tagláy, taglayín; kilik, kilikin; kalong, kalung̃in; buhat, buhatin; atbp.

X.—Ginágamit ang in sa mg̃a salitâng ugát na nagkakahulugán ng̃ pagtanggáp ng̃ anó man, hal.: tanggáp, tanggapín; sahod, sahurin; sambót, sambutin; salubong, salubung̃in; atbp.

XI.—Ginágamit ang in sa mg̃a salitâng ugát na ang kátuturá’y nagbabadyá ng̃ mg̃a paraán sa paghuli ng̃ anó mang hayop na gumagalà sa lupà at sa himpapawíd, hal.: sa batíng ay bating̃ín, sa sumpít ay sumpitín, sa silò ay silùin, sa baríl ay barilin, sa bató ay batuhín, atbp.

XII.—Ginágamit ang anyông in sa mg̃a ugát na ang kahulugá’y nagbabadyá ng̃ mg̃a kaparaanáng ginagawâ sa paghuli ng̃ mg̃a isdâ ó ng̃ mg̃a hayop na tumatahán sa tubig, hal.: sa lambát ay lambatín, sa dalá ay daláhin, sa bing̃uwít ay bing̃uwitín, [122]sa lambóng ay lambung̃ín, sa siík ay siikin, sa salapáng ay salapang̃ín.

XIII.—Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa mg̃a gawî ng̃ damdamin ay maáarìng gamitin sa in kailan ma’t ang kahulugá’y pakabíg sa gumagawâ, hal.: tanáw, tanawín; panoód, panoorin; ling̃ón, ling̃unin; ding̃ig, ding̃igín ó dinggín; lasáp, lasapín; namnám, namnamín; amóy, amuyín; singhód, singhurin; hipò, hipùin; damá, damahín ó damhín; atbp. Marami rin ang ginágamit sa an ukol sa bagay na itó, gaya ng̃ ting̃ín ay tingnán; tikím, tikmán; pakinig, pakinggán; atbp.

XIV.—Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa pag-íisip, pag-alala at pag-ibig ay ginágamit din sa in, hal.: isipin, kurùin, buhayin, usisàin, alalahanin, gunítâín, panimdimín, ibigin, nasàin, irugin, sintahín, naisin, atbp.

XV.—Ang mg̃a salitâng ugát na nagkakahulugán ng̃ pagputol, pagtimbáng at pagsukat ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa putol ay putulin, sa tagâ ay tagâin, sa tabas ay tabasin, sa palakól ay palakulín, sa lagarì ay lagarìin, sa timbáng ay timbang̃ín, sa taya ay tayahin, sa balak ay balakin, sa takal ay takalin, atbp.

XVI.—Ang mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ pagsirà ó paggibâ ó paglupít ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa sirà ay siràin, sa gibâ ay gibâin, sa sunog ay sunugin, sa guhô ay guhùin, sa patáy ay patayín, sa sundáng ay sundang̃in, sa gulok ay gulukin, atbp. May ilán ding binabaybáy sa an, gaya sa sugat ay sugatan, atbp.

[123]

XVII.—Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa mg̃a bagay na karaniwan ay nagagawâng pangwatas sa pamamagitan ng̃ in na nagkakahulugán ng̃ paggawâ sang-ayon sa kápakanán ng̃ isá’t isá; hal.: sa barò ay barùin, sa salawál ay salawalín, sa balabal ay balabalin, sa tungkód ay tungkurin, sa bahay ay bahayin, sa payong ay payung̃in, atbp.

XVIII.—Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa pagbilang ay maáarì ring gawíng pangwatas dito sa in, at kung magkaganitó’y nagkakahulugán ng̃ paggawâ ng̃ anó man sang-ayon sa kápakanán ng̃ isá’t isá, gaya sa isá ay isahín, sa dalawá ay dalawahín, sa limá ay limahín, sa sampuô ay sampùin, atbp.

XIX.—Ginágamit ang in sa pagtiyák ng̃ ibá’t ibáng sakít na dinaramdám, hal.: sa lagnát ay lagnatín, sa hikà ay hikàin, sa ng̃iki ay ng̃ikihin, sa ubó ay ubuhín, sa iti ay itihin, sa sikmurà ay sikmuràin, sa bulutong ay bulutung̃ín, sa kólera ay kolerahín atbp.

XX.—Nagsusulit ng̃ pagkakáwang̃ís ó pagkayarì, kailan ma’t tumutukoy sa panahóng nakaraán, hal.: sa saging ay sinaging, sa duhat ay dinuhat, sa santól ay sinantól, sa sampalok ay sinampalok, sa gulay ay ginulay, sa bataw ay binataw, atbp.

XXI.—Ang mg̃a salitâng pangturing ay nágagawâng pangwatas dito sa anyông in, hal.: mahál, mahalín; magandá, magandahín; masamâ, masamâin; mabuti, mabutihin; matamís, matamísin; atbp.

[124]

XI KABANATA
Ang pangtiyák na anyông “I”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông i?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông i ang pangwatas na may pang-angkáp na i sa salitâng ugát.

G. ¿Anó ang káhalagaháng tagláy ng̃ anyông itó?

N. Kung ang in ay siyáng káunáunahan sa mg̃a anyông pangtiyák ng̃ mg̃a pangwatas tagalog, ang i namá’y hindî nagigíng hulí sa kanyá kung isusumag din lamang sa daládaláng káhalagahán, kung kayâ’t ang anyông itó ay siyáng nábibilang na pang̃alawáng urì sa mg̃a pangtiyák na anyô.

MG̃A PÁTAKARÁN SA PAGBABAYBÁY

G. Sa pagbabaybáy nitóng anyông i ¿alín namán ang mg̃a pátakaráng dapat taluntunín?

N. Ang mg̃a tuntuning sumúsunód sang-ayon sa pagkakabaibaitang na dapat gawín:

1.—Ang pangbadyá ay binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pang-angkáp na i, gaya ng̃ ibilí, isulat.

2.—Ang panahóng kasalukuyan ng̃ panghiwatig ay binubuô ng̃ ugát na sinising̃itan ng̃ in sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg, sakâ inúulit ó dinadalawá ang unang pantíg ng̃ ugát, bukód pa ang pag-áangkáp ng̃ anyông i, gaya ng̃ ibiníbilí, isinusulat.

3.—Ang panahóng nakaraán ay binubuô lamang ng̃ ugát na may pangsing̃it na in at sakâ may pang-angkáp na anyông i, gaya ng̃ ibinilí, isinulat.

4.—Ang panahóng nakaraán na ay binubuô nitóng [125]panahóng nakaraán at sakâ sinusundán ng̃ na, gaya ng̃ ibinilí na, isinulat na.

5.—Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ salitâng ugát, sakâ inúulit ang unang pantíg nitó at bago ináangkapán ng̃ anyông i, gaya ng̃ ibíbilí, isusulat.

6.—Ang pang-utos ay ginágamit ang sa pangbadyá ó kayâ’y ang ugát na may pang-angkáp na i, gaya ng̃ ibilí, isulat, atbp.

7.—Ang panahóng kasalukuyan ng̃ pangsukob ay binubuô ng̃ kasalukuyan sa panghiwatig at sa una’y nilálagyán ng̃ kung, gaya ng̃ kung ibinibilí, kung isinusulat.

8.—Ang panahóng nakaraán ay binubuô ng̃ nakaraán sa panghiwatig at nilálagyán ng̃ kung sa una, gaya ng̃ kung ibinilí, kung isinulat.

9.—Ang panahóng haharapín ay binubuô rin ng̃ haharapín ng̃ panghiwatig at may kung sa una, ó gaya ng̃ kung ibíbilí, kung isusulat.

G. ¿Paano ng̃ayón ang hugis ng̃ pagbabaybáy sa anyông pangtiyák na i?

N. Sa pagbabaybáy nitó ay kuning halimbawà ang ugát na bilí at sakâ angkapán itó ng̃ anyông i na nagigíng pangwatas na ibilí na siyáng pangtiyák ng̃ bumilí at magbilí na binaybáy sa um at mag.

[126]

PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “I”.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá   Ibilí.
Panghiwatig Kasalukuyan Ibiníbilí.
Nakaraán Ibinilí.
Nakaraán na Ibinilí na.
Haharapín Ibíbilí.
Pang-utos   Ibilí.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ibiníbilí.
Nakaraán Kung ibinilí.
Haharapín Kung ibíbilí.

G. ¿Walâ bagáng pásubalì (ó excepción) ang mg̃a pátakaráng itó sa pagbabaybáy?

N. Mayroón pò, at isáng pásubalìng lalòng mahalagá kay sa in, isáng pásubalìng dapat matantô at dapat sundín, sapagkâ’t natutung̃od sa ikagagandá at ikagagaán sa pagbigkás ng̃ ating mg̃a salitâ.

G. ¿Paano ang dapat itakdâng pásubalì?

N. Itóng sumúsunód: Ang mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal), ó sa mg̃a pangtinig na h, l, w, at y, ay may ibáng hugis ng̃ pagbubuô kailan ma’t tumutukoy sa mg̃a panahóng kasalukuyan (ó presente) at nakaraán (ó pasado) at sa mg̃a sakláw nitó, ibáng hugis na ang in ay dapat gawíng ni sang-ayon sa kinagawìán at gayón sa ikagagaán ng̃ pagsambít at ikagagandá ng̃ mg̃a salitâ. Dapat matantô na ang anyông i ay hindî nátitinag sa talagáng kinalalagyán niyá. Dapat ding matantô na ang ibá’t ibá pang panahón ay dapat isunód sa talagáng tuntunin ng̃ anyông i.

Náitó sa kasunód ang isáng tálâán ng̃ mg̃a ugát [127]na nátatakdâ sa pásubalì, at upáng lumiwanag ay marapat pag-agapayanin ang dalawáng tuntunin, gayón ang mg̃a ugát at mg̃a panahóng kinaúukulan ng̃ bawà’t isá.

Ugát. Panahón. Pangkalahatán. Pásubalì.
Alay Kasalukuyan. Iinaalay. Iniáalay.
Nakaraán. Iinalay. Inialay.
Ilag Kasalukuyan. Iiniilag. Iniíilag.
Nakaraán. Iinilag. Iniilag.
Utang Kasalukuyan. Iinuutang. Iniúutang.
Nakaraán. Iinutang. Iniutang.
Habol Kasalukuyan. Ihinahabol. Iniháhabol.
Nakaraán. Ihinabol. Inihabol.
Luhog Kasalukuyan. Ilinuluhog. Inilúluhog.
Nakaraán. Ilinuhog. Iniluhog.
Wakwák Kasalukuyan. Iwinawakwák. Iniwáwakwák.
Nakaraán. Iwinakwák. Iniwakwák.
Yapós Kasalukuyan. Iyinayapós. Iniyayapós.
Nakaraán. Iyinapós. Iniyapós.

KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “I”

G. ¿Saánsaán ginágamit ang anyông i?

N. Itóng anyông i ay isá ring makabuluháng anyô sa mg̃a pangtiyák at isá rin sa madalás gamitin sa mg̃a pangwatas tagalog. Ang mg̃a tuntunin ng̃ sa kanyá’y paggamit ay itóng mg̃a sumúsunód:

I.—Ginágamit itóng anyông i sa mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ pagtatapon ó paghahagis ng̃ anó man, hal.: sa tapon ay itapon, sa buhos ay ibuhos, sa hagis ay ihagis, sa hulog ay ihulog, sa bulíd ay ibulíd, sa pukól ay ipukól, sa bató ay ibató, sa suka [128]ay isuka, sa luwâ ay iluwâ, sa uhô ay iuhô, sa bubô ay ibubô, atbp.

II.—Ginágamit ang anyông i sa mg̃a salitâng ugát na nagsusulit ng̃ pagpupunlâ ó pagtataním ng̃ anó man kailan ma’t ipinangtitiyák, hal.: sa taním ay itaním, sa punlâ ay ipunlâ, sa hasík ay ihasík, sa tubò ay itubò, sa baón ay ibaón, sa sabog ay isabog, atbp.

III.—Ginágamit din ang anyông i sa mg̃a salitâng ugát na nagpapahayag ng̃ pagkakalat ó pagpapálaganap ng̃ anó man kailan ma’t ipinangtitiyák, hal.: sa kalat ay ikalat, sa laganap ay ilaganap, sa sambulat ay isambulat, sa bulaksák ay ibulaksák, atbp.

IV.—Ginágamit din ang anyông i sa mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ paghahalò ó pagsasahók ng̃ anó man kailan ma’t pangwatas na ipinangtitiyák, hal.: sa halò ay ihalò, sa sama ay isama, sa sahók ay isahók, sa kanáw ay ikanáw, sa sawsáw ay isawsáw, sa lahók ay ilahók, atbp.

V.—Nagagawâng pangtiyák na pangwatas dito sa i ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ pagtutulad ó pagtitimbáng ng̃ isáng bagay sa kapuwà bagay, hal.: sa tulad ay itulad, sa paris ay iparis, sa gaya ay igaya, sa para ay ipara, sa wangkî ay iwangkî, sa mukhâ ay imukhâ, sa bagay ay ibagay, sa gagád ay igagád, sa timbáng ay itimbáng, sa pantáy ay ipantáy, sa tumbás ay itumbás, atbp.

VI.—Nagagawâ ring pangtiyák na pangwatas sa i ang mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ pagsasalitâ ó pagsasaysáy at pagtuturò, hal.: sa saysáy ay isaysáy, sa tanóng ay itanóng, sa sagót ay isagót, sa [129]bulóng ay ibulóng, sa sumbóng ay isumbóng, sa balità ay ibalità, sa anás ay ianás, sa turò ay iturò, sa aral ay iaral, atbp. Kung minsan ang mg̃a pangwatas na pangbalak na binaybáy sa mag ay ginagawâng pangtiyák sa pamamagitan ng̃ pangtiyák nitó, hal.: sa salitâ ay ipagsalitâ, sa wikà ay ipagwikà, atbp.

VII.—Sa anyông i ay nagagawâ ring pangtiyák na pangwatas ang mg̃a nagbabadyá ng̃ pagbibilí ó paghahandóg ng̃ anó man, hal.: sa lakò ay ilakò, sa tindá ay itindá, sa handóg ay ihandóg, sa alay ay ialay, sa gawad ay igawad, atbp. Binabaybáy rin ang ilán sa pangtiyák na ipag na siyáng katugmâ ng̃ mag, hal.: sa bilí ay ipagbilí, sa amot ay ipag-amot, sa kaloób ay ipagkaloób, sa biyayà ay ipagbiyayà, atbp.

VIII.—Ang mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ paglalagáy sa isáng poók ó dako ng̃ anó man ay nagagawâng pangtiyák dito sa anyông i, hal.: sa lagáy ay ilagáy, sa lantád ay ilantád, sa bunyág ay ibunyág, sa bilád ay ibilád, sa patong ay ipatong, sa sing̃it ay ising̃it, sa siksík ay isiksík, sa salong ay isalong, sa gatong ay igatong, sa tapal ay itapal, atbp.

XII KABANATA
Ang pangtiyák na anyông “AN”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông an?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông an ang pangwatas na may sugpóng na an sa salitâng ugát.

[130]

G. ¿Mahalagá rin bagá ang pangtiyák na anyông itó gaya ng̃ mg̃a anyông in at i?

N. Sa mg̃a anyông pangtiyák, itóng an ay siyáng ikatló sa bilang na siyáng ginágamit sa mg̃a pangwatas tagalog. Itóng an ay malimit ding gamitin kaparis ng̃ dalawáng náuná sa kanyá, at isá rin sa maraming sakláw sa ating mg̃a salitâ.

G. ¿Paano ang paggamit dito sa anyông an?

N. Gaya rin ng̃ sa anyông in na may dalawáng kaparaanán: Una, kung ang salitâng ugát ay nagtatapós sa pangtinig (ó consonante) ó kayâ’y sa ting̃ig (ó vocal) na may kudlít na banayad (`) ó salakót (^) ay ginágamit ang an, gaya sa tapon ay tapunAN, sa susì ay susìAN, sa tapî ay tapîAN, atbp. Ikalawá, kung ang ugát ay nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) na walâng kudlít, ó kayâ’y sa ting̃ig na may kudlít na mariín (´), ang anyông an ay dapat gawíng han, gaya sa parusa ay parusaHAN, sa kasi ay kasiHAN, sa tindí ay tindíHAN, atbp.

G. ¿Mayroón din bang nangyayaring pagkakabago ukol sa pagsusugpóng ng̃ an sa salitâng ugát?

N. Mayroón pò, at ang mg̃a pagkakabagong itó’y katulad din ng̃ nangyayari sa in. Dapat din ditong itanghál ang mg̃a tuntunin nitóng an, upáng mákilala ang ganáng kabaguhan nitó.

Una.—Kung e ang katapusáng titik ng̃ ugát ay dapat gawíng i, gaya sa gabe ay gabihán, sa page ay pagihán, sa kapé ay kapihán, atbp.

Ikalawá.—Kung ang hulíng pantíg ng̃ ugát ay may e na pinagigitnâan ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), [131]ang náturang e ay dapat gawíng i gaya sa kiskés ay kiskisán, sa tites ay titisan, atbp.

Ikatló.—Kung ó ang katapusáng titik ng̃ ugát ay dapat gawíng u, gaya sa dulo ay duluhan, sa asó ay asuhán, sa bató ay batuhán, sa tampó ay tampuhán, atbp.

Ikaapat.—Kung ang hulíng pantíg ng̃ ugát ay may o na pinagigitnâan ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), ang násabing o ay dapat gawíng u, gaya sa amóy ay amuyán, sa utos ay utusan, sa kutós ay kutusán, sa subok ay subukan, atbp.

Ikalimá.—Kung ang hulíng pantíg ng̃ ugát ay nagtatapós sa ad, ed, id, od, ó ud, na maáarìng baybayín sa an, ang d ay dapat gawíng r sang-ayon sa pátakaráng sinúsunód ukol sa bagay na itó; gaya sa bayad ay bayaran, sa gilíd ay gilirán, sa tingkád ay tingkarán. Ang d ay hindî nagbabago kung minsan, at kung magkaganitó’y kailang̃an namáng mawalâ ang i ó ang o sa mg̃a salitâng nagtatapós sa id ó od, gaya sa masíd ay masdán, sa sunód ay sundán, atbp.

Dapat din namáng mabatíd na ang unang dalawáng tuntunin ay bihibihiràng mangyari, sapagkâ’t sa ating wikà ay kauntî ang mg̃a salitâng mayroóng e sa katapusáng pantíg ng̃ mg̃a salitâng ugát, gaya ng̃ matatantô sa ikaapat na bahagi ng̃ Balarilàng itó.

MG̃A PANUTO SA PAGBABAYBÁY

G. ¿Alín ang mg̃a panuto nitóng anyông an na dapat alituntunín sa kanyáng pagbabaybáy?

N. Itóng anyông an ay walâng maraming pagkakabagobagong [132]nangyayari, at dahil dito ay dî na kailang̃ang isáisáhín ang tuntunin ng̃ kaniyakaniyáng panahón at gayón din ng̃ ayos.

Dapat lamang matantô, na ang an ay palagìng sinusugpóng sa salitâng ugát na ibig baybayín, at sa kasalukuyan (ó presente) at mg̃a nakaraán (ó pretérito) ay kailang̃ang isunód sa in kung pano ang pagkakabuô nitó, ulitin ó dalawahín ang unang pantíg ng̃ ugát sa panahóng haharapín (ó futuro), at káhulíhuliha’y dapat isugpóng sa ugát ang an ó han sa pangbadyá at pang-utos.

Baybayín natin itóng anyông an sang-ayon sa mg̃a tuntuning ipináalala, at ilagáy nating halimbawà ang ugát na sulat at sakâ itó sugpung̃án ng̃ an na nagigíng pangwatas na sulatan na siyáng pangtiyák ng̃ sumulat na binaybáy sa um.

PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “AN”
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá   Sulatan.
Panghiwatig Kasalukuyan Sinusulatan.
Nakaraán Sinulatan.
Nakaraán na Sinulatan na.
Haharapín Susulatan.
Pang-utos   Sulatan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung sinusulatan.
Nakaraán Kung sinulatan.
Haharapín Kung susulatan.

[133]

KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “AN”

G. ¿Alínalín ang mg̃a tuntunin sa paggamit nitóng anyông an?

N. Itóng an ay siyáng ikatló sa bilang ng̃ mg̃a anyông pangtiyák, at dahil dito’y hindî mapag-áalinlang̃anang sambitin na siyá’y isá rin sa mg̃a nagbibigáy ng̃ malakíng tulong sa mg̃a pangwatas na hindî tiyák sa ating sariling wikà. Itóng mg̃a sumúsunód ang mg̃a pátakarán ng̃ sa kanyá’y paggamit:

I.—Ginágamit ang an sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ dako ó poók na kinaroroonán ng̃ anó man, lalòng lalò na sa panahóng nakaraán, hal.: sa tapon ay tinapunan, sa lagáy ay nilagyán, sa silíd ay sinidlán, sa tayô ay tinayùán, sa sulót ay sinulután, sa pasak ay pinasakan, atbp.

II.—Ginágamit ang an sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ pagbibigáy ó pagkuha ng̃ anó man kailan ma’t itó’y tiyák, hal.: sa bigáy ay bigyán, sa handóg ay handugán, sa alay ay alayan, sa bilí ay bilhán, sa dalá ay dalhán, sa bawas ay bawasan, sa kuha ay kunan, sa hing̃î ay hing̃án, atbp.

III.—Ginágamit din ang an sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃ pang̃ang̃aral ó pagtawag sa sino man kailan ma’t tiyák itó, hal.: sa aral ay aralan, sa hatol ay hatulan, sa turò ay turùan, sa tawag ay tawagan, sa sigáw ay sigawán, sa kawáy ay kawayán, sa bulóng ay bulung̃án, sa anás ay anasán, atbp. Ang ilán sa mg̃a pangwatas na itó ay binabaybáy sa pangtiyák na pag-an na siyáng katugmâ ng̃ mag, [134]hal.: sa sabi ay pagsabihan, sa usap ay pang̃usapan, atbp.

IV.—Ginágamit ang an sa mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ mg̃a gawíng likás ng̃ damdamin kailan ma’t tumutukoy sa sino man, hal.: sa ting̃ín ay tingnán, sa masíd ay masdán, sa amóy ay amuyán, sa hawak ay hawakan, sa dilà ay dilàan, atbp. May ilán sa bagay na itó ang ginágamit sa in gaya ng̃ lasáp ay lasapín, ng̃ diníg ay dinggín, ng̃ tanáw ay tanawín, atbp.

V.—Ang mg̃a salitâng pangdiwà na nagbabadyá ng̃ anó man at sugpung̃án ng̃ anyông an at ulitin ó dalawahín ang buông salitâng ugát na násabi ay nagkakahulugán ng̃ kaliitan ó kawalâng kabuluhán ng̃ isáng bagay, hal.: sa tao ay taútauhan, sa bahay ay baháybahayan, sa pusà ay pusàpusàan, sa lang̃it ay lang̃ítlang̃itan, sa santól ay santúlsantulan, at ibá pa. Kung ang ugát ay may tatló ó apat na pantíg ay sukat ng̃ ulitin ang unang dalawáng pantíg niyá, hal.: sa tinapay ay tinátinapayan, sa salawál ay salásalawalan, atbp.

VI.—Ang mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ anó man sang-ayon sa kápakanán ng̃ bawà’t isá at másungpung̃an ng̃ an ay nagigíng salitâng ang kahulugá’y poók ng̃ karamihan, hal.: sa bahay ay bahayán, sa santól ay santulan, sa manggá ay manggahan, sa saging ay saging̃án, sa bayan ay bayanán, sa duhat ay duhatán, atbp.

[135]

XIII KABANATA
Pangtiyák ng̃ anyông “UM”

Gurò. ¿Alín ang pangtiyák nitóng um?

Nag-aaral. Gaya ng̃ násabi, ang mg̃a anyông pangbalak na dî dumadalirì ó tumitiyák ng̃ anó mang bagay ó pang̃alan, ay may mg̃a katapát ó katugmâng mg̃a anyông pangtiyák na siyáng tumutukoy sa mg̃a bagay ó pang̃alang tiyák ó damá. Bawà’t anyông pangbalak ay may katugmâng anyông pangtiyák na hindî lamang íisá kundî dalawá ó tatló ang kadalasán. Ang katugmâ nitóng anyông um kung talagáng susurìin ay ang tatlóng pang̃ulong pangtiyák na sinundán na isáisáng pinag-ukulan ng̃ masusìng pag-áaral at matamáng pagsusurì, na dilì ibá’t ang in, ang i at ang an.

G. ¿Alín ang dapat kásaligán sa pagbabaybáy ng̃ mg̃a pangtiyák ng̃ um?

N. Ang pagbabaybáy sa in ay dapat másalig ng̃ sa anyông in, ang sa i ay dapat mabatay ng̃ sa anyông i at ang sa an ay dapat máayon ng̃ sa anyông an.

Baybayín nating isáisá ang tatlóng pangtiyák ng̃ [136]um at pag-úkulan natin ng̃ dalawáng pangwatas: isá’y ang tumakbó na tumutukoy sa unang hugis ng̃ um at umutang na bumabanggít sa ikalawá.

IN.
Ayos. Panahón. Pagbabaybáy.
Pangbadyá   Takbuhín. Utang̃in.
Panghiwatig Kasalukuyan Tinátakbó. Inúutang.
Nakaraán Tinakbó. Inutang.
Nakaraán na Tinakbó na. Inutang na.
Kararaán Katátakbó pa. Kaúutang pa.
Haharapín Tatakbuhín. Úutang̃in.
Pang-utos   Takbuhín. Utang̃in.
Pangsukob Kasalukuyan Kung tinátakbó. Kung inúutang.
Nakaraán Kung tinakbó. Kung inutang.
Haharapín Kung tatakbuhín. Kung úutang̃in.
I.
Pangbadyá   Itakbó. Iutang.
Panghiwatig Kasalukuyan Itinátakbó. Iniúutang.
Nakaraán Itinakbó. Iniutang.
Nakaraán na Itinakbó na. Iniutang na.
Haharapín. Itátakbó. Iúutang.
Pang-utos   Itakbó. Iutang.
Pangsukob Kasalukuyan Kung itinátakbó. Kung iniúutang.
Nakaraán Kung itinakbó. Kung iniutang.
Haharapín Kung itátakbó. Kung iúutang.
[137]AN.
Pangbadyá   Takbuhan. Utang̃an.
Panghiwatig Kasalukuyan Tinátakbuhán. Inúutang̃an.
Nakaraán Tinakbuhán. Inutang̃an.
Nakaraán na Tinakbuhán na. Inutang̃an na.
Haharapín Tatakbuhán. Úutang̃an.
Pang-utos   Takbuhan. Utang̃an.
Pangsukob Kasalukuyan Kung tinátakbuhán. Kung inúutang̃an.
Nakaraán Kung tinakbuhán. Kung inutang̃an.
Haharapín Kung tatakbuhán. Kung úutang̃an.

XIV KABANATA
Pangtiyák ng̃ anyông “MAG”

Gurò. ¿Alín namán ang pangtiyák nitóng mag?

Nag-aaral. Lahát ng̃ mg̃a anyông pangbalak sa Wikàng Tagalog na dî miminsan nang násabi ay may katapát ó katugmâng anyông pangtiyák na hindî lamang íisá kundî marami. Karaniwang gawín upáng ang anyông pangbalak ay magíng pangtiyák ay ginagawâng p ang mg̃a unang titik niyaóng nagpapásimulâ sa m, maliban lamang ang ilán na hindî nangyayari ang ganitóng pagbabago.

Sang-ayon sa paraáng katutukoy, pag ang siyáng pangtiyák nitóng mag. Itó namáng pag ay nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃ mg̃a pang̃ulong anyô sa pangtiyák na in, i at an, na susog sa bagay na itó ang pag ay nagigíng pag-in, ipag at pag-an. Bukód [138]sa mg̃a pangtiyák na itó, ang mag ay mayroón pang tatlóng pangtiyák ding katugmâ, na, dilì ibá’t ang in, ang i at ang an na walâng pag. Dapat matantô na ang pag-in ay bihiràng gamitin, sapagkâ’t ang karamihang ugát na náuukol sa kanyá ay binabaybáy na sa in. Gayón man, ang pag-in ay kailang̃an din kung minsan, lalòng lalò na kung tumutukoy sa mg̃a salitâng nagbabadyá ng̃ pag-úutos ó panunuyò.

G. Yamang ang in, i at an ay napag-ukulan na ng̃ kaníkaniyáng pag-áaral, ¿anó namán ang tinátawag na anyông ipag?

N. Tinátawag na anyông ipag ang pangwatas na may pang-angkáp na ipag sa salitâng ugát, gaya ng̃ ipag-utos, ipagbilin, ipagsama na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ mag-utos, magbilin at magsama.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông pag-an?

N. Tinátawag na anyông pag-an ang pangwatas na may pang-angkáp na pag at may sugpóng na an sa ugát, gaya ng̃ pagsalitâan, pagkalooban, pagbintang̃án, na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ magsalitâ, magkaloób at magbintáng.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông pag-in?

N. Tinátawag na anyông pag-in ang pangwatas na may pang-angkáp na pag at may sugpóng na in sa salitâng ugát, gaya ng̃ pag-awitin, pagdasalin, pagsayawin na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ mag-awit, magdasál at magsayáw.

G. ¿Alínalín ang mg̃a panutong dapat taluntunín sa pagbabaybáy ng̃ mg̃a pangtiyák ng̃ anyông mag?

N. Ang pagbabaybáy sa in, i at an ay dapat [139]ibatay ng̃ sa mg̃a anyông in, i at an; ang sa ipag ay gaya rin ng̃ sa i na sining̃itan lamang ng̃ pag sa gitnâ ng̃ ugát at ng̃ násabing i; ang sa pag-an ay gaya ng̃ sa anyông an na inangkapán ng̃ pag sa ugát; at ang sa pag-in ay paris din ng̃ sa anyông in na inangkapán namán ng̃ pag sa salitâng ugát.

Isáisá nating baybayín ang mg̃a náturang pangtiyák ng̃ mag at kunin nating halimbawà ang mg̃a pangwatas na magsaing at magmana na ang una’y nagtatapós sa pangtinig at ang ikalawá’y sa ting̃ig (ó vocal).

PAGBABAYBÁY SA MG̃A PANGTIYÁK NG̃ “MAG”
IN.
Pangbadyá   Saing̃in. Manahin.
Panghiwatig Kasalukuyan Sinasaing. Minamana.
Nakaraán Sinaing. Minana.
Nakaraán na Sinaing na. Minana na.
Kararaán Kasasaing pa. Kamamana pa.
Haharapín Sasaing̃in. Mamanahin.
Pang-utos   Saing̃in. Manahin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung sinasaing. Kung minamana.
Nakaraán Kung sinaing. Kung minana.
Haharapín Kung sasaing̃in. Kung mamanahin.
[140]I.
Pangbadyá   Isaing. Imana.
Panghiwatig Kasalukuyan Isinasaing. Iminamana.
Nakaraán Isinaing. Iminana.
Nakaraán na Isinaing na. Iminana na.
Haharapín Isasaing. Imamana.
Pang-utos   Isaing. Imana.
Pangsukob Kasalukuyan Kung isinasaing. Kung iminamana.
Nakaraán Kung isinaing. Kung iminana.
Haharapín Kung isasaing. Kung imamana.
AN.
Pangbadyá   Saing̃an. Manahan.
Panghiwatig Kasalukuyan Sinasaing̃an. Minamanahan.
Nakaraán Sinaing̃an. Minanahan.
Nakaraán na Sinaing̃an na. Minanahan na.
Haharapín Sasaing̃an. Mamanahan.
Pang-utos   Saing̃an. Manahan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung sinasaing̃an. Kung minamanahan.
Nakaraán Kung sinaing̃an. Kung minanahan.
Haharapín Kung sasaing̃an. Kung mamanahan.
[141]IPAG.
Pangbadyá   Ipagsaing. Ipagmana.
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinagsasaing. Ipinagmamana.
Nakaraán Ipinagsaing. Ipinagmana.
Nakaraán na Ipinagsaing na. Ipinagmana na.
Haharapín Ipagsasaing. Ipagmamana.
Pang-utos   Ipagsaing. Ipagmana.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinagsasaing. Kung ipinagmamana.
Nakaraán Kung ipinagsaing. Kung ipinagmana.
Haharapín Kung ipagsasaing. Kung ipagmamana.
PAG-AN.
Pangbadyá   Pagsaing̃an. Pagmanahan.
Panghiwatig Kasalukuyan Pinagsasaing̃an. Pinagmamanahan.
Nakaraán Pinagsaing̃an. Pinagmanahan.
Nakaraán na Pinagsaing̃an na. Pinagmanahan na.
Haharapín Pagsasaing̃an. Pagmamanahan.
Pang-utos   Pagsaing̃an. Pagmanahan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung pinagsasaing̃an. Kung pinagmamanahan.
Nakaraán Kung pinagsaing̃an. Kung pinagmanahan.
Haharapín Kung pagsasaing̃an. Kung pagmamanahan.
[142]PAG-IN.[15]
Pangbadyá   Pagsaing̃in. Pagmanahin.
Panghiwatig Kasalukuyan Pinagsasaing. Pinagmamana.
Nakaraán Pinagsaing. Pinagmana.
Nakaraán na Pinagsaing na. Pinagmana na.
Haharapín Pagsasaing̃in. Pagmamanahin.
Pang-utos   Pagsaing̃in. Pagmanahin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung pinagsasaing. Kung pinagmamana.
Nakaraán Kung pinagsaing. Kung pinagmana.
Haharapín Kung pagsasaing̃in. Kung pagmamanahin.

TALABABÂAN

[15] Sakalì mang totoó na itóng pag-in ay dî kailang̃an dahil sa anyông in, ay tunay rin namáng ang náturang pag-in ay makabuluhán kung minsan at may sariling kátuturán. Kung ang pag-an ay kailang̃an baga ma’t mayroón nang an, ang pag-in namá’y kailang̃an din kahì’t na mayroóng in. Linawin natin sa pamamagitan ng̃ halimbawà. Kung sabihing sa tiyák na bagay at pag-úutos na: Larùin mo ang batà ay hindî ng̃â maáarìng sabihin pang paglarùin mo ang batà, sapagkâ’t may magkaibáng kahulugán siláng dalawá. Ang una’y nagsasaád ng̃ pag-úutos sa sino man na siyá ang maglarô sa batà, samantalàng ang ikalawá’y nagbabadyá namán ng̃ pag-úutos sa sino man na siyá’y mag-utos ó magsabi ó magpabayà ng̃ paglalarô sa batà. Ganitó ring kaibhán ang nádadamá ukol sa an at pag-an, gaya sa mg̃a salitâng larùan at paglarùan.

[143]

XV KABANATA
Ang pangbalak na anyông “MANG”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông mang?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông mang ang pangwatas na may pang-angkáp na mang sa salitâng ugát.

G. ¿Anó ang káhalagahán nitóng mang sa ating mg̃a pangwatas?

N. Kung may káhalagaháng tagláy ang um at mag sa mg̃a anyông pangbalak ng̃ pangwatas tagalog, ang mang namá’y isá rin sa nábibilang sa matataás na urì ng̃ mg̃a anyô at isá rin sa nagbibigáy ng̃ mahalagáng tulong sa ating mg̃a salitâ.

G. ¿Alín ang mg̃a pagbabagong karaniwang mangyari sa pag-áangkáp ng̃ mang sa salitâng ugát?

N. Sang-ayon sa simulâng titik nitóng ugát ay nabábagong madalás ang mg̃a titik ng̃ pangwatas kung iniáangkáp ang mang, at sa pagbabagong itó ay máitatakdâ ang mg̃a ganitóng tuntunin:

Una.—Ang mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa b ó p ay karaniwang magíng m at ang anyông mang ay náwawalâ ang hulíng dalawáng titik, sa makatwíd bagá’y nagigíng ma, gaya sa bulák ay mamulák, sa bayabas ay mamayabas, sa pukot ay mamukot, sa pulá ay mamulá.

Ikalawá.—Ang karamihan sa mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal), ay nabábago ang pang-angkáp na mang sa mang̃, gaya sa isdâ ay mang̃isdâ, [144]sa usá ay mang̃usá, sa ibig ay mang̃ibig, sa una ay mang̃una.

Ikatló.—Ang mg̃a salitâng ugát na ang unang titik ay k ay karaniwang náwawalâ ang titik na itó, at dahilán dito ang anyông mang ay dapat gawíng mang̃ gaya sa kahoy ay mang̃ahoy, sa kulam ay mang̃ulam, sa kutós ay mang̃utós, sa kitíl ay mang̃itíl.

Ikaapat.—Ang karamihan sa mg̃a salitâng ugát na ang pásimulâng titik ay s ó t at kung minsa’y d ay karaniwang magíng n at dahilán dito ang mang ay nagigíng ma, gaya sa sumbóng ay manumbóng, sa sisi ay manisi, sa tiklóp ay maniklóp, sa tiktík ay maniktík, sa dikít ay manikít, sa dalang̃in ay manalang̃in.

MG̃A TUNTUNIN SA PAGBABAYBÁY

G. ¿Alín ang mg̃a tuntuning dapat pagbatayán ukol sa pagbabaybáy nitóng anyông mang?

N. Kung ang pangwatas na babaybayín ay walâng pagkakabagong nangyayari ay dapat isalig ang pagbabaybáy sa mg̃a tuntunin ng̃ anyông mag na walâng pagkakáibá liban sa mang ang anyông iáangkáp. Ng̃unì’t kung pangwatas namáng may pagbabago, ang babaybayín ay gaya rin ng̃ mg̃a tuntunin ng̃ mang ang dapat sundín baga ma’t kailang̃ang ibatay sa apat sa panutong inilagdâ ukol sa mg̃a kabaguhang sukat mangyari.

Baybayín natin ang dalawáng bagay ó paraáng kasasambit at iukol sa una ang ugát na habol at sa ikalawá’y tiklóp na kung angkapán kapwà ng̃ mang ay nagigíng pangwatas na manghabol at maniklóp sang-ayon sa mg̃a pátakaráng náilagdâ.

[145]

PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “MANG”
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá   Manghabol. Maniklóp.
Panghiwatig Kasalukuyan Nangháhabol. Naníniklóp.
Nakaraán Nanghabol. Naniklóp.
Nakaraán na { Nakahabol na. { Nakatiklóp na.
{ Nanghabol na. { Naniklóp na.
Haharapín Mangháhabol. Maniniklóp.
Pang-utos   Manghabol. Maniklóp.
Pangsukob Kasalukuyan Kung nangháhabol. Kung naníniklóp.
Nakaraán Kung nanghabol. Kung naniklóp.
Haharapín Kung mangháhabol. Kung maniniklóp.

PANGTIYÁK NG̃ ANYÔNG “MANG”

G. ¿Alín ang anyông pangtiyák nitóng mang?

N. Sang-ayon sa mg̃a paraáng sinambít na sa anyông mag ang pangtiyák nitóng mang ay pang. Itó namáng pang ay nang̃áng̃ailang̃ang tulung̃an ng̃ mg̃a pang̃ulong anyô sa pangtiyák na in, i at an upáng ang paggamit ay mápawastô, at sang-ayon din sa bagay na itó, ang pang ay nagigíng pang-in, ipang at pang-an.

G. ¿Anó kung gayón ang tinátawag na anyông pang-in?

N. Tinátawag na anyông pang-in ang pangwatas [146]na may pang-angkáp na pang at may sugpóng na in, gaya ng̃ pang̃isdâín, pang̃unahin, pamukutin, na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ mang̃isdâ, mang̃una, at mamukot.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông ipang?

N. Tinátawag na anyông ipang ang pangwatas na may pang-angkáp na ipang, gaya ng̃ ipanghuli, ipamintás, ipang̃usá, na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ manghuli, mamintás at mang̃usá.

G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông pang-an?

N. Tinátawag na anyông pang-an ang pangwatas na may pang-angkáp na pang at may sugpóng na an, gaya ng̃ pang̃ahuyan, pamangkâan, pamayanan, na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ mang̃ahoy, mamangkâ, at mamayan.

G. ¿Nabábago rin bagá itóng pangtiyák na pang?

N. Oo pò, at ang pagkakabagong itó’y nátutulad sa nangyayari sa mang, kayâ’t ang mg̃a tuntunin nitó’y siyá ring dapat pairalin sa pang.

G. ¿Alín namán ang mg̃a tuntunin sa pagbabaybáy nitóng pangtiyák na pang?

N. Ang pagbabaybáy sa pang-in ay násasalig ng̃ sa anyông in, na inangkapán ng̃ pang; ang sa ipang ay naáayon ng̃ sa anyông i, na sining̃itan lamang ng̃ pang sa gitnâ ng̃ ugát at ng̃ náturang i; at ang sa pang-an ay nabábatay namán ng̃ sa anyông an na inangkapán ng̃ pang.

Sa pagbabaybáy nitóng mg̃a pangtiyák ng̃ mang ay kunin natin ang dalawáng pangwatas na manghulà at manahî, na ang isá’y nabábago ang mg̃a titik ng̃ ugát at ang isá’y hindî.

[147]

PAGBABAYBÁY SA MG̃A PANGTIYÁK NG̃ ANYÔNG “MANG”.
PANG-IN.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá   Panghulàin. Panahìin.
Panghiwatig Kasalukuyan Pinanghuhulà. Pinananahî.
Nakaraán Pinanghulà. Pinanahî.
Nakaraán na Pinanghulà na. Pinanahî na.
Kararaán Kapanghuhulà pa. Kapapanahî pa.
Haharapín Panghuhulàin. Pananahìin.
Pang-utos   Panghulàin. Panahìin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung pinanghuhulà. Kung pinananahî.
Nakaraán Kung pinanghulà. Kung pinanahî.
Haharapín Kung panghuhulàin. Kung pananahìin.
IPANG.
Pangbadyá   Ipanghulà. Ipanahî.
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinanghuhulà. Ipinananahî.
Nakaraán Ipinanghulà. Ipinanahî.
Nakaraán na Ipinanghulà na. Ipinanahî na.
Haharapín Ipanghuhulà. Ipananahî.
Pang-utos   Ipanghulà. Ipanahî.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinanghuhulà. Kung ipinananahî.
Nakaraán Kung ipinanghulà. Kung ipinanahî.
Haharapín Kung ipanghuhulà. Kung ipananahî.
[148]PANG-AN.
Pangbadyá   Panghulàan. Panahìan.
Panghiwatig Kasalukuyan Pinanghuhulàan. Pinananahìan.
Nakaraán Pinanghulàan. Pinanahìan.
Nakaraán na Pinanghulàan na. Pinanahìan na.
Haharapín Panghuhulàan. Pananahìan.
Pang-utos   Panghulàan. Panahìan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung pinanghuhulàan. Kung pinananahìan.
Nakaraán Kung pinanghulàan. Kung pinanahìan.
Haharapín Kung panghuhulàan. Kung pananahìan.

KÁGAMITÁN NITÓNG ANYÔNG “MANG”

G. ¿Alín ang mg̃a pátakarán sa paggamit ng̃ anyông itó?

N. Sa mg̃a pangwatas natin na siyáng binubukalán ng̃ ating mg̃a salitâ, itóng mang ay isá sa mg̃a nagtatagláy ng̃ malakíng tulong, kayâ’t siyá ay nábibilang sa pang̃atló ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông pangbalak. Ang anyông mang ay ginágamit dito sa mg̃a tuntuning sumúsunód:

I.—Ginágamit ang mang sa pagbabadyá ng̃ mg̃a gawâ ó kilos na karamihan, na nanggaling sa mg̃a ugát na binaybáy sa um at mag na íisá ang kahulugán, hal.: sa kain ay mang̃ain, sa pitás ay mamitás, sa [149]kuha ay mang̃uha, sa buhay ay mamuhay, sa lurâ ay manglurâ, sa amóy ay mang̃amóy, sa paos ay mamaos, sa malát ay mamalát, atbp.

II.—Ang karamihan sa salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ ibá’t ibáng bagay ó gawàin ay binabaybáy rin dito sa mang, at kung gayó’y nagkakahulugán ng̃ pagtupád sa hawak na tungkulin, hal.: sa sing̃íl ay maning̃íl, sa tahî ay manahî, sa aral ay mang̃aral, sa kahoy ay mang̃ahoy, atbp.

III.—Ang mg̃a kasangkapang patalím ay binabaybáy sa mang na ang kahulugá’y gumamit ó magtagláy ng̃ náturang patalím, hal.: sa baríl ay mamaríl, sa kanyón ay mang̃anyón, sa sandata ay manandata, sa sundáng ay manundáng, sa palakól ay mamalakól, sa iták ay mang̃iták, sa tabák ay manabák, atbp.

IV.—Nagagawâ ring pangwatas dito sa mang ang mg̃a ng̃alan ng̃ táhanan, bayan, bundók, bukid, atbp. na ang kahulugá’y manirahan ó mamuhay ó maglakbáy, hal.: sa bayan ay mamayan, sa bundók ay mamundók, sa bahay ay mamahay, sa bukid ay mamukid, sa parang ay mamarang, sa gubat ay manggubat, atbp.

V.—Dito sa mang ay nagagawâ ring pangwatas ang iláng ng̃alan ng̃ sasakyán na ang kátuturá’y maglakbáy sa pamamagitan ng̃ náturang sasakyán, hal.: sa bangkâ ay mamangkâ, sa kalesa ay mang̃alesa, sa kiles ay mang̃iles, sa kabayo ay mang̃abayo, sa karo ay mang̃aro, atbp.

VI.—Ang mg̃a ng̃alan ng̃ kasúutan ay nagagawâ ring pangwatas sa anyông mang na ang kahulugá’y magsuút ó gumamit ó magtagláy, hal.: sa barò ay mamarò, [150]sa salawál ay manalawál, sa panyô ay mamanyô, sa tapis ay manapis, sa salamín ay manalamín, atbp.

VII.—Ang mg̃a ugát na tumutukoy sa mg̃a bagay na matatagpùán sa dagat, ilog, bundók, bukid, atbp. ay nagagawâ ring pangwatas dito sa anyông mang, na, ang kahulugá’y mang̃asó, mang̃isdâ, humanap ó kumuha sang-ayon sa kápakanán ng̃ isá’t isá, hal.: sa duhat ay mangduhat, sa ibon ay mang̃ibon, sa isdâ ay mang̃isdâ, sa palakâ ay mamalakâ, sa palós ay mamalós, sa usá ay mang̃usá, atbp.

VIII.—Ang mg̃a kasangkapan sa paghuli ng̃ anó man ay ipinangwawatas din dito sa mang na ang kahulugá’y manghuli sa pamamagitan ng̃ náturang kasangkapan, hal.: sa bing̃uwít ay maming̃uwít, sa pukot ay mamukot, sa lambát ay manglambát, sa dala ay mangdala, sa salapáng ay manalapáng, sa kitáng ay mang̃itáng, sa baklád ay mamaklád, atbp.

IX.—Ginágamit din ang mang sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ paglulupít ó pananaksíl ng̃ isá sa isá, magíng itó’y ginanáp sa pamamagitan ng̃ patalím at magíng pamalò ó kamáy ng̃ tao, hal.: sa saksák ay manaksák, sa sakál ay manakál, sa bugbóg ay mangbugbóg, sa palò ay mamalò, sa tampál ay manampál, sa sipà ay manipà, sa tadyák ay manadyák, sa sakít ay manakít, sa kurót ay mang̃urót, sa suntók ay manuntók, atbp.

[151]

XVI KABANATA
Ang pangbalak na anyông “MA”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông ma?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông ma ang pangwatas na may pang-angkáp na ma sa salitâng ugát.

G. ¿Anó ang káhalagaháng tagláy nitóng ma?

N. Kung sa mg̃a anyông pangbalak ay lubhâng mahalagá ang um, mag at mang, itóng ma namá’y hindî magigíng hulí ni alang̃án sa kataasán ng̃ urì na kanyáng tagláy sa ating mg̃a pangwatas at sa ating mayamang salitâ, kayâ’t siyá’y nábibilang na isá sa mg̃a pang̃ulong anyông pangbalak.

MG̃A PÁTAKARÁN SA PAGBABAYBÁY

G. Dito sa anyông ma, ¿alín namán ang mg̃a pátakaráng dapat taluntunín sa kanyáng pagbabaybáy?

N. Itóng pagbabaybáy sa anyông ma ay walâng pinag-ibhán halos ng̃ sa anyông mag, na walâng g, kayâ’t ang mg̃a tuntunin nitó’y siyáng dapat kásaligán ng̃ mg̃a pátakarán niyón, baga ma’t ang kahulugán ng̃ isá’t isá ay lubhâng nagkakalayô. Dapat matantô na ang anyông itó ay nailalagáy sa bilang na dalawá ó marami, at sa ganitó’y dinaragdagán ng̃ ng̃a sa pag-itan ng̃ anyông ma at ng̃ ugát sa lahát ng̃ panahón.

Sa pagbabaybáy ay kuning halimbawà ang pangwatas na mahigâ na nagbuhat sa ugát na higâ na [152]inangkapán ng̃ anyông ma, at pag-agapayanin ang mg̃a bilang na íisá at dalawá ó marami.

PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “MA”
Pangbadyá   Mahigâ. Mang̃ahigâ.
Panghiwatig Kasalukuyan Náhihigâ. Nang̃ahíhigâ.
Nakaraán Nahigâ. Nang̃ahigâ.
Nang̃akahigâ.
Nakaraán na Nakahigâ na. Nang̃ahigâ na.
Nahigâ na.
Haharapín Mahihigâ. Mang̃ahihigâ.
Pang-utos   Mahigâ. Mang̃ahigâ.
Pangsukob Kasalukuyan Kung nahihigâ. Kung nang̃ahíhigâ.
Nakaraán Kung nahigâ. Kung nang̃ahigâ.
Haharapín Kung mahihigâ. Kung mang̃ahihigâ.

PANGTIYÁK NG̃ ANYÔNG “MA”

G. ¿Alín ang pangtiyák na anyô nitóng ma?

N. Kung pakasusurìing maigi ang pangtiyák na anyô nitóng ma ay másasabing walâ, sapagkâ’t siyá gaya rin ng̃ um ay walâng katugmâ ó katapát na anyô na dî gaya ng̃ karamihan sa ating salitâ. Gayón man, ay mayroón siyáng pangtiyák, sapagkâ’t sa Wikàng Tagalog gaya na ng̃ násabi ang mg̃a pangbalak ay may katugmâng anyông pangtiyák. Ang katugmâ nitóng ma ay dalawá lamang: ang ika na tumutukoy sa dahilán ó panahón at ka-an na tumutukoy sa poók ó dako.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông ika?

[153]

N. Tinátawag na anyông ika ang pangwatas na may kaangkáp na ika sa salitâng ugát, gaya ng̃ ikasunog, ikabasag, ikahulog, na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ masunog, mabasag at mahulog.

G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông ka-an?

N. Tinátawag na anyông ka-an ang pangwatas na may pang-angkáp na ka at may sugpóng na an, gaya ng̃ kahulugan, kabalian, katisuran na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ mahulog, mabalì at matisod.

G. Sa pagbabaybáy nitóng mg̃a pangtiyák ng̃ ma, ¿alínalín ang mg̃a tuntuning sinúsunód?

N. Ang pagbabaybáy sa ika ay dapat isalig ng̃ sa anyông i na dinagdagán lamang itó ng̃ ka, at ang sa ka-an ay dapat iayon ng̃ sa anyông an na inangkapán ng̃ ka. Kunin nating halimbawà ang mg̃a pangwatas na matisod at mahulog.

PAGBABAYBÁY SA MG̃A PANGTIYÁK NG̃ ANYÔNG “MA”
IKA.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá   Ikatisod. Ikahulog.
Panghiwatig Kasalukuyan Ikinatítisod. Ikinahuhulog.
Nakaraán Ikinatisod. Ikinahulog.
Nakaraán na Ikinatisod na. Ikinahulog na.
Kararaán Katitisod pa. Kahuhulog pa.
Haharapín Ikatítisod. Ikahuhulog.
Pang-utos   Ikatisod. Ikahulog.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ikinatítisod. Kung ikinahuhulog.
Nakaraán Kung ikinatisod. Kung ikinahulog.
Haharapín Kung ikatítisod. Kung ikahuhulog.
[154]KA-AN.
Pangbadyá   Katisuran. Kahulugan.
Panghiwatig Kasalukuyan Kinatítisuran. Kinahuhulugan.
Nakaraán Kinatisuran. Kinahulugan.
Nakaraán na Kinatisuran na. Kinahulugan na.
Haharapín Katitisuran. Kahuhulugan.
Pang-utos   Katisuran. Kahulugan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung kinatítisuran. Kung kinahuhulugan.
Nakaraán Kung kinatisuran. Kung kinahulugan.
Haharapín Kung katitisuran. Kung kahuhulugan.

KÁGAMITÁN NITÓNG ANYÔNG “MA”

G. ¿Saánsaán ginágamit itóng anyông ma?

N. Ang talagáng kágamitán ng̃ anyông itó ay tumutukoy sa kilos ó galáw ng̃ sino man sa kanyáng sarili lamang na hindî maáarìng bumanggít ng̃ sa ibá. Ng̃unì’t nang ang pag-áaral ay lalòng lumiwanag, ay náritó ang mg̃a tuntunin ng̃ sa kanyá’y paggamit.

I.—Ginágamit ang ma sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ mg̃a kasakunâang hindî sinasadyâ na nangyayari sa katawán ng̃ sino man, hal.: mahulog, matisod, mamatáy, madulás, malunod, marapâ, matumbá, mabunggô, masanggî, masaláng, masagasà, mabulag, mapilay, maulól, mabung̃ì atbp.

[155]

II.—Ginágamit ang ma sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ mg̃a pangyayaring katutubò sa damdamin na hindî kinukusà ó ginagawâ ng̃ pinangyayarihan, hal.: matakot, magitlá, mang̃iníg, magulat, masawan, masindák, malumbáy, malugód, magalit, mahiyâ, magulumihanan, magulantáng, atbp.

III.—Ginágamit din ang ma sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃ kalagayan ng̃ sikmurà; hal.: mabusóg, magutom, mauhaw, masirà, atbp.

IV.—Sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃ mg̃a kilos ó galáw ng̃ katawán na kusàng ginagawâ ng̃ sino man sa kanyáng sarili, hal.: maupô, mahigâ, matulog, magisíng, atbp. Ang ilán sa mg̃a itó’y ginágamitan ng̃ um at mag, gaya ng̃ lumakad, tumakbó, tumayô, magpasyál, atbp.

V.—Ang ma ay ginágamit din sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ mg̃a kasiràáng nangyayaring kusà sa mg̃a kasangkapang gamit ng̃ mg̃a tao, hal.: masunog, magibâ, maguhô, mabasag, madurog, mabalì, masirà, mawalat, mapunit, masirà, atbp.

VI.—Sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ mg̃a likás na kalagayan ng̃ mg̃a halaman ay ginágamit din ang ma, hal.: malantá, matuyô, maunsiyamî, mabulas, malagô, malusóg, mamatáy, masirà, malagót, mapatíd, atbp.

VII.—Ginágamit din ang ma sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ anó man na siyáng nagigíng salitâng pangturing (ó adjetivo), hal.: sa samâ ay masamâ, sa buti ay mabuti, sa lakí ay malakí, sa liít ay maliít, sa taás ay mataás, sa babà ay mababà, sa layò [156]ay malayò, sa lapit ay malapit, sa pulá ay mapulá, sa putî ay maputî, atbp.

VIII.—Ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ anó man at sakâ angkapán ng̃ ma ay nagigíng pangdiwà na nagkakahulugán ng̃ karamihan, hal.: sa lang̃aw ay malang̃aw, sa lamók ay malamók, sa palay ay mapalay, sa bigás ay mabigás, atbp.

XVII KABANATA
Pagbabaybáy sa mg̃a anyông pangbalak

Gurò. ¿Dapat bagáng baybayíng isáisá at italâng buông buô ang mg̃a pang̃ulong anyông pangbalak?

Nag-aaral. Oo pò, lubhâng kinakailang̃ang baybayíng isáisá at buông itakdâ ang mg̃a pang̃ulong anyông pangbalak na um, mag, mang at ma, sapagkâ’t lalòng líliwanag at lalòng dadalî ang pag-áaral ng̃ sino man sa Wikàng Tagalog, lubhâ pa’t kung isasagunitâng ang pag-áaral ng̃ wikàng itó ay bagong bago pa sa mg̃a damdamin natin. Sinabi kong ang pagtatalâ rito ng̃ mg̃a pagbabaybáy ay isáng paraáng ikalíliwanag at ikadadalî sa pag-áaral ng̃ sariling wikà, sapagkâ’t sa biglâng ting̃ín ng̃ isáng nag-aaral ay maliwanag na mamamasdán at malilirip ang ibá’t ibáng sangkáp ng̃ pangwatas gaya ng̃ mg̃a ayos (ó modo), mg̃a panahón (ó tiempo), mg̃a bilang (ó número) at mg̃a katawán (ó persona), gayón ang ibá’t ibáng hugis ng̃ mg̃a anyô gaya ng̃ um, mag, mang at ma na kung dî paggugugulan ng̃ pagwawarìwarì ay malapit [157]mahulog sa pagkakámalî ó kayâ’y sa pagkakálahóklahók ó pagkakásamasama.

Náritó ng̃â ang mg̃a pagbabaybáy sa um, mag, mang at ma na dapat pamagatáng una, ikalawá, ikatló at ikaapat na pagbabaybáy na náuukol sa bawà’t isá.

HUWARAN NG̃ UNANG PAGBABAYBÁY

ANYÔNG “UM” (UNANG HUGIS)
Ayos Pangbadyá Sumulat.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Sumusulat akó[16] Sumusulat tayo
Sumusulat ka Sumusulat kayó
Sumusulat siyá Sumusulat silá
Panahóng nakaraán
Sumulat akó Sumulat tayo
Sumulat ka Sumulat kayó
Sumulat siyá Sumulat silá
[158]Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakasulat na akó Nakasulat na tayo
Nakasulat ka na[17] Nakasulat na kayó
Nakasulat na siyá Nakasulat na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Sumulat na akó Sumulat na tayo
Sumulat ka na Sumulat na kayó
Sumulat na siyá Sumulat na silá
Panahóng haharapín
Susulat akó Susulat tayo
Susulat ka Susulat kayó
Susulat siyá Susulat silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Sumulat tayo
Sumulat ka[18] Sumulat kayó
Sumulat siyá Sumulat silá
[159]AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung sumusulat akó[19] Kung sumusulat tayo
Kung sumusulat ka Kung sumusulat kayó
Kung sumusulat siyá Kung sumusulat silá
Panahóng nakaraán
Kung sumulat akó[20] Kung sumulat tayo
Kung sumulat ka Kung sumulat kayó
Kung sumulat siyá Kung sumulat silá
Panahóng haharapín
Kung susulat akó Kung susulat tayo
Kung susulat ka Kung susulat kayó
Kung susulat siyá Kung susulat silá

[160]

ANYÔNG “UM” (IKALAWÁNG HUGIS)
Ayos Pangbadyá Umibig.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Umíibig akó Umíibig tayo
Umíibig ka Umíibig kayó
Umíibig siyá Umíibig silá
Panahóng nakaraán
Umibig akó Umibig tayo
Umibig ka Umibig kayó
Umibig siyá Umibig silá
Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakaibig na akó Nakaibig na tayo
Nakaibig ka na Nakaibig na kayó
Nakaibig na siyá Nakaibig na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Umibig na akó Umibig na tayo
Umibig ka na Umibig na kayó
Umibig na siyá Umibig na silá
[161]Panahóng haharapín
Íibig akó Íibig tayo
Íibig ka Íibig kayó
Íibig siyá Íibig silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Umibig tayo
Umibig ka Umibig kayó
Umibig siyá Umibig silá
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung umíibig akó Kung umíibig tayo
Kung umíibig ka Kung umíibig kayó
Kung umíibig siyá Kung umíibig silá
Panahóng nakaraán
Kung umibig akó Kung umibig tayo
Kung umibig ka Kung umibig kayó
Kung umibig siyá Kung umibig silá
Panahóng haharapín
Kung íibig akó Kung íibig tayo
Kung íibig ka Kung íibig kayó
Kung íibig siyá Kung íibig silá

[162]

HUWARAN NG̃ IKALAWÁNG PAGBABAYBÁY

ANYÔNG “MAG”
Ayos Pangbadyá Maglarô.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Naglalarô akó Naglalarô tayo
Naglalarô ka Naglalarô kayó
Naglalarô siyá Naglalarô silá
Panahóng nakaraán
Naglarô akó Naglarô tayo
Naglarô ka Naglarô kayó
Naglarô siyá Naglarô silá
Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakapaglarô na akó Nakapaglarô na tayo
Nakapaglarô ka na Nakapaglarô na kayó
Nakapaglarô na siyá Nakapaglarô na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Naglarô na akó Naglarô na tayo
Naglarô ka na Naglarô na kayó
Naglarô na siyá Naglarô na silá
[163]Panahóng haharapín
Maglalarô akó Maglalarô tayo
Maglalarô ka Maglalarô kayó
Maglalarô siyá Maglalarô silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Maglarô tayo
Maglarô ka Maglarô kayó
Maglarô siyá Maglarô silá
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung naglalarô akó Kung naglalarô tayo
Kung naglalarô ka Kung naglalarô kayó
Kung naglalarô siyá Kung naglalarô silá
Panahóng nakaraán
Kung naglarô akó Kung naglarô tayo
Kung naglarô ka Kung naglarô kayó
Kung naglarô siyá Kung naglarô silá
Panahóng haharapín
Kung maglalarô akó Kung maglalarô tayo
Kung maglalarô ka Kung maglalarô kayó
Kung maglalarô siyá Kung maglalarô silá

[164]

HUWARAN NG̃ IKATLÓNG PAGBABAYBÁY

ANYÔNG “MANG”
Ayos Pangbadyá Mang̃isdâ.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Nang̃ing̃isdâ akó Nang̃ing̃isdâ tayo
Nang̃ing̃isdâ ka Nang̃ing̃isdâ kayó
Nang̃ing̃isdâ siyá Nang̃ing̃isdâ silá
Panahóng nakaraán
Nang̃isdâ akó Nang̃isdâ tayo
Nang̃isdâ ka Nang̃isdâ kayó
Nang̃isdâ siyá Nang̃isdâ silá
Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakapang̃isdâ na akó Nakapang̃isdâ na tayo
Nakapang̃isdâ ka na Nakapang̃isdâ na kayó
Nakapang̃isdâ na siyá Nakapang̃isdâ na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Nang̃isdâ na akó Nang̃isdâ na tayo
Nang̃isdâ ka na Nang̃isdâ na kayó
Nang̃isdâ na siyá Nang̃isdâ na silá
[165]Panahóng haharapín
Mang̃ing̃isdâ akó Mang̃ing̃isdâ tayo
Mang̃ing̃isdâ ka Mang̃ing̃isdâ kayó
Mang̃ing̃isdâ siyá Mang̃ing̃isdâ silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Mang̃isdâ tayo
Mang̃isdâ ka Mang̃isdâ kayó
Mang̃isdâ siyá Mang̃isdâ silá
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung nang̃ing̃isdâ akó Kung nang̃ing̃isdâ tayo
Kung nang̃ing̃isdâ ka Kung nang̃ing̃isdâ kayó
Kung nang̃ing̃isdâ siyá Kung nang̃ing̃isdâ silá
Panahóng nakaraán
Kung nang̃isdâ akó Kung nang̃isdâ tayo
Kung nang̃isdâ ka Kung nang̃isdâ kayó
Kung nang̃isdâ siyá Kung nang̃isdâ silá
Panahóng haharapín
Kung mang̃ing̃isdâ akó Kung mang̃ing̃isdâ tayo
Kung mang̃ing̃isdâ ka Kung mang̃ing̃isdâ kayó
Kung mang̃ing̃isdâ siyá Kung mang̃ing̃isdâ silá

[166]

HUWARAN NG̃ IKAPAT NA PAGBABAYBÁY

ANYÔNG “MA”
Ayos Pangbadyá Matulog.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Natutulog akó Nang̃atutulog tayo
Natutulog ka Nang̃atutulog kayó
Natutulog siyá Nang̃atutulog silá
Panahóng nakaraán
Natulog akó Nang̃atulog tayo
Natulog ka Nang̃atulog kayó
Natulog siyá Nang̃atulog silá
Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakatulog na akó Nang̃akatulog na tayo
Nakatulog ka na Nang̃akatulog na kayó
Nakatulog na siyá Nang̃akatulog na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Natulog na akó Nang̃atulog na tayo
Natulog ka na Nang̃atulog na kayó
Natulog na siyá Nang̃atulog na silá
[167]Panahóng haharapín
Matutulog akó Mang̃atutulog tayo
Matutulog ka Mang̃atutulog kayó
Matutulog siyá Mang̃atutulog silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Mang̃atulog tayo
Matulog ka Mang̃atulog kayó
Matulog siyá Mang̃atulog silá
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung natutulog akó Kung nang̃atutulog tayo
Kung natutulog ka Kung nang̃atutulog kayó
Kung natutulog siyá Kung nang̃atutulog silá
Panahóng nakaraán
Kung natulog akó Kung nang̃atulog tayo
Kung natulog ka Kung nang̃atulog kayó
Kung natulog siyá Kung nang̃atulog silá
Panahóng haharapín
Kung matutulog akó Kung mang̃atutulog tayo
Kung matutulog ka Kung mang̃atutulog kayó
Kung matutulog siyá Kung mang̃atutulog silá

TALABABÂAN

[16] Dapat mabatíd na ang mg̃a katawáng itó ay na sa pangtukoy, at dapat ding matantô na ang mg̃a násabing katawán ay maáarìng mapauná ó mapahulí sa pangwatas, liban lamang sa pang-utos na lagìng ipinagpapahuli.

[17] Sa ikalawáng katawáng itó, ang na ay náhuhulí sa ka, baga ma’t maáarì ring iuná dito, at kung magkaganitó’y ang ay dapat gawíng ikáw, sa makatuwíd ay nakasulat na ikáw.

[18] Gaya na ng̃ násabi, itóng pang-utos ay walâng unang katawán, sapagkâ’t hindî mangyayaring ang isáng nag-úutos ay mag-utos sa kanyáng sarili.

[19] Sa panahóng itó, ay maáarì ring gamitin ang pag, pagkâ, kapág at kapagkâ, sa lugál ng̃ kung, (gaya na ng̃ ipinaliwanag) baga ma’t itó’y siyáng angkáp na angkáp at malimit gamitin.

[20] Dito sa panahóng nakaraán at gayón sa haharapín ng̃ ayos pangsukob ay maáarìng lagyán sa hulí ng̃ sana ó disin, gaya nang ipinatalastás.

[168]

XVIII KABANATA
Pagbabaybáy sa mg̃a anyông pangtiyák

Gurò. ¿Kailang̃an din kayâng baybayín buông buô ang mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák?

Nag-aaral. Kailang̃an din pò, at hindî lamang ang mg̃a pangtiyák na in, i at an kundî patí ang mg̃a katugmâ ng̃ mg̃a anyông um, mag, mang at ma, ay dapat ding baybayíng isáisá, upáng ganáp na mákilala ang mg̃a galáw ó pagkakabagobago ng̃ ating mg̃a pangwatas, sapagkâ’t ang pagbabaybáy sa mg̃a anyông pangtiyák ay isáng paraán ng̃ maliwanag na pagsásalaysáy at madalîng pag-áaral, bukód pa ang mg̃a kagaling̃ang mátatamó kung isasagunitâng ang mg̃a pangtiyák na pangwatas ay siyáng malimit gamitin sa Wikàng Tagalog kay sa mg̃a pangwatas na dî dumadalirì ó tumitiyák ng̃ anó mang bagay ó pang̃alan.

Marapat ng̃âng italatag na buông buô ang pagbabaybáy sa mg̃a anyông pangtiyák gaya ng̃ ginagawâ sa mg̃a pangbalak, at unahin nating baybayín ang tatlóng pang̃ulong anyông in, i at an na náuukol sa um at mag at isunód natin dito ang ipag, pag-an at pag-in, (kung itó’y dapat baybayín) na náuukol din sa mag, sakâ ang pag-in, ipang at pang-an na náuukol sa mang at káhulíhuliha’y ang ika at ka-an na nahihinggíl namán sa ma.

[169]

HUWARAN SA UNANG PANGTIYÁK NG̃ “UM”

ANYÔNG “IN”
Ayos Pangbadyá Sulatin.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Sinusulat ko itó[21] Sinusulat namin ó natin itó
Sinusulat mo itó Sinusulat ninyó itó
Sinusulat niyá itó Sinusulat nilá itó
Panahóng nakaraán
Sinulat ko itó Sinulat namin ó natin itó
Sinulat mo itó Sinulat ninyó itó
Sinulat niyá itó Sinulat nilá itó
Panahóng nakaraán na
Sinulat ko na itó Sinulat na namin ó natin itó
Sinulat mo na itó Sinulat na ninyó itó
Sinulat na niyá itó Sinulat na nilá itó
Panahóng kararaán
Kásusulat ko pa itó Kásusulat pa namin ó natin itó
Kásusulat mo pa itó Kásusulat pa ninyó itó
Kásusulat pa niyá itó Kásusulat pa nilá itó
[170]Panahóng haharapín
Susulatin ko itó Susulatin namin ó natin itó
Susulatin mo itó Susulatin ninyó itó
Susulatin niyá itó Susulatin nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Sulatin namin ó natin itó
Sulatin mo itó Sulatin ninyó itó
Sulatin niyá itó Sulatin nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung sinusulat ko itó Kung sinusulat namin ó natin itó
Kung sinusulat mo itó Kung sinusulat ninyó itó
Kung sinusulat niyá itó Kung sinusulat nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung sinulat ko itó Kung sinulat namin ó natin itó
Kung sinulat mo itó Kung sinulat ninyó itó
Kung sinulat niyá itó Kung sinulat nilá itó
Panahóng haharapín
Kung susulatin ko itó Kung susulatin namin ó natin itó
Kung susulatin mo itó Kung susulatin ninyó itó
Kung susulatin niyá itó Kung susulatin nilá itó[22]

[171]

HUWARAN SA IKALAWÁNG PANGTIYÁK NG̃ “UM”

ANYÔNG “I”
Ayos Pangbadyá Isulat.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Isinusulat ko itó Isinusulat namin ó natin itó
Isinusulat mo itó Isinusulat ninyó itó
Isinusulat niyá itó Isinusulat nilá itó
Panahóng nakaraán
Isinulat ko itó Isinulat namin ó natin itó
Isinulat mo itó Isinulat ninyó itó
Isinulat niyá itó Isinulat nilá itó
Panahóng nakaraán na
Isinulat ko na itó Isinulat na namin ó natin itó
Isinulat mo na itó Isinulat na ninyó itó
Isinulat na niyá itó Isinulat na nilá itó
Panahóng haharapín[23]
Isusulat ko itó Isusulat namin ó natin itó
Isusulat mo itó Isusulat ninyó itó
Isusulat niyá itó Isusulat nilá itó
[172]AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Isulat namin ó natin itó
Isulat mo itó Isulat ninyó itó
Isulat niyá itó Isulat nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung isinusulat ko itó Kung isinusulat namin ó natin itó
Kung isinusulat mo itó Kung isinusulat ninyó itó
Kung isinusulat niyá itó Kung isinusulat nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung isinulat ko itó Kung isinulat namin ó natin itó
Kung isinulat mo itó Kung isinulat ninyó itó
Kung isinulat niyá itó Kung isinulat nilá itó
Panahóng haharapín
Kung isusulat ko itó Kung isusulat namin ó natin itó
Kung isusulat mo itó Kung isusulat ninyó itó
Kung isusulat niyá itó Kung isusulat nilá itó

[173]

HUWARAN SA IKATLÓNG PANGTIYÁK NG̃ “UM”

ANYÔNG “AN”
Ayos Pangbadyá Sulatan.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Sinusulatan ko itó Sinusulatan namin ó natin itó
Sinusulatan mo itó Sinusulatan ninyó itó
Sinusulatan niyá itó Sinusulatan nilá itó
Panahóng nakaraán
Sinulatan ko itó Sinulatan namin ó natin itó
Sinulatan mo itó Sinulatan ninyó itó
Sinulatan niyá itó Sinulatan nilá itó
Panahóng nakaraán na
Sinulatan ko na itó Sinulatan na namin ó natin itó
Sinulatan mo na itó Sinulatan na ninyó itó
Sinulatan na niyá itó Sinulatan na nilá itó
Panahóng haharapín
Susulatan ko itó Susulatan namin ó natin itó
Susulatan mo itó Susulatan ninyó itó
Susulatan niyá itó Susulatan nilá itó
[174]AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Sulatan namin ó natin itó
Sulatan mo itó Sulatan ninyó itó
Sulatan niyá itó Sulatan nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung sinusulatan ko itó Kung sinusulatan namin ó natin itó
Kung sinusulatan mo itó Kung sinusulatan ninyó itó
Kung sinusulatan niyá itó Kung sinusulatan nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung sinulatan ko itó Kung sinulatan namin ó natin itó
Kung sinulatan mo itó Kung sinulatan ninyó itó
Kung sinulatan niyá itó Kung sinulatan nilá itó
Panahóng haharapín
Kung susulatan ko itó Kung susulatan namin ó natin itó
Kung susulatan mo itó Kung susulatan ninyó itó
Kung susulatan niyá itó Kung susulatan nilá itó

[175]

HUWARAN SA UNANG PANGTIYÁK NG̃ “MAG”[24]

ANYÔNG “IPAG”
Ayos Pangbadyá Ipaglarô.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Ipinaglalarô ko itó Ipinaglalarô namin ó natin itó
Ipinaglalarô mo itó Ipinaglalarô ninyó itó
Ipinaglalarô niyá itó Ipinaglalarô nilá itó
Panahóng nakaraán
Ipinaglarô ko itó Ipinaglarô namin ó natin itó
Ipinaglarô mo itó Ipinaglarô ninyó itó
Ipinaglarô niyá itó Ipinaglarô nilá itó
Panahóng nakaraán na
Ipinaglarô ko na itó Ipinaglarô na namin ó natin itó
Ipinaglarô mo na itó Ipinaglarô na ninyó itó
Ipinaglarô na niyá itó Ipinaglarô na nilá itó
Panahóng haharapín
Ipaglalarô ko itó Ipaglalarô namin ó natin itó
Ipaglalarô mo itó Ipaglalarô ninyó itó
Ipaglalarô niyá itó Ipaglalarô nilá itó
[176]AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Ipaglarô namin ó natin itó
Ipaglarô mo itó Ipaglarô ninyó itó
Ipaglarô niyá itó Ipaglarô nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung ipinaglalarô ko itó Kung ipinaglalarô namin ó natin itó
Kung ipinaglalarô mo itó Kung ipinaglalarô ninyó itó
Kung ipinaglalarô niyá itó Kung ipinaglalarô nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung ipinaglarô ko itó Kung ipinaglarô namin ó natin itó
Kung ipinaglarô mo itó Kung ipinaglarô ninyó itó
Kung ipinaglarô niyá itó Kung ipinaglarô nilá itó
Panahóng haharapín
Kung ipaglalarô ko itó Kung ipaglalarô namin ó natin itó
Kung ipaglalarô mo itó Kung ipaglalarô ninyó itó
Kung ipaglalarô niyá itó Kung ipaglalarô nilá itó

[177]

HUWARAN SA IKALAWÁNG PANGTIYÁK NG̃ “MAG”

ANYÔNG “PAG-AN”
Ayos Pangbadyá Paglarùan.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pinaglalarùan ko itó Pinaglalarùan namin ó natin itó
Pinaglalarùan mo itó Pinaglalarùan ninyó itó
Pinaglalarùan niyá itó Pinaglalarùan nilá itó
Panahóng nakaraán
Pinaglarùan ko itó Pinaglarùan namin ó natin itó
Pinaglarùan mo itó Pinaglarùan ninyó itó
Pinaglarùan niyá itó Pinaglarùan nilá itó
Panahóng nakaraán na
Pinaglarùan ko na itó Pinaglarùan na namin ó natin itó
Pinaglarùan mo na itó Pinaglarùan na ninyó itó
Pinaglarùan na niyá itó Pinaglarùan na nilá itó
Panahóng haharapín
Paglalarùan ko itó Paglalarùan namin ó natin itó
Paglalarùan mo itó Paglalarùan ninyó itó
Paglalarùan niyá itó Paglalarùan nilá itó
[178]AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Paglarùan namin ó natin itó
Paglarùan mo itó Paglarùan ninyó itó
Paglarùan niyá itó Paglarùan nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung pinaglalarùan ko itó Kung pinaglalarùan namin ó natin itó
Kung pinaglalarùan mo itó Kung pinaglalarùan ninyó itó
Kung pinaglalarùan niyá itó Kung pinaglalarùan nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung pinaglarùan ko itó Kung pinaglarùan namin ó natin itó
Kung pinaglarùan mo itó Kung pinaglarùan ninyó itó
Kung pinaglarùan niyá itó Kung pinaglarùan nilá itó
Panahóng haharapín
Kung paglalarùan ko itó Kung paglalarùan namin ó natin itó
Kung paglalarùan mo itó Kung paglalarùan ninyó itó
Kung paglalarùan niyá itó Kung paglalarùan nilá itó

[179]

HUWARAN SA IKATLÓNG PANGTIYÁK NG̃ “MAG”

ANYÔNG “PAG-IN”
Ayos Pangbadyá Paglarùin.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pinaglalarô ko itó Pinaglalarô namin ó natin itó
Pinaglalarô mo itó Pinaglalarô ninyó itó
Pinaglalarô niyá itó Pinaglalarô nilá itó
Panahóng nakaraán
Pinaglarô ko itó Pinaglarô namin ó natin itó
Pinaglarô mo itó Pinaglarô ninyó itó
Pinaglarô niyá itó Pinaglarô nilá itó
Panahóng nakaraán na
Pinaglarô ko na itó Pinaglarô na namin ó natin itó
Pinaglarô mo na itó Pinaglarô na ninyó itó
Pinaglarô na niyá itó Pinaglarô na nilá itó
Panahóng kararaán
Kapaglalarô ko pa itó Kapaglalarô pa natin ó namin itó
Kapaglalarô mo pa itó Kapaglalarô pa ninyó itó
Kapaglalarô pa niyá itó Kapaglalarô pa nilá itó
[180]Panahóng haharapín
Paglalarùin ko itó Paglalarùin namin ó natin itó
Paglalarùin mo itó Paglalarùin ninyó itó
Paglalarùin niyá itó Paglalarùin nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Paglarùin namin ó natin itó
Paglarùin mo itó Paglarùin ninyó itó
Paglarùin niyá itó Paglarùin nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung pinaglalarô ko itó Kung pinaglalarô natin ó namin itó
Kung pinaglalarô mo itó Kung pinaglalarô ninyó itó
Kung pinaglalarô niyá itó Kung pinaglalarô nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung pinaglarô ko itó Kung pinaglarô namin ó natin itó
Kung pinaglarô mo itó Kung pinaglarô ninyó itó
Kung pinaglarô niyá itó Kung pinaglarô nilá itó
Panahóng haharapín
Kung paglalarùin ko itó Kung paglalarùin namin ó natin itó
Kung paglalarùin mo itó Kung paglalarùin ninyó itó
Kung paglalarùin niyá itó Kung paglalarùin nilá itó

[181]

HUWARAN SA UNANG PANGTIYÁK NG̃ “MANG”

ANYÔNG “PANG-IN”
Ayos Pangbadyá Pang̃isdâín.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pinang̃ing̃isdâ ko itó Pinang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Pinang̃ing̃isdâ mo itó Pinang̃ing̃isdâ ninyó itó
Pinang̃ing̃isdâ niyá itó Pinang̃ing̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán
Pinang̃isdâ ko itó Pinang̃isdâ namin ó natin itó
Pinang̃isdâ mo itó Pinang̃isdâ ninyó itó
Pinang̃isdâ niyá itó Pinang̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán na
Pinang̃isdâ ko na itó Pinang̃isdâ na namin ó natin itó
Pinang̃isdâ mo na itó Pinang̃isdâ na ninyó itó
Pinang̃isdâ na niyá itó Pinang̃isdâ na nilá itó
Panahóng kararaán
Kapapang̃isdâ ko pa itó Kapapang̃isdâ pa natin ó namin itó
Kapapang̃isdâ mo pa itó Kapapang̃isdâ pa ninyó itó
Kapapang̃isdâ pa niyá itó Kapapang̃isdâ pa nilá itó
[182]Panahóng haharapín
Pang̃ing̃isdâín ko itó Pang̃ing̃isdâín namin ó natin itó
Pang̃ing̃isdâín mo itó Pang̃ing̃isdâín ninyó itó
Pang̃ing̃isdâín niyá itó Pang̃ing̃isdâín nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Pang̃isdâín namin ó natin itó
Pang̃isdâín mo itó Pang̃isdâín ninyó itó
Pang̃isdâín niyá itó Pang̃isdâín nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung pinang̃ing̃isdâ ko itó Kung pinang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Kung pinang̃ing̃isdâ mo itó Kung pinang̃ing̃isdâ ninyó itó
Kung pinang̃ing̃isdâ niyá itó Kung pinang̃ing̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung pinang̃isdâ ko itó Kung pinang̃isdâ namin ó natin itó
Kung pinang̃isdâ mo itó Kung pinang̃isdâ ninyó itó
Kung pinang̃isdâ niyá itó Kung pinang̃isdâ nilá itó
Panahóng haharapín
Kung pang̃ing̃isdâín ko itó Kung pang̃ing̃isdâín namin ó natin itó
Kung pang̃ing̃isdâín mo itó Kung pang̃ing̃isdâín ninyó itó
Kung pang̃ing̃isdâín niyá itó Kung pang̃ing̃isdâín nilá itó

[183]

HUWARAN SA IKALAWÁNG PANGTIYÁK NG̃ “MANG”

ANYÔNG “IPANG”
Ayos Pangbadyá Ipang̃isdâ.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Ipinang̃ing̃isdâ ko itó Ipinang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Ipinang̃ing̃isdâ mo itó Ipinang̃ing̃isdâ ninyó itó
Ipinang̃ing̃isdâ niyá itó Ipinang̃ing̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán
Ipinang̃isdâ ko itó Ipinang̃isdâ namin ó natin itó
Ipinang̃isdâ mo itó Ipinang̃isdâ ninyó itó
Ipinang̃isdâ niyá itó Ipinang̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán na
Ipinang̃isdâ ko na itó Ipinang̃isdâ na namin ó natin itó
Ipinang̃isdâ mo na itó Ipinang̃isdâ na ninyó itó
Ipinang̃isdâ na niyá itó Ipinang̃isdâ na nilá itó
Panahóng haharapín
Ipang̃ing̃isdâ ko itó Ipang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Ipang̃ing̃isdâ mo itó Ipang̃ing̃isdâ ninyó itó
Ipang̃ing̃isdâ niyá itó Ipang̃ing̃isdâ nilá itó
[184]AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Ipang̃isdâ namin ó natin itó
Ipang̃isdâ mo itó Ipang̃isdâ ninyó itó
Ipang̃isdâ niyá itó Ipang̃isdâ nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung ipinang̃ing̃isdâ ko itó Kung ipinang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Kung ipinang̃ing̃isdâ mo itó Kung ipinang̃ing̃isdâ ninyó itó
Kung ipinang̃ing̃isdâ niyá itó Kung ipinang̃ing̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung ipinang̃isdâ ko itó Kung ipinang̃isdâ namin ó natin itó
Kung ipinang̃isdâ mo itó Kung ipinang̃isdâ ninyó itó
Kung ipinang̃isdâ niyá itó Kung ipinang̃isdâ nilá itó
Panahóng haharapín
Kung ipang̃ing̃isdâ ko itó Kung ipang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Kung ipang̃ing̃isdâ mo itó Kung ipang̃ing̃isdâ ninyó itó
Kung ipang̃ing̃isdâ niyá itó Kung ipang̃ing̃isdâ nilá itó

[185]

HUWARAN SA IKATLÓNG PANGTIYÁK NG̃ “MANG”

ANYÔNG “PANG-AN”
Ayos Pangbadyá Pang̃isdâan.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pinang̃ing̃isdâan ko itó Pinang̃ing̃isdâan namin ó natin itó
Pinang̃ing̃isdâan mo itó Pinang̃ing̃isdâan ninyó itó
Pinang̃ing̃isdâan niyá itó Pinang̃ing̃isdâan nilá itó
Panahóng nakaraán
Pinang̃isdâan ko itó Pinang̃isdâan namin ó natin itó
Pinang̃isdâan mo itó Pinang̃isdâan ninyó itó
Pinang̃isdâan niyá itó Pinang̃isdâan nilá itó
Panahóng nakaraán na
Pinang̃isdâan ko na itó Pinang̃isdâan na namin ó natin itó
Pinang̃isdâan mo na itó Pinang̃isdâan na ninyó itó
Pinang̃isdâan na niyá itó Pinang̃isdâan na nilá itó
Panahóng haharapín
Pang̃ing̃isdâan ko itó Pang̃ing̃isdâan natin ó namin itó
Pang̃ing̃isdâan mo itó Pang̃ing̃isdâan ninyó itó
Pang̃ing̃isdâan niyá itó Pang̃ing̃isdâan nilá itó
[186]AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Pang̃isdâan namin ó natin itó
Pang̃isdâan mo itó Pang̃isdâan ninyó itó
Pang̃isdâan niyá itó Pang̃isdâan nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung pinang̃ing̃isdâan ko itó Kung pinang̃ing̃isdâan namin ó natin itó
Kung pinang̃ing̃isdâan mo itó Kung pinang̃ing̃isdâan ninyó itó
Kung pinang̃ing̃isdâan niyá itó Kung pinang̃ing̃isdâan nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung pinang̃isdâan ko itó Kung pinang̃isdâan namin ó natin itó
Kung pinang̃isdâan mo itó Kung pinang̃isdâan ninyó itó
Kung pinang̃isdâan niyá itó Kung pinang̃isdâan nilá itó
Panahóng haharapín
Kung pang̃ing̃isdâan ko itó Kung pang̃ing̃isdâan namin ó natin itó
Kung pang̃ing̃isdâan mo itó Kung pang̃ing̃isdâan ninyó itó
Kung pang̃ing̃isdâan niyá itó Kung pang̃ing̃isdâan nilá itó

[187]

HUWARAN SA UNANG PANGTIYÁK NG̃ “MA”

ANYÔNG “IKA”
Ayos Pangbadyá Ikatisod.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Ikinatítisod ko itó Ikinatítisod namin ó natin itó
Ikinatítisod mo itó Ikinatítisod ninyó itó
Ikinatítisod niyá itó Ikinatítisod nilá itó
Panahóng nakaraán
Ikinatisod ko itó Ikinatisod namin ó natin itó
Ikinatisod mo itó Ikinatisod ninyó itó
Ikinatisod niyá itó Ikinatisod nilá itó
Panahóng nakaraán na
Ikinatisod ko na itó Ikinatisod na namin ó natin itó
Ikinatisod mo na itó Ikinatisod na ninyó itó
Ikinatisod na niyá itó Ikinatisod na nilá itó
Panahóng haharapín
Ikatítisod ko itó Ikatítisod namin ó natin itó
Ikatítisod mo itó Ikatítisod ninyó itó
Ikatítisod niyá itó Ikatítisod nilá itó
[188]AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Ikatisod namin ó natin itó
Ikatisod mo itó Ikatisod ninyó itó
Ikatisod niyá itó Ikatisod nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung ikinatítisod ko itó Kung ikinatítisod namin ó natin itó
Kung ikinatítisod mo itó Kung ikinatítisod ninyó itó
Kung ikinatítisod niyá itó Kung ikinatítisod nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung ikinatisod ko itó Kung ikinatisod namin ó natin itó
Kung ikinatisod mo itó Kung ikinatisod ninyó itó
Kung ikinatisod nilá itó Kung ikinatisod nilá itó
Panahóng haharapín
Kung ikatítisod ko itó Kung ikatítisod namin ó natin itó
Kung ikatítisod mo itó Kung ikatítisod ninyó itó
Kung ikatítisod niyá itó Kung ikatítisod nilá itó

[189]

HUWARAN SA IKALAWÁNG PANGTIYÁK NG̃ “MA”

ANYÔNG “KA-AN”
Ayos Pangbadyá Katisuran.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Kinatítisuran ko itó Kinatítisuran namin ó natin itó
Kinatítisuran mo itó Kinatítisuran ninyó itó
Kinatítisuran niyá itó Kinatítisuran nilá itó
Panahóng nakaraán
Kinatisuran ko itó Kinatisuran namin ó natin itó
Kinatisuran mo itó Kinatisuran ninyó itó
Kinatisuran niyá itó Kinatisuran nilá itó
Panahóng nakaraán na
Kinatisuran ko na itó Kinatisuran na namin ó natin itó
Kinatisuran mo na itó Kinatisuran na ninyó itó
Kinatisuran na niyá itó Kinatisuran na nilá itó
Panahóng haharapín
Katitisuran ko itó Katitisuran namin ó natin itó
Katitisuran mo itó Katitisuran ninyó itó
Katitisuran niyá itó Katitisuran nilá itó
[190]AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
  Katisuran namin ó natin itó
Katisuran mo itó Katisuran ninyó itó
Katisuran niyá itó Katisuran nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung kinatítisuran ko itó Kung kinatítisuran namin ó natin itó
Kung kinatítisuran mo itó Kung kinatítisuran ninyó itó
Kung kinatítisuran niyá itó Kung kinatítisuran nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung kinatisuran ko itó Kung kinatisuran namin ó natin itó
Kung kinatisuran mo itó Kung kinatisuran ninyó itó
Kung kinatisuran niyá itó Kung kinatisuran nilá itó
Panahóng haharapín
Kung katitisuran ko itó Kung katitisuran namin ó natin itó
Kung katitisuran mo itó Kung katitisuran ninyó itó
Kung katitisuran niyá itó Kung katitisuran nilá itó

TALABABÂAN

[21] Inilagáy ang itó upáng tumukoy ng̃ bagay na ginagawâ, at dapat matantô na ang mg̃a katawán (ó persona) ay dapat ilagáy sa pang-arì na siyáng angkóp sa mg̃a pangtiyák na pangwatas.

[22] Hindî ko na inilagáy rito ang ikalawáng hugis nitóng in, sapagkâ’t hindî lubhâng naiibá sa una, liban sa pag-áangkáp niyá sa ugát.

[23] Dapat alamíng sa mg̃a anyông i at an ay walâng panahóng kararaán, kundî sa in lamang.

[24] Hindî na kailang̃ang italâ ang in, i at an na mg̃a katugmâ nitóng mag, sapagkâ’t kaparis din ng̃ sa um. Tang̃ìng bábanggitín dito ang mg̃a pangtiyák din nitóng mag na ipag, pag-an at pag-in (kung itó’y maáarì).

[191]

XIX KABANATA
Sa mg̃a pangtulong na anyô ng̃ pangwatas

Gurò. ¿Alínalín namán ang mg̃a anyông pangtulong ng̃ ating pangwatas?

Nag-aaral. Nápakarami pò at nang mákilala ay náitó ang mg̃a anyông pangtulong sa pangbalak: maká, magpa, pa, magpaka, makí, magká, magíng, magsí, magpatí, manghí, magkáng at magsa.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông maká?

N. Tinátawag na anyông maká ang pangwatas na may pang-angkáp na maká sa salitâng ugát, gaya ng̃ makalakad, makautang, makakain.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpa?

N. Tinátawag na anyông magpa ang pangwatas na may pang-angkáp na magpa sa salitâng ugát, gaya ng̃ magpaturò, magpalamíg, magpagandá.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông pa?

N. Tinátawag na anyông pa ang pangwatas na kinaáangkapán nitó, gaya ng̃ patulong, pahilot, patampál.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpaka?

N. Tinátawag na anyông magpaka ang pangwatas na kinaáangkapán ng̃ anyông itó, gaya ng̃ magpakababà, magpakabaít, magpakarunong.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông makí?

N. Tinátawag na anyông makí ang pangwatas na binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pang-angkáp na makí, gaya ng̃ makipanayám, makíkastilà, makíapóy.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magká?

[192]

N. Tinátawag na anyông magká ang pangwatas na binubuô ng̃ ugát at ng̃ pang-angkáp na magká, gaya ng̃ magkáutang, magkásakít, magkásunog.

G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông magíng?

N. Tinátawag na anyông magíng ang pangwatas na kinaáangkapán nitó, gaya ng̃ magíng tao, magíng hayop, magíng talà.

G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông magsí?

N. Tinátawag na anyông magsí ang pangwatas na kinaáangkapán nitó, gaya ng̃ magsípasok, magsitakbó, magsidalang̃in.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpatí?

N. Ang pangwatas na binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pang-angkáp na magpatí, gaya ng̃ magpatiluhód, magpatirapá, magpatihigâ.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông manghí?

N. Ang pangwatas na binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pang-angkáp na manghí, gaya ng̃ manghíng̃ukó, manghíning̃á, manghíng̃uto.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magkáng?

N. Tinátawag na anyông magkáng ang pangwatas na may kaangkáp ng̃ anyông itó, gaya ng̃ magkanghihirap, magkangpuputot, magkangíihì.

G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magsa?

N. Tinátawag na anyông magsa ang pangwatas na may kaangkáp nitó, gaya ng̃ magsakastilà, magsailokano, magsahaponés.

G. ¿Alín namán ang mg̃a anyông pangtulong sa pangtiyák na katugmâ ng̃ mg̃a anyông pangbalak na tinalikdán?

N. Marami rin pò, at bawà’t isáng anyông pangbalak [193]ay may katugmâng pangtiyák na ang kadalasá’y dalawá, tatló at kung minsan pa’y humigít sa bilang na itó. Sapagkâ’t lubhâng malawig na isáisáhín ay hindî na dapat banggitín dito kundî sa kinaúukulan ng̃ bawà’t isá.

XX KABANATA
Ukol sa anyông “MAKÁ”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông maká?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông maká ang pangwatas na may pang-angkáp na maká sa salitâng ugát.

G. ¿Anó ang kahulugán nitóng anyông maká?

N. Náuuwî itó sa dalawáng kahulugán: ang una’y kapangyarihanpotencial) gaya ng̃ makalakad, makatakbó, at ang ikalawá’y kadahilanancausal) gaya ng̃ makabuti, makaginhawa.

G. ¿Paano ang pagbabaybáy nitóng anyông maká?

N. Gaya rin ng̃ sa mg̃a anyông mag, mang at ma na inúulit ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Baybayín natin ang mg̃a pangwatas na makatakbó at makagalíng na ang una’y náuukol sa kapangyarihan at ang hulí’y sa kadahilanan.

[194]

Ayos Panahón Kapangyarihan Kadahilanan
Pangbadyá   Makatakbó Makagalíng
Panghiwatig Kasalukuyan Nakatatakbó Nakagagalíng
Nakaraán Nakatakbó Nakagalíng
Nakaraán na Nakatakbó na Nakagalíng na
Haharapín Makatatakbó Makagagalíng
Pang-utos   Makatakbó Makagalíng
Pangsukob Kasalukuyan Kung nakatatakbó Kung nakagagalíng
Nakaraán Kung nakatakbó Kung nakagalíng
Haharapín Kung makatatakbó Kung makagagalíng

G. ¿Anó ang dapat matantô ukol sa pagbabaybáy nitóng maká?

N. Dapat matantô na kung ang pangwatas na binabaybáy ay nagbuhat sa anyông “um” ay dapat isunód sa ginawâng pagbabaybáy sa mg̃a pangwatas na makatakbó at makagalíng, ng̃unì’t kung sa “mag” ay dapat ding ibatay sa náturang pagbabaybáy, na ang kaibhán lamang nitó ay dinaragdagán pa ng̃ pag[25] sa gitnâ ng̃ maká at ng̃ ugát. Dapat ding matantô na ang bagay na itó’y tang̃ìng nangyayari sa kapangyarihan at hindî sa kadahilanan. Baybayín namán natin ang mg̃a pangwatas na makapag-aral at makapagturò na nagbuhat sa mag-aral at magturò.

[195]

Ayos Panahón Kapangyarihan
Pangbadyá   Makapag-aral Makapagturò
Panghiwatig Kasalukuyan Nakapag-áaral Nakapagtuturò
Nakaraán Nakapag-aral Nakapagturò
Nakaraán na Nakapag-aral na Nakapagturò na
Haharapín Makapag-áaral Makapagtuturò
Pang-utos   Makapag-aral Makapagturò
Pangsukob Kasalukuyan Kung nakapag-áaral Kung nakapagtuturò
Nakaraán Kung nakapag-aral Kung nakapagturò
Haharapín Kung makapag-áaral Kung makapagtuturò

ANG KANYÁNG PANGTIYÁK

G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ maká kung náuukol sa kapangyarihan?

N. Kung náuukol sa kapangyarihan, ang pangtiyák ng̃ maká ay ma-in, mai at ma-an, kailan ma’t ang pangwatas ay nagbuhat sa “um”. Ng̃unì’t dapat mabatíd, na, ang in ay ináalís sa ma-in at nagigíng ma lamang at sa mai at ma-an ay ináalís din ang náturang in. Kung ang pangwatas ay nagbuhat sa mag, ang ma, mai at ma-an ay dapat gawíng mapag, maipag at mapag-an. Náritó ang dalawáng halimbawà na náuukol sa bawà’t isá.

[196]

NÁUUKOL SA “UM”
  Ma. Mai. Ma-an.
Pangbadyá Masulat Maisulat Masulatan
Kasalukuyan Nasusulat Naisusulat Nasusulatan
Nakaraán Nasulat Naisulat Nasulatan
Nakaraán na Nasulat na Naisulat na Nasulatan na
Haharapín Masusulat Maisusulat Masusulatan
Pang-utos Masulat Maisulat Masulatan
Kasalukuyan Kung nasusulat Kung naisusulat Kung nasusulatan
Nakaraán Kung nasulat Kung naisulat Kung nasulatan
Haharapín Kung masusulat Kung maisusulat Kung masusulatan
NÁUUKOL SA “MAG”
  Mapag. Maipag. Mapag-an.
Pangbadyá Mapag-aral Maipag-aral Mapag-aralan
Kasalukuyan Napag-áaral Naipag-áaral Napag-áaralan
Nakaraán Napag-aral Naipag-aral Napag-aralan
Nakaraán na Napag-aral na Naipag-aral na Napag-aralan na
Haharapín Mapag-áaral Maipag-áaral Mapag-áaralan
Pang-utos Mapag-aral Maipag-aral Mapag-aralan
Kasalukuyan Kung napag-áaral Kung naipag-áaral Kung napag-áaralan
Nakaraán Kung napag-aral Kung naipag-aral Kung napag-aralan
Haharapín Kung mapag-áaral Kung maipag-áaral Kung mapag-áaralan

[197]

G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ maká kung náuukol sa kadahilanan?

N. Kung náuukol sa kadahilanan, ang pangtiyák ng̃ maká ay ika kung tumutukoy sa pangwatas na nagbuhat sa um, at ikapag kung tumutukoy namán sa pangwatas na nanggaling sa mag. Dapat mabatíd na, magíng ang ika at magíng ang ikapag ay dapat sing̃itan ng̃ in sa gitnâ ng̃ k at a sa mg̃a panahóng kasalukuyan at mg̃a nakaraán. Náritó ang halimbawà ng̃ isá’t isá.

Ayos. Panahón. Ika. Ikapag.
Pangbadyá   Ikagalíng Ikapagsaing
Panghiwatig Kasalukuyan Ikinagagalíng Ikinapagsasaing
Nakaraán Ikinagalíng Ikinapagsaing
Nakaraán na Ikinagalíng na Ikinapagsaing na
Haharapín Ikagagalíng Ikapagsasaing
Pang-utos   Ikagalíng Ikapagsaing
Pangsukob Kasalukuyan Kung ikinagagalíng Kung ikinapagsasaing
Nakaraán Kung ikinagalíng Kung ikinapagsaing
Haharapín Kung ikagagalíng Kung ikapagsasaing

KÁGAMITÁN NG̃ NÁTURANG ANYÔ

G. ¿Alín ang kágamitán ng̃ anyông maká?

N. Itóng maká baga ma’t nábibilang sa mg̃a anyông pangtulong ay isá rin sa malimit gamitin sa ating mayamang salitâ. Náitó ang mg̃a sinúsunód na tuntunin ng̃ sa kanyá’y paggamit:

I.—Ginágamit ang maká sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá [198]ng̃ kalayàang makagawâ ng̃ anó mang kilos sa sariling katawán, hal.: makabasa, makasulat, makakain, makaihì, makatakbó, makalakad, makapasok, makalabás, makaligò, makalang̃óy, makagawâ, makadipá, makatulog, atbp.

II.—Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa kaisipán at sa damdamin ng̃ tao ay nagagawâ ring pangwatas dito sa maká at kung magkaganitó’y nagbabadyá ng̃ mg̃a kilos ó gawàing pagkakátaón ó hindî ináasahang mangyari, hal.: sa alala ay makaalala, sa gunitâ ay makagunitâ, sa isip ay makaisip, sa damdám ay makaramdám, sa damá ay makadamá, sa hipò ay makahipò, sa kita ay makakita, sa masíd ay makamasíd, sa ting̃ín ay makating̃ín, sa diníg ay makariníg, sa amóy ay makaamóy, atbp.

III.—Kung ang isáng pangwatas ay nagkakahulugán ng̃ anó mang bagay na binabalak gawín, ang ugát na yaó’y magagawâ ring pangwatas dito sa maká na ang kahulugá’y kung makakayang ganapín ang náturang balak, hal.: Mang̃ing̃isdâ akó kung makakapang̃isdâ, susulat siyá kung makasusulat, papasok akó kung makapapasok, atbp.

IV.—Ginágamit din ang maká sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ kasiràáng hindî sinasadyâ na ibinung̃a ng̃ mg̃a katutubòng pangyayari. Dapat matantô na itó’y malimit gamitin sa mg̃a panahóng nakaraán, hal.: ang hang̃in ay siyáng nakagibâ ng̃ mg̃a bahay, ang apóy ay siyáng nakatupok ng̃ táhanan, ang lindól ay siyáng nakaguhô ng̃ simbahan, ang bahâ ay siyáng nakasirà ng̃ mg̃a halaman, atbp.

V.—Nagagawâ ring pangwatas dito sa maká ang [199]mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ lumbáy ó sayá ng̃ sino man, at ang mg̃a pangwatas na itó’y nagkakahulugán ng̃ anó mang pangyayari na siyáng lumilikhâ ng̃ gayóng kalumbayan ó kasayahan, hal.: sa iyák ay makaiyák, sa lumbáy ay makalumbáy, sa lungkót ay makalungkót, sa luhà ay makaluhà, sa sayá ay makasayá, sa alíw ay makaalíw, sa tawa ay makatawa, atbp. Dapat lamang mabatíd, na, ang mg̃a pangwatas na itó’y napakalimit gamitin sa panahóng nakaraán.

VI.—Ang mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ kagaling̃an ó kasamâan ng̃ anó mang bagay ay nagagawâ ring pangwatas dito sa maká na nagkakahulugán ng̃ isáng bagay na siyáng lumilikhâ ng̃ násabing kagaling̃an ó kasamâan, hal.: sa buti ay makabuti, sa galíng ay makagalíng, sa buhay ay makabuhay, sa ginhawa ay makaginhawa, sa samâ ay makasamâ, sa lalâ ay makalalâ, sa sakít ay makasakít, atbp.

VII.—Ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ anó man at náangkapán ng̃ maká ay nagigíng salitâng pangdiwà (ó sustantivo) na ang kahulugá’y pagkampí ó pagsapì sa gayó’t ganitóng pangkát, panig, lapìán, atbp., hal.: sa bago ay makabago, sa lumà ay makalumà, sa bayan ay makabayan, sa parì ay makaparì, sa tao ay makatao, sa hayop ay makahayop, sa kastilà ay makakastilà, sa intsík ay makaintsík, atbp.

VIII.—Ang mg̃a ugát na tumutukoy sa ibá’t ibáng anyô ó kilos ng̃ katawán ng̃ tao ay naipangwawatas din sa maká na ang kahulugá’y ang kalabisán ó kasagwâan ng̃ náturang anyô ó kilos, hal.: sa dilat ay [200]makadilat, sa ng̃isi ay makang̃isi, sa ng̃ang̃á ay makang̃ang̃á, sa ting̃ín ay makating̃ín, atbp.

TALABABÂAN

[25] Dapat alalahanin na ang pag ay siyáng pangtiyák ng̃ mag. Gayón din ang dapat gawín sa ibáng anyông pang̃ulo ng̃ pangwatas.

XXI KABANATA
Hinggíl sa anyông “MAGPA”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpa?

Nag-aaral. Tinátawag na magpa ang pangwatas na may pang-angkáp na magpa sa salitâng ugát.

G. ¿Paano ang pagbabaybáy sa anyông itó?

N. Madalî pò: sukat nang maalaman na sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín ay kailang̃ang ulitin ó dalawahín ang unang dalawáng titik ng̃ hulíng pantíg ng̃ anyông magpa. Baybayín natin ang mg̃a pangwatas na magpabasa at magpataním na nagbuhat sa bumasa at magtaním[26].

Ayos Panahón Bumasa Magtaním
Pangbadyá   Magpabasa Magpataním
Panghiwatig Kasalukuyan Nagpapabasa Nagpapataním
Nakaraán Nagpabasa Nagpataním
Nakaraán na Nagpabasa na Nagpataním na
Haharapín Magpapabasa Magpapataním
Pang-utos   Magpabasa Magpataním
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagpapabasa Kung nagpapataním
Nakaraán Kung nagpabasa Kung nagpataním
Haharapín Kung magpapabasa Kung magpapataním

[201]

ANG KANYÁNG PANGTIYÁK

G. ¿Alín ang pangtiyák nitóng anyông magpa?

N. Ang pangtiyák ng̃ magpa ay pa lamang. Itóng pa kung tulung̃an ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák ay nagigíng pa-in, ipa at pa-an na siyáng mg̃a pangtiyák ng̃ magpa kung ang pangwatas na ibig baybayín ay nagbuhat sa um. Kung nagbuhat namán sa mag, ang pangtiyák ng̃ magpa ay papag-in, ipapag at papag-an. Sa pagbabaybáy sa mg̃a pangtiyák ng̃ náturang magpa ay kunin din nating halimbawà ang dalawáng pangwatas na bumasa at magtaním na babaybayíng isáisá ó hiwáhiwaláy.

NÁUUKOL SA “UM”
  PA-IN IPA PA-AN
Pangbadyá Pabasahin Ipabasa Pabasahan
Kasalukuyan Pinababasa Ipinababasa Pinababasahan
Nakaraán Pinabasa Ipinabasa Pinabasahan
Nakaraán na Pinabasa na Ipinabasa na Pinabasahan na
Haharapín Pababasahin Ipababasa Pababasahan
Pang-utos Pabasahin Ipabasa Pabasahan
Kasalukuyan Kung pinababasa Kung ipinababasa Kung pinababasahan
Nakaraán Kung pinabasa Kung ipinabasa Kung pinabasahan
Haharapín Kung pababasahin Kung ipababasa Kung pababasahan

[202]

NÁUUKOL SA “MAG”
  PAPAG-IN IPAPAG PAPAG-AN
Pangbadyá Papagtanimín Ipapagtaním Papagtanimán
Kasalukuyan Pinapagtataním Ipinapagtataním Pinapagtatanimán
Nakaraán Pinapagtaním Ipinapagtaním Pinapagtanimán
Nakaraán na Pinapagtaním na Ipinapagtaním na Pinapagtanimán na
Haharapín Papagtatanimín Ipapagtaním Papagtatanimán
Pang-utos Papagtanimín Ipapagtaním Papagtanimán
Kasalukuyan Kung pinapagtataním Kung ipinapagtataním Kung pinapagtatanimán
Nakaraán Kung pinapagtaním Kung ipinapagtaním Kung pinapagtanimán
Haharapín Kung papagtatanimín Kung ipapagtaním Kung papagtatanimán

G. ¿Maáarì bagáng baybayín sa ibá itóng anyông magpa?

N. Ang magpa ay nababaybáy sa ibáng paraán kailan ma’t inangkapán ng̃ maká na náuukol sa kapangyarihan, at kung magkaganitó ang magpa ay magigíng pagpa. Ihalimbawà natin ang ugát na ginhawa at panhik na sang-ayon dito ay nagigíng makapagpaginhawa at makapagpapanhik.

[203]

Ayos. Panahón. Ginhawa. Panhik.
Pangbadyá   Makapagpaginhawa Makapagpapanhik
Panghiwatig Kasalukuyan Nakapagpapaginhawa Nakapagpapapanhik
Nakaraán Nakapagpaginhawa Nakapagpapanhik
Nakaraán na Nakapagpaginhawa na Nakapagpapanhik na
Haharapín Makapagpapaginhawa Makapagpapapanhik
Pang-utos   Makapagpaginhawa Makapagpapanhik
Pangsukob Kasalukuyan Kung nakapagpapaginhawa Kung nakapagpapapanhik
Nakaraán Kung nakapagpaginhawa Kung nakapagpapanhik
Haharapín Kung makapagpapaginhawa Kung makapagpapapanhik

KÁGAMITÁN NG̃ NÁSABING ANYÔ

G. ¿Saánsaán ginágamit ang anyông magpa?

N. Ang talagáng kátuturán nitóng magpa kung naáangkáp sa salitâng ugát ay ang mag-utos ó magtulot ó mamanhík sa kanino man na gawín ang anó mang bagay sang-ayon sa kátuturáng tagláy ng̃ ugát. Gayón man, upáng matalastás ang ibá’t ibáng kágamitán na kanyáng sinásakláw ay náitó ang mg̃a tuntunin ng̃ sa kanyá’y paggamit.

I.—Ginágamit ang magpa sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ pag-úutos ng̃ isáng tao sa sino man na gawín ang iniúutos sang-ayon sa kahulugán ng̃ ugát, hal.: sa gawâ ay magpagawâ, sa tahî ay [204]magpatahî, sa tindá ay magpatindá, sa lutò ay magpalutò, sa lakad ay magpalakad, sa ligò ay magpaligò, sa basa ay magpabasa, sa sulat ay magpasulat, sa taním ay magpataním, sa lang̃óy ay magpalang̃óy, atbp.

II.—Tungkól sa mg̃a ugát na nagpapahayag ng̃ anó man at magawâng pangwatas dito sa anyông magpa ay nagbabadyá ng̃ pagkakawang gawâ ng̃ isá sa sino man sang-ayon sa kátuturán ng̃ ugát, hal.: sa buhay ay magpabuhay, sa kain ay magpakain, sa inóm ay magpainóm, sa tirá ay magpatirá, sa damít ay magparamít, atbp.

III.—Hinggíl namán sa mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ mg̃a likás na pangyayari ay nagagawâ ring pangwatas sa magpa, na ang kátuturá’y lumikhâ ng̃ anó man sang-ayon sa ugát, na, tang̃ìng magagawâ ng̃ Dios ó ng̃ katalagahán, hal.: sa kulóg ay magpakulóg, sa kidlát ay magpakidlát, sa araw ay magpaaraw, sa ulán ay magpaulán, sa bagyó ay magpabagyó, sa lindól ay magpalindól, sa bahâ ay magpabahâ, atbp. Ang gayóng paglikhâ ay magagawâ rin kung minsan ng̃ sino mang tao, hal.: sa alon ay magpaalon, sa hang̃in ay magpahang̃in, sa tunóg ay magpatunóg, sa ugong ay magpaugong, atbp.

IV.—Kung naáangkapán ng̃ magpa ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ panahón ay nagtatagláy ng̃ kahulugáng pag-úutos sa ibá ó dilì kayâ’y kusà sa kanyáng sarili na magpatirá ó magpabayàng abutin ng̃ anó man sang-ayon sa ugát, hal.: sa gabí ay magpagabí, sa tanghalì ay magpatanghalì, sa umaga [205]ay magpaumaga, sa hapon ay magpahapon, sa hating-gabí ay magpahating-gabí, atbp.

V.—Ukol sa ibá’t ibáng ugát na nagbabadyá ng̃ anó man ay naipangwawatas din sa magpa, at ang mg̃a itó’y nagkakahulugán ng̃ tikís ó kusàng paggawâ ng̃ sino man sa kanyáng sarili sang-ayon sa isinasaysáy ng̃ ugát, hal.: sa gandá ay magpagandá, sa buti ay magpabuti, sa araw ay magpaaraw, sa ulán ay magpaulán, sa lamíg ay magpalamíg, sa hang̃in ay magpahang̃in, sa anod ay magpaanod, atbp.

VI.—Nagtatagláy ng̃ kahulugán ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa magpa ng̃ paghing̃î ó pagbibigáy ng̃ anó man sang-ayon sa kátuturán ng̃ ugát, hal.: sa limós ay magpalimós, sa buwís ay magpabuwís, sa utang ay magpautang, sa sanglâ ay magpasanglâ, sa tubò ay magpatubò, sa hirám ay magpahirám, atbp.

VII.—Kung ang anyông magpa ay alisán ng̃ g at ang natirá’y iangkáp sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ anó man ay nagtatagláy ng̃ kahulugáng maparoón sa isáng dako ó poók ó kayâ’y maparoón sa kanino man ó saán man ó kailan man, hal.: sa ibabâ ay mapaibabâ, sa itaás ay mapaitaás, sa sulok ay mapasulok, sa siksík ay mapasiksík, sa iyó ay mapaiyó, sa akin ay mapaakin, sa silang̃anan ay mapasilang̃anan, sa kalunuran ay mapakalunuran, sa araw ay mapaaraw, sa gabí ay mapagabí, sa hapon ay mapahapon, atbp.

TALABABÂAN

[26] Dapat matantô na sa pangbalak ng̃ anyông itó ay walâng kailang̃ang ang isáng pangwatas ay magbuhat sa um ó sa mag. Ng̃unì’t sa pangtiyák ay kailang̃ang matalastás ang pag na siyáng katugmâ ng̃ mag.

[206]

XXII KABANATA
Tungkól sa anyông “PA”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông pa?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông pa ang pangwatas na may pang-angkáp na pa sa salitâng ugát.

G. ¿Paano namán ang pagbabaybáy sa anyông itó?

N. Gaya rin ng̃ mg̃a ibá, at ang tang̃ìng dapat matantô ay sa mg̃a panahóng kasalukuyan at mg̃a nakaraán ay dapat iangkáp ang na, at kailang̃ang ulitin ó dalawahín sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, ó kayâ’y isinising̃it ang sa sa ugát at sa anyô sa madlâng panahón ng̃ pangwatas gaya ng̃ ginagawâng maminsanminsan. Ihalimbawà natin ang dalawáng ugát na diyán at bundók na kung iayon sa mg̃a kaparaanáng binanggít ay nagigíng pangwatas na pariyán at pasabundók.

[207]

Ayos Panahón Pariyán Pasabundók
Pangbadyá   Pariyán Pasabundók
Panghiwatig Kasalukuyan Napaririyán[27] Napasasabundók
Nakaraán Napariyán Napasabundók
Nakaraán na Napariyán na Napasabundók na
Haharapín Paririyán Pasasabundók
Pang-utos   Pariyán Pasabundók
Pangsukob Kasalukuyan Kung napaririyán Kung napasasabundók
Nakaraán Kung napariyán Kung napasabundók
Haharapín Kung paririyán Kung pasasabundók

ANG KANYÁNG PANGTIYÁK

G. ¿Alín namán ang pangtiyák nitóng pa?

N. Ang anyông pa ay siyáng anyông pangbalak at siyá ring anyông pangtiyák. Ng̃unì’t sa bagay na itó ang pa ay nagigíng pa-in, ipa at pa-an, sapagkâ’t kailang̃ang tulung̃an ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák gaya na ng̃ ginawâ sa mg̃a anyông nakaraán. Dapat namáng matalastás na ang ikalawáng paraáng ginamit sa pangbalak ay hindî maáarìng [208]ilagáy sa pangtiyák. Kunin nating halimbawà ang pangwatas na pahalík na binubuô ng̃ anyông pa at ng̃ ugát na halík.

  PA-IN IPA PA-AN
Pangbadyá Pahalikín Ipahalík Pahalikán
Kasalukuyan Pinahahalík Ipinahahalík Pinahahalikán
Nakaraán Pinahalík Ipinahalík Pinahalikán
Nakaraán na Pinahalík na Ipinahalík na Pinahalikán na
Haharapín Pahahalikín Ipahahalík Pahahalikán
Pang-utos Pahalikín Ipahalík Pahalikán
Kasalukuyan Kung pinahahalík Kung ipinahahalík Kung pinahahalikán
Nakaraán Kung pinahalík Kung ipinahalík Kung pinahalikán
Haharapín Kung pahahalikín Kung ipahahalík Kung pahahalikán

G. ¿Mayroón pa bang ibáng pangtiyák ukol sa anyông pa?

N. Mayroón pò, ng̃unì’t itó’y tang̃ìng maáarì sa mg̃a pangwatas na pumarito, pumariyán at pumaroón. Ang mg̃a pangtiyák na itó’y ang ika na tumutukoy sa kadahilanan (ó causal) at pa-an na bumabanggít sa poók (ó local). Ang ka-in ay hindî maáarì, sapagkâ’t nagtatagláy ng̃ ibáng kátuturán. Ihalimbawà natin sa pagbabaybáy ang pangwatas na parito sang-ayon sa anyông pinag-áaralan.

[209]

Ayos Panahón IKA PA-AN
Pangbadyá   Ikaparito Parituhan
Panghiwatig Kasalukuyan Ikinaparirito Pinarirituhan
Nakaraán Ikinaparito Pinarituhan
Nakaraán na Ikinaparito na Pinarituhan na
Haharapín Ikaparirito Parirituhan
Pang-utos   Ikaparito Parituhan
Pangsukob Kasalukuyan Kung ikinaparirito Kung pinarirituhan
Nakaraán Kung ikinaparito Kung pinarituhan
Haharapín Kung ikaparirito Kung parirituhan

KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG NÁBANGGÍT

G. ¿Saánsaán namán ginágamit itóng anyông pa?

N. Itóng pa ay isáng anyông malimit gamitin sa Wikàng Tagalog. Ang talagáng kátuturán niyá’y ang pag-úutos, panunuyò, pagpapabayà ó pagpapahintulot sa kanino man na náuukol sa kanyáng sarili sang-ayon sa lamán ng̃ ugát. Nang lalòng lumiwanag ay náritó ang kanyáng mg̃a kágamitán.

I.—Ginágamit ang anyông pa sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ pag-úutos na huming̃î ng̃ anó man na náuukol sa sarili ng̃ sino mang tao, hal.: sa limós ay palimós, sa kupkóp ay pakupkóp, sa ampón ay paampón, sa kain ay pakain, sa awà ay paawà, sa kandilì ay pakandilì, sa tanggól ay patanggól, sa sanggaláng ay pasanggaláng, sa saklolo ay pasaklolo, atbp.

[210]

II.—Ginágamit din ang pa sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃ pagpapabayà ó pagpapahintulot na gawín sa kanino man ang bagay na sinasabi ng̃ ugát, hal.: sa kurót ay pakurót, sa halík ay pahalík, sa sundót ay pasundót, sa hipò ay pahipò, sa kagát ay pakagát, sa tampál ay patampál, sa sikad ay pasikad, sa hampás ay pahampás, atbp.

III.—Ukol sa mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ ibá’t ibáng kilos ó galáw ay nagagawâ ring pangwatas dito sa pa, at ang kátuturá’y ang anyô ó hugis ng̃ anó man sang-ayon sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa labás ay palabás, sa pasok ay papasok, sa untî ay pauntî, sa lakí ay palakí, sa lakás ay palakás, sa hinà ay pahinâ, sa lalâ ay palalâ, sa taás ay pataás, sa babà ay pababâ, sa init ay painít, sa lamíg ay palamíg, sa hilís ay pahilís, sa likô ay palikô, atbp.

IV.—Tungkól sa mg̃a ugát na nagsasaysáy ng̃ dako ó poók at angkapán ng̃ pa ay nagigíng pangwatas din, hal.: dini, parini; dito, parito; diyán, pariyán; doón, paroón; atbp.

V.—Kung ang anyông pa ay sugpung̃án ng̃ sa, gaya na ng̃ násabi, at sundán ng̃ ibá’t ibáng ugát na nagsasaád ng̃ poók ó dako ay nagkakahulugán ng̃ pagparoón sang-ayon sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa ilog ay pasailog, sa dagat ay pasadagat, sa bukid ay pasabukid, sa gubat ay pasagubat, sa lálawigan ay pasalalawigan, sa Amérika ay pasa Amérika, sa Hapón ay pasa Hapón, atbp.

VI.—Ang anyông pa ay nagkakahulugán ng̃ magsabi ó magsaysáy ng̃ anó man sang-ayon sa kinaáangkapáng [211]ugát, hal.: sa oo ay paoo, sa ayaw ay paayaw, sa hindî ay pahindî, sa iná ay painá, atbp.

VII.—Hinggíl sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ sarìsarìng kilos ó anyô ng̃ katawán na inangkapán ng̃ pa ay nagpapakilala ng̃ gayóng anyô ó hugis sang-ayon sa kátuturán ng̃ ugát, hal.: sa lakad ay palakad, sa takbó ay patakbó, sa upô ay paupô, sa hilíg ay pahilíg, sa tayô ay patayô, sa taób ay pataób, sa higâ ay pahigâ, sa lawít ay palawít, sa yukô ay payukô, sa kubà ay pakubâ, atbp.

TALABABÂAN

[27] Ináakalà kong hindî tumpák sa mg̃a anyông ganitó ang pag-úulit ng̃ anyông pa sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín na ang ginagawâ’y napapariyán at papariyán. Kailang̃ang ulitin ang unang pantíg ng̃ ugát at hindî ng̃ anyô gaya ng̃ ginawâ sa halimbawà.

XXIII KABANATA
Ukol sa anyông “MAGPAKA”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpaka?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông magpaka ang pangwatas na may pang-angkáp na magpaka sa salitâng ugát.

G. ¿Paano ang paraán ng̃ kanyáng pagbabaybáy?

N. Gaya rin ng̃ mg̃a kaparaanáng pinairal sa mg̃a anyông tinalikdán, at ang dapat lamang matantô sa anyông itó ay ang pag-úulit ng̃ pa sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Sa pagbabaybáy ay kuning halimbawà ang mg̃a ugát na busóg at hirap na kung máangkapán ng̃ magpaka ay nagigíng pangwatas na magpakabusóg at magpakahirap.

[212]

Ayos Panahón Busóg Hirap
Pangbadyá   Magpakabusóg Magpakahirap
Panghiwatig Kasalukuyan Nagpapakabusóg Nagpapakahirap
Nakaraán Nagpakabusóg Nagpakahirap
Nakaraán na Nagpakabusóg na Nagpakahirap na
Haharapín Magpapakabusóg Magpapakahirap
Pang-utos   Magpakabusóg Magpakahirap
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagpapakabusóg Kung nagpapakahirap
Nakaraán Kung nagpakabusóg Kung nagpakahirap
Haharapín Kung magpapakabusóg Kung magpapakahirap

ANG KANYÁNG PANGTIYÁK

G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ magpaka?

N. Gaya rin ng̃ anyông magpa na may dalawáng kaparaanán: isá’y kung ang pangwatas ay magbuhat sa um at ang ikalawá’y kung magbuhat sa mag. Ang pangtiyák ng̃ magpaka sa unang paraán ay paka na nagigíng paka-in, ipaka at paka-an dahilán sa tulong ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák; sa ikalawá ay pakapag na nagigíng pakapag-in, ipakapag at pakapag-an sang-ayon sa dahiláng nábanggít. Kailang̃ang pag-úkulan ng̃ tig-isáng halimbawà ang magpakarahan at [213]ang magpakasisi na nagbuhat sa dumahan at magsisi.

NÁUUKOL SA “UM”
  PAKA-IN IPAKA PAKA-AN
Pangbadyá Pakarahanin Ipakarahan Pakarahanan
Kasalukuyan Pinakararahan Ipinakararahan Pinakararahanan
Nakaraán Pinakarahan Ipinakarahan Pinakarahanan
Nakaraán na Pinakarahan na Ipinakarahan na Pinakarahanan na
Haharapín Pakararahanin Ipakararahan Pakararahanan
Pang-utos Pakarahanin Ipakarahan Pakarahanan
Kasalukuyan Kung pinakararahan Kung ipinakararahan Kung pinakararahanan
Nakaraán Kung pinakarahan Kung ipinakarahan Kung pinakarahanan
Haharapín Kung pakararahanin Kung ipakararahan Kung pakararahanan

[214]

NÁUUKOL SA “MAG”
  PAKAPAG-IN IPAKAPAG PAKAPAG-AN
Pangbadyá Pakapagsisihin Ipakapagsisi Pakapagsisihan
Kasalukuyan Pinakapagsisisi Ipinakapagsisisi Pinakapagsisisihan
Nakaraán Pinakapagsisi Ipinakapagsisi Pinakapagsisihan
Nakaraán na Pinakapagsisi na Ipinakapagsisi na Pinakapagsisihan na
Haharapín Pakapagsisisihin Ipakapagsisisi Pakapagsisisihan
Pang-utos Pakapagsisihin Ipakapagsisi Pakapagsisihan
Kasalukuyan Kung pinakapagsisisi Kung ipinakapagsisisi Kung pinakapagsisisihan
Nakaraán Kung pinakapagsisi Kung ipinakapagsisi Kung pinakapagsisihan
Haharapín Kung pakapagsisisihin Kung ipakapagsisisi Kung pakapagsisisihan

G. ¿Mayroón pa bang ibáng pangtiyák itóng magpaka?

N. Mayroón pa pò, ng̃unì’t bihiràng gamitin sapagkâ’t kauntî ang mg̃a ugát na náuukol sa kanyá. Ang násabing pangtiyák ay pagpaka na maáarìng tulung̃an lamang ng̃ i at ng̃ an, sa makatuwíd ay nagigíng ipagpaka at pagpaka-an. Baybayín natin ang ugát na busóg na siyáng angkóp sa mg̃a pangtiyák na itó.

[215]

Ayos Panahón IPAGPAKA PAGKAPA-AN
Pangbadyá   Ipagpakabusóg Pagpakabusugán
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinagpapakabusóg Pinagpapakabusugán
Nakaraán Ipinagpakabusóg Pinagpakabusugán
Nakaraán na Ipinagpakabusóg na Pinagpakabusugán na
Haharapín Ipagpapakabusóg Pagpapakabusugán
Pang-utos   Ipagpakabusóg Pagpakabusugán
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinagpapakabusóg Kung pinagpapakabusugán
Nakaraán Kung ipinagpakabusóg Kung pinagpakabusugán
Haharapín Kung ipagpapakabusóg Kung pagpapakabusugán

KÁGAMITÁN NG̃ NÁTURANG ANYÔ

G. ¿Alínalín ang mg̃a kágamitáng sakláw nitóng magpaka?

N. Ang kanyáng sakláw sa paggamit ay itóng mg̃a sumúsunód:

I.—Ang anyông magpaka ay nagagawâng pangwatas na ang kahulugá’y ang paggawâ ó pagtitiís na kusà sa sariling kalooban ng̃ sino man sang-ayon sa kátuturáng tagláy ng̃ ugát, hal.: magpakabusóg, magpakagutom, magpakauhaw, magpakabuti, magpakagalíng, magpakatapang, magpakalakás, magpakababà, magpakataás, [216]magpakayaman, magpakahirap, magpakarukhâ, magpakabuti, magpakamatáy, magpakatiís, atbp. Dapat matantô na sa mg̃a pangwatas na itó’y náuukol ang mg̃a pangtiyák na ipagpaka at pagpaka-an.

II.—Ginágamit itóng magpaka upáng magbigáy ng̃ matindíng kahulugán sa anó mang bagay, kilos ó galáw sang-ayon sa lamán ng̃ ugát, hal.: magpakaing̃at, magpakarahan, magpakabaít, magpakaisip, magpakahusay, magpakatuwíd, magpakatandâ, atbp. Dapat ding matantô, na, dito náuukol ang mg̃a pangtiyák na paka-in, ipaka at paka-an kung sa um at pakapag-in, ipakapag at pakapag-an kung sa mag.

III.—Kung ulitin ó dalawahín ang ugát ng̃ mg̃a pangwatas na náuukol sa una at ikalawáng tuntunin ay lalòng nagbibigáy ng̃ matindíng kahulugán, hal.: magpakababàbabà, magpakabutibuti, magpakahiraphirap, magpakabusógbusóg, magpakaisipisip, magpakabaítbaít, magpakarahandahan, magpakaing̃at-ing̃at, atbp. Dapat matantông kung ang ugát ay may tatlóng pantíg ay inúulit lamang ang dalawáng una, hal.: sa dálitâ ay magpakadalidálitâ, atbp.

[217]

XXIV KABANATA
Hinggíl sa anyông “MAKÍ”

Gurò. ¿Anó ang pinamámagatáng anyông makí?

Nag-aaral. Pinamámagatáng anyông makí ang pangwatas na may pang-angkáp na makí sa salitâng ugát.

G. ¿Paano namán ang kanyáng pagbabaybáy?

N. Hindî rin naglalayô sa mg̃a kaparaanáng ginamit sa mg̃a náuná, at ang dapat matantô rito’y ang pag-úulit sa ikalawáng pantíg ng̃ anyông makí sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Gaya na ng̃ mg̃a násabi, ang pag ay dapat alalahanin kailan ma’t ang pangwatas ay nagbuhat sa mag. Sa pagbabaybáy ay kuning halimbawà ang mg̃a ugát na tulog at usap na sang-ayon sa anyông itó ay nagigíng pangwatas na makitulog at makipag-usap.

Ayos Panahón Tulog Usap
Pangbadyá   Makitulog Makipag-usap
Panghiwatig Kasalukuyan Nakikitulog Nakikipag-usap
Nakaraán Nakitulog Nakipag-usap
Nakaraán na Nakitulog na Nakipag-usap na
Haharapín Makikitulog Makikipag-usap
Pang-utos   Makitulog Makipag-usap
Pangsukob Kasalukuyan Kung nakikitulog Kung nakikipag-usap
Nakaraán Kung nakitulog Kung nakipag-usap
Haharapín Kung makikitulog Kung makikipag-usap

[218]

ANG KANYÁNG PANGTIYÁK

G. ¿Alín ang pangtiyák na nátutugmâ sa makí?

N. Ang katugmâng pangtiyák ng̃ anyông itó ay pakí. Sa pagtulong ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák ay tinatanggáp lamang ang i at ang an at ang in ay hindî, kayâ’t nagigíng ipakí at paki-an. Náritó ang mg̃a halimbawàng ang isá’y náuukol sa um at ang ikalawá’y sa mag.

NÁUUKOL SA “UM”
Ayos Panahón IPAKÍ PAKI-AN
Pangbadyá   Ipakitulong Pakitulung̃an
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinakikitulong Pinakikitulung̃an
Nakaraán Ipinakitulong Pinakitulung̃an
Nakaraán na Ipinakitulong na Pinakitulung̃an na
Haharapín Ipakikitulong Pakikitulung̃an
Pang-utos   Ipakitulong Pakitulung̃an
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinakikitulong Kung pinakikitulung̃an
Nakaraán Kung ipinakitulong Kung pinakitulung̃an
Haharapín Kung ipakikitulong Kung pakikitulung̃an

[219]

NÁUUKOL SA “MAG”
Ayos Panahón IPAKIPAG PAKIPAG-AN
Pangbadyá   Ipakipag-usap Pakipag-usapan
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinakikipag-usap Pinakikipag-usapan
Nakaraán Ipinakipag-usap Pinakipag-usapan
Nakaraán na Ipinakipag-usap na Pinakipag-usapan na
Haharapín Ipakikipag-usap Pakikipag-usapan
Pang-utos   Ipakipag-usap Pakipag-usapan
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinakikipag-usap Kung pinakikipag-usapan
Nakaraán Kung ipinakipag-usap Kung pinakipag-usapan
Haharapín Kung ipakikipag-usap Kung pakikipag-usapan

KÁGAMITÁN NG̃ NÁSABING ANYÔ

G. ¿Alínalín ang mg̃a kágamitán ng̃ anyông makí?

N. Ang mg̃a tuntunin niyá sa paggamit ay itóng mg̃a sumúsunód:

I.—Sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ pakikisama ng̃ isá sa isá, hal.: sa sama ay makisama, sa sakáy ay makisakáy, sa sunò ay makisunò, sa salo ay makisalo, sa sabáy ay makisabáy.

II.—Sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ pakikiramay ng̃ isá sa ibá, sang-ayon sa lamán ng̃ ugát, [220]hal.: sa tuwâ ay makituwâ, sa lungkót ay makilungkót, sa damay ay makiramay, sa pighatî ay makipagpighatî, sa tang̃is ay makitang̃is, sa luhà ay makiluhà, atbp.

III.—Sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃ mg̃a kilos ó galáw ng̃ kamáy ó ng̃ bibíg ng̃ isá sa isá alinsunod sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa larô ay makipaglarô, sa away ay makipag-away, sa bunô ay makipagbunô, sa usap ay makiusap ó makipag-usap, sa kamáy ay makikamáy ó makipagkamáy, sa yakap ay makiyakap ó makipagyakap, sa talo ay makipagtalo, sa panayám ay makipanayám, atbp.

IV.—Naipangwawatas din ang makí na sinugpung̃án ng̃ an ó han at nagkakahulugán ng̃ mg̃a gawâng kinusà sa sarili sang-ayon sa ugát, hal.: sa birò ay makipagbirùan, sa sagót ay makipagsagutan, sa salitâ ay makipagsalitâan, sa taním ay makipagtaniman, atbp.

V.—Kung iáangkáp ang anyông makí sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ bayan, lahì, ugalì, hilig, lagáy, urì, atbp. ay nagkakáhulugan ng̃ pakikitulad ó pakikiayos, hal.: makíamerikano, makikastilà, makíintsík, makitao, makihayop, makílalaki, makibabae, makipusà, makiunggóy, makiahas, atbp.

VI.—Kung iáangkáp ang makí sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ mg̃a karaniwang gamitin sa pamumuhay ng̃ tao ay nagkakahulugán ng̃ paghing̃î ng̃ kauntî ng̃ anó man sang-ayon sa ugát na tagláy, hal.: sa apóy ay makiapóy (makisindí), sa asín ay makiasín, sa alak ay makialak, sa higop ay makihigop, sa hing̃î ay makihing̃î, sa sawsáw ay makisawsáw, sa ng̃ang̃à ay making̃ang̃à, atbp.

[221]

XXV KABANATA
Tungkól sa anyông “MAGKÁ”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông magká?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông magká ang pangwatas na may pang-angkáp na magká sa salitâng ugát.

G. ¿Alín ang dapat kásaligán sa kanyáng pagbabaybáy?

N. Dapat niyáng kásaligán ang hugis ó paraán sa pagbabaybáy na ginawâ sa anyông maká, na, ang ikinaíibá nitó’y walâng g at yaó’y mayroón. Baybayín natin ang mg̃a ugát na sala at utang na nagigíng pangwatas kung máangkapán ng̃ magká.

Ayos Panahón Sala Utang
Pangbadyá   Magkasala Magkautang
Panghiwatig Kasalukuyan Nagkakasala Nagkakautang
Nakaraán Nagkasala Nagkautang
Nakaraán na Nagkasala na Nagkautang na
Haharapín Magkakasala Magkakautang
Pang-utos   Magkasala Magkautang
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagkakasala Kung nagkakautang
Nakaraán Kung nagkasala Kung nagkautang
Haharapín Kung magkakasala Kung magkakautang

[222]

ANG KANYÁNG PANGTIYÁK

G. ¿Alín ang katugmâng pangtiyák ng̃ magká?

N. Ang katugmâ nitó, gaya ng̃ mg̃a anyông pangbalak na nagpapásimulâ sa m ay pagká. Sa tulong ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák, itóng pagká ay nagigíng pagka-in, ipagka at pagka-an. Ng̃unì’t hindî tinatanggáp itóng pagka-in kundî ang dalawáng náhuhulí: ang ipagka at pagka-an. Ilagáy natin sa pangtiyák ang pangwatas na magkasala na binaybáy sa pangbalak.

Ayos Panahón IPAGKA PAGKA-AN
Pangbadyá   Ipagkasala Pagkasalahan
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinagkakasala Pinagkakasalahan
Nakaraán Ipinagkasala Pinagkasalahan
Nakaraán na Ipinagkasala na Pinagkasalahan na
Haharapín Ipagkakasala Pagkakasalahan
Pang-utos   Ipagkasala Pagkasalahan
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinagkakasala Kung pinagkakasalahan
Nakaraán Kung ipinagkasala Kung pinagkasalahan
Haharapín Kung ipagkakasala Kung pagkakasalahan

[223]

KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG NÁBANGGÍT

G. ¿Saánsaán ginágamit ang anyông magká?

N. Ang talagáng kahulugán ng̃ magká kung máangkáp sa ugát ay magkaroón ng̃ anó man sang-ayon sa ugát na tagláy. Nang lalòng maliwanagan ang bagay na itó ay kailang̃ang ilagdâ ang mg̃a ganitóng tuntunin:

I.—Ang mg̃a ugát na náuukol sa mg̃a sakít ng̃ katawán ng̃ tao na máangkapán ng̃ magká ay nagkakahulugán ng̃ pagkakaroón ng̃ anó man na dati’y walâ alinsunod sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa sakít ay magkasakít, sa sipón ay magkasipón, sa mutà ay magkamutà, sa galís ay magkagalís, sa lagnát ay magkalagnát, sa pigsá ay magkapigsá, atbp.

II.—Nagkakahulugán din ng̃ pagkakaroón na dati’y walâ kung siyá’y iangkáp sa mg̃a ugát na tumutukoy sa mg̃a kapalaran ng̃ tao, hal.: sa palad ay magkapalad, sa anák ay magkaanák, sa pilak ay magkapilak, sa lupà ay magkalupà, sa gintô ay magkagintô, sa bahay ay magkabahay, sa tungkól ay magkatungkól, atbp.

III.—Gayón ding kahulugán ang mátatamó kung angkáp sa mg̃a ugát na bumabanggít sa sarìsarìng sangkáp ó pag-áarì ng̃ tao ó sa anó mang bagay, hal.: sa tubig ay magkatubig, sa apóy ay magkaapóy, sa kahoy ay magkakahoy, sa lang̃ís ay magkalang̃ís, sa tabò ay magkatabò, sa bung̃a ay magkabung̃a, sa hayop ay magkahayop, atbp.

IV.—Ang mg̃a ugát na náuukol sa ibá’t ibáng kasakunâang nangyayari sa bayan ó sa mg̃a tao ay [224]magagawâ ring pangwatas sa magká, na, ang kahulugá’y ang pagkakaroón ng̃ anó man na dati’y walâ sang-ayon sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa gutom ay magkagutom, sa guló ay magkaguló, sa bagyó ay magkabagyó, sa salot ay magkasalot, sa digmâ ay magkadigmâ, sa lindól ay magkalindól, atbp.

V.—Ang mg̃a ugát namáng nagbabadyá ng̃ mg̃a kasiràán ng̃ anó man na inúulit ang násabing ugát at angkapán ng̃ magká ay nagtatagláy ng̃ matindíng kahulugán, hal.: magkagibâgibâ, magkabuwálbuwál, magkaguhôguhò, magkabutásbutás, magkapunítpunít, magkasirâsirâ, magkawindángwindáng, magkalanságlanság, atbp.

VI.—Sa mg̃a pagkakátaóng pangyayari ay binabaybáy rin sa anyông magká, hal.: magkatipon, magkasalubong, magkapanayám, magkatamà, magkasama, magkaaway, magkaguló.

VII.—Kung angkapán ng̃ magká ang ugát at sugpung̃án ng̃ an ó han ay nagkakahulugán din ng̃ mg̃a pangyayaring hindî kinukusà, hal.: magkatakbuhan, magkasuntukan, magkasikarán, magkahagarán, magkamatayán, magkadaganán, atbp.

XXVI KABANATA
Ukol sa anyông “MAGÍNG”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông magíng?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông magíng ang pangwatas na may pang-angkáp na magíng sa salitâng ugát.

[225]

G. ¿Paano ang mg̃a paraán ng̃ kanyáng pagbabaybáy?

N. Ang mg̃a kaparaanán ng̃ pagbabaybáy sa magíng ay katulad din ng̃ sa mg̃a ibáng anyô. Dapat maalalang sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín ay kailang̃ang ulitin ang unang dalawáng titik ng̃ hulíng pantíg ng̃ náturang anyô. Ihalimbawà natin ang mg̃a ugát na sukà at alak na kung angkapán kapwà ng̃ magíng ay nagigíng mg̃a pangwatas.

Ayos Panahón Sukà Alak
Pangbadyá   Magíng sukà[28] Magíng alak
Panghiwatig Kasalukuyan Nagigíng sukà Nagigíng alak
Nakaraán Nagíng sukà Nagíng alak
Nakaraán na Nagíng sukà na Nagíng alak na
Haharapín Magigíng sukà Magigíng alak
Pang-utos   Magíng sukà Magíng alak
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagigíng sukà Kung nagigíng alak
Nakaraán Kung nagíng sukà Kung nagíng alak
Haharapín Kung magigíng sukà Kung magigíng alak

G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ anyông magíng?

N. Ang katugmâ nitóng anyông itó ay pagíng. Sa mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák ay isá lamang ang tinatanggáp: ang i na nagigíng ipagíng. Baybayín natin dito ang pangwatas na magíng sukà.

[226]

Ayos Panahón IPAGÍNG
Pangbadyá   Ipagíng alak
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinagigíng alak
Nakaraán Ipinagíng alak
Nakaraán na Ipinagíng alak na
Haharapín Ipagigíng alak
Pang-utos   Ipagíng alak
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinagigíng alak
Nakaraán Kung ipinagíng alak
Haharapín Kung ipagigíng alak

G. ¿May ibá pa bagáng pangtiyák itóng magíng?

N. Mayroón pa pò: ang ika na nagsusulit ng̃ dahilán (ó motivo) at pa-in na nagbabadyá ng̃ pag-úutos, na kung iangkáp sa pagíng ay nagigíng ikapagíng at papagíng-in. Baybayín namán natin dito ang pangwatas na magíng alak.

  IKAPAGÍNG PAPAGÍNG-IN
Pangbadyá Ikapagíng alak Papagíng alakin
Kasalukuyan Ikinapagigíng alak Pinapagigíng alak
Nakaraán Ikinapagíng alak Pinapagíng alak
Nakaraán na Ikinapagíng alak na Pinapagíng alak na
Haharapín Ikapagigíng alak Papagigíng alakin
Pang-utos Ikapagíng alak Papagíng alakin
Kasalukuyan Kung ikinapagigíng alak Kung pinapagigíng alak
Nakaraán Kung ikinapagíng alak Kung pinapagíng alak
Haharapín Kung ikapagigíng alak Kung papagigíng alakin

[227]

G. ¿Alín ang kágamitán ng̃ anyông magíng?

N. Ginágamit siyá sa mg̃a tuntuning sumúsunód:

I.—Anó mang ugát ay magagawâng pangwatas sa magíng na ang kahulugá’y ang pagkakabago ó pagigíng anó man ng̃ isáng bagay, hal.: magíng sukà, magíng alak, magíng kahoy, magíng tao, magíng hayop, magíng banál, magíng dukhâ, magíng manók, atbp.

II.—Ginágamit din ang magíng sa ibá’t ibáng pang̃ung̃usap at nagkakaroón namán ng̃ ibá’t ibáng kahulugán, hal.: magíng akin, magíng iyó, magíng totoó, magíng kabulàanan, ¿magigíng ilán? at ibá’t ibá pa.

TALABABÂAN

[28] Dapat matantô na itóng magíng at ang kaniyáng sakláw ay sinising̃itan ng̃ ng̃a na nagigíng mang̃agíng, nang̃agigíng, at ibá pa, kailan ma’t tumutukoy sa bilang na dalawá ó marami.

XXVII KABANATA
Hinggíl sa anyông “MAGSÍ”

Gurò. ¿Anó ang pinamámagatáng anyông magsí?

Nag-aaral. Pinamámagatáng anyông magsí ang pangwatas na may pang-angkáp na magsí sa salitâng ugát.

G. ¿Alín ang tuntunin ng̃ kanyáng pagbabaybáy?

N. Ang mg̃a tuntunin nitóng magsí ay katulad din ng̃ sa magíng na inúulit ang hulíng pantíg ng̃ anyô sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Ang dapat lamang maalala sa anyông itó ay ang pangwatas na nagbuhat sa um at ang sa mag. Kung náuukol sa una ay magsí lamang at sa hulí’y magsipag. Baybayín natin ang mg̃a pangwatas na tumang̃is at mag-aral sa anyông itóng magsí at magsipag.

[228]

  Nagbuhat sa “UM” Nagbuhat sa “MAG”
Pangbadyá Magsitang̃is[29] Magsipag-aral
Kasalukuyan Nagsisitang̃is Nagsisipag-aral
Nakaraán Nagsitang̃is Nagsipag-aral
Nakaraán na Nagsitang̃is na Nagsipag-aral na
Haharapín Magsisitang̃is Magsisipag-aral
Pang-utos Magsitang̃is Magsipag-aral
Kasalukuyan Kung nagsisitang̃is Kung nagsisipag-aral
Nakaraán Kung nagsitang̃is Kung nagsipag-aral
Haharapín Kung magsisitang̃is Kung magsisipag-aral

G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ anyông magsí?

N. Ang pangtiyák na náuukol sa kanyá’y ang pagsí. Itó’y maáarì lamang tulung̃an ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông i at an na nagigíng ipagsí at pagsi-an. Baybayín natin sa mg̃a náturang pangtiyák ang pangwatas na magsitang̃is.

  Ipagsí Pagsi-an
Pangbadyá Ipagsitang̃is Pagsitang̃isan
Kasalukuyan Ipinagsisitang̃is Pinagsisitang̃isan
Nakaraán Ipinagsitang̃is Pinagsitang̃isan
Nakaraán na Ipinagsitang̃is na Pinagsitang̃isan na
Haharapín Ipagsisitang̃is Pagsisitang̃isan
Pang-utos Ipagsitang̃is Pagsitang̃isan
Kasalukuyan Kung ipinagsisitang̃is Kung pinagsisitang̃isan
Nakaraán Kung ipinagsitang̃is Kung pinagsitang̃isan
Haharapín Kung ipagsisitang̃is Kung pagsisitang̃isan

[229]

G. ¿Alín ang talagáng kahulugán ng̃ náturang anyô?

N. Ang tunay na kahulugán ng̃ magsí ay tumutukoy sa karamihan ó sa lahát na siyáng gumagawâ ó nagtitiís ng̃ anó man sang-ayon sa lamáng tagláy ng̃ ugát, hal.: magsitang̃is, magsitawa, magsigawâ, magsilakad, magsitakbó, magsitulóy, magsipanhík, magsipasok, magsisulat, magsibasa, magsilabás, magsipanóod, magsiahon, magsipagsimbá, magsipaglutò, magsipagtaním, magsipagpasiál, magsipag-aral, magsipagsaing, magsipaglathalà, atbp.

TALABABÂAN

[29] Nangyayari kung minsan na itóng magsí at magsipag ay sinising̃itan ng̃ ng̃a, na, sa madalìáng sabi ay nagigíng mang̃agsí at mang̃agsipag, gaya ng̃ mang̃agsitang̃is at mang̃agsipag-aral. Ang kahulugán nitó’y hindî lubhâng naiibá sa mg̃a yaón, baga ma’t itó’y nagbabadyá ng̃ lalòng karamihan.

XXVIII KABANATA
Tungkól sa anyông “MAGPATÍ”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpatí?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông magpatí ang pangwatas na may pang-angkáp na magpatí sa salitâng ugát.

G. ¿Alín ang mg̃a panutong sinúsunód sa kanyáng pagbabaybáy?

N. Ang panuto nitóng magpatí ay dapat isunód sa magpaka na inúulit ang hulíng pantíg sa náturang anyô sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Sa pagbabaybáy ay ihalimbawà natin ang mg̃a ugát na luhód at higâ na kung angkapán ng̃ magpatí ay kapuwà nagigíng pangwatas.

[230]

  Luhód Higâ
Pangbadyá Magpatiluhód Magpatihigâ
Kasalukuyan Nagpapatiluhód Nagpapatihigâ
Nakaraán Nagpatiluhód Nagpatihigâ
Nakaraán na Nagpatiluhód na Nagpatihigâ na
Haharapín Magpapatiluhód Magpapatihigâ
Pang-utos Magpatiluhód Magpatihigâ
Kasalukuyan Kung nagpapatiluhód Kung nagpapatihigâ
Nakaraán Kung nagpatiluhód Kung nagpatihigâ
Haharapín Kung magpapatiluhód Kung magpapatihigâ

G. ¿Alín ang katugmâng pangtiyák ng̃ magpatí?

N. Ang katugmâ nitó ay pagpatí. Tinatanggáp niyá sa pagtulong ang ika na nagbabadyá ng̃ bagay ó dahilán at an na nagsusulit namán ng̃ poók ó dako; anó pa’t sa katagâng sabi ang pangtiyák ng̃ magpatí ay ikapagpatí at pagpati-an. Baybayín natin sa dalawáng itó ang pangwatas na magpatiluhód.

  IKAPAGPATÍ PAGPATI-AN
Pangbadyá Ikapagpatiluhód Pagpatiluhurán
Kasalukuyan Ikinapagpapatiluhód Pinagpapatiluhurán
Nakaraán Ikinapagpatiluhód Pinagpatiluhurán
Nakaraán na Ikinapagpatiluhód na Pinagpatiluhurán na
Haharapín Ikapagpapatiluhód Pagpapatiluhurán
Pang-utos Ikapagpatiluhód Pagpatiluhurán
Kasalukuyan Kung ikinapagpapatiluhód Kung pinagpapatiluhurán
Nakaraán Kung ikinapagpatiluhód Kung pinagpatiluhurán
Haharapín Kung ikapagpapatiluhód Kung pagpapatiluhurán

[231]

G. ¿Saán ginágamit ang anyông magpatí?

N. Ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ sarìsarìng anyô ó kilos ng̃ katawán na binabaybáy sa um ó sa mag, ay binabaybáy rin dito sa magpatí na ang kahulugán nitó’y umayos ó umanyô sa biglâáng gawâ ó kilos ng̃ anó man sang-ayon sa kátuturáng tagláy ng̃ ugát, hal.: magpatiluhód, magpatirapâ, magpatihulóg, magpatihigâ, magpatisubsób, magpatilagpák, magpatiupô, magpatihapay, magpatidulás, magpatiluklók, atbp.

Kung sa magpatí ay alisín ang g, at ang nátitiráng mapatí ay iangkáp sa mg̃a náturang kilos ng̃ katawán ay nagkakahulugán ng̃ gawâ, ayos ó galáw na hindî kinukusà alinsunod sa ugát na tagláy, hal.: mapatiluhód, mapatirapâ, mapatiupô, mapatisubsób, mapatihigâ, mapatihulóg, mapatihapáy, mapatitumbá, atbp. Dapat namáng mabatíd na kahì’t walâng ti ang magpatí kundî magpa lamang ay nagtatagláy rin ng̃ gayóng kahulugán kung iangkáp sa mg̃a násabing ugát, hal.: mapaluhód, maparapâ, mapaupô, mapasubsôb, mapahigâ, mapahulog, atbp.

XXIX KABANATA
Ukol sa anyông “MANGHÍ”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông manghí?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông manghí ang pangwatas na may pang-angkáp na manghí sa salitâng ugát.

G. ¿Nagkakaroón ba ng̃ mg̃a kabaguhan itóng manghí?

[232]

N. Nagkakaroón pò kailan ma’t iniáangkáp sa mg̃a ugát, at ang tuntunin ng̃ kanyáng pagkakabagobago ay dapat ialinsunod sa anyông mang gaya sa kukó ay manghing̃ukó, sa ting̃á ay manghining̃á.

G. ¿Paano ang paraán ng̃ kanyáng pagbabaybáy?

N. Gaya rin ng̃ mg̃a natapos ay inúulit ang hulíng pantíg ng̃ anyô sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Kunin nating halimbawà ang binanggít na kukó at ting̃á.

  Kukó Ting̃á
Pangbadyá Manghing̃ukó Manghining̃á
Kasalukuyan Nanghihing̃ukó Nanghihining̃á
Nakaraán Nanghing̃ukó Nanghining̃á
Nakaraán na Nanghing̃ukó na Nanghining̃á na
Haharapín Manghihing̃ukó Manghihining̃á
Pang-utos Manghing̃ukó Manghining̃á
Kasalukuyan Kung nanghihing̃ukó Kung nanghihining̃á
Nakaraán Kung nanghing̃ukó Kung nanghining̃á
Haharapín Kung manghihing̃ukó Kung manghihining̃á

G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ manghí?

N. Ang katugmâ nitóng pangtiyák ay panghí. Tumutukoy dito ang i at ang an na nagigíng ipanghí at panghi-an. Ang anyông in ay maáarì ring tumulong kung minsan baga ma’t kauntî ang sakláw niyáng mg̃a ugát. Sa pagbabaybáy nitóng pangtiyák ay kunin nating halimbawà ang pangwatas na manghing̃ukó.

[233]

  IPANGHÍ PANGHI-AN PANGHI-IN
Pangbadyá Ipanghing̃ukó Panghing̃ukuhán Panghing̃ukuhín
Kasalukuyan Ipinanghihing̃ukó Pinanghihing̃ukuhán Pinanghihing̃ukó
Nakaraán Ipinanghing̃ukó Pinanghing̃ukuhán Pinanghing̃ukó
Nakaraán na Ipinanghing̃ukó na Pinanghing̃ukuhán na Pinanghing̃ukó na
Haharapín Ipanghihing̃ukó Panghihing̃ukuhán Panghihing̃ukuhín
Pang-utos Ipanghing̃ukó Panghing̃ukuhán Panghing̃ukuhín
Kasalukuyan Kung ipinanghihing̃ukó Kung pinanghihing̃ukuhán Kung pinanghihing̃ukó
Nakaraán Kung ipinanghing̃ukó Kung pinanghing̃ukuhán Kung pinanghing̃ukó
Haharapín Kung ipanghihing̃ukó Kung panghihing̃ukuhán Kung panghihing̃ukuhín

G. ¿Alínalín ang kanyáng mg̃a kágamitán?

N. Ginágamit ang manghí sa mg̃a ugát na tumutukoy sa iláng mg̃a dumí ng̃ katawán ó sa iláng mg̃a hayuphayupan na nagkakahulugán ng̃ paglilinis, hal.: sa kukó ay manghing̃ukó, sa ting̃á ay manghining̃á, sa kuto ay manghing̃uto, sa tuma ay manghinuma, sa mutà ay manghimutà, sa tutulí[30] ay manghinulí, atbp.

Ginágamit din ang manghí sa iláng mg̃a ugát na bumabanggít sa mg̃a bagay na maáarìng pulutin, [234]kunin, pilìin, hanapin, atbp., hal.: sa palay ay manghimalay, sa pulot ay manghimulot, sa puti ay manghimuti, sa tabas ay manghinabas, atbp.

Ginágamit pa rin ang manghí sa iláng ugát na tumutumbók sa ibá’t ibáng bagay, gaya sa sawà ay manghinawà, sa sayang ay manghinayang.

TALABABÂAN

[30] Ang ugát na itó’y náwawalâ ang unang pantíg kung iangkáp sa manghí.

XXX KABANATA
Hinggíl sa anyông “MAGKÁNG”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông magkáng?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông magkáng ang pangwatas na may pang-angkáp na magkáng sa salitâng ugát.

G. ¿Paano namán ang paraán ng̃ kanyáng pagbabaybáy?

N. Ang kaibhán nitóng magkáng sa ibáng mg̃a anyô ay inúulit ang unang pantíg ng̃ ugát sa lahát ng̃ panahón, bukód pa ang pag-úulit sa unang dalawáng titik ng̃ hulíng pantíg ng̃ náturang anyô sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Sa pagbabaybáy nitó ay kunin nating halimbawà ang mg̃a ugát na pawis at ihì na kung angkapán ng̃ magkáng ay nang̃agigíng pangwatas.

[235]

  Pawis Ihì
Pangbadyá Magkangpapawis Magkangíihì
Kasalukuyan Nagkakangpapawis Nagkakangíihì
Nakaraán Nagkangpapawis Nagkangíihì
Nakaraán na Nagkangpapawis na Nagkangíihì na
Haharapín Magkakangpapawis Magkakangíihì
Pang-utos Magkangpapawis Magkangíihì
Kasalukuyan Kung nagkakangpapawis Kung nagkakangíihì
Nakaraán Kung nagkangpapawis Kung nagkangíihì
Haharapín Kung magkakangpapawis Kung magkakangíihì

G. ¿Alín ang katugmâng pangtiyák ng̃ magkáng?

N. Ang katugmâ nitóng anyông itó ay pagkáng. Itó’y tinutulung̃an ng̃ i at ng̃ an na nagigíng ipagkáng at pagkáng-an. Sa pagbabaybáy ay kunin nating halimbawà ang pangwatas na magkangpapawis.

  IPAGKÁNG PAGKÁNG-AN
Pangbadyá Ipagkangpapawis Pagkangpapawisan
Kasalukuyan Ipinagkakangpapawis Pinagkakangpapawisan
Nakaraán Ipinagkangpapawis Pinagkangpapawisan
Nakaraán na Ipinagkangpapawis na Pinagkangpapawisan na
Haharapín Ipagkakangpapawis Pagkakangpapawisan
Pang-utos Ipagkangpapawis Pagkangpapawisan
Kasalukuyan Kung ipinagkakangpapawis Kung pinagkakangpapawisan
Nakaraán Kung ipinagkangpapawis Kung pinagkangpapawisan
Haharapín Kung ipagkakangpapawis Kung pagkakangpapawisan

[236]

G. ¿Saán ginágamit ang anyông magkáng?

N. Ginágamit ang magkáng sa mg̃a ugát na tumutukoy sa mg̃a bagay na lumalabás sa katawán ng̃ tao ó sa mg̃a anyô nitó na hindî kinukusà kundî pagkakátaón ó pagkapilit, hal.: magkangpapawis, magkangluluhà, magkangdudugô, magkangíihì, magkangtatae, magkangtatawa, magkanggagalit, magkanghihiyâ, magkangpuputot, atbp. Bukód dito ay ginágamit din sa ibáng bagay, gaya ng̃ magkangtutuyô, magkanghuhulog, magkangsasakít, magkanglilihís, magkanghuhubád, magkanglalabis, atbp.

XXXI KABANATA
Tungkól sa anyông “MAGSA”

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na anyông magsa?

Nag-aaral. Tinátawag na anyông magsa ang pangwatas na may pang-angkáp na magsa sa salitâng ugát.

G. ¿Paano ang kanyáng paraán sa pagbabaybáy?

N. Gaya rin ng̃ mg̃a anyông nagdaán, na inúulit ang hulíng pantíg ng̃ anyông ibig baybayín sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Ihalimbawà natin sa pagbabaybáy ang ugát na tagalog na nagigíng pangwatas kung angkapán ng̃ magsa.

[237]

Ayos Panahón Tagalog
Pangbadyá   Magsatagalog
Panghiwatig Kasalukuyan Nagsasatagalog
Nakaraán Nagsatagalog
Nakaraán na Nagsatagalog na
Haharapín Magsasatagalog
Pang-utos   Magsatagalog
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagsasatagalog
Nakaraán Kung nagsatagalog
Haharapín Kung magsasatagalog

G. ¿Alín ang pangtiyák nitóng magsa?

N. Ang talagáng katugmâ nitó’y pagsa sana, ng̃unì’t itó’y hindî angkáp na gamitin. Dapat lamang gamitin ang sa na tinutulung̃an ng̃ in at ng̃ i na nagigíng sa-in at ísa. Dapat lamang mabatíd na ang mg̃a pangtiyák na itó’y tang̃ìng magagamit kailan ma’t ang kahulugán ng̃ pangwatas ay náuukol sa pagsasalin ng̃ isáng wikà sa isáng kapwà wikà. Baybayín natin ang pangwatas na magsakastilà.

  SA-IN ÍSA
Pangbadyá Sakastilàin[31] Isakastilà
Kasalukuyan Sinasakastilà Isinasakastilà
Nakaraán Sinakastilà Isinakastilà
Nakaraán na Sinakastilà na Isinakastilà na
Haharapín Sasakastilàin Isasakastilà
Pang-utos Sakastilàin Isakastilà
Kasalukuyan Kung sinasakastilà Kung isinasakastilà
Nakaraán Kung sinakastilà Kung isinakastilà
Haharapín Kung sasakastilàin Kung isasakastilà

[238]

G. ¿Saán ginágamit itóng anyông magsa?

N. Kung iangkáp sa mg̃a ugát na anó man ay nagkakahulugán ng̃ pagparis ó pagtulad sa mg̃a gawî, kilos, ugalì, pananamít, atbp., hal.: magsaamerikano, magsakastilà, magsainglés, magsaintsík, magsabisayà, magsailokano, magsapusà, magsakahoy, magsabanal, atbp.

Kung iangkáp sa mg̃a ng̃alan ng̃ ibá’t ibáng wikà sa Sangsinukob ay nagkakahulugán namán ng̃ pagsasalin ng̃ isá sa isá, hal.: magsakastilà, magsatagalog, magsainglés, magsabisayà, magsailokano, magsaalemán, magsaintsík, magsakapangpang̃an, atbp.

TALABABÂAN

[31] Lalòng malimit gamitin sa ganitóng bagay ang in lamang na walâng sa, sa makatuwíd bagá’y nagigíng kastilàin, kinakastilà, kakastilàin, atbp.

XXXII KABANATA
Salitâng Pangbago (ó Adverbio)

Gurò. ¿Anó ang kátuturán ng̃ salitâng pangbago?

Nag-aaral. Ang pangbago ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán na siyáng malimit na isinásama sa pangwatas, ó sa ibá pang pang̃ung̃usap na sakláw ng̃ kaisipán upáng bumago sa kanyáng tagláy na kahulugán; gaya ng̃: lumakad ka ng̃ MARAHAN, bumasa kayó ng̃ MADALÎ, tumakbó siyá ng̃ MATULIN; mg̃a pagbabadyáng ang mg̃a pangbagong marahan, madalî, matulin ay siyáng bumabago sa mg̃a pangwatas na lumakad, bumasa at tumakbó.

G. ¿Alín pang mg̃a salitâ ang maáarìng samahán ng̃ pangbago?

N. Bukód pa sa pangwatas ay maáarì ring sumama ang pangbago sa pangturing (ó adjetivo), sa kapuwà pangbago at kung minsa’y sa pangdiwà (ó sustantivo); [239]hal.: totoóng PANG̃IT, lubhâng MALAYÒ, labis na KAGANDAHAN.

G. ¿Alín ang kaibhán ng̃ pangbago sa pangturing?

N. Ang pangbago ay naiibá sa pangturing dahil sa itó’y lagìng kasakasama ng̃ pangdiwà at yaó’y kaakibat na madalás ng̃ pangwatas. Marami ng̃âng salitâng pangturing ang ginágamit din sa pangbago, ng̃unì’t itó’y nagkakahulugán ng̃ mg̃a bagay na hindî tiyák, at lagìng na sa bilang na íisá, mg̃a bagay ó dahiláng malinaw na makikilala sa lamán ng̃ pang̃ung̃usap ó ng̃ kaisipán. Ang bagay na itó’y lalòng maliliwanagan sa pamamagitan ng̃ isáng halimbawà. Kung sabihing ang TUBIG ay MALINAW, at itóng TAO ay MABUTI ay hindî mapag-áalinlang̃anang ang mg̃a salitâng malinaw at mabuti ay kapuwà pangturing na kinasasamahan ng̃ mg̃a pangdiwàng tubig at tao. Ng̃unì’t kung sabihin namáng MANG̃USAP kang MALINAW, at SUMULAT siyáng MABUTI, ang mg̃a salitâ ritong malinaw at mabuti ay mg̃a pangbago at hindî mg̃a pangturing, sapagkâ’t ang kaniláng kinasasangkapán ay mg̃a pangwatas na mang̃usap at sumulat.

G. ¿May iláng urì ang mg̃a salitâng pangbago?

N. May dalawá katulad ng̃ salitâng pangturing: dalisaysimple) at mayhalòcompuesto). Gaya nang ipinaliwanag, dalisay ay ang ugát na walâng sangkáp, gaya ng̃ dito, diyán, doón, labis, lubhâ, lalò, oo, hindî, totoó, atbp.; at mayhalò ay ang ugát na may sangkáp, na itó’y mangyayari sa pag-áangkáp ng̃ ma, gaya ng̃ matulin, marahan, malinaw, mabuti, masamâ, madalî, malimit, malayò, madalang, marami, atbp.

[240]

G. ¿Ang mg̃a pangbago ay maáarì rin bang gawíng salitâng pangtaás (ó superlativo) at pangbawas (ó diminutivo)?

N. Maáarì rin pò; ang pagbubuô sa pangtaás ay inúulit ang buông salitâng pangbago, gaya ng̃ mabuting mabuti, masamâng masamâ, malinaw na malinaw, mahusay na mahusay, atbp.; ang sa pangbawas ay inúulit lamang ang unang dalawáng pantíg ng̃ salitâ kung itó’y may tatló, at kung may dalawá ay inúulit namáng buô, gaya ng̃ maminsanminsan, manakanaka, mámayámayâ, mabutibuti, maigiigi, inótinót, untîuntî, dahandahan, atbp.

SA IBÁ’T IBÁNG BAHAGI NG̃ PANGBAGO

G. Hinggíl sa ibá’t ibáng kahulugán nitóng pangbago, ¿sa paano dapat hatìin upáng magkabukódbukód?

N. Dapat bahagiin sa mg̃a ganitóng kátawagán: pangbago sa panahóntiempo), sa poóklugar), sa ayosmodo), sa sukatcantidad), sa tuladcomparación), sa hanáyorden), sa pagpapatotoóafirmación), sa pagkakailânegación) at sa álinlang̃anduda).

G. ¿Alínalín ang sakláw ng̃ kaníkanyáng bahagi?

N. Ang mg̃a pang̃ulong sakláw ng̃ bawà’t kátawagán ay itóng mg̃a sumúsunód:

Sa PANAHÓN, gaya ng̃ ng̃ayón, bukas, kahapon, kamakalawá, kamakailan, kanina, muna, bago, mámayâ, sakâ, hulí, tanghalì, maaga, kagabí, tuwî, tuwî na, kailan man, samantalà, atbp.

Sa POÓK, gaya ng̃ dito, dini, diyán, doón, malapit, [241]malayò, saán, sa loób, sa labás, sa haráp, sa likód, sa itaás, sa ibabâ, sa ibabaw, sa ilalim, sa tapát, sa gitnâ, sa siping, sa tabí, sa pag-itan, sa piling, sa kabilâ, saán man, atbp.

Sa AYOS, gaya ng̃ ganitó, ganirí, ganoón ó gayón, ganyán, gaya, para, mabuti, masamâ, tikís, sadyâ, kusà, kaginságinsá, biglâ, agád, kagyát, bukód ó tang̃ì, akbáy, agapay, sabáy, pagdaka, liban, lamang, bahagyâ, halos, ayon, alinsunod, baligtád, tiwarík, atbp.

Sa SUKAT, gaya ng̃ marami, kauntî, kapaták, karampót, muntî, walâ, kasiyahan, kaigihan, katamtaman, siyá na, sukat, lubhâ, atbp.

Sa TULAD gaya ng̃ lalò, higít, labis, kulang, atbp.

Sa HANÁY gaya ng̃ káunáunahan, sunódsunód, káhulíhulihan, kátapustapusan, káwakáswakasan, atbp.

Sa PAGPAPATOTOÓ, gaya ng̃ oo, oo ng̃â, siyá ng̃â, totoó, totoóng totoó, gayón ó gayón din, mandín, kaipalà pa, atbp.

Sa PAGKAKAILÂ, gaya ng̃ hindî ó , dilì, ni, isá man, hindî rin, huwág, hindîng hindî, kailan man, atbp.

Sa ÁLINLANG̃AN, gaya ng̃ marahil, sakalì, kung sakalì, kung bagá, sakalì, disin, diwa, tila, bakâ, atbp.

G. ¿Mayroón bang pangbago na náuukol sa dalawáng kátawagán?

N. Mayroón pò, ng̃unì’t íilán lamang, gaya ng̃ kailan man na náuukol sa PANAHÓN at sa PAGKAKAILÂ, hal.: ng̃ayón at KAILAN MAN; hindî ko ginagawâ KAILAN MAN ang iyóng sinasabi.

[242]

XXXIII KABANATA
Salitâng Pang-ukol (ó Preposición)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na salitâng pang-ukol?

Nag-aaral. Tinátawag na pang-ukol ang pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán na siyáng ginágamit sa pagbabadyá ng̃ kaukulán ó kapangyarihan ng̃ dalawáng pang̃ung̃usap; hal.: tubig na malinaw; aklát ni Terio; kumot sa Iloko.

G. ¿Marami bagá ang mg̃a salitâng pang-ukol sa ating wikà?

N. Sa biglâng pagkukurò ay walâ isá man sa Wikàng Tagalog ng̃ mg̃a salitâng pang-ukol, sapagkâ’t ang mg̃a náuukol sa kanyá ay ginágamit na sa ibáng panig gaya sa pang-anib (ó ligazón) at sa pang-akbáy (ó artículo). Gayón man, sapagkâ’t itóng bahagi ng̃ pang-ukol ay isá sa maháhalagáng pangkát ng̃ kaisipán ay kinakailang̃ang magkaroón siyá ng̃ mg̃a salitâng dapat gamitin yamang dito’y lalòng tumpák ang paggamit. Náitó ang mg̃a salitâng pang-ukol sa ating wikà: na, ni, kay, ng̃, pará kay, pará sa, laban kay, laban sa, sa haráp, sa ilalim, sa may, mulâ ó sapúl, dapit ó dako, hanggán, ayon ó alinsunod, at bagay sa, ó tungkól sa.

G. ¿Kailán ginágamit ang bawà’t isá?

N. Isáisáhín natin ang pagpapaliwanag:

Ginágamit ang na kung pinaglalakip ang dalawáng bagay na, ang isá’y náuukol sa isá, hal.: bahay na pawid, aklát na mapulá, tubig na malinaw. Dapat [243]matantô na itóng pang-ukol na na ay inilálagáy na na kailan ma’t ang unang salitâ ó bagay ay nagtatapós sa pangtinig, liban lamang sa n. Kung nagtatapós namán sa ting̃ig (ó vocal), ang na ay nagigíng ng, na isinusugpóng sa unang salitâ, gaya ng̃: magandáng barò, dakilàng asal, malakíng bahay. Kung nagtatapós sa n, ang na ay nagigíng g lamang na isinusugpóng din sa unang salitâ, gaya ng̃: bayang marang̃ál, kundimang marikít, tugtugang masayá.

Ginágamit ang ni kailan ma’t pinaglalakip ang isáng bagay na anó man sa isáng ng̃alan ng̃ táong kinaúukulan ó nagmamayarî, hal.: bahay ni Tasio, alak ni Ayala, aklát ni Huan.

Ginágamit ang kay kailan ma’t pinagsasama ang isáng salitâng nagbabadyá ng̃ anó mang layon sa ng̃alan ng̃ táong paglalayunan, hal.: tumirá kay Luis, dumalaw kay Mariano, tumung̃o kay Pedro.

Ginágamit ang ng̃ kailan ma’t ibig pagsamahin ang isáng bagay ó kasangkapan sa isáng kapwà bagay ó ng̃alan ng̃ katungkulan na siyáng kinaúukulan ó nagmamayarî, hal.: haligi ng̃ bahay, tungkô ng̃ kalán, bayabas ng̃ tao, aklát ng̃ abogado, panitik ng̃ mánunulát. Kung minsa’y hindî na nilálagyán ng̃ ng̃, hal.: Panulat-babae, timpalák-kagandahan, atbp.

Ginágamit ang sa kailan ma’t nais pagsamahin ang isáng salitâng nagsusulit ng̃ anó mang layon sa ng̃alan din ng̃ anó mang bagay na pinaglalayunan, hal.: lumang̃óy sa tubig, sumakáy sa bangkâ, tumung̃o sa bukid, tumirá sa bundók. Ginágamit din ang sa kailan ma’t pinaglalakip ang anó mang bagay sa bayang kanyáng pinanggaling̃an, hal.: tubig sa Mariláw, [244]tabako sa Kagayán, tao sa Bisayà, kumot sa Iloko, barò sa Kalibo, Birhen sa Mulawin, atbp. Sa bagay na itó’y madalás din namáng hindî na lagyán ng̃ sa, ó dilì kayâ’y sa pamamagitan lamang ng̃ pang-anib (ó ligazón), hal.: tubig Mariláw, kumot Iloko, tabakong Kagayán, taong Bisayà, baròng Kalibo, atbp.

Ginágamit ang pará kay kung ibig pagsamahin ang isáng bagay ó ng̃alang tiyák sa isáng ng̃alan namán ng̃ tao na kanyáng kinaúukulan, hal.: itóng manggá’y pará kay Luis, yaóng saging ay pará kay Binong, si Mameng ay pará kay Huan, si Anong ay pará kay Binay.

Ginágamit namán ang pará sa kailan ma’t pinagsasama ang isáng bagay ó ng̃alan sa isáng bagay na kanyáng kinaúukulan, hal.: Ang Pilipinas ay pará sa mg̃a pilipino, ang babae ay pará sa lalaki, ang anák ay pará sa iná, ang tao ay pará sa bayan, akó’y pará sa iyó, si Huan ay pará sa pusà.

Ginágamit din ang laban kay kailan ma’t nais pagsamahin ang isáng bagay ó ng̃alang tiyák sa isáng ng̃alan ng̃ táong kinakalaban ó kakalabanin, hal.: Si Jeffries laban kay Johnson, ang suiso’y laban kay Rakú, si Kulás ay laban kay Ninoy.

Ginágamit ang laban sa kailan ma’t pinagsasama ang isáng bagay ó ng̃alan sa isáng bagay na kanyáng kinakalaban, hal.: ang pusà’y laban sa áso, ang ahas ay laban sa dagâ, ang tao’y laban sa hayop, si Lucio’y laban sa tigre, ang Rusia’y laban sa Hapón, ang Espanya’y laban sa Maruekos.

Ang kágamitán ng̃ ibá pang pang-ukol ay dî na dapat pagpaliwanagan, sapagkâ’t hindî lubhâng kahirapang gawín.

[245]

XXXIV KABANATA
Salitâng Pangbigkís (ó Conjunción)

Gurò. ¿Anó ang salitâng pangbigkís?

Nag-aaral. Pangbigkís ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán na siyáng ginágamit sa pagbibigkís ó pagsasama ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap at ng̃ mg̃a kaisipán, hal.: Si Lucio AT si Pedro ay kapuwà mabuti; si Lukas ay mayaman, NG̃UNÌ’T maramot; siyá’y hindî paroroón, SAPAGKÂ’T may sakít.

G. Upáng magkabukódbukód ang ibá’t ibáng urì ng̃ mg̃a pangbigkís ¿sa anó itó dapat hatìin?

N. Dapat hatìin sa mg̃a kátawagáng sumúsunód: pangbigkís sa pag-íisácopulativa), sa paghihiwaláydisyuntiva), sa pagsubalìadversativa), sa pagtikímcondicional), sa pagdadahiláncausal), sa pagpapatulóycontinuativa), sa pagpapariscomparativa), sa paglalayonfinal) at sa pagtatamóilativa).

PANGBIGKÍS SA PAG-ÍISÁ

G. ¿Anó ang pangbigkís sa pag-íisá at alín ang kanyáng sakláw?

N. Ang salitâng ginágamit lamang sa pagsasama ng̃ isáng pang̃ung̃usap sa kapuwà, ó kayâ’y sa dalawáng kaisipán. Ang kanyáng sakláw ay itó: at, sakâ, patí, sampuô, ni, man.

G. ¿Saán ginágamit ang at?

N. Ginágamit ang at sa mg̃a salitâ ó sa mg̃a kaisipáng [246]nagsasaád ng̃ pagpapatotoó, hal.: ang tao AT ang hayop ay kapuwà kinapál ng̃ Lumikhâ; si Mariano AT si Antonio ay kapuwà marunong; ang pagmámahál sa ating wikà ay isáng banál na gawâ AT ang gumágamit sa kanyá’y maituturing na magiting sa ating bayan.

Pagkâ marami ang mg̃a pang̃ung̃usap ó kaisipáng nagkakasunódsunód na pagsasamasamahin sa pamamagitan ng̃ pangbigkís at, itó’y kailang̃an lamang gamitin sa hulíng salitâ ó kaisipán, hal.: ang mg̃a tao, hayop, lang̃it, lupà AT halaman ay paraparang nilikhâ ng̃ Maykapál; ang pagsusugál ay siyáng nagpapadayukdók, nagpapasirà ng̃ puri AT humihila sa katamarán.

Kung minsa’y ang at ay paulitulit at siyáng nagsasama sa dalawá ó tatlóng salitâ na bumubuô ng̃ mg̃a pangkát na ibá’t ibá, at ang pangkát na itó’y hindî kailang̃ang dugtung̃án ng̃ násabing at, hal.: ang lalaki AT babae, batà, binatà AT matandâ, pang̃inoón AT alilà, mayaman AT dukhâ ay paraparang tao na may karapatáng mabuhay sa balát ng̃ lupà.

Sa iláng salitâng pangdiwà, pangturing ó pangwatas ay nangyayaring huwág lagyán saán man ng̃ at, hal.: ang mg̃a bahay, simbahan, tuláy, halaman ay pawàng nang̃asirà lahát; si Pedro’y mabaít, marunong, magandá, mayaman; sumulong ka, lakad, takbó.

Kung minsan namá’y inúulit sa bawà’t salitâ ang pangbigkís at kahì’t na yaó’y lubhâng marami, hal.: sinigawán ko silá ng̃ isá at dalawá at tatló at apat na sigáw at hindî rin mang̃akariníg.

G. ¿Saán ginágamit ang sakâ?

N. Ginágamit itóng sakâ sa pagbibigkís din ng̃ [247]mg̃a salitâng nagbabadyá ng̃ pagpapatotoó. Kung talagáng pakasusurìin ang talagáng kahulugán ng̃ sakâ ay nakákatumbás ng̃ pa na naghihiwatig ng̃ pagdaragdág, hal.: ang pusà, áso, baboy sakâ manók ay pawàng mg̃a hayop. Nakákatumbás din niyáng madalás ang pangbigkís at, hal.: ang pusà, áso, baboy at manók, atbp. Malimit ding mangyari na ang sakâ ay idinurugtóng sa at na ang kahulugá’y hindî rin nagbabago, hal.: ang pusà, áso, baboy at sakâ manók ay pawàng mg̃a hayop. Dapat matantô na ang kaibhán ng̃ sakâ sa at ay hindî yaón maáarìng gamitin sa pagbibigkís ng̃ mg̃a kaisipán (ó oración).

G. ¿Saán ginágamit ang patí?

N. Gaya rin ng̃ sakâ na ginágamit sa pagsasama ng̃ mg̃a salitâng nagsusulit ng̃ pagpapatotoó, baga ma’t ang patí ay nagkakahulugán ng̃ pagkakásama at hindî pagdaragdág, hal.: Noó’y payapà ang dagat, tahimik ang hang̃in, patí ng̃ ibo’y humuhuni ng̃ buông lugód sa himpapawíd. Kung ang patí ay hindî pang̃ung̃unahan ng̃ isáng pangtigil (ó coma) ay karaniwang pang̃unahan ng̃ at, hal.: Payapà niyón ang dagat at patí ng̃ hang̃i’y lubhâng tahimik. Kung ang patí ay na sa una ng̃ mg̃a salitâ ay nakákatumbás ng̃ pa baga ma’t itó’y hindî rin lubhâng angkáp, hal.: patí akó’y kanyáng idinamay; patí ng̃ sandók ay iyóng hinihirám; na, ganitó ang mg̃a katumbás na sabihin: akó pa’y kanyáng idinamay; ang sandók pa’y iyóng hinihirám.

G. ¿Saán namán ginágamit ang sampuô?

N. Ginágamit itóng katulad na katulad ng̃ patí, magíng sa una mapalagay at magíng sa gitnâ.

[248]

G. ¿Anó ang kágamitán ng̃ ni?

N. Ginágamit ang ni sa pagbibigkís ng̃ dalawáng salitâ na nagbabadyá ng̃ pagkakailâ; at sa bagay na itó ay inúulit din ang ni, ó kayâ sa una’y ginágamitan ng̃ isáng pangbago (ó adverbio) na may kahulugán ding pagkakailâ, hal.: ni akó ni ikáw ay hindî magtatamó ng̃ kapalaran; hindî nagalit ni natuwâ ang aking binirò. Sa hulíng bagay na itó’y maáarì ring sundán ng̃ isáng pangbago ang pangbigkís ni na, ang náturang pangbago ay siyá ring ginamit sa una, upáng magkaroón ng̃ lalòng lakás ang pagtatatuwâ, hal.: hindî nagalit ni dî natuwâ ang aking binirò.

G. ¿Alín ang kágamitán ng̃ man?

N. Ginágamit ang man gaya rin ng̃ ni sa pagsasama ng̃ dalawáng salitâng nagsusulit ng̃ pagtatatuwâ, baga ma’t siyá’y walâng totoóng lakás na tagláy na paris ng̃ ni, hal.: ni ikáw ni akó ay hindî nagkápalad; ay másasabi sa man ng̃ ganitó: ikáw ma’t akó ay hindî nagkápalad.

PANGBIGKÍS SA PAGHIHIWALÁY

G. ¿Anó ang pangbigkís sa paghihiwaláy, at alín ang kanyáng sakláw?

N. Ang salitâng nagbabadyá ng̃ pagkakáibá ó pagkakáhiwaláy ó pagkakabago ng̃ dalawá ó maraming bagay, mg̃a pagkukurò ó mg̃a pang̃alan. Ang sinásakláw niyá’y itó: ó, ó kayâ, dilì kayâ, magíng.

G. ¿Saán ginágamit ang ó, ó kayâ, dilì kayâ?

N. Ginágamit ang ó sa mg̃a salitâng nagsusulit ng̃ [249]pagkakáhiwaláy, hal.: tao Ó hayop, patáy Ó buháy, ikáw Ó akó.

Ginágamit din ang ó sa pagpapaliwanag ng̃ salitâng sinambít na, hal.: si Rizal ó ang Dakilàng Bayani ng̃ mg̃a pilipino ay pinatáy ng̃ kanyáng kaaway.

Ginágamit ang ó kayâ kawangkî ng̃ ó lamang, hal.: tao ó kayâ’y hayop; patáy ó kayâ’y buháy, atbp.

Ginágamit namán ang dilì kayâ katulad din ng̃ ó kayâ, hal.: bukas dilì kayâ’y sa makalawá; sa sábado dilì kayâ’y sa linggó. Dapat matantô na itó’y hindî malimit gamitin dî gaya ng̃ ó at ó kayâ.

G. ¿Saán ginágamit namán ang magíng?

N. Ginágamit ang magíng sa mg̃a bagay na ring nasambít, at sa kanyáng paggamit ay kailang̃ang ulitin, hal.: magíng ng̃ayón, magíng bukas ay walâng kailang̃an; magíng ikáw, magíng akó ay íisá rin. Kailang̃ang matantô na kung pinag-úulitulit itóng magíng ay karaniwan nang pag-itanan ng̃ pangbigkís na ó, hal.: magíng sa lakad, magíng sa takbó ó magíng sa lang̃óy ay walâ kang magagawâ.

PANGBIGKÍS SA PAGSUBALÌ

G. ¿Anó ang sinasaysáy ng̃ pangbigkís sa pagsubalì?

N. Ang salitâng nagsasaysáy ng̃ iláng paglabág ó pagsuwáy ukol sa mg̃a násabi at sa mg̃a sasabihin.

G. ¿Alínalín ang malimit gamitin?

N. Itóng mg̃a sumúsunód: ng̃unì, dátapuwâ ó dapuwâ, subalì, baga man, kahì ó káhimán, bagkús, kundî; hal.: Ibig ko sanang kumain, ng̃unì’t hindî maarì; siyá’y mariwasâ, dátapuwâ’tdapuwâ’t) maramot; ang mg̃a lihim ng̃ Kalikasán ay hindî maabótabót ng̃ isip ng̃ tao, [250]subalì’t pinagsusumikapang matarók hanggáng kaubúduburan; baga ma’t siyá’y dukhâ ay marang̃ál namáng tao; kahì’tkáhimán) akó’y walâng muwáng ay nakababatíd din ng̃ iláng karapatáng katutubò sa tao; huwág mong gawín sa ganyáng paraán kundî sa ganitó.

G. ¿Anóng kaibhán mayroón ang kundî sa kung dî?[32]

N. Hindî dapat ibilang sa íisá ang dalawáng itó, sapagkâ’t may malakíng aguwát ang kahulugán ng̃ isá’t isá. Ang kundî na may isáng pang̃ung̃usap ay pangbigkís (ó conjunción) at ang kung dî na may dalawáng salitâ ay pangbago (ó adverbio). Upáng maiwasan ang pagkakalahók ó pagkakámalî ay dapat matantông ang kung dî ay maáarìng gawíng kung hindî na may íisáng kátuturán, samantalàng ang kundî ay dî maáarìng baguhin ó dagdagán. Halimbawà: Hindî ikáw ang tinátawag ko kundî (pangbigkís) si Pedro; hindî mo siyá áabutan kung dîkung hindî) ka magmamadalî.

UKOL SA IBÁNG PANGBIGKÍS

G. ¿Anó ang ibinabadyá ng̃ pangbigkís sa pagtikím?

N. Nagbabadyá ng̃ iláng pagtikím (ó condición) ó ang nang̃áng̃ailang̃ang maganáp ang anó mang pangyayari.

G. ¿Alínalín ang mg̃a pangbigkís na itó?

[251]

N. Ang mg̃a itó: kung, pag, kapág, pagkâ, kailan man, yamang ó yayamang. Halimbawà: kung ibig mong matuto ay mag-aral ka; kapág ikáw’y natulog akó ay áalís; pagkâ akó’y sumusulat ay huwág kang magaláw; makapaglalarô ka, kailan ma’t natapos mo ang iyóng ginagawâ; tuwîng babasa ka’y babasa rin akó; yamangyayamang) akó’y sinaklolohan mo, kitá namá’y pagpapalàin.

Dapat mabatíd na ang pangbigkís kung ay hindî nagbabadyá kung minsan ng̃ pagtikím kundî ng̃ pag-áalinlang̃an, hal.: ¿kung sino akó? ¿kung áaraw bukas? Dapat ding mabatíd na ang mg̃a salitâng sa tuwî ó tuwî na ay katulad din ng̃ pangbigkís na tuwî.

G. ¿Anó ang pangbigkís sa pagdadahilán?

N. Ang salitâng ipinang̃ung̃una sa mg̃a kaisipáng nagbibigáy ng̃ dahilán ó katuwiran sa anó mang bagay na sinambít. Ang kanyáng sakláw ay itó: sapagkâ’t ó pagkâ’t, palibhasà; hal.: hindî siyá makapasok, sapagkâ’tpagkâ’t) may sakít; siyá’y marunong ng̃ayón, palibhasà’y pinag-aral siyá ng̃ kanyáng magulang.

G. ¿Anó ang pangbigkís sa pagpapatulóy?

N. Ang salitâng ginágamit sa pagpapatulóy ó pagtulong sa kaisipán, at itó: kung gayón, kayâ ng̃â; hal.: Ipinang̃ang̃aral ko sa iyó, kung gayón, na huwág mo nang gagawín sa mulîmulî; kayâ ng̃â, nang huwág tayong madakíp ay huwág kang maing̃ay.

G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ pangbigkís sa pagpaparis?

N. Yaóng salitâng nagsusulit ng̃ pagpapara ó pagtutulad ng̃ isáng bagay na talinghagà sa isáng kaisipáng talinghagà rin, at náitó: kung paano, gayón, ó [252]gayón din, hal.: kung paano ang kadilimán ng̃ pang̃inorin kung nagbabalàng umulán, ay gayóngayón din) ang kalabùan ng̃ katuwiran sa ibabaw ng̃ lupà.

G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ pangbigkís sa paglalayon?

N. Yaóng salitâng inilálagáy sa una ng̃ isáng kaisipán na siyáng nag-úulat ng̃ layon ó nasà ng̃ isá ó iláng kaisipáng nang̃auná, at náitó: upáng, nang, pará, hal.: Nagsisikap siyá sa paggawâ upáng mabuhay; nag-áaral ang tao nang dumunong; naghahanap-buhay akó pará sa kagaling̃an mo.

G. ¿Anó ang kahulugán namán ng̃ pangbigkís sa pagtatamó?

N. Ang salitâng ginágamit sa pagtatamó ó pagkakaroón ng̃ isáng kabagayán hinggíl sa mg̃a bagay na naipahiwatig na, at náitó: kung gayón ó kung magkagayón; hal.: Walâ kang puknát sa pagtatapon ng̃ salapî sa mg̃a bagay na walâng kabuluhán, kung gayónmagkagayón) ay dárating ang araw ng̃ iyóng pagtang̃is at pagsisisi.

TALABABÂAN

[32] Sa ikaíilag sa pagkakámalî ng̃ dalawáng itó ay ináakalà kong tumpák na ang kundî (pangbigkís) ay isulat lamang ng̃ ganitó ng̃ walâng g sa gitnâ, at ang kung dî (pangbago) ay ganitó namán dapat gawín.

XXXV KABANATA
Salitâng Pangdamdám (ó Interjección)

Gurò. ¿Anó ang salitâng pangdamdám?

Nag-aaral. Pangdamdám ay siyáng káhulíhulihang pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán na siyáng ginágamit sa pagbabadyá ng̃ mg̃a sarìsarìng bagay na nangyayari sa ating damdamin na nilílikhâ ng̃ ating namamalas, naririníg, nagugunitâ, nararamdamán, ninanasà ó iníibig.

[253]

G. ¿Anó ang talagáng salitâng pangdamdám?

N. Ang ganáp na pangdamdám ay mg̃a sigáw ó hibík na hindî halos mawatasan, sapagkâ’t ang isáng pagkagulat ó pagkatakot ay biglâáng ibinibigkás sa ating damdamin na walâng ibáng nasàng sabihin kundî ang kanyáng namalas ó nadiníg na kagulatgulat ó katakátaká, kayâ’t ang mg̃a pangdamdám ay nagkakatulad halos sa mg̃a ginágamit ng̃ ibá’t ibáng wikà.

G. ¿Alín ang mg̃a pangdamdám na karaniwan sa ating wikà?

N. Itóng mg̃a sumúsunód: ¡Abá!, ¡ah!, ¡oh!, ¡ay!, ¡bah!, ¡arúy!, ¡ayán!, ¡hoy!, ¡abá ko!, ¡iná ko! ó ¡nakú!, ¡sús!, ¡pshe!, ¡sits!, ¡uy!, ¡ping!, atbp.

Mayroón pang maraming pangdamdám na nagbuhat sa ibá’t ibáng pangkát ng̃ kaisipán gaya ng̃ ¡dalí!, ¡lakad!, ¡sulong!, ¡tabí!, ¡ilag!, ¡sayang!, ¡nawà!, ¡urong!, ¡tayo na!, ¡halina!, ¡hilat!, ¡ikáw palá!, ¡buti ng̃â!, ¡buwisit!, ¡sawîng palad!, ¡kahì’t manawarì!, ¡Dios ko! atbp.

Mayroón pa ring pangdamdám sa ating wikà na mg̃a buôbuô nang pang̃ung̃usap na nagbabadyá ng̃ pagtataká ó panunumpâ ó pagtutung̃ayáw, gaya ng̃: ¡kay daming tao! ¡kay dunong mo! ¡kay lakás niyá! ¡sumpa ko! ¡saksí ko ang lang̃it! ¡saksí ko ang lupà! ¡tinamaan ka ng̃ kulóg! ¡tamaan ka sana ng̃ hang̃in! ¡kanin ka ng̃ buwaya! ¡lamunin ka ng̃ lupà! atbp.

Ilán sa mg̃a pangdamdám ay karaniwang inúulit upáng magkaroón ng̃ lalòng lakás sa pagsusulit ó pagdaramdám, gaya ng̃ ¡sulong sulong!, ¡lakad lakad!, ¡tabí tabí!, ¡hala hala!, ¡dalî dalî!, ¡abá abá!, ¡ay, ay! atb.

[254]

XXXVI KABANATA
Ukol sa Pagbabawas (ó Síncopa)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na pagbabawas?

Nag-aaral. Tinátawag na pagbabawas ang salitâng binawasan ó inalisán sa gitnâ ng̃ iláng titik, ó pantíg kung minsan, upáng magkaroón ng̃ madalîng pagbigkás ó kayâ’y nang lalòng gumandá at tumamís ang ating sariling wikà, hal.: sa matuwíd ay matwíd, sa sakayan ay sakyán, sa atipán ay aptán, sa buhusan ay busan.

G. ¿Alín ang mg̃a tuntuning sinúsunód ukol dito?

N. Ang mg̃a tuntunin ó pátakarán sa mg̃a salitâng pagbabawas ay itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng may tatló, apat ó ilán mang pantíg (ó sílaba) na sa gitnâ niyá’y may magkasiping na uw ay maáarìng alisín ang u, at sa ganitó’y nábabawasan namán ng̃ isáng pantíg ang náturang salitâ, hal.: sa kapuwà ay kapwà, sa takuwíl ay takwíl, sa káluluwá ay kálulwá, sa biguwasán ay bigwasán, sa kaluwalhatian ay kalwalhatian.

Dapat mabatíd na hindî maáarìng bawasan ang mg̃a salitâng may dalawáng pantíg, gaya sa halimbawà ng̃ huwág, tuwíd, duwág, tuwî, tuwád, tuwâ, buwál, buwíg, atbp. ay dî magagawâng hwág, twíd, dwág, twî, twád, twâ, bwál, bwíg.

Ikalawá.—Ang mg̃a salitâng may tatló, apat ó ilán mang pantíg na sa gitnâ nitó’y may magkasiping na iy ay maáarìng alisín ang i, at sa dahiláng itó’y nábabawasan ng̃ isáng pantíg ang násabing salitâ, [255]hal.: sa pasiyá ay pasyá, sa akiyát ay akyát, sa kudiyapì ay kudyapì, sa kabiyawan ay kabyawan, atbp. Dapat ding matantô na hindî maáarìng bawasan ang may dalawáng pantíg paris sa halimbawà ng̃ tiyáp, tiyák, biyák, liyág, atbp. ay dî magagawâng tyap, tyak, byak, lyag.

Ikatló.—Ang iláng pang̃ung̃usap na may apat ó limá ó ilán mang pantíg na sa gitnâ nitó’y may magkasiping na ting̃ig (ó vocal) na magkatambál, ang isá’y maáarìng alisín, at sa bagay na itó’y nábabawasan namán siyá ng̃ isáng pantíg, hal.: Ikaapat, ikaanim, katotoohanan, atbp. ay ginagawâng ikapat, ikanim, katotohanan.

Ikaapat.—Ang mg̃a salitâng ugát na násusugpung̃án ng̃ in ó an ay karaniwang mawalâ ó maalís ang hulíng ting̃ig ng̃ náturang ugát, hal.: sa gawâin ay gawín, sa basâín ay basín, sa batahín ay bathín, sa sunurín ay sundín, sa hatirán ay hatdán, sa sakayan ay sakyán, sa bukurín ay bukdín, sa sakitan ay saktán, atbp.

Ikalimá.—Ang ilán sa mg̃a salitâng ugát bukód sa binabawas ó ináalís ang kanyáng hulíng ting̃ig (ó vocal) ay nagkakapalitan pa ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), hal.: sa atipán ay aptán, sa silirán ay sidlán, atbp.

Ikaanim.—Ang ilán sa mg̃a ugát ay náwawalâ kung minsan sa gitnâ ang isáng buông pantíg (ó sílaba), ó kayâ’y ang dalawáng titik lamang, hal.: sa buhusan ay busan, sa hihipan ay hipan, sa kuhanin ay kunin, sa dating̃an ay datnán, sa hintayín ay hintín, atbp.

Ikapitó.—Kung minsan, ang salitâng ugát ay hindî [256]nábabawasan kundî nararagdagán ng̃ iláng titik kailan ma’t sinusugpung̃án ng̃ in ó an, ó ka-an, hal.: sa tawa ay tawaNAN, sa totoó ay katotoHANAN, atbp. Dapat matalastás na itóng hulíng tuntuning itó ay bihibihiràng mangyari. At dapat ding matantô na ang pagbabawas (ó síncopa) ay tang̃ìng magagamit sa mg̃a salitâng pinahihintulutan ng̃ tuntunin at ng̃ mg̃a karaniwang pagbigkás.

XXXVII KABANATA
Hinggíl sa Pangdulo (ó Desinencia)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na pangdulo?

Nag-aaral. Tinátawag na pangdulo ang anó mang anyô (partícula) ó iláng titik kayâ na siyáng idinudulo ó isinusugpóng sa mg̃a ibá’t ibáng salitâ na nagkakaroón namán ng̃ sarisariling kahulugán sang-ayon sa pangdulong isinusugpóng.

G. ¿Saán magbubuhat ang mg̃a pangdulong itó?

N. Ang Wikàng Tagalog baga ma’t mayamang mayaman na sa sarìsarìng anyô na siyáng tumutulong sa ating mg̃a salitâ ay nang̃áng̃ailang̃an pa ring humirám sa ibáng wikà ng̃ mg̃a anyô ó pangdulo na hindî matumbasán sa ating sariling wikà. Ang mg̃a pangdulong itó na nanggaling sa kastilà ay kailang̃an ng̃âng hiramín natin at ipalagáy na parang sariling arì samantalàng hindî pa tayo nakakatuklás ng̃ mg̃a anyông maitutumbás sa kaniyá, sapagkâ’t malimit gamitin sa ating dilà ang mg̃a salitâng náturan na násusugpung̃án ng̃ sarìsarìng anyô.

G. ¿Alínalín ang mg̃a pangdulong dapat tanggapín?

[257]

N. Ang mg̃a salitâng kinasasangkapán nitó na karaniwang gamitin sa ating wikà ay siyáng tang̃ìng marapat tanggapín. Ng̃unì’t kung ang náturang salitâ ay kinasasangkapán ng̃ mg̃a pangdulong maáarìng makayuwis ó mapagkamalán sa ibá, ó kayâ’y may katumbás ó maáarìng tumbasán sa ating wikà ng̃ ibáng pang̃ung̃usap ay hindî kailang̃ang mapalakip sa mg̃a pandulong ating hihiramin na kinaroroonán ng̃ mg̃a salitâng hirám na ating áarìin:

ano gaya ng̃ amérikano, aglipayano, romano.
ino pilipino.
ante komandante, protestante.
ente teniente.
ero tabakero, bangkero, labandero.
ario diksionario, silabario, kalendario.
or emperador, doktor, gobernador.
tris emperatris, matris.
ia demokrasia.
ía pilosopía, anarkía, tranbía.
idád unibersidád, elektrisidád.
ikó elektrikó, katolikó, apostolikó.
iká gramátiká, matemátiká, politiká.
ista makinista, aparatista.
ismo katolisismo, anarkismo, espiritismo.
ado komisionado, konsulado, abogado.
apó sinematograpó.
ura agrikultura, agrimensura.[33]

G. ¿Anó ang sukat másabi ukol sa mg̃a pangdulo?

N. Na, ang ilán sa kanyá’y maáarìng gamitin ang hugis babae (ó forma femenina), gaya ng̃ sa pilipina, amerikana, katóliká, tabakera, labandera, atbp.

TALABABÂAN

[33] Ang mg̃a pangdulong itó ay sinipì ko kay G. Eusebio Daluz na nagkaroón lamang ng̃ kauntîng pagbabago.

[258]

IKATLÓNG BAHAGI
Paglalakip ó Sintaxis

I KABANATA
Ang Paglalakip at ang kaniyáng sakláw

Gurò. ¿Anó ang kátuturán ng̃ Paglalakip?

Nag-aaral. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a kaparaanán ukol sa pagbubuô ó paglalakiplakip ng̃ iláng salitâ sa kapuwà salitâ sa ikayayarìng tumpák ng̃ mg̃a kaisipán (ó oración).

G. Ang Paglalakip, ¿sa anó nabábahagi?

N. Nabábahagi siyá sa tinátawag na likásregular) at likhâfigurada).

G. ¿Anó ang paglalakip na likás?

N. Ang mg̃a tuntunin sa paglalagáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap sang-ayon sa katutubòng hanáy ng̃ mg̃a pagkukurò.

G. ¿At anó ang paglalakip na likhâ?

N. Ang mg̃a pátakaráng lumalabág sa paglalakip na likás, na nagbabadyá ng̃ mg̃a kaparaanán sa matuwíd na pagpapalitpalit ng̃ mg̃a salitâ upáng magkaroón ng̃ lakás at gandá ang mg̃a pang̃ung̃usap ó kaisipán.

G. ¿Iláng bagay ang kailang̃an upáng mayarì ó mabuô ng̃ tumpák ang isáng kaisipán?

N. Tatló: pagkakaayonconcordancia), paghaharìrégimen) at pagbubuôconstrucción).

[259]

II KABANATA
Ukol sa pagkakaayon (ó concordancia)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na pagkakaayon?

Nag-aaral. Ang pagkakásalig ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap sa ibá’t ibáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán.

G. ¿Paano ang pagkakaayon ng̃ pang-akbáy (ó artículo) sa pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Sa Wikàng Tagalog, palibhasà ang mg̃a salitâ ay walâng tagláy na kiyás (ó género) kung sa kanyáng sarili lamang, kayâ’t ang pang-akbáy ay walâng kailang̃ang gamitin magíng sa ng̃alan ó bagay na tumutukoy sa lalaki ó kayâ’y sa babae, hal.: Si Pedro, si Luisa, ang amá, ang iná, ang pusà, ang áso, atbp. Ng̃unì’t kung bumabanggít sa bilang (ó número) ay kailang̃ang gamitin ang si at ang sa íisá, at siná at ang mg̃a sa dalawá ó marami, hal.: Si Lucio, ang bulaklák (kung tumutukoy sa íisá); siná Lucio at Huan, ang mg̃a bulaklák (kung bumabanggít namán sa dalawá ó marami).

G. ¿Paano ang pagkakaayon ng̃ pangturing (ó adjetivo) sa pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Ang pagkakaayon ng̃ dalawáng itó ay másasabing walâng kabuluhán, sapagkâ’t maáarì siláng pagsamahin kahì’t na ang isá’y tumutukoy sa lalaki at ang ikalawá’y sa babae, ó báligtaran, hal.: mabuting amá, mabuting iná, magandáng dalaga, magandáng binatà. Kung tumutukoy sa bilang (ó número) ay kailang̃ang tantùin kung sa anó bumabanggít, hal.: malantíg na dalirì, malinaw na salamín, [260]kung sa íisá; kung sa dalawá ó marami ay nagigíng: malalantig na dalirì, malilinaw na salamín.

G. Sakalìng mayroóng dalawá ó higít na pangdiwà na tumutukoy sa bilang na íisá (ó singular), at ang mg̃a itó’y isasama sa íisáng pangturing lamang, ¿sa anó itó dapat ilagáy?

N. Dapat ilagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó plural). Kung ang pangturing na isasama ay mayhalò ay inúulit lamang ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, hal.: Si Kulás at si Lucio ay marurunong; ang manggá at ang santól ay matatamís. Kung pangturing namáng dalisay ay pinang̃ung̃unahan ng̃ mg̃a, hal.: Si Luisa at si María ay mg̃a pang̃it; ang áso at pusà ay mg̃a duwág.

G. ¿Paano namán ang pagkakaayon ng̃ pangtayô (ó pronombre) sa pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Kung tungkól sa kiyás (ó género) ay hindî kailang̃ang mapasama sa alín man, hal.: itó’y lalaki, itó’y babae, atbp. Kung tungkól sa bilang ay kailang̃ang ialinsunod sa tumutukoy ng̃ salitâ, hal.: akó’y tao, itó’y saging, sa íisá; akó’y mg̃a tao, itó’y mg̃a saging, kung sa dalawá ó marami.

G. ¿Paano ang pagkakaayon ng̃ pangwatas (ó verbo) sa pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Ang pangwatas na karaniwan sa Wikàng Tagalog ay walâng kailang̃ang malakip sa pangdiwà kahì’t na itó’y nagtatagláy ng̃ anó mang bilang (ó número) at katawán (ó persona), hal.: ang ibon ay kumakain, ang mg̃a ibon ay kumakain; si Pedro ay sumulat, siná Lucio ay sumulat. Ng̃unì’t may iláng pangwatas na ang karamiha’y nagbubuhat sa [261]anyông “ma”, na kailang̃ang isalig kung sa anóng bilang tumutukoy, hal.: ang pusà ay nagisíng, ang mg̃a pusà ay nang̃agisíng; ang tao ay natatalisod, ang mg̃a tao ay nang̃atatalisod. Sa unang halimbawà, ang pangwatas na nagisíng ay na sa bilang na íisá (ó singular) na naáayon sa pangdiwàng pusà na nasa gayón ding bilang. Sa ikalawá ang nang̃agisíng ay na sa bilang na dalawá ó marami (ó plural) na naáayon namán sa mg̃a pusà na nasa bilang ding dalawá ó marami.

G. ¿Paano namán ang pagsasama ng̃ pangtayông kinatawán (ó relativo) sa salitâng pangdiwàng náuuná sa kanyá (ó antecedente)?

N. Pagsasamahin silá sa pamamagitan ng̃ bilang (ó número), na ang pangtayông kinatawán ay dapat ibatay sa pangdiwàng náuuná, hal.: Tinawag ko ang batà, at itó ay lumapit agád. Ang pangdiwàng batà ay na sa bilang na íisá kayâ’t ang pangtayông itó ay na sa gayón ding bilang. Kung sabihin namáng: Tinawag ko ang mg̃a batà, at ang mg̃a itó’y lumapit agád. Ang salitâng mg̃a batà ay na sa bilang na dalawá ó marami, kung kayâ namán ang pangtayô’y inilagáy din sa náturang bilang: mg̃a itó.

III KABANATA
Hinggíl sa paghaharì (ó régimen)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na paghaharì?

Nag-aaral. Ang kaukulán ng̃ iláng pang̃ung̃usap sa ilán ding pang̃ung̃usap ng̃ kaisipán.

G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng naghaharìregente) at ng̃ salitâng pinaghaharìanregido)?

[262]

N. Salitâng naghaharì ang nang̃áng̃ailang̃an ng̃ isáng pang̃ung̃usap upáng bumuô ng̃ kaisipán; salitâng pinaghaharìan ang bumubuô ng̃ náturang kaisipán na siyáng náuukol sa naghaharì. Halimbawà: Ang barò ni Pedro. Barò ay salitâng naghaharì, sapagkâ’t siyáng nang̃ung̃una ó umáakbáy sa pangdiwàng si Pedro sa pamamagitan ng̃ pang-ukol (ó preposición) ni, at si Pedro ay salitâng pinaghaharìan, sapagkâ’t náuukol sa pangdiwàng barò.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa kapuwà pangdiwà?

N. Sa pamamagitan ng̃ isáng pang-ukol (ó preposición), hal.: bahay na bató; aklát ni Lucio; lupà ng̃ magsasakâ; si Huan laban kay Kulás; ang tao’y laban sa hayop; ang buhay ay pará sa bayan; si María’y pará kay Mameng.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa pangturing?

N. Sa ibá’t ibáng kaparaanán: una, sa pamamagitan ng̃ pang-ukol na, hal.: tubig na malinaw, bahay na malakí; ikalawá, sa pamamagitan ng̃ pang-anib (ó ligazón) ng, hal.: babaing magandá, lalaking makisig; ikatló, sa pamamagitan din ng̃ pang-anib g, hal.: bayang marang̃ál, tapayang muntî; at ikaapat, sa pamamagitan ng̃ salitâng ay, hal.: Si Pedro ay masamâ, si Lucio ay marunong.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa pangwatas?

N. Sa pamamagitan din ng̃ salitâng ay, hal.: Si Kulás ay bumabasa; si Lucio ay susulat; ang ibon ay umaawit; ang dagâ ay kumakaluskós; ang batà ay umiyák.

[263]

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangdiwà?

N. Sapagkâ’t sa ating wikà ay walâng kailang̃ang mapauná ó mapahulí kayâ ang alín man sa dalawáng itó, kung kayâ ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa pangturing ay hindî lubhâng nagkakalayô sa paghaharì namán ng̃ pangturing sa pangdiwà, at sa katunaya’y binubuô itó sa pamamagitan din ng̃ na, ng, g, hal.: marikít na bahay; masaráp na manggá; magandáng dalaga; masamâng tao; matíisíng hayop; masintahing magulang. Ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangdiwà ay nagaganáp din sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy na si at ang, hal.: mabaksík si Celso, matapang si Yoyong, maasim ang santól, matamís ang mabulo, mapaít ang duhat.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangwatas na nasa pangbadyá?

N. Natutupad itó sa ibá’t ibá ring kaparaanán: Una, sa pamamagitan ng̃ salitâng kung, hal.: madalî kung bumasa, maiklî kung sumulat, mababà kung humagis; ikalawá, sa pamamagitan ng̃ na, hal.: masipag na mag-aral, marunong na maglarô, madalang na lumakad; ang kadalasán nitó’y hindî na nilálagyán ng̃ na, gaya ng̃: masipag mag-aral, marunong maglarô; ikatló, sa pamamagitan ng̃ ng, hal.: mahabàng magsalitâ, payapàng mang̃usap, masamâng tumakbó; at ikaapat, sa pamamagitan ng̃ g, hal.: matuling lumakad, mahinhíng kumilos.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangtayô?

N. Sa pamamagitan ng̃ pang-ukol (ó preposición) [264]sa, hal.: magandá sa akin, pang̃it sa iyó, maramot sa kanyá.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangwatas sa pangdiwà?

N. Lahát halos ng̃ mg̃a pangwatas ay may tagláy na isáng pangdiwà (ó sustantivo) ó pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó personal). Magaganáp ang paghaharìng itó kung pangwatas na pangbalak sa mg̃a paraáng sumúsunód: una, kung ang pinaghaharìan ay tumutukoy sa ng̃alan ng̃ tao ay sa pamamagitan ng̃ kay, hal.: Umíibig siyá kay María, paroón ka kay Huan, nakikain siyá kay Lucio; ikalawá, kung tumutukoy sa ng̃alan ng̃ bagay ay sa pamamagitan namán ng̃ sa, hal.: tumakbó siyá sa bayan, lumayô kayó sa sugál, kumain ka sa handâ.

Kung pangwatas na pangtiyák, ang paghaharì nitó sa pangdiwà ay mátutupád sa pamamagitan ng̃ si kailan ma’t nagbabadyá ng̃ ng̃alan ng̃ tao, hal.: Iibigin niyá si Mameng, tutulung̃an ko si Karlos, parunán mo si Yoyong. Kung nagbabadyá namán ng̃ bagay ay sa pamamagitan ng̃ ang, hal.: pitasín mo ang bulaklák, hinukay niyá ang lupà, papag-áaralin ninyó ang batà.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangwatas sa kapuwà pangwatas?

N. Sa tatlóng kaparaanán: ilagáy ang pangwatas na pinaghaharìan (regido) sa pangbadyá, ó sa panghiwatig, ó sa pangsukob.

G. ¿Kailán inilálagáy ang pangwatas sa pangbadyá?

N. Ginaganáp itó kailan ma’t ang kátuturán ng̃ pangwatas na pinaghaharìan ay náuuwî sa nais ó hang̃ád ng̃ pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ pangwatas na naghaharì [265]regente), hal.: Si Lucio ay ibig kumain; ang batà’y ibig maglarô. Sa mg̃a halimbawàng itó, ang mg̃a pangbadyáng kumain at maglarô na siyáng mg̃a pangtung̃o (ó complemento) ng̃ kaisipán ay nagsusulit ng̃ nais ó hang̃ád ni Lucio at ng̃ batà na siyá namáng kanyáng pang̃ulo (ó sujeto).

May maraming pangwatas, lalòng lalò na ang mg̃a binaybáy sa anyông “ma” ay nang̃áng̃ailang̃ang pag-itanan ng̃ mg̃a pangbigkís na upáng ó pará ó nang, hal.: Akó’y umalís upáng mang̃isdâ; silá’y nakilaban pará magwagí; kumain nang mabusóg.

G. ¿Kailán inilálagáy ang pangwatas sa panghiwatig (ó indicativo)?

N. Inilálagáy dito kailan ma’t nagkakáibá ang mg̃a pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ mg̃a pangwatas na naghaharì at pinaghaharìan, at nang̃áng̃ailang̃ang pag-itanan ng̃ pang-ukol na, ó kayâ’y ng̃ mg̃a pang-anib (ó ligazón) ng, g, hal.: ang Dios ay nagnanais na bumuti ang tao; ang gurò ay nagnanasàng dumunong ka; ating sabihing sumulat siyá.

G. ¿Kailán namán inilálagáy ang pangwatas sa pangsukob?

N. Paris din ng̃ sa panghiwatig, na, nangyayari kailan ma’t nagkakáibá ang mg̃a pang̃ulo (ó sujeto), baga ma’t dito’y sa pamamagitan ng̃ kung na siyáng tandâ sa ating wikà ng̃ ganitóng ayos, ó ng̃ mg̃a pangbago (ó adverbio), hal.: mag-áaral siyá kung ibig mo; silá’y kakain kailan ma’t sumigáw ka; dárating ang iyóng anák kailan ma’t nais mo.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangwatas sa pangbago?

[266]

N. Lahát halos ng̃ mg̃a pangwatas ay napaghaharìán ng̃ mg̃a pangbago; at ang mg̃a itó’y náuukol sa pangwatas, gaya rin namán ng̃ nangyayari sa pangturing at pangdiwà. Ang pangwatas baga ma’t siyáng salitâng lubhâng mahalagá sa lahát ng̃ wikà ay walâng ibinabadyáng anó man kundî ang kanyáng nais, ginagawâ, dinaramdám atbp. ng̃ pang̃ulo (ó sujeto) na kanyáng kaakbáy; at ang pangbago (ó adverbio) ay siyáng nagpapáliwanag ng̃ mg̃a kilos ó pinangyarihan ng̃ kátuturán ng̃ pangwatas sa ibá’t ibáng bahaging sakláw niyá; at sa pagkaganáp ng̃ paghaharìng itó’y kailang̃ang pagitnâan ng̃ na, ng, g, sang-ayon sa dapat kaukulán at kung minsa’y kahì’t walâ nitó, hal.: akó’y nagisíng na maaga; si Luis ay bumabasang mabuti; ang batà’y bumahíng malakás; akó’y paririto bukas.

IV KABANATA
Tungkól sa pagbubuô (ó construcción)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na pagbubuô?

Nag-aaral. Ang ayos ó hanáy na dapat sundín ukol sa paglalagáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap sa kaisipán.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ pang-akbáy (ó artículo)?

N. Dapat na iunáng palagì sa mg̃a pangdiwà, hal.: si Lucio, si Mameng, siná Milíng, ang lupà, ang aklát, ang mg̃a bulaklák.

G. ¿Maáarì bagáng sing̃itan ng̃ anó mang salitâ sa gitnâ ng̃ pang-akbáy at pangdiwà?

N. Oo pò; maáarìng ising̃it ang isáng pangturing [267]adjetivo), hal.: Ang mabuting tao; ang magandáng ibon; si matandâng Lucio; si hukóm Yusay.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Kung pangtukoy ng̃ pangwatas, ay maáarìng mapauná ó mapahulí, hal.: si Kulás ay maglalarô, ó maglalarô si Kulás. Kung panglayon ó pangtung̃o (complemento) ay dapat ilagáy sa hulí, hal.: ang iná’y nagmámahál sa mg̃a mabaít.

G. ¿Anóng salitâ ang maáarìng ising̃it sa gitnâ ng̃ pangdiwà at pangwatas?

N. Ibá’t ibá pòng mg̃a salitâ, kayâ’t nárarapat na isáisáhín:

Una.—Maáarìng ising̃it ang isá pang pangdiwà sa pamamagitan ng̃ may ó walâ, hal.: isáng lalaking may salakót ay namalas ko; isáng babaing walâng tapis ay tumatakbó.

Ikalawá.—Maáarìng ising̃it ang isáng salitâng pangturing (ó adjetivo), hal.: ang táong masamâ ay ibig sa sugál, ang mg̃a dalagang magagandá ay iníibig ng̃ mg̃a binatà.

Ikatló.—Maáarìng ising̃it ang isáng pangturing na may akibat ó kasamang ibáng pangdiwà na isásalig itó sa paghaharì (ó régimen), hal.: ang táong mahilig sa sugál ay maghihirap na palagì; ang handâng punô sa mg̃a ulam at sa mg̃a matamís ay nakalilitó sa isáng kumakain.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ mg̃a pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó personal)?

N. Mangyayaring mapauná ó mapahulí alinsunod sa máibigan, lamang ay dapat alamín ang kanyáng [268]pagkakabagobago, hal.: akó’y babasa, ó babasa akó; ikáw ay susulat, ó susulat ka; silá’y kakain, ó kakain silá. Dapat mabatíd na sa ayos pang-utos (ó imperativo) ay dapat ipagpahulí, hal.: Lumakad ka, tumakbó kayó, mag-aral silá.

G. ¿Paano ang pagbubuô sa mg̃a pangdamdám (ó interjección), ó kayâ’y sa mg̃a kaisipáng paputól?

N. Dapat na iuná sa pangwatas ang mg̃a násabing pangdamdám, ó mg̃a kaisipáng paputól, hal.: Si Milíng—¡oh anóng alíw!—ay dárating bukas; ang hulíng palabás—dapat mong isaisip—ay matatapos sa gabíng itó.

G. ¿Paano ang pagbubuô sa salitâng ay?

N. Binubuô sa maraming kaparaanán: una, sa pagbubuô ng̃ dalawáng pangdiwà, hal.: Si Mariano ay manggagawà, si Binong ay mánunulát; ikalawá, sa pagbubuô ng̃ isáng pangdiwà at isáng pangturing, hal.: ang santól ay matamís, ang bulaklák ay magandá; ikatló, sa pagbubuô ng̃ isáng pangdiwà at isáng pangwatas, hal.: Si Huan ay susulat, ang araw ay tumatakbó.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ pangwatas sa kapuwà pangwatas?

N. Ang paghaharì ng̃ pangwatas ay hindî maáarìng lumampás sa pangdiwà (sustantivo) ó sa pangtayô (pronombre) kundî sa kapuwà pangwatas din, at ang mg̃a salitâng idinaragdág dito ay may sariling paghaharì (ó régimen), hal.: Ibig niyáng maglarô ng̃ kalumbibít, silá’y nakihamók upáng magtagumpáy sa kalaban.

[269]

V KABANATA
Ukol sa mg̃a kaisipán (ó oración)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na kaisipánoración)?

Nag-aaral. Tinátawag na kaisipán sa Balarilà ang dalawá, ó ang kabuùan ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap na nagbabadyá ng̃ isáng ganáp na pagkukurò.

G. ¿Iláng urì mayroón ang kaisipán?

N. Dalawá: dalisaysimple) at mayhalòcompuesta).

G. ¿Anó ang kaisipáng dalisay?

N. Ang binubuô lamang ng̃ íisáng pangwatas (ó verbo), hal.: Ang aklát ay nagtuturò sa bayan.

G. ¿Anó ang kaisipáng mayhalò?

N. Ang binubuô namán ng̃ dalawáng kaisipán (ó oración), hal.: Huwág kang gagawâ ng̃ masamâ kung ayaw kang maparusahan.

G. Ang kaisipáng dalisay, ¿sa anó nabábahagi?

N. Sa tinátawag na pang̃una at pang̃alawá.

G. ¿Alín ang kaisipáng pang̃una?

N. Ang binubuô ng̃ pang̃ulosujeto), pangwatasverbo) at pangtung̃ocomplemento), hal.: Ang araw ay sumisilang sa umaga. Sa halimbawàng itó ang araw ay siyáng pang̃ulo, sumisilang ay pangwatas at umaga ay pangtung̃o.

G. ¿Alín ang kaisipáng pang̃alawá?

N. Ang binubuô lamang ng̃ pang̃ulo at pangwatas, hal.: Ang buwán ay sumisilang. Sa halimbawà namáng itó, ang buwán ay siyáng pang̃ulo at sumisilang ang pangwatas.

[270]

G. ¿Anó ang tinátawag na pang̃ulo ng̃ kaisipán?

N. Ang isáng salitâ, ó kabuùan ng̃ mg̃a salitâ na tumutukoy sa ng̃alan ó bagay na siyáng gumagawâ ó gumaganáp sa ibinabadyá ng̃ pangwatas, hal.: Si Lucio ay bumabasa ng̃ aklát; ang batàng mabaít ay nagtatapát sa magulang.

G. ¿Paano ang pagkakilala sa pang̃ulo ng̃ kaisipán?

N. Pang̃unahan ang pangwatas ng̃ tanóng na ¿sino ang? Iangkáp natin itó sa mg̃a halimbawàng nakaraán, at ganitó dapat sabihin: ¿sino ang bumabasa? ¿sino ang nagtatapát? Ang kasaguta’y madalîng mababatíd na siyáng pang̃ulo ng̃ bawà’t kaisipán: Si Lucio sa una, at sa ikalawá’y ang batàng mabaít.

G. ¿Anó ang tinátawag na pangtung̃o ng̃ kaisipán?

N. Ang salitâ, ó kabuùan ng̃ mg̃a salitâ na binabanggít sa ng̃alan ó bagay na siyáng ginagawâ ó ginaganáp nang isinasaysáy ng̃ pangwatas, hal.: Si Daniel ay gumagawâ ng̃ tinapay; si Yoyong ay bumibilí ng̃ mg̃a aklát.

G. ¿Mayroóng ilán ang hugis ng̃ pangtung̃o?

N. May dalawá: tapátdirecto) at likôindirecto).

G. ¿Anó ang tinátawag na pangtung̃ong tapát?

N. Ang ng̃alan ó bagay na tinatanggáp ng̃ tápatan ang kahulugán ng̃ pangwatas, hal.: Akó’y naglulutò ng̃ isdâ.

G. ¿Paano ang pagkakilala na ang pangtung̃o (ó complemento) ay tumatanggáp ng̃ tápatan sa gawâ ng̃ pangwatas?

N. Makikilala sa pamamagitan ng̃ isáng pagsusurì, na, kung ang náturang pangtung̃o ay maáarìng gawíng [271]pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ kaisipán, na, ang pangwatas ay ilálagáy sa pangtiyák (ó voz pasiva). Ilagáy natin sa bagay na itó ang halimbawàng si Yoyong ay humukay ng̃ lupà, at kung magkaganitó’y magigíng: ang lupà ay hinukay ni Yoyong. Dahil namán dito ang lupà ay pangtung̃ong tapát na siyáng tumatanggáp ng̃ tápatan sa gawâ ng̃ pangwatas.

G. ¿May ibá pa bang kaparaanán sa pagkilala ng̃ pangtung̃ong tapát?

N. Oo pò, sa pamamagitan ng̃ ganitóng tanóng: ¿Sino ang? ó ¿anóng bagay? na sinusundán ng̃ pangtiyák na pangwatas at ng̃ pang̃ulo ng̃ kaisipán. Halimbawà: Si Huan ay sumaksák kay Lucio; si Nicanor ay nagpakò ng̃ kahoy. Iangkáp natin ang mg̃a tanóng na: ¿sino ang sinaksák ni Huan?—Si Lucio; ¿anóng bagay ang pinagpakuan ni Nicanor?—Ang kahoy.

G. ¿Anó ang pangtung̃ong likôindirecto)?

N. Ang ng̃alan ó bagay na hindî tinatanggáp ng̃ tápatan ang gawâ ng̃ pangwatas, hal.: Akó’y maglalakbáy sa Tayabas.

G. ¿Paano namán ang pagkakilala, na, ang gawâ ng̃ pangwatas ay hindî tinatanggáp ng̃ tápatan?

N. Makikilala siyá sa pamamagitan ng̃ paglalagáy ng̃ kaisipán sa pangtiyák (ó pasiva), na ang náturang pagtung̃o (ó complemento) ay hindî maáarìng ilagáy sa pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ kaisipán. Tikmán nating ilagáy sa pangtiyák ang halimbawàng si Lucio ay maglalakbáy sa Tayabas. Kung magkaganitó’y magigíng: Ang Tayabas ay paglalakbayán ni Lucio at dito’y mapagkikilalang ang Tayabas ay hindî tinatanggáp ng̃ tápatan ang gawâ ng̃ pangwatas.

[272]

VI KABANATA
Sa mg̃a kaisipáng dalisay (ó simple)

Gurò. ¿Iláng hugis mayroón ang mg̃a kaisipáng dalisay?

Nag-aaral. Mayroóng ibá’t ibáng hugis at may ibá’t ibáng kátawagán sang-ayon sa pangwatas na tagláy ng̃ kaisipán.

G. ¿Maáarì bagáng bumuô ng̃ isáng kaisipán sa pamamagitan ng̃ salitâng ay?

N. Maáarì pò, kailan ma’t nagtatagláy ng̃ isáng pang̃ulo at isáng pangtung̃o, na, maáarìng pangdiwà ó pangturing, at ipinagigitnâ ang ay sa dalawáng itó, hal.: Si Lukas ay anluwage; ang bulaklák ay magandá.

G. ¿Anóanó ang bumubuô sa mg̃a pangwatas na nagbuhat sa ma, ó sa mg̃a ibáng pangwatas na may gangganitóng kahulugán?

N. Bumubuô lamang ng̃ dalawá: pang̃ulo at pangwatas, hal.: Si Husé ay natulog; ang pusà ay namatáy.

G. ¿Anó ang kaisipáng tinátawag na pangtagòimpersonal)?

N. Ang binubuô lamang ng̃ pangwatas na may ganitóng urì, at walâng tagláy na pang̃ulo ni pangtung̃o, hal.: Umulán, bumagyó, humang̃in, lumindól, kumulóg, kumidlát, umumaga, gumabí, humápon.

G. ¿Anó ang kaisipáng tinátawag na pangbalakactiva)?

N. Ang kaisipáng may pangwatas na ganitóng hugis.

G. ¿Sa ilán nabábahagi ang kaisipáng pangbalak?

[273]

N. Gaya na ng̃ násabi ay sa dalawá: pang̃una at pang̃alawá.

G. ¿Anó ang kaisipáng pang̃una ng̃ pangbalak?

N. Ang binubuô ng̃ pang̃ulo, ng̃ pangwatas na kanyáng pinaghaharìan, at ng̃ pangtung̃ong tapát (ó directo), hal.: Si Beloy ay gumawâ ng̃ bahay; ang ibon ay kumain ng̃ saging.

G. ¿Anó ang kaisipáng pang̃alawá ng̃ pangbalak?

N. Ang binubuô lamang ng̃ pang̃ulo at ng̃ pangwatas na pinaghaharìan niyá, hal.: Si Yoyong ay naglulutò; ang batà’y bumabasa.

G. ¿Anó ang kaisipáng pangtiyákpasiva)?

N. Ang binubuô ng̃ pang̃ulo, ng̃ pangwatas na nasa pangtiyák, at ng̃ pangtung̃ong pinaghaharìan ng̃ ni ó ng̃, alinsunod sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay, hal.: Ang lupà ay hinukay ni Lucio; ang damít ay kinahig ng̃ manók.

G. ¿Paano ang pagtutumbalík ng̃ isáng kaisipáng pang̃una ng̃ pangbalak sa isá namáng pangtiyák?

N. Dapat munang mabatíd na ang kaisipáng pang̃una ng̃ pangbalak ay binubuô ng̃ pang̃ulo ng̃ pangwatas at ng̃ pangtung̃ong tapát. Sa pangtiyák, itóng pangtung̃ong tapát ay siyáng ginagawâng pang̃ulo, at ang pangwatas na pangbalak ay inilálagáy sa pangtiyák, at ang pang̃ulo sa kaisipáng pangbalak ay nagigíng pangtung̃o sa kaisipáng pangtiyák sa pamamagitan ng̃ ni ó ng̃, hal.: Ang bahay ay ginawâ ni Beloy, ang saging ay kinain ng̃ ibon.

G. ¿Paano namán kung ibig itumbalík sa pangbalak ang isáng kaisipáng pangtiyák?

N. Dapat gawíng pabaligtád, ó sa malinaw na [274]sabi’y kunin ang pangtung̃o na may daláng pang-akbáy at siyáng gawíng pang̃ulo, ang pangwatas ay ilagáy sa pangbalak, at ang pang̃ulo’y dapat namáng ilagáy sa pangtung̃ong tapát, hal.: Si Beloy ay gumawâ ng̃ bahay.

VII KABANATA
Sa mg̃a kaisipáng mayhalò (ó compuesta)

Gurò. ¿Paano ang pagkakabuôbuô ng̃ mg̃a kaisipáng mayhalò?

Nag-aaral. Sa dalawáng kaparaanán: una, ang gayón ding ayos ng̃ pangwatas na walâng namamagitnâng ibá pang salitâ na siyáng naglalakip sa dalawáng kaisipán, at ikalawá’y ang gayóng hugis na may namamagitnâng ibáng pang̃ung̃usap; hal.: sa unang paraán: Ang harì ay nananaog sa hagdán, ang mg̃a tao’y nagtiting̃inan sa kanyá.

G. ¿Anó ang dapat mabatíd ukol sa mg̃a kaisipáng ganitó?

N. Ang pagtatang̃ì sa tinátawag na pang̃ulong kaisipán (ó oración principal) na may kahulugáng ganáp, at ang tinátawag na panghulíng kaisipán (ó oración accesoria) na siyáng nagbibigáy ng̃alan sa kanyá.

G. Sa halimbawàng binanggít, ¿alín ang pang̃ulong kaisipán at alín ang panghulí?

N. Ang pang̃ulong kaisipán ay itó: Ang mg̃a tao’y nagtiting̃inan sa kanyá. Ang panghulí ay itó namán: Ang harì ay nananaog sa hagdán.

G. ¿Anóng salitâ ang dapat ipagitnâ sa paglalakip ng̃ dalawáng kaisipán?

[275]

N. Ang salitâng na, hal.: ang bayan NA nakikiníg ng̃ayón, ay siyáng nagpapatotoó. Ang pang̃ulong kaisipán sa halimbawàng itó ay: ang bayan ay siyáng nagpapatotoó; ang panghulí ay: na nakikiníg ng̃ayón. Sa unang kaisipán, ang pang̃ulo’y ang bayan; at sa ikalawá, ang pang̃ulo’y ang bayan din, ng̃unì’t itó’y kinakatawanán ng̃ salitâng na.

VIII KABANATA
Paglalakip na likhâ (ó Sintaxis figurada)

Gurò. ¿Anó ang paglalakip na likhâ?

Nag-aaral. Yaóng paglalakip na, sa ikalálakás ó ikagagandá ng̃ pagbabadyá ay nagpapáhintulot na baguhin ang likás na ayos ó hanáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, bawasan ó dagdagán, ng̃ ilán ó lumabág kayâ sa mg̃a tuntunin ng̃ Paglalakip; hal.: Dinggín mong mataós sa iyóng pusò ang kalunoslunos na daíng ng̃ mg̃a dukhâ, ng̃unì’t huwág pagpupuri ang iyóng iukol sa halakhák ng̃ mayayaman.

G. ¿Paano dapat ilagáy ang mg̃a salitâng itó sang-ayon sa sinúsunód na mg̃a tuntunin ng̃ paglalakip na likás?

N. Sa ganitóng ayos: Ang kalunoslunos na daíng ng̃ mg̃a dukhâ ay dinggín mong mataós sa iyóng pusò, kay sa mg̃a halakhák ng̃ mayayaman, ng̃unì’t huwág pagpupuri ang iyóng iukol.

G. ¿Ilán at alínalín ang mg̃a pahintulot sa pagbubuô (ó figuras de construcción)?

N. Limá: pagpapalíthipérbaton), pagkukulang [276]elipsis), paglalabispleonasmo), pagtatanyágsilepsis) at paglilipattraslación).

G. ¿Anó ang tinátawag na pagpapalíthipérbaton)?

N. Ang pagkakapalítpalít ó pagkakabagobago ng̃ likás na hanáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, hal.: Hinukay ni Lukas ang lupà; nahalò ang bigás sa palay; na, kung iayon sa talagáng tuntunin ay ganitó dapat sabihin: ang lupà’y hinukay ni Lukas; ang bigás ay nahalò sa palay.

G. ¿Ang lahát bang salitâ ay maáarì ng̃ gamitin sa paraáng itó?

N. Hindî pò, at ang katunaya’y mayroóng mg̃a pangkát ng̃ kaisipán na hindî maáarìng pagpalitín, gaya ng̃ pang-akbáy, pang-ukol at pangbigkís. Halimbawà’y hindî maáarìng gawíng ganitó: Lucio SI; aklát ANG; bahay bató NA; tubig Mariláw SA; atbp., sa lugál na sabihing: Si Lucio, ang aklát, bahay na bató, tubig sa Mariláw.

G. ¿Anó ang tinátawag na pagkukulangelipsis)?

N. Ang pag-áalís ng̃ iláng pang̃ung̃usap, na sa biglâng ting̃ín ó paggamit ay walâng halagá, ng̃unì’t lubhâng kailang̃an kung pakasusurìin at iáayon sa tuntuning likás ng̃ pagbubuô. Ginágamit ditong malimit ang mg̃a salitâ sa paggalang ó pagbabatìán, na sa kálawigang totoó ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, kung kayâ’y ináalís ang ilán at ang binibigkás lamang ay yaóng mahalagá na mawawatasan ng̃ kausap.

Madalás nating marinig ang mg̃a bigáy-galang na: Magandáng araw pò; tao pò; at ang tanóng na ¿anó? Sa mg̃a pang̃ung̃usap na itó ay may iláng inalís, at [277]ang talagáng dapat sabihin ay ganitó: Bigyán ka pòkayó ó silá) ng̃ magandáng araw; may táong tumatawag ó humahanap at ¿anó ang ibig mo? ó ¿anó ang sinabi mo?

G. ¿Anó ang tinátawag na paglalabispleonasmo)?

N. Ang pagdaragdág ng̃ iláng salitâ na hindî kailang̃an ó labis, ng̃unì’t nagbibigáy ng̃ magandáng pagbabadyá at nagpapalayô sa mg̃a álinlang̃an ng̃ ibig sabihin ó ipatunay, hal.: Ang ibo’y nakita ko NG̃ AKING MG̃A MATÁ; ang ugong ay NARINÍG NG̃ AKING TAING̃A. Sa mg̃a halimbawàng itó’y labis ang mg̃a salitâng ng̃ aking mg̃a matá, at ng̃ aking taing̃a, at sukat nang sabihing: ang ibo’y nakita ko, at ang ugong ay aking nariníg.

Gayón din ang sukat másabi sa mg̃a salitâng: umakyát SA ITAÁS, pumanaog SA IBABÂ, lumipád SA HIMPAPAWÍD, lumang̃óy SA TUBIG, sapagkâ’t ang katotohana’y labis ang mg̃a salitâng sa itaás, sa ibabâ, sa himpapawíd, sa tubig, palibhasà’y hindî mangyayaring umakyát sa ibabâ, pumanaog sa itaás, lumipád sa lupà, ni lumang̃óy sa katihan; ng̃unì’t ang mabuting paggamit ay pinagtitibay ang ganitó.

G. ¿Anó ang pagtatanyágsilepsis)?

N. Ang ginagawâng pagkakaayon (ó concordancia), na ang ináalam ay hindî ang mg̃a pang̃ung̃usap kundî ang itinatanyág ó kinakatawanán. Sa ating wikà, ang mg̃a pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó pronombre personal) na kayó at silá na kapuwà na sa bilang na dalawá ó marami (ó plural), ay malimit gamitin sa bilang na íisá kapág tumutukoy sa paggagalang̃an, gaya ng̃: KAYÓG. Agustin [278]ang tinutukoy ko; SILÁ pò’y si G. Aguilar, na maáarì rin namáng sabihin at siyá ng̃âng katumbás na: ikáw pò G. Agustin, siyá pò’y si G. Aguilar.

G. ¿Anó ang paglilipattraslación)?

N. Ginágamit itó sa iláng mg̃a panahón ng̃ pangwatas na may kátuturáng kung pagkasusurìing maigi ay hindî angkáp kayâ’t kailang̃ang halinhán ó ilipat sa ibáng panahón, gaya ng̃ madalás sabihing: BABASA akó ng̃ayón sa lugál na BUMABASA akó ng̃ayón; huwág kang TUMAKBÓ sa lugál na huwág kang TATAKBÓ; huwág kang KUMAIN sa dapat sabihing huwág kang KAKAIN, at ibá pa.

IX KABANATA
Mg̃a kamalìán ng̃ salitâ (ó vicios de dicción)

Gurò. ¿Alínalín ang mg̃a kamalìáng dapat mailagan magíng sa pagsasalitâ at magíng sa pagsulat?

Nag-aaral. Ang mg̃a pang̃ulong kamalìán ay itóng mg̃a sumúsunód: kaibhánbarbarismo), kasiràánsolecismo), kakulitáncacofonía), kalabùananfibología) at kahirapanpobreza).

G. ¿Anó ang tinátawag na kaibhánbarbarismo)?

N. Ang kakulang̃áng nangyayari laban sa mg̃a tuntunin at kalikasán ng̃ wikà. Sinásakláw ng̃ kamalìáng itó ang mg̃a bahaging Pagkilala, Pagbigkás at Pagsulat.

G. ¿Alínalín ang mg̃a kaibháng nangyayari sa Pagsulat?

N. Ang mg̃a sumúsunód:

Una.—Kudlitán ang mg̃a pang̃ung̃usap na hindî [279]dapat kudlitán, gaya ng̃ náyon, báyan, pagsílang, paggíliw atbp.; sa lugál na nayon, bayan, pagsilang, paggiliw.

Ikalawá.—Gamitan ng̃ ibáng kudlít ang mg̃a salitâng may sariling kudlít na tagláy, gaya ng̃ susó, laró, lahî, wikâ, binhì, ng̃itì, atbp.; sa dapat gawíng susô, larô, lahì, wikà, binhî, ng̃itî.

Ikatló.—Gawíng salitâng pagbabawas (ó síncopa) ang pang̃ung̃usap na hindî maáarìng gawíng ganitó, gaya ng̃ dwág, hwág, twíd, bwíg, bwán, bwál, twád, twî, atbp. sa lugál na duwág, huwág, tuwíd, buwíg, buwán, buwál, tuwád, tuwî.

Ikaapat.—Hatìin ng̃ masamâng paghahatì ang mg̃a salitâ, gaya ng̃ ku-dlít, tu-klóng, pa-tláng, ma-twíd, ba-dyá, bi-gwás, atbp.; sa dapat gawíng kud-lít, tuk-lóng, pat-láng, mat-wíd, bad-yá, big-wás.

Ikalimá.—Sulating masamâ ang mg̃a pang̃ung̃usap, gaya ng̃ mabutE, lalakE, pulEs, alipEn, butU, tubU, kutUs, utUs, sukaP, hikaP, haráB, higoB, suntoG, bagsíG, lamíK, baníK, lipáT, sisiT, awiD, sapoD, haKdán, baKság, puGG, atbp.; sa dapat gawíng mabuti, lalaki, pulís, alipin, butó, tubó, kutós, utos, sukáb, hikáb, haráp, higop, suntók, bagsík, lamíg, baníg, lipád, sisid, awit, sapot, hagdán, bagsák, pukpók.

Ikaanim.—Gamitin ang isáng salitâng hindî angkáp sa talagáng kátuturán, hal.: SINIPÌ ko ang magandáng talumpatì ni Osmeña, sa dapat sabihing hinaláw ko, atbp.; sapagkâ’t ang isáng nakikiníg ay hindî mangyayaring sumipì ng̃ isáng talumpatì kundî humaláw lamang. Sumipì ay kuning buông buô, at humaláw ay kunin ang bahaging lalòng mahalagá.

[280]

G. ¿Anó ang tinátawag na kasiràánsolecismo)?

N. Ang pagsirà sa iláng pátakarán ng̃ Paglalakip sa mg̃a bahagi niyáng pagkakaayon, paghaharì at pagbubuô.

G. ¿Alín ang mg̃a kasiràáng nangyayari sa pagkakaayon?

N. Itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Ukol sa bilang (ó número), hal.: ang ibon at isdâ ay MAGANDÁ; ang tao at hayop ay MAMAMATÁY; sa dapat sabihing ang ibon at ang isdâ ay magagandá; ang tao at hayop ay mang̃amamatáy.

Ikalawá.—Ukol sa lagáy (ó caso), hal.: Ang batà’y bumilí ng̃ aklát, AT ANG AKLÁT NA ITÓ’Y itinapon lamang; sa lugál na sabihing: ang batà’y bumilí ng̃ aklát, at itó’y itinapon lamang.

Ikatló.—Hinggíl sa katawán (ó persona), hal.: KAYÓ ay marunong, itóng bahay ay ATIN, sa dapat sabihing ikáw ay marunong, itóng bahay ay amin.

G. ¿Alín ang kasiràáng nagagawâ sa paghaharì?

N. Magkapalitan ang mg̃a pang-ukol (ó preposición), hal.: máng̃ang̃alakál SA abaká; nagmamayarî SA bahay; sa dapat sabihing máng̃ang̃alakál ng̃ abaká; nagmamayarî ng̃ bahay.

G. ¿Alín ang kasiràáng nangyayari sa pagbubuô?

N. Ang masamâng pagkakálagáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, hal.: may siyáng bayabas, sa lugál na sabihing may bayabas siyá.

G. ¿Anó ang tinátawag na kakulitáncacofonía)?

N. Ang masamâng tunóg na nilílikhâ ng̃ pagkakaulitulit ng̃ mg̃a pantíg ó mg̃a titik na may íisáng hugis, hal.: ang naSÀ’Y pasa ng̃ maririwa; ang laNG̃ITNG̃IT [281]ng̃ saHIG ay nakatutuLIG; ang huNI NI NInoy ay marahan.

G. ¿Sa tuwîtuwî na ba’y masamâ ang ganitóng pagkakaulitulit?

N. Hindî pò, sapagkâ’t ang kadalasá’y nagigíng magandá at tumpák, palibhasà’y nagkakaroón ng̃ tamís at lambíng ang gayóng pagpaparisparis, lalò na kung gugunitâing sa Wikàng Tagalog ay totoóng malimit ang ganyáng tunóg.

G. ¿Anó ang kalabùananfibología)?

N. Ang kadilimáng ibinubung̃a ng̃ hindî tumpák na pagkakásalansán ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, hal.: Mg̃a damít pará sa mg̃a lalaking matitibay, sa dapat gawíng: mg̃a damít na matitibay pará sa mg̃a lalaki.

G. ¿Anó ang kahirapanpobreza)?

N. Ang madalás na paggamit ng̃ isáng pang̃ung̃usap sa maraming salitâng tinutukoy, hal.: Ang bagyó ay SUMIRÀ ng̃ bahay, ng̃ halaman, ng̃ simbahan, ng̃ tuláy, ng̃ lansang̃an, atbp. Ang halimbawàng itó’y dapat sabihin ng̃ lalòng marikít sa ating wikà: Ang bagyó ay siyáng sumirà ng̃ bahay, pumalís ng̃ halaman, nagpaguhô ng̃ simbahan, nagpagibâ ng̃ tuláy, nagpasamâ ng̃ lansang̃an, atbp. Ang kahirapan ay hindî dapat pairalin sa may mayayamang salitâ gaya ng̃ tagalog, sapagkâ’t náwawalâ ang gandáng dapat madiníg at nagpapasirà sa kayamanang tagláy ng̃ isáng wikà.

[282]

IKAAPAT NA BAHAGI
Pagsulat ó Ortografía

I KABANATA
Ang Pagsulat at ang kanyáng sakláw

Gurò. ¿Anó ang PagsulatOrtografía)?

Nag-aaral. Pagsulat, ay isáng Bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ tumpák na pagsulat, sa mabuting pagkakaayawayaw ng̃ mg̃a titik at ng̃ mg̃a ibá pang tandâng ginágamit.

G. ¿Anó ang kaibhán ng̃ Pagsulat (ó Ortografía) sa tinátawag na Kaligrapía?

N. Na, ang Pagsulat (ó Ortografía) ay nagtuturò ng̃ paggamit na dapat gawín sa mg̃a titik, gayón sa mg̃a kudlít at sa mg̃a tandâ ng̃ pagsulat; at ang Kaligrapía’y ang kaparaanáng sinúsunód ukol sa mabuti at magandáng tindig, anyô ó hugis ng̃ mg̃a titik.

G. ¿Sa anó nabábahagi ang mg̃a titik?

N. Ang mg̃a titik ay nabábahagi sa malalakímayúscula) at mumuntîminúscula).

MALALAKÍNG TITIK:

A, B, K, D, E, G, G̃, H, I, L,
M, N, O, P, R, S, T, U, W, Y.

MUMUNTÎNG TITIK:

a, b, k, d, e, g, g̃, h, i, l,
m, n, o, p, r, s, t, u, w, y.

[283]

II KABANATA
Hinggíl sa malalakíng titik

Gurò. ¿Anó ang hang̃ád ng̃ malalakíng titik?

Nag-aaral. Ang hang̃ád nitó’y itang̃ì ang mg̃a pang̃ung̃usap na lalòng dakilà, marang̃ál ó mahalagá nang lalòng lumiwanag ang sulat ó pagsulat.

G. ¿Alín ang mg̃a tuntuning dapat sundín upáng gamitin ang malalakíng titik?

N. Dapat gamitin ang malalakíng titik sa mg̃a sumúsunód na tuntunin:

1.)—Ang unang titik ng̃ bawà’t sulat, at ang una rin pagkátapos ng̃ tuldók (ó punto final), hal.: Tinanggáp kong malugód ang iyóng liham kaninang umaga. Napagtantô kong lahát ang ibig mong sabihin.

Kung minsan, kahì’t walâng sinusundáng tuldók ay ginagawâ ring malakíng titik kailan ma’t ang sumúsunód na salitâ ay katumbás sa simulâ ng̃ sulat, hal.: Ang nakalagdâ’y nagsasabi: Na, yamang akó’y inihalál na punong bayan sa lálawigang....

2.)—Lahát ng̃ mg̃a kátawagán sa Dios, gaya ng̃ Bathalà, Lumikhâ, Maykapál, Hesukristo, Mánunubós, atbp.

3.)—Ang unang titik ng̃ lahát ng̃ pang̃alang náuukol sa tao, hal.: Rizal, Bonifacio, Burgos, Del Pilar, Jaena, Mabini, Balagtás, Lakandula, atbp.

4.)—Lahát ng̃ mg̃a pang̃alang mararang̃ál ng̃ katungkulan, gaya ng̃ Gobernador, Speaker, Komisionado, Kinatawán, Mahistrado, Hukóm, Abogado, Médiko, atbp.

5.)—Ang unang titik ng̃ mg̃a pamagát ng̃ limáng [284]panig ng̃ Daigdíg, hal.: Europa, Asia, Aprika, Amérika at Oseanía.

6.)—Ang lahát ng̃ pang̃alan ng̃ mg̃a bansá, bayan ó lahì at lálawigan, hal.: Pilipinas, Amérika, Espanya, Pransia, Maynilà, Bulakán, Kabite, Laguna, atbp.

7.)—Ang mg̃a pamagát ng̃ mg̃a ilog, bundók, yung̃íb, bulkán, atbp., hal.: Pasig, Makiling, Sta. Géronima, Mayón, Taál, atbp.

8.)—Ang mg̃a pamagát ng̃ mg̃a páhayagán, gaya ng̃ Taliba, Ang Mithî, Ang Democracia, Katuwiran, Lunas ng̃ Bayan, Plaridel, atbp.

9.)—Ang mg̃a pamagát ng̃ mg̃a páaralán, gaya ng̃ Liceo de Manila, La Jurisprudencia, Instituto Burgos, Colegio Mercantil, La Regeneración, atbp.

10.)—Ang mg̃a pamagát ng̃ ibá’t ibáng kapisanan, hal.: Samahán ng̃ Mánanagalóg, Mutyâ ng̃ Silang̃an, Malayàng Araw, Taga-Ilog, Ang Sulô, atbp.

11.)—Lahát ng̃ mg̃a pamagát ng̃ mg̃a aklát at dulâ, hal.: Banaag at Sikat, Busabos ng̃ Palad, Anino ng̃ Kahapon, Walâng Sugat, Karaniwang Ugalì, Ang Kalupî, atbp.

12.)—Ang mg̃a paggalang, lalòng lalò na kung nasa mg̃a salitâng daglî (ó abreviatura), hal.: Kgg. (kagalanggalang), G. (ginoó), Bb. (binibini) atbp.

13.)—Ang iláng salitâng karaniwan kung bumabanggít sa ibáng kátuturán, hal.: Puhunan, Salapî, Pawis, Sandata, Panulat, Kariwasaán, Kahirapan, Pagtulog, Dálitâ, Paraluman, Liwaywáy, Pag-asa, atbp.

14.)—Lahát ng̃ pang̃unang titik ng̃ tulâ, baga ma’t maáarì ring isulat sa mumuntîng titik.

[285]

III KABANATA
Paggamit ng̃ iláng titik ayon sa kanyáng tunóg

HINGGÍL SA E AT I[34]

Gurò. ¿Alínalín ang mg̃a tuntunin ukol sa paggamit ng̃ e ó i?

Nag-aaral. Ang mg̃a tuntuning sumúsunód:

Una.—Sa unang pantíg ng̃ madlâng pang̃ung̃usap na tagalog, magsimulâ man sa ting̃ig (vocal) ó kayâ’y pangtinig (consonante), ay nárarapat gamitin ang i na siyáng tumpák at hindî e na bihiràng bihiràng magamit; hal.: I, Ikáw, Ilaw, I, Iwan, Ibig, Iyák, dIlág, tIbay, dIto, sItaw, tIklóp, tI, tIsod at ibá’t ibá pa.

Pásubalì.—Ang mg̃a salitâng binawasan (ó sincopado) paris ng̃ eto (náitó), ewan (aywán), meron (mayroón), tena (tayo na), bewang (baywáng), atbp., at sakâ ang pangdamdám (ó interjección) eh! eh! eh! Gayón din ang mg̃a palayaw ó pang̃alang buhat sa kastilà, paris ng̃ Edeng, Entang, Menang, Teban, Teto, atbp.

[286]

Ikalawá.—Sa hulíng pantíg ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, magtapós man sa ting̃ig ó pangtinig na nag-áalang̃aning isulat ng̃ e ó i ay dapat gamitin ang i na siyáng lalòng nálalapit sa likás na pagbigkás natin kay sa e na lubhâng malawig sa ating dilà at masaguwâng dinggín sa pakinig.

Náitó ang mg̃a halimbawàng sumúsunód:

Lalaki at dî Lalake.
Maigi Maige.
Mabuti Mabute.
Gabí Gabé.
Saksí Saksé.
Malakí Malaké.
Batì Batè.
Harì Harè.
Lahì Lahè.
Parì Parè.
Ng̃itî Ng̃itê.
Budhî Budhê.
Tagurî Tagurê.
Mithî Mithê.
Atis Ates.
Lupít Lupét.
Dilis Diles.
Sumpít Sumpét.
Pulís Pulés.
Alipin Alipen.

Pásubalì.—Ang mg̃a salitâng babae, page, gabe, tae, butsé, atbp., at hindî babai, pagi, gabi, tai, butsi, na lubhâng matigás dinggín. Gayón din ang mg̃a palayaw ó pang̃alang galing sa kastilà, paris ng̃ Mange, Ige, Bale, atbp., at sakâ ang mg̃a salitâng kastilà na ináarì natin, gaya ng̃ anghél, kiles, kingké at ibá pa.

HINGGÍL SA O AT U

G. ¿Alín namán ang mg̃a panutong dapat pairalin ukol sa paggamit ng̃ o at u, upáng mabigyáng hanggá ang malimit na pag-áalang̃anin sa pagsulat?

N. Ang mg̃a panutong dapat sundín ay itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Ang simulâng pantíg ng̃ mg̃a salitâng tagalog, magsimulâ man sa ting̃ig ó kayâ’y pangtinig, ay dapat [287]gamitin ang u na siyáng lalòng tumpák at may maraming gumágamit kay sa o na lubhâng masaguwâ sa unahán. Halimbawà: utos, uling, uban, usá, ulól, bulág, tutol, lubáy, kulam, luhog, atbp., at hindî otos, oling, oban, osá, olól, at ibá pa paris ng̃ ginagawâng pagsulat ng̃ mg̃a praileng mánanagalóg.

Pásubalì.—Ang mg̃a salitâng oo, opò, oróy, ¡oh!, loób, boo, poót, poók, totoó, at ibá pa, at sakâ ang mg̃a salitâng buhat sa kastilà, gaya ng̃ oras, oros, at ibá pang gangganitó.

Ikalawá.—Ang katapusáng pantíg ng̃ mg̃a salitâng nag-áalang̃aning isulat ng̃ o at u, magtapós man sa ting̃ig ó kayâ’y pangtinig, ay o ang dapat gamitin na siyáng lalòng angkóp sa ating pagbigkás at pangdiníg kay sa u na lubhâng matigás at masamâng pakinggán.

Náitó ang iláng halimbawà:

Tubó at dî Tubú.
Tuksó Tuksú.
Butó Butú.
Pusò Pusù.
Birò Birù.
Suyò Suyù.
Dugô Dugû.
Larô Larû.
Sulô Sulû.
Buslô Buslû.
Mánunubós Mánunubús.
Maramot Maramut.
Tapós Tapús.
Utos Utus.
Tutol Tutul.
Kutós Kutús.
Maayos Maayus.
Subok Subuk.
Lipós Lipús.
Bastós Bastús.

Pásubalì.—Ang mg̃a salitâng nakú! hú! sús! atbp. na dapat gamitan ng̃ u at hindî o. Gayón din ang iláng salitâng kastilà na isinusulat sa wikà natin, gaya ng̃ Hesús, at ibá pa.

[288]

HINGGÍL SA B AT P

G. ¿Hindî ba magkaibá ang tunóg ng̃ b at p?

N. Magkaibá ng̃â, ng̃unì’t napapagkamalán ang isá’t isá sa talagáng paggamit.

G. ¿Saán malimit mangyari ang ganitó?

N. Ang kadalasán ng̃ ganyáng pangyayari’y sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap, samantalàng sa dakong simulâ at kalagitnâan ay bihibihirà.

G. ¿Alín ang mg̃a panutong dapat sundín hinggíl sa tumpák na paggamit ng̃ isá’t isá?

N. Totoóng mahirap maglagáy ng̃ panutong sukat taluntunín sa bagay na iyán.

G. Kung walâng tuntuning sukat máitatág, ¿walâ na bang ibáng kaparaanáng dapat sundín upáng huwág mahulog sa kamalìán ang isáng nag-áalinlang̃an?

N. Mayroón pò, at ang paraáng itó’y siyáng másasabing tang̃ì na dapat gamitin, sakalìng ang isáng pang̃ung̃usap ay nag-áalang̃aning isulat ng̃ b ó p. Halimbawà ang salitâng sagíp; nang matantô nating kung itó’y tumpák na ang pagkakásulat ó kayâ’y malî, ay kailang̃ang ibahín ang salitâ at sa hulí’y dagdagán ng̃ in (sa halimbawàng itó), kung magkaganitó’y magigíng sagipín, at dito matataya natin ang sagíp ay tumpák, sapagkâ’t ang sagíb ó sagibín ay walâ sa salitâng tagalog. Ganitó rin ang marapat gawín sa ibáng pang̃ung̃usap, baga ma’t ang idinaragdág ay nagkakaibáibá.

Nang lalòng lumiwanag ang bagay na itó at huwág mangyari ang pagkakámalî, ay náritó ang isáng tálâán [289]ng̃ iláng mg̃a pang̃ung̃usap na dapat gamitan ng̃ b at p, upáng magíng huwaran at batayán sa mabuti at tumpák na pagsulat.

B

  • Anib
  • Dibdíb
  • Liblíb
  • Talahib
  • Sukáb
  • Sabsáb
  • Tukláb
  • Hikáb
  • Salakáb
  • Lagabláb
  • Duób
  • Loób
  • Sinukob
  • Dubdób
  • Lublób
  • Kutób

P

  • Panaginip
  • Alitaptáp
  • Halukipkíp
  • Alapaáp
  • Hinagap
  • Tiklóp
  • Silip
  • Haráp
  • Talop
  • Kupkóp
  • Hirap
  • Ganáp
  • Apuhap
  • Dahóp
  • Higop
  • Hihip
  • Idlíp
  • Lasáp
  • Sagíp
  • Tanggáp
  • Sulyáp
  • Saráp
  • Ling̃ap
  • Usap
  • Langkáp
  • Kisláp
  • Ulap
  • Iníp

HINGGÍL SA K AT G

G. ¿Hindî ba magkaibá rin ang tunóg ng̃ dalawáng pangtinig na itó?

N. Ang k at g ay magkaibá ng̃â rin sa tunóg, ng̃unì’t malimit mangyari ang pagkakáagáw sa paggamit kailan ma’t na sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap.

G. ¿Walâ rin bang panutong sukat masundán nang maiwasan ang pagkakámalî?

N. Walâ pò.

G. ¿Walâ kayâng ibáng paraáng dapat sundín?

N. Mayroón pò, at ang paraáng itó’y kaparis din ng̃ sa b at p, na, sakalìng nag-áalinlang̃ang magtapós sa k ó g ang isáng pang̃ung̃usap paris ng̃ salitâng [290]bihag sa halimbawà, itó’y nárarapat dagdagán sa hulí ng̃ in upáng mákilala kung ang pagkakásulat ay tumpák ó hindî; kung magkagayón ang salitâng bihag ay magigíng bihagin, at dito matatantông tugmâ ang pagkakásulat; sapagkâ’t kung k ang gagamitin, ang bihak ay magigíng bihakin, pananalitâng malî kung hindî man másasabing walâ sa ating wikà. Ganitó ring paraán ang dapat pairalin sa mg̃a salitâng nagtatapós sa k.

Nang lalòng luminaw ang bagay na itó at málayô sa mg̃a kamalìán, ay náitó ang isáng tálâán ng̃ iláng mg̃a salitâ na dapat gamitan ng̃ k at g tálâáng maáarìng gawíng huwaran at saligán sa ibáng mg̃a salitâng gangganitó.

K

  • Halimuyak
  • Bulaklák
  • Sindák
  • Tadyák
  • Gayák
  • Tabák
  • Bulak
  • Iyák
  • Tahimik
  • Bagsík
  • Siksík
  • Tiktík
  • Hibík
  • Halík
  • Tiník
  • Lalik
  • Himutók
  • Pukpók
  • Buhók
  • Batok
  • Tibók
  • Suntók
  • Salok
  • Subok

G

  • Banaag
  • Liwanag
  • Lagalág
  • Dilág
  • Liyág
  • Habág
  • Tibág
  • Dilág
  • Lantíg
  • Lamíg
  • Baníg
  • Ibig
  • Tinig
  • Bisig
  • Bibíg
  • Panalig
  • Tagalog
  • Alindóg
  • Tulog
  • Irog
  • Hulog
  • Ilog
  • Bilog
  • Handóg

[291]

HINGGÍL SA D AT T

G. ¿Anó ang dapat másabi ukol sa d at t?

N. Na, ang dalawáng pangtinig na itó’y nagkakáibá, at gaya rin ng̃ mg̃a náuná ay nagkakáagáw sa paggamit sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap.

G. ¿Alín ang mabuting paraáng dapat patnubayan ukol sa bagay na itó nang maiwasan ang pagkakámalî?

N. Ang tang̃ì at mabuting paraáng dapat sundín ay paris ng̃ sinunód sa b at p at sa k at g. Halimbawà ang salitâng awit: nang matalastás kung ang pagkakásulat nitó’y tumpák at maparam tulóy ang pag-áalinlang̃an at pagkakámalî, ay kailang̃ang dugtung̃án sa hulí ng̃ in ó an, at kung magkaganitó’y magigíng awitin ó awitan; at sa ganitó’y mahuhulò nang walâng álinlang̃an na ang pagkakásulat sa awit ay tumpák, sapagkâ’t kung ang gagawi’y awid, at itó’y daragdagán ng̃ in ó an ay magigíng awidin ó awidan, bagay na hindî tamà ó angkáp, pagkâ’t mg̃a salitâng bukód sa malî ay walâ sa ating wikà. Ganitó ring kaparaanán ang dapat taluntunín ukol sa mg̃a salitâng nagtatapós sa d.

Náritó rin ang isáng tálâán ng̃ mg̃a salitâng ginágamitan sa hulí ng̃ d at t, upáng may mapagkunang huwaran at sanggunìán ang isáng may pag-áalinlang̃an sa pagsulat.

D

  • Palakad
  • Tingkád
  • Lakad
  • Palad
  • Gagád
  • Tamád
  • Bantád
  • Lipád
  • Tilád
  • Bayad
  • Ubod
  • Sayod
  • Sunód
  • Lugód
  • Batíd
  • Litid
  • Masíd
  • Silíd
  • Gilíd
  • Sisid
  • Lingkód

[292]

T

  • Sikat
  • Dagat
  • Sulat
  • Sapát
  • Salát
  • Akyát
  • Tatát
  • Patpát
  • Satsát
  • Lang̃it
  • Awit
  • Galit
  • Sung̃it
  • Sungkít
  • Dalít
  • Bitbít
  • Waglít
  • Dikít
  • Kampupot
  • Lungkót
  • Pulót
  • Gamót
  • Dulot
  • Siklót
  • Takot
  • Talulót
  • Supot

HINGGÍL SA I AT Y

G. ¿Anó ang kaibhán ng̃ i at y?

N. Ang dalawáng itó’y lubhâng nagkakáibá magíng sa kátawagán at magíng sa tunóg. Magkaibá sa tawag sapagkâ’t ang una ay ting̃ig (ó vocal) at ang ikalawá’y pangtinig (ó consonante). Magkaibá sa tunóg sapagkâ’t ang una’y binibigkás na i lamang, samantalàng ang hulí ay ya.

G. ¿Alín ang mg̃a tuntuning dapat mapagbatayán ukol sa paggamit ng̃ i at y?

N. Ang mg̃a sumúsunód:

Una.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng wagás na tagalog, na sa gitnâ’y may magkasiping na ia, ie at io, gaya ng̃ tIAnak, tIAp, tIAk, kudIApi, akIAt, bIAk, kIAs, pasIA, tIAn, bIA, bIEnan, tIOpe, at ibá pang gangganitó ay dapat pagitnâan ng̃ y ang tinurang ia, ie, io na siyáng karaniwang gawín, at ginagawâng tiyanak, tiyáp, tiyák, kudiyapì, akiyát, kiyás, pasiyá, tiyán, biyâ, biyenan, tiyope.

Ikalawá.—Ang mg̃a salitâng tagalog na sa gitnâ [293]nitó’y magkasiping ang dalawáng ting̃ig na a at i ó ai ay dî dapat paltán ng̃ ay ni pagitnâan ng̃ y paris ng̃ ginagawâ ng̃ marami. Halimbawà baitang, kailan, kailang̃an, taing̃a, hain, atbp. ay ganitó dapat isulat, at hindî baytang, kaylan, kaylang̃an, tayng̃a, hayin. Dapat mabatíd na itó’y maáarìng gamitin sa pagtulâ (liban lamang ang hulí), sapagkâ’t siyá’y lubhâng malayà sa paggamit.

HINGGÍL SA U AT W

G. ¿Anó namán ang kaibhán ng̃ u sa w?

N. Na, ang u ay ting̃ig at pangtinig ang w, at itó’y wa kung bigkasín samantalàng yaó’y u lamang.

G. ¿Alín ang panuto ukol sa u at w?

N. Ang panutong dapat sundín bagay sa tumpák na paggamit sa isá’t isá, ay itó: Sa may gitnâ ng̃ lahát halos ng̃ mg̃a salitâng wagás na tagalog na kinaroroonán ng̃ magkakasiping na ting̃ig na ua at ui, ay dapat sing̃itan ng̃ w na pinagkaraniwanan nang gawín ng̃ marami. Halimbawà ang mg̃a salitâng buan, tuâ, káluluá, dátapuâ, saguâ, kapuà, lasuâ, tuî, buisit, saguíl, takuíl, buíg, buís, bituin atbp. ay dapat isulat ng̃ buwán, tuwâ, káluluwá, dátapuwâ, saguwâ, kapuwà, lasuwâ, tuwî, buwisit, saguwíl, takuwíl, buwíg, buwís, bituwín.[35]

Dapat matantô na kung itóng ua at ui ay may tagláy ng̃ kudlít na banayad (grave), na sa malinaw na sabi’y magíng ùa, ùi, na tang̃ìng nangyayari ang [294]ganitó sa mg̃a salitâng sinugpung̃án ng̃ in ó an, ay hindî dapat sing̃itan ng̃ w; hal.: “kapulùán”, “kalabùan”, “kasamyùan”, “mapusùan”, “panibughùin”, “pintuhùin”, “samyùin”, “larùin”, atbp. ay dî dapat gawíng “kapulùwán”, “kalabùwan”, “kasamyùwan”, “mapusùwan”, “panibughùwin”, “pintuhùwin”, “samyùwin”, “larùwin”.

TALABABÂAN

[34] Sa pagnanais kong mapawì ang pagkakáibáibá sa pagsulat gaya ng̃ lalaki ó lalake, atis ó atés, pisì ó pisè, parì ó parè, at ibá pa, baga ma’t ang gayóng pagkakabagobago ay hindî nakasisirà muntík man sa talagáng kahulugán, ay minárapat kong lagyán ng̃ iláng panutong dapat sundín hinggíl sa paggamit ng̃ e ó i, gayón ang ó at u, at ang mg̃a panutong itó’y násasalig sa katutubòng pagbigkás natin. Nábabatíd ko, na, ang pagbibigkás na itó’y pinapagsasaliw ang tunóg ng̃ e at i, at o at u sa katapusán ng̃ ting̃ig, ng̃unì’t ang nakakalamáng ng̃ bahagyâ ang siyáng súsundín ko’t pagsasaligán sa pagsulat.

[35] Malimit kong mápuná na itóng salitâng bituwín ay isinusulat ng̃ bituin, pagsulat na sa ganáng palagáy ko ay walâng matibay na saligán at hindî tumpák.

IV KABANATA
Tungkól sa kudlít (ó acento ortográfico)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na kudlítacento ortográfico)?

Nag-aaral. Tinátawag na kudlít sa pagsulat ó kayâ’y kudlít lamang, ang isáng maliít na guhit na siyáng inilálagáy sa ibabaw ng̃ ting̃ig (vocal) at siyáng pinakatandâ upáng ang mayroón niyó’y bigkasíng gayón sang-ayon sa sinúsunód sa Pagbigkás.

G. ¿Iláng hugis mayroón sa Wikàng Tagalog ng̃ gayóng tandâ ó kudlít?

N. Tatló na siyáng palasák na ginágamit sa ating panunulat. Ang unang guhit ay nagsisimulâ sa kanan at patung̃ong kaliwâ (´) na pinamámagatáng mariínagudo), ang ikalawá’y nagbubuhat sa kaliwâ patulóy sa kanan (`) na pinang̃ang̃anláng banayadgrave), at ang ikatló’y ang paglalakip ng̃ dalawáng tinuran ó kayâ’y ng̃ mariín at banayad (^) na pinamámagatán namáng salakótcircunflejo).

G. Sa katagâng sabi, ¿sa anó nabábahagi ang kudlít?

N. Ang kudlít ay nabábahagi sa mariínagudo), banayadgrave), at salakótcircunflejo).

G. ¿Paano ang pagbigkás sa kudlít na mariín?

[295]

N. Ang kudlít na mariín ay binibigkás na pabiglâ at bukás paris ng̃ sa kastilà; sa makatuwíd bagá’y huwág iimpitín ang tunóg kundî bayàáng malinaw at maliwanag; hal.: bagyó, sintá, dilím, aklát.

G. Ang kudlít na banayad, ¿paano ang pagbigkás?

N. Ang pagbigkás sa kudlít na banayad ay marahan at paimpít; sa makatwíd ang tunóg ay idinarahan ó ibinábabâ sa simulâ at pagkátapos ay pinuputol ó iníimpit na nagigíng malabò; hal.: diwà, pusò, gusalì.

G. ¿Paano namán ang sa kudlít na salakót?

N. Ang kudlít na salakót ay binibigkás na mariín at paputól; sa malinaw na sabi’y naglalakip ng̃ tunóg ng̃ mg̃a kudlít na mariín at banayad; hal.: ambâ, mithî, susô.

V KABANATA
Mg̃a tuntunin sa pagkukudlít

Gurò. ¿Saán dapat ibatay ang mg̃a tuntunin sa pagkukudlít?

Nag-aaral. Ang mg̃a tuntunin sa pagkukudlít ay dapat ibatay sa mg̃a tuntunin ng̃ pagdidiín, pagkâ’t bukód sa ang kaparaanáng itó’y siyáng lalòng tumpák na tumpák, ay siyáng paraáng lalòng madalî sa pag-áaral at pagtuturò.

G. Kung ang mg̃a tuntunin sa pagdidiín ay siyáng pagbabatayán ng̃ sa pagkukudlít, ¿hindî bagá lubhâng didilím sa kudlít ang panunulat natin?

N. Oo pò, pagkâ’t bawà’t salitâ halos natin ay [296]nagtatagláy ng̃ diín, at sapagkâ’t ganitó’y kailang̃ang magtagláy namán ng̃ kudlít.

G. ¿Paano ang mabuting kaparaanáng dapat pairalin upáng mailagan ang lubós na pagdidíliman sa ating panunulat?

N. Tadhanàan ó magtatág ng̃ mg̃a panutong ang gayó’t ganitóng salitâ ay dî dapat kudlitán, kahì’t nagtatagláy ng̃ diín, at sa ganitóng paraá’y maíiwasan natin ang pagdidilím sa kudlít ng̃ ating mg̃a salitâ.

G. ¿Anó ang kabutihang mátatamó sakalìng lagyán ng̃ tadhanà ang pagkukudlít?

N. Marami pò: una’y magigíng kauntî ang mg̃a panutong súsundín sa pag-áaral at pagtuturò at ikalawá’y makapagpápabawas sa mg̃a gawàing hindî maíiwasan sakalìng sumusulat ó nagpapalimbág kayâ.

G. ¿Marapat bagáng kudlitán ang mg̃a salitâng tig-íisáng pantíg (ó palabras monosílabas)?

N. Ang mg̃a salitâng tig-íisáng pantíg ay dî dapat kudlitán, gaya ng̃ ka, ko, mo, ba, sa, na, at, pa, ni, ang, ay, din, kay, daw, kung, ng̃ ó nang, man, atbp.

Pásubalì: Ang ting̃ig ó na pinagkaratihan nang kudlitán baga ma’t dî kailang̃an. Gayón din ang mg̃a salitâng , ng̃â, na nagtatagláy ng̃ kudlít na salakót upáng matantô ang tunay na pagbigkás.

G. Ang mg̃a salitâng pabiglâ ó ang idinidiín sa hulíng pantíg ¿ay marapat bang kudlitán?

N. Sang-ayon sa pinaíiral ng̃ayóng panunulat ng̃ maraming mánunulát at mánanagalóg, ang lahát halos ng̃ mg̃a salitâng idinidiín sa hulíng pantíg ay dapat [297]magtagláy ng̃ kudlít; hal.: amá, gabí, bayáw, mahál, sambót, baníg, tamís, at ibá pa.[36]

G. ¿Dapat bagáng kudlitán ang mg̃a salitâng pábanayad ó ang idinidiín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg?

N. Ang mg̃a pang̃ung̃usap na idinidiín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg, ay dî dapat magtagláy ng̃ kudlít, pagkâ’t bukód sa nagíng karaniwan nang gawín ang ganitó ay mababawásbawasán pa ang nápakarami nang kudlít sa ating wikà; hal.: sabi, tulak, sisi, palad, nayon, hirap, kasalo, karayom, lagarì, sariwà, paggiliw, pagsuyo, atbp.

Pásubalì: Ang mg̃a salitâng maáarìng makayuwis ó makalahók sa ibá, paris ng̃ bása sa basâ, ng̃ bága sa bagá, ng̃ áso sa asó, ng̃ hápon sa hapón, ng̃ sála sa salá, salà at salâ, ng̃ áliw sa alíw, ng̃ káyo sa kayó, ng̃ ának sa anák, ng̃ sákit sa sakít, ng̃ búhay sa buháy, ng̃ táyo sa tayô at ibá pang paris nitó.

G. ¿Marapat bang lagyán ng̃ kudlít ang mg̃a salitâng pabagsák ó ang idinidiín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg?

N. Ang mg̃a salitâ sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg ay dinidiinán ay nárarapat kudlitán, hal.: dálitâ, káhimán, kápitan, bíhirà, líbing̃an, atbp.

G. ¿Kinukudlitán din ba ang mg̃a salitâng pásagitsít ó ang idinidiín sa ikaapat, ikalimá ó iká ilán mang hulí ng̃ pantíg?

N. Ang mg̃a salitâng idinidiín sa ikaapat, ikalimá [298]ó iká ilán mang hulí ng̃ pantíg ay nárarapat kudlitán, hal.: mánunulát, páhayagán, sígalutan, hímagsikan, atbp.

G. Ang kudlít na banayad ¿ay dapat bang ilagáy sa mg̃a salitâng mayroón nitó?

N. Oo pò, nang mákilalang ang salitâng kinaroroonán niyá ay dapat bigkasíng marahan at paimpít; hal.: awà, batì, pusò. Dapat mabatíd, na, ang kudlít na banayad ay sa katapusán lamang ng̃ salitâ malimit makita, kailan ma’t nagdudulo sa ting̃ig (ó vocal). Sa simulâ ng̃ pang̃ung̃usap ay dî dapat magtagláy ng̃ tinurang kudlít. Sa gitnâ ng̃ mg̃a salitâng ugát ay walâ, ng̃unì’t mayroón sa mg̃a salitâng pinag-angkóp; hal.: luhàan, batìin, wikàin, at ibá pa.

G. ¿Dapat bang ilagáy ang kudlít na salakót sa mg̃a pang̃ung̃usap na mayroón nitó?

N. Oo pò, nang mabatíd na, ang salitâng kinaroroonán niyá ay dapat bigkasíng mariín at paputól; hal.: dukhâ, ng̃itî, dugô. Dapat matantô, na, ang kudlít na salakót ay madalás makita sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap, kailan ma’t nagdudulo ng̃ ting̃ig (ó vocal). Sa unahán ng̃ pang̃ung̃usap ay hindî nagtatagláy ng̃ sinabing kudlít. Sa kalagitnâan ng̃ mg̃a salitâng ugát ay hindî rin nagtatagláy, dapwâ’t sa mg̃a salitâng pinag-angkóp ay mayroón; hal.: tandâan, sanglâan, higâan.

G. ¿Anó ang kabutihang nátatamó sa paglalagáy ng̃ mg̃a kudlít na banayad at salakót sa mg̃a salitâng mayroón nitó?

N. Marami pò: unang una’y upáng mákilala ang talagáng tunóg na dapat bigkasín sang-ayon sa daládaláng [299]kudlít at ikalawá’y nang huwág magkayuwisyuwis ang mg̃a pang̃ung̃usap. Halimbawà ang mg̃a salitâng bagà, basà, salà, at ibá pa, ay dapat kudlitán ng̃ ganitó upáng huwág mápalahók sa mg̃a salitâng bága, bása, sála, salá ó salâ, na may mg̃a kahulugáng lubhâng kaibá sa mg̃a iyón.

G. ¿Anó ang sukat másabi ukol sa mg̃a salitâng pinag-angkóp na may daláng kudlít na salakót?

N. Ang mg̃a salitâng ganitó na inangkapán ng̃ pang-anib na ng paris ng̃ gawâng sa gawâ, masamâng sa masamâ, mutyâng sa mutyâ, atbp. ay dî dapat baguhin ang tinurang kudlít upáng mákilala na ang mg̃a ganyáng salitâ ay pinag-angkóp at sakâ ng̃ huwág masirà ang talagáng kahulugán at pinanggaling̃an.[37]

G. ¿Anó ang dapat másabi sa mg̃a salitâng may kudlít na salakót (ó circunflejo)?

N. Ang mg̃a salitâng ganitó ay nagkakaroón ng̃ kauntîng kabaguhan kailan ma’t sinugpung̃án ng̃ mg̃a anyông in ó ng̃ an. Kung ang may kudlít na salakót ay ang titik na a ay hindî dapat baguhin ang náturang kudlít, gaya ng̃ basâín, tukâín, tálâán, atbp. Kung ang may kudlít namá’y ang i at ang o (itó’y nagigíng u sang-ayon sa tuntunin), ang kudlít na salakót ay dapat gawíng banayad (ó grave), gaya [300]ng̃ tupî ay tupìán, ng̃ sungkî ay sungkìin, ng̃ larô ay larùin ó larùan, ng̃ likmô ay likmùan, ng̃ susô ay susùin, atbp.

G. Sa mg̃a salitâng tagalog ¿ay mayroón bang nagtatagláy ng̃ dalawáng kudlít?

N. Mayroón pò, at lubhâng marami.

G. ¿Alín ang mg̃a panuto ukol sa salitâng kinukudlitán ng̃ dalawá?

N. Itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng may dalawáng pantíg na kung bigkasí’y idinidiín kapwà, ay hindî dapat magtagláy ng̃ dalawáng kudlít; sapagkâ’t gaya nang sinabi ay dî dapat kudlitán ang mg̃a salitâng may diín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg (ó palabras llanas); hal.: pusò, dilà, batì, atbp.

Ikalawá.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng may tatlóng pantíg na may diín sa ikatlóng hulí niyá (ó palabras esdrújulas) at ang hulí’y may tagláy na banayad ó salakót ay dapat kudlitán ng̃ dalawá; hal.: dálitâ, bíhirà, dátapwâ, náritó, at ibá pa.

Ikatló.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng may apat, limá ó anim na pantíg na may diín sa mg̃a itó (ó palabras sobresdrújulas) at ang hulí’y may tagláy na kudlít na mariín, banayad ó salakót ay dapat ding kudlitán ng̃ dalawá; hal.: pásimulâ, páhayagán, pásulatán, mánanagalóg, mánanalaysáy, atbp.

Ikaapat.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng ang katapusáng pantíg ay nagdudulo sa ting̃ig (ó vocal) at itó’y may daláng kudlít na banayad ó salakót, at sakâ inangkupán sa hulí ng̃ in ó an ay dapat magtagláy ng̃ dalawáng kudlít kailan ma’t ang pagbigkás ay idinidiín [301]sa dalawá; hal.: likhâín, lupàín, lapìán, atbp.

G. ¿Mayroón bagá sa mg̃a salitâ natin na nagtatagláy ng̃ tatlóng kudlít?

N. Mayroón pò, at ang tuntuning dapat pagbatayá’y itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng may tatlóng pantíg na idinidiín sa tatlóng ting̃ig (ó vocal) ay dapat magtagláy ng̃ tatló ring kudlít; hal.: tálâán, túlâín, at ibá pa. Dapat matantô, na ang mg̃a salitâng paris nitó ay kákauntî lamang sa ating wikà.

Ikalawá.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng may apat ó limáng pantíg na idinidiín sa mg̃a itó (ó palabras sobresdrújulas) na sa pagbigkás ay may tatlóng diín ay dapat magdalá ng̃ tatlóng kudlít, upáng unauna’y mákilala ang tunay na pagbigkás at ikalawá’y nang huwág maipagkamalî sa kapwà salitâ na may ibáng kahulugán; hal.: pámahalàán, páng̃asiwàán, pámunùán, at ibá pa.

TALABABÂAN

[36] Ang sino mang ibig makatantô ng̃ mg̃a tuntunin sa pagdidiíng itó sa hulíng pantíg, ay kailang̃ang tunghán ang bahagi ng̃ Pagbigkás nang náuukol sa pagdidiín (ó acento prosódico).

[37] Marami ang nagbabago sa kudlít na salakót sa mg̃a ganitóng salitâ at hinahalinhán ng̃ kudlít na mariín, sapagkâ’t anilá’y ang pagbigkás ay tugmâ sa hulíng kudlít na itó paris ng̃ masamâng tao sa halimbawà. May katwiran din sana ang mg̃a sumusulat ng̃ ganitó, dang̃an lamang ang bagay na itó’y bukód sa makasisirà sa talagáng pinagmulán ng̃ salitâ ay maáarìng mapagkamalán sa ibáng pang̃ung̃usap.

VI KABANATA
Sa mg̃a pang̃ulong tandâ ng̃ pagsulat

Gurò. ¿Alín ang mg̃a pang̃ulong tandâ sa pagsulat na ginágamit sa Wikàng Tagalog?

Nag-aaral. Itóng mg̃a sumúsunód: pangtigil ó coma (,); tuldók at pangtigil ó punto y coma (;); dalawáng tuldók ó dos puntos (:); tuldók ó punto final (.); pangsugpóng tuldók ó puntos suspensivos (...); pangtanóng ó interrogación (¿?); at pangtaká ó admiración (¡!).

G. ¿Bakit ginágamit ang mg̃a tandâng itó sa pagsulat?

[302]

N. Ginágamit ang mg̃a tandâ ng̃ pagsulat, magíng pang̃ulo at magíng pangtulong sa nasàng lumiwanag at makapagbigáy ng̃ magandáng tunóg sa mg̃a pang̃ung̃usap at pananalaysáy, hatìin at paghiwáhiwalayín ang ibá’t ibáng panig na bumubuô sa kanyá. Kung sa pamamagitan namán ng̃ pang̃ung̃usap ó pagtatalumpatì ay ginaganáp ang gayóng pagbabahábahagi at paghihiwáhiwaláy sa paraáng kung minsa’y humintô at magpatulóy ang nang̃ung̃usap, kung minsa’y humabà at umiklî at kung minsa’y tumaás ó bumabà ang tunóg ó tinig.

ANG PANGTIGIL (Ó COMA)

G. ¿Bakit ginágamit ang pangtigil?

N. Ginágamit ang tandâng itó sa pagsulat, upáng hatìin ang mg̃a pang̃ung̃usap ó pangkát na maíiklî ng̃ isáng kaisipán. Ang salitâng kinaroroonán niyá’y dapat tigilan ó hing̃aháng sumandalî.

G. ¿Kailán dapat gamitin ang pangtigil?

N. Dapat gamitin sa mg̃a tuntuning sumúsunód:

Una.—Sa una at hulihán ng̃ pang̃alang tao ó bagay na siyáng kinakausap, hal.: Hoy, Teto; Binong, halika; Ibig ko sana, Ninoy, na akó’y dinggín mo.

Ikalawá.—Upáng paghiwáhiwalayín ang mg̃a salitâng magkakásunód at magkakáparis ang kahulugán kung walâng anó mang pangbigkís (ó conjunción) na naglakip; hal.: Ang bayan ay siyáng tukod, lakás, buhay, diwà ng̃ mg̃a tao. Ang mg̃a pilipino’y mararang̃ál, marurunong, magigitíng at bihasá.

Ikatló.—Sa una at hulihán ng̃ mg̃a kaisipán (ó oración) na salítsalít ó pagkakátaóng mangyari, hal.: [303]“Si Balagtás, ang dakilàng anák ng̃ Pang̃inay, ay siyáng harì ng̃ mg̃a mánanagalóg.” “Ang mg̃a darakilàng aklát ni Rizal, kung akó’y may salapî lamang, ay bibilhín ko.” “Pagkátapos kong mag-aral, sakalìng hindî mahihintô, ay maglalakbáy akó sa Amérika.” “Ang Pilipinas, kung dî akó malî, ay tinuklás ni Magallanes”.

Ikapat.—Sa unahán ng̃ mg̃a salitâng ng̃unì, dátapwâ, subalì, palibhasà, baga man, kundî, gayón man, dang̃an, disin, atbp., kung hindî lubhâng malawig ang pang̃ung̃usap; hal.: “Si Lucio’y pinagsadyâ ko, ng̃unì’t dî ko inabutan.” “Isáng talumpatìng maiklî, dapwâ’t malamán at maring̃ál.” “Si Kikò’y hindî maghihirap, palibhasà’y maraming salapî”.

Kung lubhâng mahabà na ang isáng pang̃ung̃usap ó salaysáy ay nilálagyán ng̃ tuldók at pangtigil (ó punto y coma); hal.: “Huwág tayong lubós na magpapaniwalâ at magpapakiníg sa mg̃a katakata at pamápamahìin ng̃ ating matatandâ; ng̃unì’t kung mabubuting aral at maháhalagáng turò ay ating dinggín nang lubhâng mataós sa ating mg̃a pusò.”

Hindî dapat lagyán ng̃ pangtigil ang mg̃a salitâng buô at maiklî, hal.: Si Luis ay marunong; si Lucio ay dukhâ; mayamaya ay áalís akó.

ANG TULDÓK AT PANGTIGIL (Ó PUNTO Y COMA)

G. ¿Bakit ginágamit ang tuldók at pangtigil?

N. Ginágamit ang tandâng itó sa maháhalagáng salaysáy ó pang̃ung̃usap na hindî pa buô ang talagáng kahulugán, upáng mapatang̃ì sa ibáng mg̃a tandâ gaya ng̃ pangtigil. Sa mg̃a salitâng kinaroroonán niyá’y [304]dapat tumigil ó huming̃áng matagaltagál, higít sa paghing̃áng ginagawâ sa pangtigil.

G. ¿Kailán dapat gamitin ang tuldók at pangtigil?

N. Dapat gamitin sa mg̃a panutong sumúsunód:

Una.—Kapág lubhâng mahahabà ang ibá’t ibáng panig ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, at ang mg̃a itó’y pinaglalakiplakip, ó kayâ’y kapág ang ibáng salitâ’y may tagláy nang pangtigil. Halimbawà: “Ang mg̃a pilipinong pinang̃ung̃uluhan ni Bonifacio ay nákitunggalî ng̃ buông siglá, ng̃ buông pusò at buông buhay; hindî inalintanà ang init, ang lamíg, ang gutom at ang uhaw; hindî inalala ang kaniláng mg̃a iná, asawa at anák; at hindî ginunitâ ang bahay at pag-áarì, ang buhay at pamumuhay sa hang̃ád na máitanggól ang puri at dang̃ál ng̃ Ináng Bayan.”

Ikalawá.—Sa unahán ng̃ mg̃a pangbigkís (ó conjunción) ng̃unì, dátapuwâ, palibhasà, gayón man, atbp., kung ang mg̃a pang̃ung̃usap na magkakáhiwaláy ay may kahabaàn. Halimbawà: “Malabis ang pagmámahál natin sa sariling lahì at masugíd na pinagsusumikapan ang kanyáng ikasúsulong at ikadadakilà; ng̃unì’t kasakitsakit ang mg̃a nangyayari kung magugunitâng ang ilán ay hindî na nakakátulong bagkús nakakáhambalang pa sa ating matuling paglakad.”

Ikatló.—Upáng paghiwáhiwalayín ang ibá’t ibáng panig ng̃ pang̃ung̃usap, baga ma’t náuuwî rin sa kahulugáng pinanggagaling̃an. Halimbawà: “Kamalig na kugong may apat na sulok na parisukát; gadipâng pasibi sa kaliwâng panig at gatatlóng dangkál na panambíl namán sa tatló pang bálisbisan; balag sa [305]harapáng pulós na dahong tuyô ang nandadalang na habong; isáng pagápagahang halos dikít na sa bubung̃án ng̃ kamalig, táhanan ng̃ may arì ó bantáy-batis, at kinasasandigán ng̃ isáng mahabàng hagdanang kawayan....” Banaag at Sikat.

ANG DALAWÁNG TULDÓK (Ó DOS PUNTOS)

G. ¿Bakit ginágamit ang dalawáng tuldók?

N. Ang tandâng itó’y ginágamit upáng mákilala ang mg̃a pang̃ung̃usap na buô ó may sariling kahulugán. Sa kinaroroonán niyá’y dapat tumigil ó huming̃á ng̃ malaon, mahigít sa kalaunang ginagawâ sa tuldók at pangtigil.

G. ¿Kailan dapat gamitin ang dalawáng tuldók?

N. Dapat gamitin sa mg̃a ganitóng panuto:

1.—Bago bumanggít ng̃ mg̃a salitâng sinipì, hal.: Sinaád ni Rizal na: Ang wikà ay káluluwá ng̃ bayan.

2.—Pagkátapos ng̃ unang batì ó galang sa mg̃a sulat, hal.: Mahál na Ginoó: Tinanggáp ko ang inyóng liham....

3.—Sa hulihán ng̃ mg̃a salitâng halimbawà, paghalimbawà.

4.—Sa mg̃a pasiyá, palagáy, kautusán, atbp., pagkátapos másabi ang dahilán ó saligán; hal.: Akóng nakalagdâ sa ibabâ nitó’y nagsasabi: Na....

5.—Sa unahán ng̃ mg̃a salitâng pangtapós sa mg̃a salitâng náuná; hal.: “Namalas ko kagabí si Lucio: maring̃ál ang suút at makisig paris ng̃ dati.”

6.—Pagkátapos ng̃ isáng makabuluháng palagáy ó paghahakà kayâ na may sarili nang kahulugán, at sinusundán pa ng̃ ibá’t ibáng pang̃ung̃usap upáng humabà kayâ, lumiwanag ó patotohanan ang gayóng [306]paghahakà. Halimbawà: “Walâ nang makapangyarihan sa Sangsinukob paris ng̃ sandata: siyá ang nagguguhô sa lalòng matitibay na bayan; siyá ang nagwawalat sa lalòng magagaràng kutà; siyá ang naggigibâ sa lalòng maririkít na kaharìan at siyá ang pumupuksâ sa lalòng matatapang at mababang̃ís na kaaway.”

ANG TULDÓK (Ó PUNTO FINAL)

G. ¿Bakit ginágamit ang tuldók?

N. Ang tandâng itó’y ginágamit upáng mákilala na ang salitâng kinaroroonán niyá’y may ganáp na kahulugán. Alín mang salitâng may tagláy na tuldók ay dapat tumigil ng̃ malaon, upáng huwág mápalahók sa mg̃a salitâng sa kanyá’y sumúsunód.

G. ¿Kailán dapat gamitin ang tuldók?

N. Dapat gamitin sa mg̃a sumúsunód:

Una.—Sa mg̃a salitâng may ganáp na ganáp na kahulugán. Halimbawà: “Naníniwalà akóng lubós na may isáng Lumaláng na siyáng lumikhâ sa araw, buwán, lupà, tubig, ilaw, tao, hayop, atbp. Naníniwalà rin akó na ang Lumikhâng iyá’y karunungdunung̃an, makapangyarihan at maawàin. Ng̃unì’t kung pagkurúkurùin ko ang kanyáng pagkálaláng ay malinaw kong naháhagilap sa isip na hindî mandín tumpák.”

Ikalawá.—Sa mg̃a salitâng daglî (ó abreviado) upáng mákilalang ganitó, hal.: Bb., Kgg., G., at ibá pa.

ANG PANGSUGPÔNG TULDÓK (Ó PUNTOS SUSPENSIVOS)

G. ¿Saán ginágamit ang pangsugpông tuldók?

N. Ang pangsugpông tuldók ay ginágamit kailan ma’t ang isáng pang̃ung̃usap ay naputol ó kayâ’y [307]hindî buô. Ang kinaroroonán niyá’y dapat na tumigil ng̃ sumandalî, gaya ng̃ ginagawâ sa pangtigil.

G. ¿Kailan dapat gamitin ang pangsugpông tuldók?

N. Dapat gamitin sa mg̃a ganitóng tuntunin:

1.)—Sa mg̃a salitâng hindî buô at parang násugpô ang talagáng kahulugán, hal.: “Ang tao’y nagmumulâ sa muntî, umúunlád, lumalakí, tumatandâ at pagkátapos... ay namámatáy.”

2.)—Kapág ang pang̃ung̃usap ay may buông kahulugán, ng̃unì’t kailang̃ang tumigil upáng mákilala ang takot, pag-áalinlang̃an ó pangyayaring hindî ináasahan; hal.: “Pinaratang̃an akóng nagnakaw, ng̃unì’t... kabulàanan ang ganitó.”

3.)—Kapág pinababayàan ó ináalís ang isáng panig sa pagsipì ng̃ iláng pang̃ung̃usap. Halimbawà: “Saán man may mámumuhunán at manggagawà, may may lupà at magsasakâ, pang̃inoón at alilà, mayaman at dukhâ; ang aral ng̃ Sosialismo ay kailang̃an....” Banaag at Sikat.

4.)—Ang mg̃a salitâng pahikbíhikbí, pautálutál ó paputólputól. Halimbawà: “A... akó’y tu... tubò sa... ba... bayan ng̃... Sam... Sampi... piro.”

ANG PANGTANÓNG (Ó INTERROGACIÓN)

G. ¿Bakit ginágamit ang pangtanóng?

N. Ang tandâng itó’y ginágamit upáng mákilala ang tunóg ng̃ pagtatanóng.

G. ¿May iláng hugis ang tinurang tandâ?

N. Dalawá: isá’y pangsimulâng tanóng (¿) at ang ikalawá’y panghulíng tanóng (?).

[308]

G. ¿Ginágamit ba ang dalawáng itó sa íisáng pang̃ung̃usap lamang?

N. Oo pò. Halimbawà: ¿Saán ka paroroón?; ¿Saán ka galing? Gayón ma’y dapat matantô, na maáarì ring gamitin ang isá lamang at ang isáng itó’y ang panghulíng tanóng; hal.: Sino ka? tao ka ba ó hayop?

G. Sa likód ng̃ panghulíng tanóng na may salitâng sumúsunód, ¿itó ba’y dapat magtagláy ng̃ malakíng titik?

N. Kung ang pagtatanóng ay maiklî, ang salitâng sumúsunód ay dî dapat magtagláy ng̃ malakíng titik; hal.: Ináng, ¿nagagalit ka ba sa akin? ¿nagtatampó ka na ba? Ng̃unì’t kung mahabà na’y kailang̃an nang magtagláy ng̃ malakíng titik; hal.: ¿Sino sa atin ang lalòng pang̃ahás sa ikáw ay gumawâ at sukat nang walâng kapahípahintulot? ¿Sino sa atin ang dapat bagsakán ng̃ sisi at kapulâan sa ikáw ang siyáng may kagagawán sa lahát ng̃ nangyari?

ANG PANGTAKÁ (Ó ADMIRACIÓN)

G. ¿Saán gamit ang pangtaká?

N. Ang tandâng itó’y gamit sa mg̃a pang̃ung̃usap na may pagdaíng ó pagtataká.

G. ¿Iláng hugis mayroón ang pangtaká?

N. Ang pangtaká ay may dalawáng hugis: pangsimulâ (¡) at panghulí (!).

G. ¿Dapat bagáng gamitin ang dalawáng itó sa isáng pang̃ung̃usap?

N. Opò. Halimbawà: ¡Anóng hirap ng̃â namán ng̃ mabuhay! ¡Akó’y talagáng sawîng palad!

G. ¿Anó ang karaniwan nang gamitin?

[309]

N. Sa mg̃a salitâng maíiklî ay karaniwang gamiti’y ang panghulí lamang, hal.: Ah! Oh! Abá! Ikáw palá! Sa mg̃a pang̃ung̃usap na lubhâng mahabà ay dapat gamitin ang dalawá; hal.: ¡Anóng pagkarikítdikít pagmasdán ang buwán kung itó’y maningníng na maningníng sa karurukan ng̃ lang̃it at kasalásalamuhà ng̃ mg̃a talà at bituwín! ¡Anóng pagkasayásayá ng̃ araw kung sa Silang̃ana’y untîuntîng nagsasabog ng̃ kanyáng mg̃a sinag at nagpapalaganap ng̃ kanyáng magandáng liwanag!

G. ¿Mayroón bang pang̃ung̃usap na ginágamitan ng̃ pangtanóng at pangtaká?

N. Mayroón ng̃â pòng pang̃ung̃usap na ginágamitan ng̃ dalawáng tandâ; sa malinaw na sabi’y ginágamit sa una ang pangtanóng at sa hulí’y pangtaká ó kayâ’y magkabaligtaran (viceversa). Halimbawà: ¿Anóng kinálamán ng̃ tao sa karunung̃an ng̃ Dios! ¡Anóng kabuhayan kayâ itóng nangyayari sa atin?

G. ¿Anó ang pinapayagang gamitin sa ating wikà?

N. Sa wikà nati’y pinapayagan ang paggamit ng̃ dalawáng tandâng tinuran sa hulihán ng̃ isáng salitâ at nagsusulit ng̃ pag-áalinlang̃an; hal.: diyata!? akó!? na, ang tunóg ng̃ pangtanóng at pangtaká ay naglalakip.

VII KABANATA
Sa mg̃a pangtulong na tandâ ng̃ pagsulat

Gurò. ¿Alínalín namán ang mg̃a pangtulong na tandâ sa pagsulat na ginágamit sa ating wikà?

Nag-aaral. Ang mg̃a sumúsunód: kulóng ó paréntesis (), tuldík ó comillas (“”), panandâ ó [310]apóstrofo (’), guhit ó raya (—) at panghatì ó guión (-).

G. ¿Kailán dapat gamitin ang kulóngparéntesis)?

N. Ginágamit ang kulóng kailan ma’t pinuputol ang kabuùan ng̃ isáng pang̃ung̃usap ó salaysáy ng̃ mg̃a salitâng pangpaliwanag. Halimbawà: “Ang mg̃a nakagugulantáng na digmâan (na sapúl noóng araw ay naghaharì na at hanggá ng̃ayón) ay isá sa mg̃a pagkásulong at kabihasnáng itinuturing ng̃ Sangkatauhan.” “Ang Dagat na Pulá (Mar Rojo) ang siyáng diumanó’y dinaanán ni Moisés.”

Kapág ang pang̃ung̃usap ay maiklî, sa lugál na kulóng ang gamitin ay pangtigil ang inihahalili. Halimbawà: “Si Luis, na kaibigan ko, ay naglakbáy sa Tayabas.”

G. ¿Saán ginágamit ang tuldíkcomillas)?

N. Ang tuldík ay siyáng ginágamit sa una at hulí ng̃ mg̃a salitâng sinipì, lalòng lalò na kung mahabà. Halimbawà: Sinabi sa Noli me tángere ni Rizal: “Walâng ibáng iníisip ang mg̃a binatà natin kundî ang pag-ibig at paggagalák: maraming panahón ang kaniláng ginugugol at gumagawâ ng̃ walâng puknát upáng madayà at masiràán ng̃ puri ang isáng dalaga kay sa mag-isip ng̃ ikagagalíng ng̃ kanyáng bayan”.

Ginágamit din ang tuldík upáng ihalili sa titik na tumbá (letra cursiva) ó kayâ’y nang mápabukód sa ibáng pang̃ung̃usap. Halimbawà: “Tinátawag na “bayan” (ó bayan) ang binubuô ng̃ maraming tao.”

G. ¿Saán dapat gamitin ang panandâapóstrofo)?

N. Ang panandâ ay siyáng isinising̃it sa dalawáng salitâng pinagduduób, at siyáng ginagawâng tandâ upáng mákilala na ang kanyáng kinaroroná’y may [311]inalís na isá ó dalawáng titik. Halimbawà: Akó’y dukhâ sa lugál na akó ay dukhâ; Ang kasilang̃ana’y siyáng sinisikatan ng̃ Araw sa lugál na isulat na Ang kasilang̃anan ay siyáng sinisikatan ng̃ Araw.

G. ¿Saán gamit ang guhitraya)?

N. Ang guhit ay siyáng tandâng ginágamit sa mg̃a pag-uusap, kailan ma’t nagbabago ang nang̃ung̃usap. Halimbawà ang sumúsunód na sálitâan:

—Tayo’y kinakailang̃ang magsikap—ang sabi ng̃ isá.

—Sa anó?—ang usisa ng̃ ikalawá.

—Bah! parang hindî mo batíd na tayo’y naghihirap.

Ginágamit din ang guhit sa unahán at hulí ng̃ mg̃a salitâng pasalítsalít, hal.: “Dapat alalahanin—ang wikà ni Voltaire—na ang madlâng bayang banság at kilalá... ay pinamamahalàan ng̃ mg̃a aklát.”

VIII KABANATA
Ang panghatì at ang paraán ng̃ pagkakabahábahagi ng̃ mg̃a pantíg

Gurò. ¿Anó ang ibig ipakilala ng̃ panghatì (ó guión)?

Nag-aaral. Ang panghatì ay siyáng nagpapakilala na ang isáng pang̃ung̃usap ay hindî buô.

G. ¿Paano ang mabuting paraán ng̃ pagbábahagi?

N. Kung tayo’y sumusulat, at sakalìng mangyari na sa katapusán ng̃ isáng talatà (ó renglón) ay hindî magkahustó ang isáng buông pang̃ung̃usap, itó’y kinakailang̃ang hatìin sa hustó ó buông pantíg upáng malagáy ng̃ tumpák; hal.: na-sa, bug-tóng, pa-la-gáy, á-na-san.

[312]

G. ¿Tumpák bagá ang pagbábahaging ganitó na ang isáng ting̃ig (ó vocal) ng̃ isáng salitâ ay mátirá sa isáng talatà?

N. Ang mg̃a salitâng nagsisimulâ ó nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal), ang ting̃ig na itó’y dî dapat ilagáy na siyáng siyá lamang magíng sa una at magíng sa hulí ng̃ talatà. Halimbawà ang salitâng a-ba-ka-dá ay hindî tumpák kung ilálagáy ang a- sa katapusán ng̃ talatà (ó línea) at ang ba-ka-dá ay sa kabilâ namán. Gayón din ang sukat másabi hinggíl sa salitâng to-to-ó: itó’y hindî dapat hatìin sa toto sa talatàng katapusán at ang ó ay sa kabilâ namán.

G. ¿Paano ang pagbábahagi sa mg̃a salitâng ugát?

N. Ang mg̃a salitâng ugát (ó raíz) ay dî dapat hatìin katulad ng̃ ginagawâ sa mg̃a salitâng kastilà, kundî ang nátutumpák ay hatìin paris ng̃ sa ating pagbigkás. Halimbawà: tuk-lóng, kud-lít, pat-láng, at ibá pa, at hindî tu-klóng, ku-dlít, pa-tláng.

G. ¿Paano ang tumpák na paghahatì sa mg̃a salitâng binawasan (ó sincopado)?

N. Ang mg̃a salitâng binawasan na lubhâng marami sa sariling wikà, gaya ng̃ matwíd, agwát, takwíl, kálulwá, kalwalhatian, atbp. ay dapat paghatìhatìin ng̃ ganitó: mat-wíd, ag-wát, tak-wíl, ká-lul-wá, atbp.

G. ¿Paano ang mabuting pagbábahagi sa mg̃a salitâng pinag-angkóp?

N. Ang mg̃a salitâng pinag-angkóp sa pamamagitan ng̃ mg̃a anyô (ó partícula) gaya ng̃ pag, mag, at ibá pa ay dapat hatìin nang huwág masisirà ang ganitóng pagkakahiwáhiwaláy; hal.: pag-a-sa, pag-i-big, mag-i-sip, mag-a-ka-la.

[313]

IX KABANATA
Ukol sa pagsulat ng̃ iláng salitâ[38]

Gurò. ¿Paano ang pagsulat ng̃ ng̃?

Nag-aaral. Itóng ng̃ ay salitâng daglî (ó abreviatura) ng̃ nang, na pinagkaraniwanan nang gawíng gayón. Dapat mabatíd na ang ng̃ ay isinusulat ng̃ ganitó kailan ma’t pang-ukol (ó preposición). Kung pangbago (ó adverbio) ay dapat isulat ng̃ nang na nakákatumbás ng̃ noón ó niyón, at dî dinaglî (ó abreviado) ng̃. Gayón din ang dapat gawín kapág náuukol sa pangbigkís (ó conjunción) na nakákatumbás ng̃ upáng. Isinusulat din ng̃ nang kailan ma’t binubuô ng̃ na at ng̃ pang-anib (ó ligazón) ng.

G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ mg̃a?

N. Ang mg̃a ay karaniwan nang isulat ng̃ ganitó. Siyá’y salitâng daglî (ó abreviatura) ng̃ mang̃a.

G. ¿Alín ang tuntunin sa pagsulat ng̃ anyông mag?

N. Ang mag ay dapat lagyán ng̃ isáng panghatì (ó guión) kailan ma’t iniáangkáp sa mg̃a ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal) na tumutukoy sa anó man, magíng sa pangwatas at magíng sa pangdiwà; gaya ng̃ mag-ahit, mag-aral, mag-isip, mag-amá, [314]mag-iná. Kung ang ugát ay nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante) ay dî dapat pagitnâan ng̃ isáng panghatì (ó guión), hal.: magtulóy, magpasok, magsaing.

G. ¿Alín ang panutong sinúsunód sa pagsulat ng̃ mang?

N. Itóng anyông mang ay dapat gawíng mang̃ pagkâ iniangkáp sa ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal), gaya ng̃ mang̃isdâ, mang̃utang. Kung nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante) ay dî dapat baguhin, gaya ng̃ manghuli, manghanap. Dapat alamíng sa anyông mang ay nagkakábagobago ang pásimulâng titik ng̃ ugát sang-ayon sa tuntuning sinúsunód sa kanyáng kabanatang kinaúukulan.

G. ¿Alín ang mg̃a tuntunin sa pagsulat ng̃ pag?

N. Kung itó’y iáangkáp sa anó mang ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal) ay dapat lagyán ng̃ isáng panghatì (ó guión) sa ikalíliwanag ng̃ pagsulat at ikalálayô sa kamalìán, gaya ng̃ pag-isahín, pag-awayan, pag-ibig, pag-asa, pag-inís. Kung nagpapásimulâ namán sa pangtinig (ó consonante) ay hindî kailang̃an ang panghatì, gaya ng̃ pagsaing̃an, paglayùin, pagsulong, pagkuskós, pagtugtóg. Ng̃unì’t kung ang pag ay náuukol sa pangbigkís (ó conjunción) ay dapat ihiwaláy sa anó mang salitâng sumúsunód, hal.: Pag ikáw ay naglarô ay papaluin kitá, pag lumapit ka ay bibigyán kitá ng̃ puto.

G. ¿Alín ang pátakarán sa pagsulat ng̃ pang?

N. Kung tumutukoy sa pangwatas at iáangkáp sa ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal) ay dapat gawíng pang̃, gaya ng̃ pang̃isdâín, pang̃utang̃an. Kung [315]bumabanggít namán sa pangdiwà at iáangkáp sa ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig din ay dapat pagitnâan ng̃ isáng panghatì, gaya ng̃ pang-angkóp, pang-anib, pang-alíw, pang-ahit. Kung ang ugát namá’y nagsisimulâ sa pangtinig (ó consonante), tumukoy man sa pangwatas ó sa pangdiwà ay hindî dapat baguhin, gaya ng̃ panghulihan, pangbató. Dapat alamíng nagkakábagobago ang mg̃a unang titik ng̃ mg̃a ugát sang-ayon sa mg̃a tuntunin nitóng anyông pang na itinakdâ sa mg̃a kabanatang nang̃auná.

G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ pagka?

N. Itó’y dapat idikít ó isiping sa ugát kailan ma’t tumutukoy sa pangdiwà ang kahulugán, kahì’t na siyá’y magpasimulâ sa ting̃ig (ó vocal) at pangtinig (ó consonante), gaya ng̃ pagkaanák, pagkaáso, pagkatakot, pagkahulog. Kung ang kátuturán ng̃ pagka ay náuuwî sa pangbigkís (ó conjunción) ay dapat ihiwaláy, hal.: Pagkâ dinampót mo itó ay kagagalitan kitá; pagkâ akó ang tinátawag mo’y sasagót akó agád.

G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ kapág at kapagkâ?

N. Ang dalawáng itó’y dapat isulat na hiwaláy sa mg̃a salitâng sa kanyá’y sumúsunód.

G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ kung?

N. Itó’y dapat isulat na hiwaláy sa mg̃a salitâng sumúsunód sa kanyá. Itóng kung ay dapat isulat ng̃ ganitó, at hindî kun sapagkâ’t itó’y garíl kung ibábatay din lamang sa ating pagbigkás.

G. ¿Alín ang tuntunin sa pagsulat ng̃ kung dî at kundî?

N. Ang kung dî (dalawáng salitâ) ay isinusulat ng̃ [316]ganitó kung pangbago (ó adverbio), at ang kundî (isáng salitâ) ay ganitó dapat isulat kung pangbigkís (ó conjunción).

G. ¿Alín ang pátakarán sa pagsulat ng̃ man din at mandín?

N. Ang man din (dalawáng salitâ) ay ginágamit sa pagpápatibay, hal.: sinunód ko na ang mg̃a iniutos at akó pa MAN DIN ang pinarusahan. Ang mandín (isáng pang̃ung̃usap) ay ginágamit sa pag-áalinlang̃an, hal.: tila MANDÍN ikáw ang tinátawag at hindî akó.

G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ may?

N. Ang pagsulat nitó’y dapat ihiwaláy sa mg̃a pang̃ung̃usap na kanyáng kasunód, kahì’t na itó’y magsimulâ sa ting̃ig ó pangtinig, gaya ng̃ may arì, may bahay, may tao, may salapî, at hindî mayarì, maybahay, maytao, atbp. gaya ng̃ gawâ ng̃ ilán.

G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ man?

N. Itóng man ay dapat isulat na hiwaláy sa anó mang pang̃ung̃usap na sa kanyá’y náuuná, gaya ng̃ sino man, anó man, alín man, baga man, akó man, si Luis man.[39]

G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ pa?

N. Dapat isulat itóng hiwaláy sa mg̃a salitâng náuuná sa kanyá, gaya ng̃ anó pa, akó pa, ikáw pa, siyá pa.

G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ mg̃a salitâng dambál (ó doble)?

N. Ang mg̃a salitâng dambál ay isinusulat ng̃ íisá ó magkasiping kailan ma’t hindî pinamagitanan ng̃ [317]pang-anib (ó ligazón) g at ng gaya ng̃ isáisá, ilanilan, anóanó, alínalín, sinosino, samasama, pisanpisan, dikítdikít. Ng̃unì, kung pinamagitanan ng̃ pang-anib g at ng ay dapat paghiwalayín ó gawíng dalawá upáng gumandá ang pagkakáhanáy, umiklî ang mg̃a pang̃ung̃usap at sa biglâng masíd ng̃ isáng bumabasa ay huwág makalitó sa paning̃ín, gaya ng̃ masamâng masamâ, mabuting mabuti, maraming marami, malakíng malakí. Kung mg̃a salitâng ang inúulit ay ang hulíng dalawáng pantíg ó kayâ’y ang ugát ay dapat pag-isahín, gaya ng̃ nagkislápkisláp, nagtunógtunóg, nagting̃inting̃in, nagmalasmalas.

TALABABÂAN

[38] Minárapat kong maglagáy ng̃ isáng kabanata na náuukol sa mg̃a paraán ó hugis ng̃ pagsulat ng̃ iláng salitâng tagalog, upáng malunasan ang pagkakáibáibáng nangyayari ng̃ayón na ibinubung̃a ng̃ kawalán ng̃ tuntuning dapat sundín ng̃ mg̃a nagsisisulat. Ang mg̃a tuntuning nalálagdâ sa bagay na itó ay násasalig sa ating katutubòng pagbigkás at sa mg̃a panutong sinúsunód sa Balarilà.

[39] Hindî kákauntî ang nápupuná kong sumusulat ng̃ sinoman, anoman, alínman na ang man ay idinidikít. Sa ganáng hakà ko’y hindî tumpák ang ganitóng pagsulat.

X KABANATA
Tungkól sa mg̃a salitâng hirám[40]

Gurò. ¿Marapat ba tayong humirám sa ibáng wikà ng̃ iláng pang̃ung̃usap?

Nag-aaral. Oo pò, kinakailang̃an ng̃â natin ang panghihirám, sapagkâ’t kung totoó mang ang Wikàng [318]Tagalog ay isáng salitâng lubhâng mayaman sa mg̃a katutubòng ting̃ig ay totoó rin namáng may iláng pang̃ung̃usap na walâ sa atin ng̃unì’t lubhâng kailang̃an.

G. ¿Alíng wikà ang dapat hiramán?

N. Sang-ayon sa kasalukuyang nangyayari, ang wikàng kastilà ay siyáng híhiramán natin ng̃ mg̃a salitâng kailang̃an, sapagkâ’t dito náhubog ang ating dilà nang lubhâng mahabàng panahón, at kung walâ sa kastilà ay sa inglés, na, ng̃ayó’y untîuntîng nánasok ó ipinapasok sa ating isipán at kung walâ sa inglés ay sa ibáng wikà namán.

G. ¿Paano ang gagawíng panghihirám?

N. Ang panghihirám na ating gagawín ay dapat másalig sa dalawáng urì: salitâng hirám na áarìin at salitâng hirám na isasáulî.[41]

G. ¿Anó ang ibig sabihin ng̃ salitâng hirám na áarìin?

N. Salitâng hirám na áarìin, ibig sabihi’y ang mg̃a hinirám na pang̃ung̃usap na iáayon sa katutubòng pagsulat ng̃ ating wikà. Halimbawà: Espanya, Heograpía, Pilosopía, Hulio, Huan, Paskual, at ibá pa.

G. ¿Anó namán ang kátuturán ng̃ salitâng hirám na isasáulî?

N. Salitâng hirám na isasáulî, ibig sabihi’y huwág nang baguhin ang pagkakásulat sang-ayon sa pinanggaling̃an; hal.: España, Japón, Gramática, Retórica, Zamora, zarzuela atbp.

[319]

G. Sa ating pagsulat, ¿alín sa dalawá ang lalòng mabuting gamitin?

N. Ang paggamit sa salitâng hirám na isasáulî ay lubhâng malayà sa isáng sumusulat; álalaón bagá’y ang máibigang gawín ng̃ sino man.

G. ¿Dapat bagá tayong humirám sa ibáng wikà ng̃ isáng pang̃ung̃usap samantalàng sa ati’y mayroón namán?

N. Kung ang isáng salitâng hihirami’y mayroón din namán sa ating katumbás, hanggá’t maáarì’y hindî dapat gamitin ang náturang salitâng hirám. Halimbawà: ang salitâng Teatro, hanggá’t mangyayari’y huwág nating gamitin itó sapagkâ’t sa ating wikà ay mayroóng Dúlaan; gayón ang Pámahalàán sa Gobierno, ang Panánarilí sa Independencia, ang Páaralán sa Colegio ó Escuela, at ibá pa. Gayón ma’y mangyayari ring gamitin, lalòng lalò na sa ikalíliwanag ng̃ salitâ, hal.: dúlaan ó teatro, Pámahalàán ó Gobierno, at ibá pa.

G. ¿Anó ang dapat gawín tungkól sa pag-angkín ng̃ mg̃a salitâ?

N. Ang isáng salitâng hirám na ináangkín na kinagágamitan ng̃ mg̃a titik na walâ sa atin ay dapat na ihanap ng̃ katumbás, kawang̃ís ó katalamitam sa sariling wikà.

TALABABÂAN

[40] Sásamantalahín ko sa kabanatang itó ang aking pagpapaliwanag hinggíl sa pagtatalotalong nangyayari ukol sa mg̃a salitâng hirám. Lubhâng marami ang nagpápalagáy at sumasang-ayon na ang mg̃a salitâng hirám ay dapat isulat sang-ayon sa panunulat nating ginagawâ, paris sa halimbawà ng̃ Pilipinas, Espanya, Amérika, Karlos, atbp. May marami rin namán ang nagpápalagáy na dapat igalang ang pagkakásulat ng̃ isáng salitâng hirám; sa katagâng sabi’y huwág bábaguhin ayon sa pinanggaling̃an, hal.: Filipinas, España, América, at ibá pa. At pará sa akin, yamang ang isá’t isá ay may katuwirang pinagbábatayán ay kapuwà ko silá iginalang gaya ng̃ mábabasa sa kabanatang itó.

[41] Ang pagbábahaging itó’y sinipì ko kay G. Eusebio Daluz.

XI KABANATA
Kung paano ang pagpapalít sa Wikàng Tagalog ng̃ mg̃a titik na walâ sa kanyá

Gurò. ¿Paano ang pagpapalít sa Wikàng Tagalog ng̃ mg̃a titik na walâ sa kanyá?

[320]

Nag-aaral. Gaya na ng̃ násabi, ang isáng salitâng dayo na kinasasangkapán ng̃ mg̃a titik na walâ sa atin ay dapat na ihanap ng̃ titik na katimbáng, katulad ó katalamitam.

UKOL SA C

G. ¿Anó ang katumbás ng̃ titik na itó sa atin?

N. Ang titik na iyán sa mg̃a salitâng kastilàng ca, co, cu, ay katumbás sa tagalog ng̃ ka, ko, ku; hal.: vaca, cobre, cuadro, atbp. ay dapat gawíng baka, kobre, kuadro. Ng̃unì’t sa mg̃a salitâng ce, ci, ay kawang̃ís ng̃ s sa atin; p. h.: Cicerón, cédula, céntimo, ay dapat isulat ng̃ Siserón, sédula, séntimo.

HINGGÍL SA CH

G. ¿Anó ang katumbás ng̃ ch?

N. Ang katumbás na katumbás ng̃ titik na itó sa ati’y ang pagsasama ng̃ t at s. Halimbawà: China, chapa, chapín, cha, chicharrón, lancha, chocolate, escabeche, ay dapat gawíng Tsina, tsapa, tsapín, tsa, tsitsarón, lantsa, tsikolate, eskabetse.[42]

TUNGKÓL SA F

G. ¿Anó ang kawang̃ís sa atin ng̃ f?

N. Ang titik na itó’y kawang̃ís ng̃ p; kayâ dapat isulat ng̃ Pebo, pilibustero, peria, ripa ang mg̃a salitâng kastilàng Febo, filibustero, feria, rifa.

[321]

UKOL SA J

G. ¿Anó ang katulad nitó sa ating wikà?

N. Ang katulad ng̃ titik na itó ay h. Halimbawà: Japón, jardín, jamón, jaula, ay dapat isulat na Hapón, hardín, hamón, haula. Ng̃unì’t kung minsa’y s ang nakákawang̃ís, paris halimbawà ng̃ salitâng jabón ay dapat gawíng sabón at dî habón.

HINGGÍL SA LL

G. ¿Anó ang katimbáng ng̃ ll sa tagalog?

N. Ang katimbáng ng̃ titik na itó’y ang ly, hal.: cigarrillo, bachiller, sillón, at ibá pa ay dapat gawíng sigarilyo, batsilyer, silyón. Kung minsa’y y lamang ang nagigíng katumbás, hal.: caballo, cebollas, galleta, atbp., ay dapat isulat na kabayo, sibuyas, gayeta.

TUNGKÓL SA Ñ

G. ¿Anó ang katumbás ng̃ titik na itó?

N. Ang paglalakip ng̃ n at ng̃ y ay siyáng nakákatumbás ng̃ ñ. Halimbawà: España, puñál, cañón, cáñamo, pañoleta, atbp. ay dapat gawíng Espanya, punyál, kanyón, kányamo, panyoleta.

UKOL SA Q

G. ¿Anó ang kawang̃ís ng̃ q?

N. Ang titik na itó sa mg̃a salitâng qua, que, qui, quo, quu, ay kawang̃ís na kawang̃ís ng̃ ka, ke, ki, ko, ku, sa ating wikà. Halimbawà’y dapat gawíng kebrado ang quebrado, kerubín ang querubín, kilógramo ang quilógramo, kiosko ang quiosco, at ibá pa.

HINGGÍL SA RR

G. ¿Anó ang katumbás nitó sa ating mg̃a titik?

N. Ang mg̃a salitâng hirám na may ganyáng titik [322]ay katumbás lamang sa tagalog ng̃ r, hal.: Correo, carro, atbp. ay dapat lamang gawíng koreo, karo.

TUNGKÓL SA V

G. ¿Anó ang katulad sa atin ng̃ v?

N. Nakákawang̃ís nitó ang b sa tagalog, hal.: bintana, berbo, bapor, bara, atbp. sa lugál na ventana, verbo, vapor, vara.

UKOL SA X

G. ¿Anó ang katimbáng ng̃ x?

N. Dapat munang matantô na ang titik na itó’y binubuô ng̃ k at s, at sa tagalog namá’y nakákatimbáng ng̃ ks. Halimbawà, ang mg̃a salitâng kastilàng Sintaxis, exámen, sexagésima ay dapat gawíng Sintaksis, eksamen, seksagésima. Ng̃unì’t kung minsa’y nakákatumbás lamang ng̃ s, hal.: excomulgado, extranjero, expediente, ay ginagawâng eskomulgado, estranghero, espediente.

HINGGÍL SA Z

G. ¿Anó namán ang katumbás ng̃ z?

N. Ang titik na itó’y katumbás ng̃ s. Halimbawà: Zamora, zapatos, zarzuela, atbp. ay dapat isulat nang Samora, sapatos, sarsuela.

TALABABÂAN

[42] Lubhâng marami ang nápapansin kong ang ch ay itinitimbáng lamang sa s, kayâ kung gawín ang chapa, chapín, lancha, cha, ay sapa, sapín, lansa, sa, mg̃a salitâng bukód sa pang̃it ay hindî angkóp sa talagáng kátuturán.

XII KABANATA
Mg̃a salitâng daglî na malimit gamitin sa Wikàng Tagalog

Gurò. ¿Bakit ginágamit ang mg̃a salitâng daglî (ó abreviatura)?

Nag-aaral. Ang mg̃a salitâng daglî’y ginágamit upáng mápadalî ang pagsulat.

G. ¿Dapat bagáng gamitin sa tuwîtuwî na ang mg̃a salitâng daglî?

N. Ang paggamit nitó’y hindî namán sa lahát na kundî sa mg̃a salitâng kailang̃an lamang na pinahihintulutan ng̃ Balarilà.

[323]

G. ¿Marami ba sa wikàng sarili ng̃ mg̃a salitâng daglî?

N. Hindî pò lubhâng karamihan, at ang palasák na ginágamit ay ang mg̃a sumúsunód:

A.: N.: B.: Anák ng̃ Bayan.
atbp. at ibá pa.
Bb. Binibini.
bhy. bangháy.
blg. bilang.
Bt. Binatà.
kab. kabanata.
Kag. Kágawarán.
Kal. Kalihim.
kap. kapisanan.
K.: K.: K.: Kataastaasa’t Kagalanggalang na Katípunan.
Kgg. Kagalanggalang.
Kin. Kinatawán.
K. P. Kapulùáng Pilipinas.
G. Ginoó (sa lalaki).
GG. Mg̃a ginoó.
Gg. Ginang (sa babae).
Hal. ó hlb. Halimbawà ó halimbawà.
h. n. k. humahalík ng̃ kamáy.
H. K. Hesukristo.
mg̃a mang̃a.
ng̃ nang.
Pg̃lo. Pang̃ulo.
Pg̃lw. Pang̃alawá.
P. H. Pang̃inoóng Hesukristo.
p. h. paghalimbawà.
Sam. Samahán.
S. P. Sangkapulùáng Pilipinas.
Tud. Tudlíng.

[328]

Patalastas:—Ipagpaumanhín na ng̃ babasa ó ng̃ mag-áaral ang kauntîng kakulang̃áng nangyari sa pagpápalimbág ukol sa kákapusán ng̃ mg̃a titik na tumbá (ó letra cursiva) ng̃ Limbagan.

Ipagpaumanhín na rin ang iláng kamalìáng hindî naiwasan sa pagpápalimbág nang náuukol sa mg̃a titik at sa mg̃a kudlít. Sakâ na malulunasan ang mg̃a bagay na itó sakalìng mangyari ang ikalawáng pagkálimbág ng̃ aklát na itó.

MG̃A AKLÁT NG̃ KUMATHÂ NITÓ

BAYAN AT PAG-IBIG.—Mahalagáng aklát na nagsasalaysáy ng̃ mg̃a dakilàng súliranín at matataás na paláisipán na náuukol sa Bayan at Lahì. Iniháhandóg sa madlâng kapisanang tatág sa Sangkapulùáng Pilipinas, at nilagyán ng̃ mahalagáng paunawà ni G. Honorio López.—Halagá: ₱ 0.50 sa Maynilà at ₱ 0.60 sa Lálawigan.

GRAMATIKANG TAGALOG.—Binubuô itó ng̃ apat na bahagi: PagbigkásProsodia), PagkilalaAnalogía), PaglalakipSintaxis) at PagsulatOrtografía). Aklát na nagtuturò at nagpapáliwanag ng̃ tumpák na pagsasalitâ at matuwíd na pagsulat sa Wikàng Tagalog. Ang salitâng ginamit ay wagás na tagalog, kayâ’t ang sino mang makabasa’y madalîng matututo kahì’t na walâng gurò.—Ang halagá’y ₱ 1.30 lamang sa Maynilà at ₱ 1.56 namán sa lálawigan patí ng̃ gugol sa pagpápadalá.

GURO NG BAYAN.—Binubuô itó ng̃ tatlóng aklát na maháhalagá: Gramátikáng Tagalog, Aritmétikáng Tagalog, at Heograpíang Tagalog. Ang Gramátiká’y nagtuturò ng̃ tumpák na pagsasalitâ at matuwíd na pagsulat sa Wikàng Tagalog, ang Aritmétiká’y nagsasalaysáy ng̃ pagbilang ng̃ kanyáng apat na tuntunin (ó cuatro reglas principales) at ibá pang sakláw ng̃ pagtutuús, at ang Heograpía’y nagpapáliwanag ng̃ mg̃a karunung̃ang náuukol sa mg̃a ilog, pulô, dagat, bansá, bayan, lupàín, at ibá’t ibá pa.—Halagá: ₱ 1.00 sa Maynilà at ₱ 1.26 sa Lálawigan.

Ipahatíd ang sulat sa bahay ng̃ kumathâ, Santamesa, blg. 467 (looban blg. 3) Sampalok, Maynilà, K. P.

Talâ ng Tagapagsalin

Ang pabalat ay ginawa ng tagapagsalin at inilalagay sa public domain.

Iwinasto ang pagbabantas (punctuation), ang pagbabaybay, at ang pag-eestilo sa teksto.

Pinag-ayon at iwinasto ang pagtutuldik sa mga salita, para malunasan ang kakulangan sa mga nakatuldik na titik, lalo na ng titik at mga titik na may mga tuldik na paiwa (`) at pakupya (^), ng mga tipo na ginamit sa orihinal para sa mga pahilig na teksto, mga talababa, at mga pamagat ng mga bahagi, kabanata, at seksyon. Ginawa ang mga ito maliban sa pamagat ng aklat at mga pagbanggit nito sa teksto (“BALARILANG TAGALOG” o “BALARILA”), at maliban sa mga pamagat ng mga aklat ng may-akda na nakatalâ sa hulihan ng teksto. Pinanatiling walang tuldik ang mga ito gaya nang sa orihinal.

Pinag-ayon rin ang paggigitling sa mga salita at ang pag-eestilo ng mga pamagat ng mga seksyon.

Ginawang tatlo ang mga tuldok ng lahat ng mga elipsis (...).

Ang mga ilang naulit na halimbawa sa teksto ay pinanatili gaya nang sa orihinal.

Inilipat ang Tuntunin mula sa bandang hulihan ng teksto. Ang mga seksyon sa mga Kabanata III at XI ng Ikaapat na Bahagi ay hindi nakatalâ sa orihinal.

Ang mga ilang bilang ng pahina ay wala dahil sa mga tinanggal na blankong pahina. Ang mga pahina 324–328 ng orihinal ay naglalaman ng Tuntunin, na inilipat sa bandang unahan. Ang mga seksyon sa mga Kabanata III at XI ng Ikaapat na Bahagi ay hindi nakatalâ sa orihinal.